<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Tuesday, April 26, 2005

Ang Kunduktor
3 days ko ng natitiyempuhan ang bus na ito. Tipikal na aircon bus pero kung bakit di sya maalis sa isip ko (at isulat pa ba sa blog) eh sya lang ang nagdadaan ng mga 4:30 a.m. sa Guadalupe at dahil na rin sa kunduktor nito.

Bakit kamo? Tama ba namang kahawig sya ng nasira kong asawa? Talaga! Pareho sila ng mata, ilong, kilay, as in yung buong bukas ng mukha. Mas matangkad nga lang, mas stocky at hindi mukhang addict. Balatuba rin kse narinig ko sya minsan na sumigaw ng “’Tang’ina mo rin!”

Hay, meron nang magpapaganda ng umaga ko! (Hitad!)

Binalibag Ni Choleng ng 9:16 PM at 2 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 25, 2005

DR Nursery
DR na Nursery pa, meron ba nun? Meron, nandito sa PS. Sa dami ng newbie sa account namin mistulang nursery. Sila ang Baby, kame ang nanny. How time flies. Just a year ago, kami yung newbie. Makarinig lang ng beep, nangangatal at nanlalamig na sabay hagilap sa sandamakmak na cheat sheets pero ngayon “vet” na raw kme. Tingnan mo nga naman. Araw-araw phone sims. Minemeryenda na nga lang namin pero carry lang. Basta sa ikauunlad ng account, ipagpatuloy.

Binalibag Ni Choleng ng 9:15 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 18, 2005

Ano ba naman?
Every once in a while, nakaka-encounter kame ng mga demented Americans. Mga Kano na alam na ang call center ay naka-base sa Asia (India or Philippines) at hindi matanggap na nasa atin ang trabahong dapat sa kanila napunta.

Sa kasamaang-palad, may nakausap ako kanina na member ng Association of Demented Americans. Aba, pagkasagot ko pa lang eh ask agad sya, “Are you an Indian?” Syempre sabi ko hindi! (Eh talaga naming hindi…pinoy akoh!) Next question nya, “Where am I calling from…?” Eh di sabi ko California. Hirit ule ng hunghang, “Of course you’re not in California because you don’t sound like you’re in California…”

Naramdaman ko na walang patutunguhan ang pag-uusap naming kaya sinabi ko na lang (na totoo naman…) “I think there’s something wrong with our connection, would you like to call again?” Sagot ng tungak, “Yeah, I think I’ll do that…” Sabi ko ule in my nicest voice, “Thank you.” Sagot ba naman ng gago, “Thank you, stupid bitch!”

Makatarungan ba yun? Two weeks na nga akong walang benta, tinawag pa akong “stupid bitch?” ‘Pag nga naman sinusuwerte ka!

Binalibag Ni Choleng ng 10:59 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 16, 2005

EOP
9 days lang ako nawala, pagbalik ko EOP na! Apektado ba ako? Hindeeeh!!! Operation Choleng Accent!!!

Binalibag Ni Choleng ng 5:06 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, April 12, 2005

Aparri, Tuguegarao, Camiguin atbp…Bow!
Grabe! Di ko akalain na makakarating ako sa pinatuktok ng ‘Pinas. Imagine, nakarating ako sa Aparri at di lang sa Aparri kundi sa isla na limang oras ang layo sa mainland at isang dura lang ang lapit sa Batanes.

Outreach kse ng choir kong Metanoia sa Camiguin. Ang dali lang naman palang puntahan ng islang ito. From Manila, sakay ka ng bus papuntang Aparri. Matapos ang ilang panaginip (12 hours po ang byahe) eh Aparri na. Sakay ka naman ng bangka papuntang Camiguin. Mga limang oras naman yung byahe. Mahirap puntahan pero pag nandun ka na sulit ang pagod mo kse ang ganda ng lugar, very hospitable ang mga tao tapos special ang pag-asikaso ni Father Aucks sa amin.

Dominican Missionary House yung tinigilan namin. Thursday night, kumanta na kme sa misa para magparamdam. Nang makita ko kung gano kakonti ang nagsisimba, naunawaan ko na kung bakit kame inimbitahan ni Father. Gusto nyang engganyuhing magsimba ang mga tao through music. Isip-isip ko, hanep, para eksena sa Sister Act.

So for the next two nights, kumanta kami sa misa ni Father. Nakita ko yung paghanga at amazement nila sa amin. Patok din ang concert namin. Yung iba, naglakad pa ng mga isang oras makapunta lang sa simbahan ng Balatubat (yun ang name ng lugar na tinigilan namin) para mapanood kame. Nakakataba rin ng puso!

Kulang ang 3 araw na pagtigil namin dun kaya kahit na pagod na pagod na kme, siniksik namin ang mga activities. Imagine, sa isang araw, nagawa naming mag-beach tapos manginain ng buko sa hapon. (Namputsa, na-shoot pa ang paa ko sa palayan! Eeew!) Ang ganda ng beach! Super linaw ng tubig, super linis pa. Imagine, kami lang ang nandun! Kung ide-develop siguro, walang panama ang Boracay!

Nung sumunod na araw naman, nagpunta kami sa Tapao falls na di namin akalain eh ang hirap palang puntahan. Sabi kse ni Father, mga 2 hours lang daw lalakarin. Di naman sinabi na masukal ang dadaaan kaya kaming mga engot, nag-trek ng naka-bathing suit! Anyway, lahat ng sakit ng balakang ko (ilang beses akong bumalabag sa batuhan) at gasgas ay nawala nang makita namin ang falls. Ang ganda! Virgin na virgin!

May na-meet rin kaming mga WWF guys na pinag-aaralan ang mga balyena na tatambay-tambay sa coast ng Camiguin. Inimbitahan nga kame na sumama sa whale-hunting nila kaso yung iba kong ka-choir, kelangan ng bumalik ng Manila by Monday so sabi ko kay Rolly (one of the WWF boys), manonood na lang ako sa National Geographic. Kung nakamamatay siguro ang tingin, pinatay na ako ng irap ni Rolly.

As a whole, success ang outreach namin. Parang gusto ko ngang maiyak nang nagpapaalaman na. Naiiyak ako kse naiisip ko ang 5 oras na bubunuin namin sa laot tapos 12 hours sa bus. Biro lang. Seriously, medyo sad din kami ng nagba-bye na kami sa kanila. Kelangan bumalik kame next year para makita ang balyena. May kuryente na raw at Smart cell site next year. Harinawa!

Medyo malakas ang alon sa Babuyan Channel pero buhay naman kaming nakarating sa Aparri. Tumuloy muna kami sa Lyceum of Aparri para mag-retouch at kumain. Feeling celebrity kame sa pag-aasikasong ginawa ng mga taga-Lyceum sa amin. Sila na rin ang nagpa-reserve ng ticket namin kaya ang ginawa lang namin eh tumanghod sa gate ng Lyceum at hinintay ang pagdaan ng Florida bus.

This is one adventure na di ko makakalimutan. Ang dami kong natutunan sa Camiguin adventure na ito. Isa-isahin nga natin:

1. Dalawa pala ang Camiguin, meron sa North, meron din sa South.
2. Ang capital pala ng Cagayan eh Tuguegarao.
3. Pwede ka palang mag-alis at magkabit ng contact lens kahit umaandar ang bus.
4. Contact lens pa ule. Pwede ka palang magkabit nito sa tabing-dagat.
5. Pag pala ihing-ihi ka na, kahit saan iihi ka. Naranasan kong umihi sa CR na walang toilet bowl (sa Tuguegarao yun!)
6. Mas mahal ang taho sa Tuguegarao (akala ko ba probinsya toh?)…di pa masarap! Dun pa rin ako sa magtataho ng Ayala. P10 lang, solb na solb ka na.
7. May amnesia ang mga tricycle drivers ng Aparri dahil di nila alam kung magkano ang pamasahe mula bayan papuntang pritil (sakayan ng bangka) at di rin nila alam kung magkano ang pamasahe mula pritil hanggang Lyceum of Aparri. “Kayo na lang ang bahala…” yun ang sagot nila pag tinanong mo kung magkano. Ano kami turista? Mga ungas!
8. Pag pala limang oras kang nagbangka, sunog na ang balat mo, ang sakit pa ng wetpu mo!
9. May lugar pa pala sa Pilipinas na walang kuryente at ng cell site.
10. May lugar pala sa Pilipinas na walang jeep at tricycle.
11. Naka-Dream Satellite ang mga nakaririwasa sa isla. P750 daw ang monthly fee, 35 channels, kasama rin ang local channels. Ay, mas mahal sa DirecTV!
12. Maraming bagay na hindi natin binibigyan ng pansin ang napakahalaga sa iba.
13. Pwede ka palang maligo ng bukas ang pinto ng CR…wala namang kuryente eh, ano bah!
14. Pag madilim ang paligid (kse nga walang kuryente!) ang sarap mag-star gazing.
15. Ang sarap ng buko pag bagong lagabog mula sa puno at libre.
16. Pag magte-trekking ka, ‘wag mag-bathing suit.
17. Lagi kang lilingon kase baka may maiwan kang kasama.
18. Lahat pala ng umaalis at dumadating sa isla eh kailangang mag-report sa Coast Guard. Pinalista pa ang mga pangalan namin. Natakot tuloy ako…eh kung lumubog pala kami sa Babuyan Channel eh di na-announce pangalan namin sa TV Patrol Woooorld!!!
19. Ang sign na nasa city ka na eh may Jollibee.
20. There’s no place like home!

Binalibag Ni Choleng ng 12:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 06, 2005

Spokening Dollars
2 days na akong nag-a-outbound, napapasabak ang kokonti kong stock ng English, naubos tuloy!!! Nampoocha k’seng credit check yan, kailangan pang tawagan tuloy pag bagsak sila. Dami kong kausap…na answering machine!

Binalibag Ni Choleng ng 5:01 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, April 05, 2005

I never work and I never will
Email signature ko ‘to…but it’s not what you think it is! I’m not lazy (meron ba namang Choleng na tamad???) at sorry, RJ, hindi “lagi akong nasa ilalim” ang ibig sabihin nyan!

Nakuha ko ang phrase na ‘to from a short story way back in Grade 5. Nakalimutan ko na ang title ng story pero isang masipag na carpenter ang bida dito. Sobrang masipag siya kaya ang daming nagtataka kung bakit ang nakapaskil sa door nya, “I never work and I never will.”

Nang tanungin ng mga bata ang carpenter, ganito ang paliwanag niya na naging pananaw ko na rin as far as work is concerned. Kung sobra kang enjoy sa work mo, di mo sya iko-consider na work. Para ka lang naglalaro.

Ganyan ang feeling sa job ko ngayon. Sa sobrang pagka-enjoy ko, di ko na nararamdaman na nagwo-work pala ako!

Of course, wala namang perfect na job pero nasasayo na yun kung pano mo dadalhin ang lahat. Oo, hassle pag maraming restrictions pero subukan mong tumingin sa paligid, masasabi mo na mas maganda pa ang kalagayan natin. Walang kokontra!

Binalibag Ni Choleng ng 5:00 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 04, 2005

Bayong Kung Bayong
Start na ng DST. Kaming mga nagpapanggap na nasa US of A, windang na windang! Inagahan ba naman ng one hour ang schedule namin kaya yung ibang kasama ko dito, kung hindi napaaga ng pasok (kunwari dry run!), nag-log off naman ng one hour earlier. Ang saya, undertime and early-in galore!

Ako naman hirap na hirap na nga sa 6:00 a.m. na shift, ngayong inagahan na mas parusa pa! Imagine, 3:00 a.m. pa lang, gising na, makahabol lang sa 5:00 a.m. na shift. Tinalo ko pa ang mga tandang! Ang mas masaya, yung mga kasakay ko sa biyahe. Talagang bayong kung bayong! Minsan may kasakay pa akong tinapay at gulay. Buti na lang walang manok!

Hay, buhay call center! Mahirap pero lamang ang sarap!

Binalibag Ni Choleng ng 4:59 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 03, 2005

The Pope Experience
Non-practicing Catholic ako but since nag-member ako ng choir, medyo nabahiran ng “spirituality” ang buhay ko. Akala tuloy ng iba, religious ako but I keep on telling them na “choir member lang ako, hindi ako religious.” Not that there’s something about being religious pero ayoko lang mag-claim ng isang bagay na hindi naman AKO.

Anyway, di naman tungkol sa akin ang entry na ito kundi kay POPE. Kaninang 4:00 a.m., as I was preparing for work, I was tuned in to MTV (as usual) but out of the blue, naalala ko si Pope. The night before, todo ang feature ng TV Patrol World sa kanya, may matching documentaries pa at feeling ko tuloy, mamamatay na sya. Totoo pala! Paglipat ko sa CNN sinalubong ako ng tunog ng kampana. Nagtaka ako kse di naman ako ganun ka-religious (sabi ko nga!) pero nalungkot ako nang malaman kong iniwan na tayo ni Pope. Many have been telling about the “Pope experience”, the feeling that one gets with his mere presence. Now I felt it and it’s so ironic that I experienced it only when he has left.

Binalibag Ni Choleng ng 4:57 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 02, 2005

Can I have the card verification number of your card??? ENGK???

Binalibag Ni Choleng ng 9:51 PM at 1 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com