BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, July 26, 2005
Kinakabag na ako!
Alam nyo yung amoy ng nilabhang damit na sinampay pero natuyo ng di naaarawan tapos sinamsam, tiniklop at itinago agad sa aparador? Ooo...la...la... the aroma!
Binalibag Ni Choleng ng 10:32 PM
at 1 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 25, 2005
Wais!
First time in the history of the Philippines na holiday ang SONA pero tama lang ang ginawa ni Tita Glo. Bukod sa dagdag 30% sa sahod ng uring manggagawa, bigo pa ang mga rally-freak na magkaroon ng matinding impact ang demonstrasyon nila dahil walang masyadong tao na naapektuhan dahil nasa bahay nga.
Nye...nye...nye-nye-nye!
Binalibag Ni Choleng ng 10:08 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 24, 2005
I love my SKED!
Ang laki'ng difference ng 1 hour! Dati nakakatulog ako sa waiting shed sa sobrang tagal magdaan ng jeep pero ngayon, papalabas pa lang ako ng eskinita, may jeep na. Mabilis ding mapuno ang mga tricycle at jeep (iwas comatose din) at nataon naman na nalipat pa sa bagong home base kaya di ko na kailangang mag-taxi. Byaheng Guadalupe-LRT jeep lang, solb ka na. Magandang schedule, magandang opisina. San ka pa?
Binalibag Ni Choleng ng 12:07 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 23, 2005
Home Base
In fairness, ang ganda ng PSC. Ganda ng ambiance, kahit saan ka tumingin bago ang lahat (puwera lang computers namin!) at di ko nga masisisi kung napagkamalang mall k'se mukha namang mall talaga. Nakakalungkot lang na wala'ng Jollibee pero at least may McDo. Pwede na ring pagt'yagaan.
Wish ko lang wala nang lipatan pero parang nangangamoy. Well, di na ako magugulat kung magkaganun nga.
What's new?
Binalibag Ni Choleng ng 12:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 22, 2005
Why do MEN chase WOMEN?
Eksena 'to sa isang movie na hindi ko alam ang title. Bida dito ang sariwang-sariwang Nicolas Cage (makapal pala ang buhok nya dati) opposite Cher (na sariwang-sariwa din). Whatever the title is, I got amused sa isang eksena kung saan tinanong ng mother ni Cher sa magiging asawa ni Cher (na utol ni Nicolas): "Tell me, why do men chase women?"
Sagot ng utol matapos magkamot ng batok ('Di verbatim 'to ha): "Well it could be because God created Eve out of Adam's ribs. Maybe men chase women because they want it back; or it could be because men is incomplete without it that's why they chase women."
Follow up question ng mother: "Why can't men be contented with just one women?"
Di ko na alam ang naging sagot. I must have dozed off. Pagod si Choleng eh. Whatever, parang mas romantic yung second reason. Tingin n'yo.
Binalibag Ni Choleng ng 12:08 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 18, 2005
The Ultimate Exodus!
July 24 pala ang effectivity ng bagong schedule. Bagong schedule, bagong building.
Sana naman ito na ang huling paglipat ng DR. Mahigit isang taon na ang nakalipas, iisang account lang pero malapit nang maubos ang daliri ko sa kamay sa sobrang dalas ng tour.
2004 nagsimula sa JG 30/F, pinalipat sa Philam 12/F; hinagis sa Export 21/F, pinabalik sa JG 30/F, muling binalibag sa Export 21/F pero ilang linggo lang, pinaakyat kami sa 25/F. Sa 25/F, malapit sa HR dati ang puwesto pero pinausog malapit sa mga kolektor. Matapos lamang ang ilang buwan, balik ulit sa JG 30/F at heto finally, home base na. Sana naman wag na kaming patalsikin dito dahil lubhang kahiya-hiya na. Parang demotion na yun, di ba?
Last day namin ngayon sa JG. Nakakalungkot na nakakatuwa. Noong isang araw lang, atat naming kinuha ang access cards sa PSC. Sandaling pangungulit kay Papa Froilan at sinubok na namin ang "puting" ID sa 3rd and 5th floor. Para kaming inspector na binisita ang CR, pantry at namangha sa lawak ng lugar. Nyeta, mukha nang contact center talaga! Nakaka-amuse din ang Force Desk sa naghuhumiyaw nitong location, tsura ng "command center", sabi nga ni Don.
After the excitement comes fear. Ang dami'ng mga agam-agam at katanungang nagsasalimbayan sa diwa ko. Magagawa pa ba namin ang nakasanayan?
Pwede bang magkape sa station sabay sawsaw ng pandesal na may dari creme, mag-picnic ng Ridges at manginain ng cornik, buto ng kalabasa at popcorn?
Puwede bang magchikahan, pag-usapan ang buhay nang may buhay, magchismisan at magkutuhan (OA na yan!)
Puwede bang mag-battle of the brains, magkantahan at puwede pa ba akong tumawa na para bang huling araw ko na sa mundo?
Dami kong tanong. Sa dami ng camera sa paligid, alam ko namang ang sagot ay isang tumataginting na HINDE!
Well, ganyan talaga ang buhay. Ang tanging permanente ay pagbabago. Sumunod na lang tayo sa agos ng buhay.
So, pa'no? Paalam, mga ipis. Paalam mga tsokaran ko na gasgas na ang ngala-ngala sa pagbabasa ng dalawang pahinang 911. Paalam mga strikers. Paalam, Jollibee Philam at Mini Stop Valero. (Carry lang, marami'ng kainan sa PSC. Mall yata ito, di nyo ba alam?) Paalam, Tae Bus at paalam crush kong kunduktor. Balang-araw, ikaw'y magiging akin!
Binalibag Ni Choleng ng 8:17 PM
at 1 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 17, 2005
Na-a si Jerry
Nakita ko sa trailer ng kapamilya ang isang lumang movie ni Jackie Chan na ipinalabas kagabi (sa kasamaang palad, bangenge na ako mula sa choir practice kaya di ko napanood)
Naniniwala na ako sa sabi ng friend ko na nung kasariwaan ni Jackie Chan, malaki ang hawig nila ni Jerry Yan aka Dao Ming Hzi pero ang higit na ironic eh ang title ng movie...Young Master.
Hindi naman masyadong halata na idol ko si Jerry Yan.
Binalibag Ni Choleng ng 12:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 13, 2005
Bakit kailangang sa Ayala pa?
Pudpod na ang bakya ko, pangalawang araw ko nang maglalakad mula JG Summit hanggang Makati Ave.
Kaninang madaling-araw, defiant akong naglakad sa gitna ng Ayala. Kung may nanita siguro sa aking parak, baka tinadyakan ko pa ang ngala-ngala. Bakit ba? Wala pa naman ang rallyista, sinara na ang Ayala. Tama ba naman yun? Hay, nakakairita!!!
Hoy, mga walang utak! Dun kayo sa Luneta mag-rally, maluwag!
Binalibag Ni Choleng ng 11:05 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 12, 2005
May araw ka rin!
Sabi sa notes ng taga-Sta ana:
Cust Called in and asked to cancel the order bcos he just changed his mind as he wasn't happy with the sales person - EMP. PHILLIP
Punyeta, eh ako yung "sales person eh"!
Napakasinungaling mo! Rapport kung rapport nung magkausap tayo tapos ilalaglag mo ako ng walang kalaban-laban? Mamamatay ka rin, DUKHA!!!
Binalibag Ni Choleng ng 11:10 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 11, 2005
License to F*ck
Gawa siguro ng kulturang isinaksak sa utak ko ng aking ina at lola, talagang sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko lang "yun" (susme, kailangan pa bang i-elaborate!...SEX!) 'pag KASAL lang; pag may marriage contract na meaning may license to f*ck. Kung aglahiin ko ang mga babaeng nakikipag-live in eh ganun na lang. Tingin ko sa kanila, liberated, marumi at promiscuous.
Matapos ang mga mapait kong pinagdaanan, iba na ang kuwento. Lubha ko nang nauunawaan kung bakit pinili nang ibang 'wag magpakasal at mag-live in muna.
Sa isang relationship kase, hindi mo makikita ang tunay na ugali ng partner mo unless nagsama kayo sa isang bubong. Kahit sabihin mo pang sampung taon kayong mag-dyowa, di pa rin lilitaw ang tunay na kulay ng isa't-isa. Pa-tweetums stage, yan ang tawag ko sa BF-GF stage. Kahit labag sa loob, walang magawa kundi pumayag.
What better way to get to know each other than live together.
Iba k'se pag nagsasama. Ito ang ultimate test kung magki-click kayong dalawa as a "couple" (oo na, damay na dito ang compatibility sa sex); kung magdya-jive ba yung mga lifestyles ninyo at kung kaya'ng n'yong mag-adjust sa likes and dislikes ng isa't-isa. Alam n'yo bang ang simpleng pagpindot sa gitna ng toothpaste eh puwedeng pagsimulan ng iringan?
Hindi ko naman sinasabi na mag-live in tayong lahat. Hindi naman siguro makatarungan na makikipag-live in sa partner na hindi pa gaanong marubdob ang feelings mo o naka-fling lang, magsasama na. Ayaw ni Lola Madonna ng ganyan.
Kapag siguro nakakita ka ng partner na nakikita mo ang sariling mo'ng kasama siya sa pagtanda, siya na yun. To hell with the "license".
Binalibag Ni Choleng ng 11:08 PM
at 2 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 08, 2005
Nagkalat ang utak
(Sarswelang Giba-giba Part II)
Hinde! Walang nasagasaan ng MRT at wala ring nabaril sa sentido. Ang tinutukoy kong nagkalat na utak ay pag-aari ng mga misguided na nilalang na tila nag-excursion ang utak kaya hindi na nakakapag-isip ng maayos.
Unahin natin si Widow #1 na kasasabi lang nung isang linggo na "I'm too old to lead People Power", heto at televised pa ang appeal nya na bumaba na sa puwesto si Aktres #1. Sarili nga n'yang anak di sya sinusunod, si Aktres #1 pa kaya?
Isa pa 'tong si Aktres #3 (yes, dumadami ang aktres!) na anak ng ultimate aktres who loves everything bee-yooo-tiful na sinabi sa interview na si Aktres #2 a.k.a. Widow #2 ang gusto nyang maging pangulo k'se SOLID sya. Kelan pa? Ano kayang reaction ni Aktres #2 at Press 1 & 2 dyan?
Hay, baligtaran dito, baligtaran dun. Kampi dito, kampi dun. Emote dito, emote dun. Ang gulo-gulo na!
Dumagdag pa sa naghambalang na utak ang utak ng ilang libong ralyista sa Ayala nung Biyernes. Alas-3:00 pa lang ng hapon, nagtipon-tipon na sila. Di naman sa nanglalait ako pero mga mukha silang pusakal. Alam ba nila ang pinaglalaban nila? (Guwapo ni kapamilya Alex Santos, by the way) Tanong ko nga kay Fern and JM, may mga sumasama ba sa rally na may ipinaglalaban talagang idelohiya o karamihan talaga sa kanila eh freebies lang ang habol?
Kinakabahan ako. Bilang kawani ng isang American firm, natatakot ako na mag-pullout ang mga onaks pag nakita nilang ganito kagulo sa atin. Pag nag-pullout, wala na. Balik taga-timbang ako ng asukal. (Ayoko na!!!)
Hay, sumasakit ang ulo ko. Uy, sumasakit! Ibig sabihin, intact pa ang utak ko. Tigilan ko na nga ito bago pa sumabog.
Binalibag Ni Choleng ng 8:44 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, July 07, 2005
Wagi at Sawi
WAGI!
Matapos ang mahigit walong buwang kalbaryo, nag-shift bid rin. Mantakin nyo yun, ilang buwang pagtitiis! SA WAKAAAAAS!!! Tanungin nyo kung ano 'ng schedule ang pinili ko (nanginginig-nginig pa ang kamay ko sa pagsulat sa form huh)... TAMA! Maggugulay schedule pa rin. Wala eh nasanay na.
WAGI!
At bakit kamo parang sigurado ako na makukuha ko ang maggugulay shift? Ano'ng "parang"...talagang sigurado! (Hindi ako assumptionista!) Bakit kamo? Eh priority number one ako eh...laban kayo???
Wag mainggit dahil maraming pagpapasakit ang sinuong ko makamit lang ang trono (hanep!). Ilang buwan din akong nag-back ride sa tricyle, umakyat sa Guadalupe overpass at naghawi ng naghambalang na bayong sa jeep, idagdag pa na humaba yata ng ilang sentimetro ang leeg ko sa kahihintay ng Ayala bus na animo'y ginto sa sobrang dalang.
SAWI!
Apat na A.M. slots lang ang available, reserved pa yung dalawa sa buntis. Hah, scattered na ang vet reps. Patay ang negosyo!
SAWI!
Pag naging effective na ang new schedule, bihira ko ng makikita ang crush kong kunduktor. Kakalungkot!
Binalibag Ni Choleng ng 7:49 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 04, 2005
Rigodon forever
Palipat-lipat. Paulit-ulit. Hello, goodbye...'yan ang drama.
May magagawa ba ako? WALA! Bakit, ako ba ang may-ari nito?
Sa mga sinawing-palad na nakadaupang-palad ko, salamat sa masasayang ala-alang pinagsaluhan natin. Di na ako mag-e-enumerate kung sino-sino kayo, alam nyo na kung sino-sino kayo.
Teka, ba't ba naman ako nagda-drama eh hindi naman kayo sa Afghanistan ibinato? Hangga't may outlook at daliri tayo tuloy ang ligaya!
Diliryo...
Ang Ridges, Sex and the City, ang pandesal, lyrics ng kanta at si M16 at your serbis, bay... free music lessons...ang cornik at ang pusit, jamming ng Lupang Hinirang, ang kaladkarin, bo's coffee at pagwawala sa Red Box, ang spam at bogus commendation...aah... mahirap ng makalimutan yun!
Binalibag Ni Choleng ng 12:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 01, 2005
Sarswelang giba-giba
Sinimulan ng isang artista, sinundan pa ng isang beterana na ngang artista eh overacting pa!
Okay na sana ang apology ni aktres #1 pero kailangan ba mukhang kawawa 'pag humihingi ng sorry? Ito namang si aktres #2 kulang na lang buntot...isa siyang tuta!
Eto namang si press #1, gumastos ng milyones para lang magpa-recount. Mahirap nga naman, kung mapatalsik si aktres #1, baka ang huwad na bise presidente ang maluklok, si press #2. Ah, basta! Sabi ni press #2, ano mang hakbang ang gagawin, dapat naaayon sa saligang-batas. Wala ng KOKONTRA!
Hay, ano bang nangyayari sa Pilipinas. Nag-aagawan sa UPUAN puro SUROT naman!
Binalibag Ni Choleng ng 12:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin