<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, June 25, 2011

Happy birthday, Mom!
AIRPHILS ETD MNL 5AM TERMINAL 3 ETA CEBU 6:10AM ... ETD CEBU 10:40 PM, ETA MNL 11:50PM.

Yan ang flight details ng  birthday gift sana na Cebu-Bohol tour para sa mahal naming ina pero dahil hindi pa raw nya kayang bumiyahe gawa ng dinaraing na palpitations at pananalasa rin ang bagyong Falcon, ipinagpasya'ng huwag ituloy.  Anyway, P88/head lang naman ang air fare at puwedeng i-rebook yung hotel accommodation.

Isipin nyo, kung itinuloy namin, kutaku-takot na pandaraya na naman sa pangalan (syempre, kailangan ng proxy para sa Mommy at Daddy ko) tapos birthday na birthday ni Inay, sila lang ng Dad sa Manila ... ang lungkot naman 'nun!

Happy naman ang Mommy sa naging decision at happy na rin naman ang celebration.  Masama ang panahon kaya sa bahay na lang ang kainan at ngawaan.

Mommy, ang kaligayahan n'yo ay kaligayaran din namin.  Happy, happy birthday!!!  Sana makabiyahe na tayo next year.

Photobucket
Birthday Mom

Photobucket
Mom with FMG .... este, Dad

Photobucket
Lunchtime!

Photobucket
Pancit for merienda

Photobucket
Finished product ... daming rekado ng pancit ... YUM!!!

Photobucket
Carbonara pa ...

Photobucket
Chiffon cake from Pacman

Photobucket
Birthday cake from Jenny and Emjhay

Photobucket
Clockwise:  Francis aka Pacman, Kiko, Ghelay, Tet, Dad, Ellen, Hajii, Jenny, Teejay (wala sa camera, nag-inarte ... ako rin wala sa picture k'se ako ang nag-shot ... hehehe)

Photobucket
Make a wish ...

Binalibag Ni Choleng ng 1:39 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 23, 2011

Bonggang Bogelya
"On May of 2011, a friend of mine started teasing our mutual friend on her well-developed attributes and inspired me to write this song." -- Conrad Mananes

Alam nyo na kung sino yung mutual friend na may "well-developed attributes."  Enjoy.  Sana mapansin ng Bubble Gang.  Pwede ring kanta ng SexBomb.




Binalibag Ni Choleng ng 10:03 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 19, 2011

Sama-sama sa Wensha
Father's Day na, 150th birthday pa ni Rizal!  May koneksyon?  Meron!  Pareho silang Ama, pero panigurado ako'ng mas bongga ang Daddy ko dahil for sure, hindi nai-treat si Rizal ng anak nya sa Wensha katulad ng ginawa namin.  Teka, may naging anak ba si Rizal at may spa na ba noon?

Medyo expensive ang mga package pero minsan-minsan lang namang mag-bonding ang pamilya sa spa kaya pwede na.  Yung common lang ang kinuha ng majority -- spa and massage na may kasamang eat-all-you-can, kiddie spa sa kasama naming dalawang kuting at syempre, the works ang kay Father -- spa, massage, manicure, pedicure, foot spa ... talagang super pampered si ama, o di ba?

First stop:  Sauna/Jacuzzi

Puwera kay Girlie at Francis (BF ng kapatid ko), first time naming lahat sa Wensha.   Naaliw daw ba ako sa binigay na bracelet sa bawa't isa sa amin na nagsisilbing package indicator at sensor-type na mechanism para sa locker.

Magkahiwalay ang sauna/jacuzzi area ng babae at lalake at dapat lang dahil bawal magsuot ng kahit na ano'ng saplot sa loob.  At dahil first time nga, hiyang-hiya kami ng kapatid kong si Ellen pati na Mom ko na mag-nude pero no choice.  Kailangang i-expose ang mga bilbil at kalamnan.  Buti na lang sanay ako'ng mamasyal sa kuwarto ko ng naka-undies lang pero nakakahiya talaga pag full nudity.  Eeewww.  Kaumay!

Mga 20 minutes lang yata ako'ng nag-jacuzzi dahil sa sobrang init.  Grabe, feeling ko naluto ang mani ko!  Sinubukan ko naman ang sauna.  Sumungaw lang ako sa steam, umatras na ako dahil feeling ko malulusaw ang contact lens ko.  Mga 10 minutes lang ako sa dry sauna dahil nahirapan akong huminga.  Parang nasa loob ako ng oven!

Second Stop:  Common Area

Walang may dala ng cellphone sa amin pero parang nag-usap na nagkakita-kita kami sa common o dining area.  Nakakagutom siguro talaga ang "mailaga."

Okay naman ang pagkain.  Daming choices, may shabu-shabu at ice cream rin pero dahil nagda-diet ako (oo, matagal na!), konti lang ang kinuha kong food.  Masarap din naman kaso may galit yata sa spices ang chef dito.  Ang anghang ng ginisang gulay pati na rin ng pancit!  Sobrang enjoy naman ang Mom ko pati na rin ang bayaw kong si Hajii sa shabu-shabu.  Luto galore sila!

Final Stop:  Massage/Pedicure/Manicure

Matapos mag-dinner sa common area, hiwa-hiwalay kami ulit.  Ang Mom, Dad, Girlie pati na si Hajii sa  manicure/foot spa area (huwag kayong maingay, naghahalinhinan sila ng bracelet para makonsumo ang mga package)  doon naman kami ni Ellen sa body massage.  'Yung dalawang bata?  Tumambay sa manicure area k'se kada customer, may TV dun, cable pa.

Dati na akong nagpapamasahe pero first time kong makaranas na parang nagkalasog-lasog ang mga buto ko.  Lamas-lamasin ba ng todo ang katawan ko at tapak-tapakan daw ba!  Tinanong ko yung nagmamasahe kung ano'ng masahe ang ginagawa nya, Swedish daw.  Nakupow! Sinubok ko lang kaya pinayagan ko ang masseuse na gawin ang lahat ng gagawin pero promise, hindi na ako uulit.  Hanggang reflexology na lang ako.

Mga bandang 6:00 nang dumating kami sa Wensha, mga 10:00 ng gabi, umalis na kami.  Hay sarap ng tulog ko sa common area.  Hahaha!!!

Hay, natapos na naman ang isang family bonding, ano kayang naiiba ang susunod?  Hmmm ...

Heto ang mga larawan:

Photobucket
Jenny on our way to Wensha.  Pwede ng mowdel, uma-aura kahit hindi turuan

Photobucket
The works na package for Dad k'se it's his day.  Inaasar nga namin ang Mommy k'se kinabog ang Mother's Day celebration n'ya.

Photobucket
Titig na titig si Mudra sa mga package.  Napakamahal daw!  Inarte, lahat ng package inayawan.  Nauwi sa body at foot spa.

Photobucket
Eat all you can matapos mag-sauna.  Kakagutom! 

Photobucket
Diet ako kaya ito lang ang kinuha ko.  Grabe ang pancit canton, sobrang anghang!

Photobucket
Mom and Dad enjoying the bonding moments
Photobucket
The Cabusoras

Photobucket
Ang magdyowa, Girlie and tago-tago Francis

Photobucket
Cute ng uniform ... hehe

Photobucket
Pose pa!  

Photobucket
Sige, samantalahin ang all-you-can.  Di rin naman ako masyadong nakakain k'se di kasarapan ang luto.  Ewan ko ba, galit yata sa spices g ang chef dito.  Pati ginisang gulay ang anghaaang!!!

Photobucket
Dito nag-enjoy ng sobra si Mother, sa shabu shabu.  Puwede nya kseng kainin eh, walang mantika at puro gulay

Photobucket
Chef Hajii preparing another round of shabu shabu.  Ang sarap pala ha!

Photobucket
Like!  Like! Like!

Photobucket
Huy, anong pinagdidiskusyunan nyo?  Kung kanino susunod makikipagpalit ng bracelet?  Hahaha!
Photobucket
My favorite part!

Binalibag Ni Choleng ng 1:38 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 18, 2011

Kuyog invades EK

Location:  Enchanted Kingdom, Sta Rosa, Laguna

Binalibag Ni Choleng ng 1:37 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 16, 2011

Look who hopped back?

Matapos ang halos tatlong buwang paglalagi sa lupain ng mga kangaroo, muling nagbalik ang haligi at mentor ng Metanoia.  Welcome back, Lea and Emil.  Mahirap noong mawala sila pero pinilit kayanin ng grupo.  Sa pagbabalik ng puwersta, pihadong mamamayagpag na naman ang grupo.

Binalibag Ni Choleng ng 1:37 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 14, 2011

Honga
Signboard ng nasakyan kong jeep kanina:  Bawal ang barker, pahamak lang sa driver.

May tama ka, Manong!

Binalibag Ni Choleng ng 10:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 04, 2011

3 in 1 sa bahay ni Kuya
Photobucket
Felle at 10 -  dalaginding na!

Photobucket
Munting salu-salo mula sa mga nag-birthday -- Kiko and Gab, at sa magbe-birthday, Felle.  Yummy!


Photobucket
Mga busog na ayaw pang umalis sa table.  Dalaga na si Mariella!

Photobucket
Happy birthday, Felle!

Photobucket
Highlight of the party:  Ella's FB Lecture from the birth celebrant.

Photobucket
Talagang serious ang dalawa sa lektyuran.

Photobucket
Facebook Q&A Portion.  Sige na mga tita.  Tanong na nang tanong para hindi magulo ang group natin sa FB.

Photobucket
Session ang mga Kuyog guys, as usual.  May Tanduay Ice ba?  Patagay!!!

Photobucket
So 'pag 10 pwede nang mag-eye shadow, Felle?

Photobucket
Puppet Smile!

Binalibag Ni Choleng ng 1:36 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 03, 2011

Assassinated by the assassin
Kinilabutan ako nang pagbangon ko ay may tumalilis na tila-ipis sa kama ko.  Pamilyar na sa akin ang insekto dahil ilang beses ng napapak nito ang isa kong kapatid, pati na rin Mommy ko kaya naman hinabol ko ng sinelas para mapatay pero malas, hindi ko naabutan.  Winisikan ko na lang ng Baygon ang lugar na sa tingin ko ay pinuntahan nya.  Hmp!  Sana mamatay.

Wala naman akong nakitang pantal at wala ring nangati sa katawan ko kaya naisip kong baka napatambay lang ang insekto sa kama ko ... parang yung kadadalaw lang na palaka.

  

Maling akala.  Delayed lang pala ang propagation ng kamandag ng peste kung kaya't bandang madaling-araw, matapos kong mag-"lunch," at saka ako nakaramdam ng pamamanhid ng ulo na maya-maya lamang ay sinundan ng matinding pangangati ng mukha, kamay at likod.  Ilang sandaling kakakalkal at naglabasan na ang mga pantal.  Merong maliliit sa paligid ng mata ko ... sa kamay ... pinakamalaki sa likod ko.  Tsura ng mapa ng Greenland!

Grabe!  Mapupula at makakati ang mga pantal na lalo pang namamaga habang kinakalkal.

Makalipas ang dalawang araw, saktong naiibsan na ang kati at nagsisimula nang mangitim ang mga pantal,  natagpuan ko ang salarin -- matigas na at nakasiksik sa siwang ng kahoy na sahig ng kuwarto ko.  Itatapon ko sana pero naisipan kong kunan ng larawan at i-post sa Facebook

Ilang kaibigan ang nakisimpatiya, nagbigay ng mga kuru-kuro at nagsaliksik.  Isa pala itong assassin bug o triatomine at makikita lang siya sa poor and rural community.

Okay, tanggap ko ang karukhaan namin pero mas nakakaloka ang ilan pang nakasaad: "triatomine infestation especially affects unkempt dwellings."  Ang kuwarto ko unkempt? Eh ito ang pinakamalinis na bahagi ng bahay namin. Yun nga lang, sa ilalim ng kuwarto ko, andun ang bodega ng maliit naming tindahan.

Anyway, mabuti na lang at napatay ko siya at tulad ng isang pamosong mamamatay-tao, hindi ko pinisa at itinapon ang insekto.   Nilagay ko sa basyo'ng bote'ng may alcohol at nilagyan ng label:

Maninipsip ... wag pamarisan.  Hmp!

Binalibag Ni Choleng ng 10:06 AM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com