<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, May 25, 2006

Lose/Gain Weight: Text 09196431898
Special request ng sister kong mahadera na i-feature ko siya. As if naman maraming makakabasa nito pero para naman hindi nya isiping isa akong masamang kapatid, eto na.

She actually requested me to post her picture hindi dahil banidosa siya at gusto nyang ma-display sa Internet kundi gusto nyang ipakita ang effectiveness ng Herbalife.

Photobucket - Video and Image Hosting
Before and After Herbalife

Actually, na-try ko na siya at effective talaga makapayat kung disiplinado at desidido ka (which I'm not... hehehe.) Imagine, once a day ka lang kakain ng full meal (rice, ulam, softdrinks, dessert, kahit ano!) pero para sa dalawang meal, Herbalife shake ang ipapalit (comes in vanilla, chocolate and strawberry). Puwede rin ito sa gustong magpataba. In between regular meals, uminom naman ng shake. Ganun lang!

Mahirap na program kse sa unang linggo maninibago ang body mo at feeling mo naghihina ka pero pagdating ng second week, masasanay na ang tyan mo hanggang magtagal, masasanay na siya'ng hindi kumain ng rice.

Kaya? Just text the number na nakabalagbag sa taas if you're interested. Look for my sister, Janet.

Binalibag Ni Choleng ng 9:41 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, May 24, 2006

Usapang FX naman
FX. Isang sasakyan mula sa Toyota na nagsimulang sumikat noong 1990's at dahil pioneer, naging kamag-anak na rin ng Colgate at Frigidaire dahil kahit ano'ng modelo ng service vehicle, Lite-ace, Hi-Ace o Adventure pa, FX ang tawag.

Pero hindi naman alamat ng FX ang gusto kong pag-usapan kundi gusto kong magbigay ng mga tagubilin at paalala tungkol dito. Sa tagal ko nang pasahero, masasabi ko'ng isa na akong "guru."

Eto yun ...

1. 'Kapag nakita nyo'ng may nauna nang "on the heavy side" sa front seat (sige na mga, MATABA!), wag nang sumiksik pa (lalo na kung Adventure yung sasakyan) kung ayaw mong mag-ala sardinas.

2. Sa mga babaeng naka-mini skirt, wag nang tatabi sa driver (lalong-lalo na kung Adventure ang "FX") kung ayaw nyong makambiyo ang inyong hita.

3. Wag basta sakay nang sakay. P30 din ang pamasahe kaya kailangan komportable ang puwesto. Kapag napansing medyo bulok na ang FX at nakita mong pangatlo ka from the left, wag nang sumakay. Kapag ginawa mo, mararamdamam mong may matigas na bagay na sasaklang sa pagitan ng cleavage ng iyong wetpu. Yun yung bakal na sumusuporta sa panggitnang upuan. Nakupo, kasakit!

4. Kung inaakala nyong ang front seat ang best seat, kalimutan nyo na. Hindi naman palagi! Kapag van ang kasunod sa pila (lalo na yung Hi Ace), wag magkamaling pagnasaan ang front seat kase more often than not, ang seat na yun ay makina disguised as a chair. Tinapang wetpu ang kalalabasan mo! (Nakuwento ko na to dati!)

Ngayon kung kapit sa patalim at uwing-uwi na talaga kayo, then by all means sakay na. Wag nyong sabihing hindi ko kayo binalaan!

Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 16, 2006

Independence Day Kuno
05.12.06

Ikalawang taon ng aking kalayaan. Physically at emotionally (pati na rin financially) nakalaya na ako pero habang dala-dala ko ang kanyang pangalan, nanatili pa rin akong bilanggo.

Nakapako pa rin ako sa Cruz.

Ganito kse yun. True independence spells a-n-n-u-l-m-e-n-t. Annulment spells m-o-n-e-y to the tune of 50 to 100,000 pesosesosesoses. Sino namang lawyer na nasa matinong kaisipan ang magpo-pro bono sa kaso ko?

Gusto ko pa rin ng Time Machine.

Binalibag Ni Choleng ng 7:27 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Amazing!
05.11.06

Kamangha-mangha ang 3G! Akalain mo'ng nakikita mo na ang kausap mo. Dati pang Star Trek at espionage movies lang siya pero nangyayari na ngayon sa totoong buhay.

Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya. Talagang 3G nga... Galing! Gandaaaah! Gosh!

Thanks, Park and Kenny sa pakikibahagi ng teknolohiyang hindi ko afford.

Binalibag Ni Choleng ng 7:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, May 13, 2006

Santacruzan
05.08.06

Kawawang sagala! Malaki na nga ang nagastos sa gown, nagka-stiff neck sa bigat ng korona at paltos-paltos na ang paa sa kalalakad eh nalalait pa.

"Ano ba yan, ang pangit!"

"Itim ng kili-kili!"

"Babae ba yan? Mukhang bakla!"

"Pangit naman ng gown!"

"Ang taba!"

Iba't-iba pang panglalait ang maririnig mo. 'Yan ang Pinoy, nakikipanood na nga lang nangdadaot pa.

Binalibag Ni Choleng ng 6:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Gusto Ko Ng Time Machine

05.07.06

How time flies. Apat na taon na pala akong nakapako at mananatiling nakapako sa Cruz.

Kung may salapi lang ako, matagal ko nang nilakad ang aking annulment kaso hindi naman yata makatarungan na padaliin ko ang buhay ni he-who-should-not-be-named and he-who-should-not-have-been-born (Si Mr. Cruz, sino pa!) Dapat hati kami sa gastos tutal dalawa naman kaming naging tanga.

Hay, kung maibabalik ko lang ang kamay ng orasan, gusto kong magbalik sa year 2000. Iwawasto ko lang ang isang bagay na akala ko ay napakaTAMA.

Sige, Choleng. Mangarap ka!

Binalibag Ni Choleng ng 6:41 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, May 11, 2006

Style mo, Erap!
05.04.06

Photobucket - Video and Image Hosting

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa napanood kong balita sa TV Patrol hinggil sa pagpunta ni Erap sa ika-101 kaarawan ng ina n'yang si Donya Mary.


Ayon sa voice over, "madamdamin" daw ang naging pagtatagpo ng mag-ina pero matay ko mang isipin, wala akong nakitang "damdamin" sa eksena dahil deadma si Donya Mary.

"Ma, mahal na mahal kita... Ma, yo te amo ... hindi nyo yata ako mahal eh..." pa-sweet pang sabi ni Erap. (Susme, wag naman sana tayong gumamit ng ibang tao para makakuha ng simpatya)

Nakakatuwang inabot ng hatinggabi ang party pero ang celebrant, maaga pa eh tulog na. Isa pang amusing eh hanggang 10:00 PM lang pinayagan ng Sandiganbayan na makaeskapo si Erap pero gaya ng dati, nakaisip na naman ng delaying tactics ang ungas. LBM daw.

Aruuuu!



Binalibag Ni Choleng ng 2:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Oh, boy ... Oyster Boy!

05.01.06

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Araw ng mga obrero. Legal holiday. Walang pasok ang karamihan kaya blockbuster ang attendance ng KOC (Key of C po, dating company choir ng Pocketbell) kitakits sa Oyster Boy dyan lang sa Cubao Center.

Okay ang venue, maganda ang ambiance. Takaw atensiyon ang pusit... este pugita na nasa kisame na dahil kulay orange eh tila hinilabos. Maganda rin ang Latino music, masarap ang food (panalo ang Rockefeller oyster) at ang pinakamaganda eh reasonably-priced pa. Hindi ko nga lang alam kung alam nila na naimbento na ang aircon. (Calling the attention of Marvin Agustin... Ang init!)

Nakakatuwa. Um-order kami ng oyster mushroom habang hinihintay ang iba. Hinalukay namin nang hinalukay ang appetizer pero wala kaming lobster na nakita. Yun pala, ang oyster mushroom ay isang uri ng mushroom. Yun na pala yun. Isa siyang kabute! (Ay, shunga! Sorry, tao lang. Walang ganyan sa purbinsya namin.)

Isang masaya at masaganang gabi para sa KOC (Bataan naman sana sa susunod). Salamat ng marami kay Mr. and Mrs. Dispo na first time naming nakita matapos silang ikasal. Hanggang sa muli. UK or US man kayo mapunta, wag makakalimot.

Binalibag Ni Choleng ng 2:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, May 10, 2006

It-SPA-ntastic!
04.27.06

Sarap ng Wellness Experience ng Fitness First.

Just imagine. Healing stone massage for almost two hours sa isang malamig na silid na natatanglawan lamang ng aroma candles, malamyos na pipe-in music at mapanghalinang amoy ng lemon grass (aka tanglad) ... hay, feeling ko isa akong ... litsong manok!

Kidding aside, sobrang sarap talaga. Di ko nga namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa sarili kong hilik! Kadiri, donya-donyahan ang drama, humahagok naman!

Much thanks to Don Nepomuceno for raffling off this GC last Christmas na suwerteng ako ang nanalo. Susme, ako mapapagastos mo ng 1,800 para magpamasahe ng mainit na bato? No way!

Try nyo. Paminsan-minsan dapat pina-pamper natin ang sarili. Text nyo lang si attendant Neri through 09064431444 or you may call Fitness First RCBC 8453481. (O di ba nag-commercial pa?)

Binalibag Ni Choleng ng 11:36 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com