<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, August 29, 2005

Another BA'T GANUN? episode
Kelan pa naging magka-loveteam sina Cogsworth at Lumiere?

Binalibag Ni Choleng ng 10:16 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, August 28, 2005

Ba't ganun?
'Pag guwapo, kung hindi bakla, asshole!

Binalibag Ni Choleng ng 12:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 27, 2005

Bentehin mo ang MUKA mo!!!
Magsa-sign up daw ang customer for 20 TV's. Huwaaaat??? Bente??? Tinanong ko kung residential, oo daw. Nung sinabi ko na hanggang 6 TV's lang ang kaya kong ibigay, hiningi ang number ng DTV. Binigay ko naman pero talaga'ng ayaw sumuko ang "mahadera in me" kaya tinanong ko sya bago ibaba ang phone, "Sir, I'm just wondering why you need 20 televisions, is this residential? *chuckle*

"Actually, I'm planning to build a mansion!"

Taray!

Ungas! Kung hindi ko pa alam may tililing ka!

Binalibag Ni Choleng ng 10:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, August 26, 2005

Ayon sa Bolang Kristal ni Madam Karla
Your First Name of: Gina

Although the name Gina creates the urge to be creative and original, we emphasize that it limits your versatility and scope, tuning you to technical details. This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses and accidents to the head, and the elimination system.

Your first name of Gina has made you a hard worker with a meticulous sense of detail. You have a great deal of patience and independence, and you can be relied upon to complete your undertakings. You could be inventive along scientific or practical lines. You are stable, trustworthy, homeloving, and logical in practical matters, but rather unresponsive to suggestions from others. You resist change.

How true!

Source: http://www.kabalarians.com/cfm/your.cfm

Binalibag Ni Choleng ng 10:48 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 22, 2005

Pag nga naman sinusuwerte ka
Inaalat na nga ang conversion, peste pa ang mga customers. Oo nga't trabaho ko na asikasuhin ang lahat ng tumatawag pero por dios, sana naman bigyan ako ng matitinong kausap! Kuwento ko lang sa inyo, tingnan ko kung hindi manginig ang laman nyo. Take note, sa isang araw lang naganap ang lahat.

Si Tatang

82 years old na at aminado namang bingi na sya (sabi nya) ba't kaya tumawag pa. Napunit lang ang uvula ko sa kapapaliwanag, bandang huli tatawag na lang daw sya ulit. Hahanap siguro ng hindi bingi. "Sorry for bothering you," sabi ni Lolo. Sorry lang? Pa'no ang AHT ko? May dementia raw, sabi ni Shey, naghahanap ng kausap.

Awrrr... sarap sakmalin!

Overbreak

Break time ka lang pala, Joe, ba't ka tumawag. Kung kelan nasa built-for-the-kill mode na ako, saka mo ako binanatan ng "Listen, I'll just call back. My break's over..."

What the...

Ayaw talaga!

Finally, benta na... or so I thought. Upsell dito, upsell dun bandang huli ayaw magpa-credit check. Lahat na ipinangako ko, kulang na lang puri ko pero hindi bumigay. Mga estapador siguro. HMP!

Pangarap ko magbago ang kapalaran ko sa susunod na mga araw. Makapag-caƱao nga.

Binalibag Ni Choleng ng 12:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, August 21, 2005

Panalo talaga si T'yang!
"Pili ka lang dyan, Tyang. Available lahat yan..."

Tingin naman siya.

"Ay, ito type ko to... Bakla ba 'to?"

Tawanan kami. "Within earshot" lang naman 'yung "natipuhan" n'ya.

Hay, Tyang! 'Yan ang nami-miss namin sa'yo!

Binalibag Ni Choleng ng 12:08 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 20, 2005

Ningas Kugon
Bakit ganun? Lahat magaling lang sa umpisa?

Ilang applicants na ba ang halos mabali ang leeg sa katatango sa bawa't kundisyones ng inaaplayang kumpanya? "Willing to be transferred?" Tango. "Willing to work shifts." Tango. Pag natanggap naman, ilang buwan lang ang lumipas, late dito, late dun, absent dito, absent dun at ang dami nang reklamo.

Hindi yan nalalayo sa isang manliligaw kung saan si binata kulang na lang ialay ang langit, ang buwan at "pitasin ang mga bituin sa langit" marinig lamang ang matamis na "oo" ng nililiyag o dili kaya ay isang salesman na puro pangako pero sa bandang huli, lahat napako.

Savor it while it lasts ang drama. Isa itong bagay na kailangan nating tanggapin. Hindi naman sa nilalahat ko mas malamang sa hindi ganyan lagi.

Huwag na lang umasa para huwag masaktan.

Binalibag Ni Choleng ng 12:14 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, August 16, 2005

DR Heartthrobs
Hayaan nyong i-feature ko ang dalawang heartthrob ng AM shift. Oo na, cute sila kaya heartthrob pero mapapa-throb ang puso n'yo sa katatawa sa ikukuwento ko tungkol sa kanila:

Hearthrob #1:

"Yes, Sir. I will be forwarding this to Customer Service Department and someone will attend to you as soon as possible...My name is Don..." sabay mute at kalabit sa akin, "ano nga'ng last name ko???" HINDI KITA KINAYA!

Hearthrob #2:

Isa ka ring institution. Para lang makabenta, may "According to the law..." ka pang nalalaman. Kelan ka pa naging lawyer, di ba MedTech ka?

Binalibag Ni Choleng ng 10:56 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 15, 2005

Bagong Anyo
Abot hanggang langit ang tuwa ko dahil tinupad ni Kenny ang wish ko ... isang blog skin na purple, pink and black ang motiff with a colorful painting on top. Touched ako kasi pinagpuyatan talaga ito ni Kenny in spite of his hectic schedule. Going-away present ba to? (Miss ka na namin, Kenny!)

Ang painting ay likha ni by Frank Tonido, member at treasurer ng Philippine Artists Group of Canada, title is Healing Touch (Acrylic on Canvas). Ang mga art work ni G. Tonido ay umani na ng papuri sa Canada, Europe, United States, pati na sa Philippines. Ibang klase talaga ang Pinoy!

"Every artwork I do is a tribute, a celebration, a thanksgiving to the perfect and greatest artist of all, my Lord creator. In Him, I will be forever grateful." Frank Tonido

Binalibag Ni Choleng ng 10:53 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 13, 2005

Buhay Amateurista
Kahit saan mo ibaling ang paningin mo, nagkalat ang Karaoke CD/DVD. Mall, bangketa o bazaar man, original o pirated, siguradong meron.

Hindi tuloy mapigilang sumagi sa isip ko kung gaano kasuwerte ng mga singers ngayon. Kung may kanta silang gustong pag-aralan, wala silang gagawin kundi pumunta sa record bar at mamili sa sandamakmak na collection. Cassette in Minus One o Multiplex, meron din pero mangilan-ngilan na lang.

Hay! Ibang-iba talaga kumpara sa panahong lahat na yata ng Amateur Singing Contest sa bawa't barrio sa Taguig eh sinalihan ko. Salamat sa pamimilit ng dakila kong lola. Siguro kung may Bantay Bata 163 nung panahon na yun, inireklamo ko na kase sobra ang pagka-stage grandmother! (Salamat sa pamimilit nya, nag-improve ako!)

Hindi pa uso ang Minus One sa Pilipinas noong mga 70's kaya para sa isang "amateurista", imbes na kakapiranggot na VCD o tape ang dala, gitarista ang kasama. (High maintenance ang gitarista dahil pameryenda mo na, payosi pa at manalo ka't matalo, kailangan may talent fee!)

Bagay na bagay naman ang gitara sa mga sikat na "contest piece" noon tulad ng "Ako ang Nagwagi, Ako ang Nasawi" ni Dulce, "Tukso" ni Eva Eugenio, "Bakit Ako Mahihiya" ni Didith Reyes at "Bakit?" ni Imelda Papin. Ay, wag kalimutan ang "Sayang" ni Claire de la Fuente.

"Sabihin Mo," ang contest piece ko dati, kanta ni Imelda Papin. May isa pa, "Bakit Ikaw Pa" ni Geraldine. Susme, mai-imagine n'yo ba ang isang 10-year old na umaawit ng ganitong klaseng kanta? Nakakapanindig-balahibo!

Hay! Buti na lang nagdalaginding na ako at nakatakas sa pamimilit ng aking lola. Huling sali ko sa singing contest nung 1988 pa, contest piece "A Long, Long Time Ago" ni Kuh Ledesma. You see, naiiba rin naman ang taste as one matures. By the way, Minus One na ang ginamit ko dito.

P.S.

Thanks to Park for giving me the inspiration to write this entry.

Binalibag Ni Choleng ng 11:18 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, August 09, 2005

"The happiest of people don't necessarily have the best of everything; they just make the best of everything that comes along their way."

Binalibag Ni Choleng ng 12:33 AM at 1 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 08, 2005

The truth hurts
"Tipas, isa na lang, " sigaw ng barker.

Ako namang gaga dahil nagmamadali, nagbayad sa barker (ganun sa amin, bayad muna bago sakay) at pormang sasampa na sa jeep pero sinalubong ako ng "Puno na..." ng mga pasahero.

"Siyaman yan," untag ng barker.

Sagot ng isang ale, "Kung yung payat nga kanina di nagkasya, yan pa kayang mataba!"

Kapal ng mukha! Tinawag akong mataba eh hindi kaya nya naisip na s'ya sa dahilan kaya yung siyaman eh waluhan na lang?

Hmp! Taklesa'ng matanda! Ang sama ng tabas ng dila, sarap gripuhan!

Binalibag Ni Choleng ng 11:33 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Sunday, August 07, 2005

It runs in the family
Image hosted by Photobucket.com

Totoo ang kasabihang "you sow what you reap."

Musikero si Amang, ang aking great grandfather. There was a time na sikat siya (peace time pa yata yun) dahil malupit mag-bumbardino, isang baritone wind instrument. Hindi naman nakakagulat na pati mga anak, anak ng anak at anak ng anak ng anak (teka population explosion na 'to ah!) eh musikero rin.

My lola used to play the saxophone pero tumigil dahil dinudugo daw tuwing iihip. Ang Dad ko naman plays the trumpet, minsan paralak (in English, snare drums), my youngest sister plays the keyboard and guitar, yung isang sister ko naggigitara rin; ang Kamag-anak Incorporated naman ay member ng kung anu-ano'ng brass band. Kung hindi man nakakatugtog ng instrument, boses naman ang asset at dun ako suwerteng nalinya! Nakakalungkot nga lang dahil hindi ako natutong magbasa ng nota sa siyang dapat unang matutunan ng isang musician. (Ibang nota kasi ang binasa ko!)

Sa awa ng Diyos, hanggang ngayon hindi pa rin nalalagot ang sinulid. Generation for generation, may isa o dalawa sa bawa't family na nahuhumaling sa music at very proud ako na ang latest addition ay ang pamangkin ko'ng si TJ.

Isa siya sa masuwerteng kabataang tine-train ng Manila Philharmonic Orchestra (yes, MPO) para maging musicians of the next generation. Libre ng pagtuturo, provided pa ang instrument, in my nephew's case, violin. Kudos, MPO!

Naku, sobrang obsessed ang pamangkin ko sa violin n'ya. Mas madalas pa'ng hawak kaysa sa laruan. Wish ko lang 'wag magsawa para naman huwag maputol ang magandang punla na itinanim ng Amang.

Binalibag Ni Choleng ng 11:23 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 06, 2005

Hindi naman ako man-hater
Daming nagsasabi at nagsa-suggest "to get myself a MAN." Bata pa naman daw ako at may karapatang lumigaya.

Lalake? Para ano? Natanggap ko na ang katotohanan na wala akong suwerte sa lalake at wala na akong balak na muling kumuha ng bato na ipupukpok sa sariling ulo. Masaya na ako sa kalagayan ko ngayon at napatunayan ko na hindi naman kailangan ng lalake para lumigaya.

You can find happiness elsewhere, all you have to do is look around.

Binalibag Ni Choleng ng 11:02 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, August 05, 2005

Hinaing ng isang OC
Minsan naiinis ako sa papel ko sa buhay. Dahil sa ayokong makaabala o makaistorbo, I see to it na kumpleto ang gamit ko. Kung ano yung lagi kong kailangan inihahanda ko kasi as much as possible, ayoko ng umaasa.

Ang masama nito, dahil sa ugali kong ito nagiging hiraman o hingian center ako.

"May tissue ka?"

"May hand sanitizer ka?"

"May ballpen ka?"

Aaaaaaah!!! Naiisip ko tuloy, kaya ko'ng gawin, bakit hindi ng karamihan?

Hay, hirap din ng OC!

P.S.

Bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit. Mukha lang akong mabait pero ganyan ako kalupit!

Binalibag Ni Choleng ng 10:48 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, August 04, 2005

Usapang Kahayupan
Epekto ng downtime, kadalasang kung saan-saan napupunta ang usapan. May usapang intellectual, usapang political, minsan tungkol sa showbiz pero more often than not, nauuwi sa kalaswaan.

For today, kahayupan naman ang napag-usapan. Hindi yung "hayop" na tinatawag natin sa kinaiinisang tao kundi yung "hayop" na sa kasamaang-palad ay kasama sa diet ng tao. Napag-usapan kung paano kinakatay ang baboy, manok, baka; kung pa'nong pati aso, buwaya at unggoy ay kinakain na rin (with garnishings pa huh!)

Bigla tuloy pumasok sa isip ko, bakit tayo naaawa tayo sa aso o unggoy pag kinakatay at kinakain pero hindi sa baboy, baka, manok at isda? Hindi ba nilikha din sila ng Panginoon at may karapatan ding mabuhay sa mundo?

Ito pa ang isang nakakapagpabagabag (Jo-wennn...please say it). Bakit "dressed chicken" ang tawag sa "dressed chicken" eh binunutan na nga ng balahibo? Hinubaran na nga pero dressed pa rin? Ano ba yun???

Binalibag Ni Choleng ng 9:48 PM at 2 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com