<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, March 30, 2006

Back to the Summit
Mag-iisang Linggo na kami sa JG. Unti-unti, nakaka-recover na rin sa pagkawala ng vendo machine, meal provider, Chinabank ATM at kung anu-ano pang amenities ng PSC.

Mabilis naman kaming mag-adjust.

Muli kaming natutong magtimpla ng kape ( Hindi nga lang sing-sarap ng sa vendo!) pero at least, may kape.

Tagaktak na ang pawis mo bago ka makapunta sa ATM machine sa Valero o Paseo Center pero mas mabuti na yung may nawi-withdraw, di ba?

Nawala man ang McDo, KFC, Tokyo-Tokyo, isawan at karehan sa likod ng PSC pati na rin si Miss Friendship na meal provider (na hanggang sa makaalis kami eh ni isa sa amin hindi alam ang pangalan) dami rin namang food choices dito. May semi-Food Court sa 7th floor, Wendy's, Mister Donuts, Country Style at ang star of them all Alfredo's "cock" (na Manok ni Mang Alfredo sa tunay na buhay), may Jollibee, may 7 Eleven, Mini Stop din at pag petsa de peligro, dami ring Jolly Jeep. Bilisan nga lang ang pagkilos dahil tutubuan ka lumot sa paghihintay sa elevator! Squid balls o fish balls? Eh hopia, mani, popcorn... dami din!

Nature na talaga ng tao na maging kontra sa pagbabago. Kahit ano'ng reklamo ang gawin natin, the fact still remains na empleyado tayo na kailangang sumunod. Besides, kapag DR, the only thing permanent is change.

Isipin na lang natin...

Sa PSC ba, may inaalagaang ipis sa pantry at Moaning Myrtle sa female CR?

Sa PSC ba kita ang Manila Bay Sunset?

May babagal pa ba sa PCs dito?

At ang pamatay, may doorbell ba sa PSC?

Walaaaaaaah!!!

Ding... Dong ... (Choleng, pakibukas ang pinto!)

Binalibag Ni Choleng ng 6:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 24, 2006

Doc, I'm not a Croc!
Ang sakit ng panga ko!

Pinastahan kse 'yung ngipin ko na nasa pinakaliblib na bahagi kaya ipinagbukahan ng dentist ang bibig ko.

Pasalamat siya at may nakasumpal na bulak at kung anu-ano'ng gadget sa bibig ko dahil kung wala, nasabi ko sa kanya:

"Doc, dahan-dahan... hindi ako BUWAYA!"

Binalibag Ni Choleng ng 6:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Oh ... Oh... Oh-oh-oh...
03.23.06

Talagang kakambal na ng DR ang pagbabago kaya hindi na nakakagulat nang umugong ang balitang balik-JG daw.

Sa mga hindi nakakaalam at gustong malaman ang kasaysayan ng DR Exodus, punta kayo sa link na to (Monday, July 18, 2005 "The Ultimate Exodus!"):

http://thejaynamonologues.blogspot.com/2005_07_01_thejaynamonologues_archive.html

Kumusta na kaya ang mga daga at ipis sa JG? Makilala pa kaya nila ako?

Binalibag Ni Choleng ng 6:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, March 20, 2006

Star Warts
03.17.06

Alam ko freckles lang ang nasa mukha ko kasi lahing mestiza talaga kami (walang kokontra!) pero ipinamukha ni Doctora nung nagpa-APE ako (yes, the same Doctora na "tumira" sa akin) na warts yun. Opo, kulugo! Kailangan ko raw ipatanggal dahil kakalat.

Eh di ipatanggal!

Salamat sa kulugo, nakatapak ako sa Makati Med for the first time. (Tingnan mo nga naman yun!) Magwi-wish sana ako pero naalala kong pang-simbahan nga pala yun. Buti na lang di ako binatukan ni Partner-in-Crime Park na kasama ko that day.

Matapos ang isang oras na paghihintay, tinawag na rin si "Miss Cruz" at kung hindi pa ako sinabihan ni Park na, "ikaw na" hindi pa ako kikilos. Nakalimutan ko'ng apelyido ko nga pala yun.

P6,500 daw ang magagastos para alisin ang kulugo ko, P2,000 naman kay Park. Wag nang magtaka kung bakit mas mahal ang sa akin. Pag talaga tumatanda dumadami ang skin discoloration.

Buti na lang may Maxicare.

Binalibag Ni Choleng ng 1:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, March 19, 2006

Chicken Little ... Go Home!
03.16.06

Image hosting by Photobucket

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka pa rin natatanggal eh di ka naman kagalingang kumanta.

Umuwi ka na at marami ka pang palay na dapat tukain.

Binalibag Ni Choleng ng 5:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 17, 2006

Multo
Wala na sana akong balak pang pumunta sa Bambang pero a-disiotso na ang lipad ng kaibigan ko pa-Canada at ito na bale ang despedida n'ya. Last chance para magkita kami.

Kung tutuusin, wala namang kaso kung pumunta ako sa despedida pero nagkataong ang kaibigan ko ay pamangkin ng nasira kong asawa at pag tumapak ako ng Bambang, malaki ang posibilidad na mag-krus ang landas namin dahil isang dura lang ang bahay nila.

Iyon ang ayokong mangyari.

Naisip-isip ko naman, habang-buhay ba akong mumultuhin ng nakaraan? Habang buhay ba akong matatakot? In the first place, ano ba'ng ikinatatakot ko eh sino ba ang dapat matakot? Sino ba ang may atraso? Sino ba ang miserable at mukhang tanga ngayon?

Isang araw bago ang despedida, buo ang loob ko at desididong dumalo pero ano ba't nung mismong araw na ay "dinaga" ako. Biglang sumupong ang hyperacidity ko at sumakit pa ang ulo ko kaya nag-text ako kay Che (friend ko) na hindi na lang ako a-attend. Bandang huli, nanaig ang pagiging astig ko. Itinuloy ko na rin.

Hindi ganung kadali. Malamig na malamig ang aking mga kamay at namamanhid ang buo kong katawan nang dumating ako sa Bambang. Ngayon ko napagtanto na matindi pala ang "trauma" ko sa nangyari.

Nandun halos ang Kamag-anak Incorporated at mainit naman ang naging pagtanggap sa akin. May yumakap, may nag-beso-beso, may nag-bless. (Huh! Hindi na in-laws ang turing ko sa inyo kundi acquaintances na lang!) Wala ang nasira kong asawa, dinalhan na lang daw ng handa para hindi na lumipat. Mabuti naman!

Mahirap pero rewarding. Nagawa ko na ang hindi ko akalaing magagawa. Wala na ang multo.

Binalibag Ni Choleng ng 6:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 14, 2006

Ang Mahiwagang Lagusan
03.10.06

Tuwing taunang Physical Exam, lumilikha ng kontrobersya ang "rectal exam."

Eh sino ba naman ang may gustong malapirot ang "mahiwagang lagusan?"

Personally, ayoko rin pero alang-alang sa aking kalusugan, why not. Katwiran ko, physical examination nga eh kaya dapat lahat inspeksiyunin para kung sakaling may diperensiya, maremedyuhan agad.

Napasubo ako ngayong taon na ito. Never have I felt so "violated."

Kasalanan ko rin. Sa Doctora na mismo nanggaling: "hindi na kita ire-rectal exam ha..." pero sinagot ko pa siya, "okay lang naman, Doc." (Naisip ko, kung nung isang taon eh pumayag ako, bakit naman hindi ngayon? Besides, sisipatin lang naman eh. Ano'ng kaso?)

Medyo natigilan pa siya pero mabilis ding nakabawi. "O sige," sabi nya sabay agad na nagsuot ng guwantes at nilagyan pa ng tila-gel. Taka ako. Bakit kailangan pang magguwantes eh titingnan lang naman nya "yun."

Sinagot ng mga sumunod na ginawa ni Doctora ang aking pagtataka. Talagang very "thorough" siya. Hindi lang niya sinipat, isinuot pa nya ang kanyang hintuturo "dun."

Langya, para na rin akong tinira sa puwet.

Binalibag Ni Choleng ng 1:46 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Software Crash

03.09.06

'Yan daw ang nangyari sa cellphone ko na napanalunan ko sa raffle nitong nakaraang November lang.

'Yan ang hindi maganda sa mga bagong model ng cellphone. Mantakin mong walang kaabog-abog, hindi na lang mag-o-on at magtsa-charge at ang tanging remedyo ay "i-reset".

Kung computer ang ire-reset, walang ganong problema kase walang memory na mabubura pero iba nang usapan kapag cellphone. Ang saklap lalung-lalo na kapag walang memory card. Burado lahat!

Ilang taon din akong nag-3210 at 8210 pero ni minsan hindi ako napunta ng repair center. Di ba dapat ang pagbabago ay tungo sa kaunlaran?

Ah ewan!

Binalibag Ni Choleng ng 1:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Tinapang Wetpu

03.08.06

Namputsang buhay ito!

Nagmamadali akong umuwi dahil gustong kong habulin ang American Idol pero laking gulat ko nang makita kong sarado ang RCBC underpass.

Bakit na naman?

Naulinigan ko sa guwardiyang nakasalubong ko na may rally daw ang Gabriela. Para saan na naman? Hindi na ba sila nagsawa?

Anyway, nagawan ko ng paraan na mag-detour at lusutan ang nakaharang na lubid sa Amorsolo, kesehodang masira ang poise ko. Pagdating ko sa FX Terminal d'yan sa Standard Chartered (biyaheng Pateros ang ride ko) singhaba ng tumataya sa Lotto ang pila (gawa pa rin ng rally) pero okay lang. Nasa unahan ako ng pila meaning 'pag may dumating na sasakyan, sa akin ang best seat.

Yun ang akala ko.

Hindi FX ang dumating kundi isang lumang pampasadang van. Sa tabi ng driver ko piniling umupo pero bad move. Yun palang upuan eh "makina" sa totoong buhay at nagmukha lang upuan dahil pinatungan ng sandamakmak na tela at foam pero dahil traffic nga, higit na matagal ang biyahe. Tumagos ang init sa puwitan ko.

Hindi ko malaman kung ano'ng upo ang gagawin ko. Kilos talaga ako nang kilos. Sabi ng driver, "Mainit ba? ... Traffic kase eh" Inirapan ko lang. Sa isip ko, alam ng makina, ba't ginawang upuan, pero alam ko namang gusto lang niyang madagdagan ng kita. Imagine P30 din yung makina na ginawang upuan.

Matapos ang tila walang hanggan at nakakadiliryong impiyerno, nakarating din kami sa Pateros sa awa ng Diyos. Kung alam ko lang ang pangalan ng mga nag-rally, minura ko na silang isa-isa dahil hindi magiging mistulang tinapa ang puwet ko kung hindi dahil sa kanila!

Paksyet!

Binalibag Ni Choleng ng 1:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, March 02, 2006

Kung anu-ano'ng cherfer
03.01.06

* Imbes na makatulong, lalo pang nakagulo ang My P_i_e. Tawag tuloy dito ng karamihan ... My Crime ... tsk... tsk... tsk...

* Gawa pa rin ng My Crime... este, My P_i_e ... nauso ang pagpapadala ng email na nagmumura ang laki ng font. Sumikat din ang word na "flabbergasted." Kung hindi nyo alam ang ibig sabihin, ask Mikee.

* Sabi ni kapatid na Bobby: "Maraming naka-T-back ngayon." Bakit kamo? Kase ASS Wednesday daw. EREHE!

* Dalawa'ng bagay ang kinalolokohan ng morning shift ... pagkain at "daily dose". Yung una, sina Doc Dexter at Aileen ang masugid na supplier. 'Pag daily dose naman, maaasahan si Pareng Fidel pero pinasimulan ni Pareng Fly.

Pagkain at "daily dose" .... parehong YUMMY!

Binalibag Ni Choleng ng 8:16 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Isang Malaking Tsek!

02.23.06

Angkop na angkop ... mismong-mismo ... swak na swak.

Yan ang masasabi ko sa anonymous "open letter" na ito hinggil sa mga moro-morong nangyayari na naman sa ating bansa.

Tunghayan n'yo nang malaman nyo ang sinasabi ko. (Kung nabasa nyo na to, basahin nyo pa rin. Hirap yatang mag-copy-paste!)

Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa...dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi pare-pareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera intay na lang ng sweldo.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat na lang ng sector ay maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag napag-iisip.

Sa Mga Politiko:- Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento kelangan nyo pa ba manggulo.

Sa Administrasyon:- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.- saka Madam GMA, step down ka na pag parliamentary na tayo sa 2007, tignan mo, i-announce mo mag-step down ka kapag parliamentary na tayo, resounding YES yan sa plebiscite at tigil pa ang mga coup at people power laban sayo.Try mo lang.........

Sa Oposisyon:- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo pa-resign kayo ng pa-resign wala naman kayo ipapalit na maayos.

Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap, magtayo na lang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nag-rarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagra-rally!!

Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.

Sa Military: Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus napatay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala di ba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat ang sundalo di nagtatanong, sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military nglahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinakamareklamo.

Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila email. Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email na lang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.

Signed,

Isang Middle-Class pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!

Binalibag Ni Choleng ng 7:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Family Strike!

02.22.06

Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket

Para maiba naman ang birthday celebration ni Pudra (Daddy ko), bowling naman kami sa Megamall.

Yabang ko pa nung una. Very confident ako na ako ang mananalo dahil mas madalas akong mag-bowling kaysa kanila pero nagkamali ako.

Si Tet, yung sumunod sa akin, nagka-trophy na yan sa bowling pero ilang daang taon na yun kaya alam ko kinalawang na siya. Ang Daddy naman, huling laro daw nya nung binata pa siya at uso noon eh duck pin pa. Si Ellen, yung pangatlo, once pa lang yata nakalaro. Natakot lang ako kay Girlie, yung bunso namin. Kuwento k'se nya na huling laro nila eh nilampaso nya ang Egyptian nyang boyfriend.

Pero tulad ng basketball, bilog din ang bowling ball.

Biruin n'yong unang game eh nanalo pa si Ama at second lang ako pero nung pangalawang game, kulelat ako. Strike dito, strike doon ang ginawa ng mga kalaban. Si Girlie naman na akala ko magaling, ay naku! Magaling nga ... magaling magpakanal! Hanep!

Masaya at kakaibang experience dahil naiibang "bonding session." Sana nga lang nagdala kami ng BenGay kse immediately after the game, 5"4-5"6 na ang lakad ni Pudra. Iika-ika na at masakit ang balakang at paa.

Hay, ganun pala kapag senior citizen na.

Binalibag Ni Choleng ng 6:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com