<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, June 21, 2006

Name Blame
06.22.03

Frustration ko ang magkaroon ng magandang pangalan. K'se ba naman, sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, bakit Gina pa ang ibinigay sa akin. Puwede namang Genevieve, Regina, Regine o Virginia kaya pero bakit Gina pa?

Katwiran ng nanay ko, masyado nang kumplikado ang Lizertiguez na surname kaya sinimplehan lang ang names naming magkakapatid (Janet yung sumunod sa akin, Marilen yung pangatlo tapos Girlie yung bunso) pero hindi man lang kaya nila naisip na sa paglaki ko, magiging tampulan ng tuksuhan at biruan ang pangalan ko?

Elementary, wala pang nanunukso kse wala pang malisya kaklase ko.

High school, may kaklase akong lalake na bumakat ang mukha sa libro'ng inihampas ko sa pagmumukha nya.

College, wala akong naumbag k'se puro babae kami.

Nang magtrabaho ako, ayan nanumbalik ang pambabalahura sa pangalan ko. Gina-hasa. Gina Cole. Gina-bongga. Gina-call. Ano ba-Gina at kung anu-ano pang name play. Nung una, nao-offend ako talaga pero later on, naging immune na rin ako. (Kasalanan to ng magulang ko!)

Kaya kayong mga magiging magulang, ingat-ingat sa pagbibigay ng pangalan ng anak ha. Pag-isipang mabuti dahil pinaka-bar code na yan ng anak nyo. Hindi ipinagbabawal maging creative!

Note:

The girl's name Gina is pronounced GEE-nah. Short form of names ending in -gina, a feminine form of Gene, or a variant of Jean. Also used as a prefix to form new variants. Independent use dates from the 1920s. Actresses Gina Lollobrigida, Geena Davis, Gena Rowlands.

Gina is a very popular female first name, ranking 213 out of 4275 for females of all ages in the 1990 U.S. Census. Gina is a rare surname as it was not ranked for people of all ages in the 1990 U.S. Census.


Photobucket - Video and Image Hosting


Source: http://www.thinkbabynames.com/meaning/0/Gina

Binalibag Ni Choleng ng 7:03 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Spa-A
06.21.03

Akalain nyong asenso na si Choleng. After so many years eh nakatikim din ng foot spa ang mala-magsasaka kong paa. At di lang ordinary spa ha, with matching paraffin pa, o di ba?

Okay ang service ng Sense Spa dyan lang sa ikalabindalawang palapag ng Burgundy. Try it. May discount ang PS people. Libreng boso sa boylets na nagpapa-body massage... ha ha ha!

Binalibag Ni Choleng ng 6:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


YM ... Yuck, men!

06.19.06

Pagbukas ko ng YM, may offline message from a certain Lhars. Sabi nya:

Please message me. Your sister said you looking for husband ...

Sa isip-isip ko, ulol ... muka mo! I'm not looking for a husband but a lawyer at isa pa, mag-aral ka munang mag-English. Ungas!

Langyang kapatid ko, binebenta ako sa net.

Binalibag Ni Choleng ng 6:49 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 16, 2006

On Cars and Mailboxes
History in the making! 2 movies in a week at petsa de peligro pa. Wala eh. Can't say NO to friends, associates and delegates. Mainam din naman sa isang banda dahil nakakabagot din yung trabaho-bahay-trabaho routine. Kailangan maging "kaladkarin" din si Choleng paminsan-minsan. Kesehodang "kupitan" ang contingency fund!

Photobucket - Video and Image Hosting

First Movie: Cars. Oo, animated sya at puro kotse ang makikita mo mula bida, kontrabida, extra hanggang insekto (oo langaw na mukhang kotse!) pero akalain n'yong napukaw nito ang iba't-ibang emosyon ng manonood? (Well, if it's Pixar, it must be good!) Nakakatawa at nakakaiyak (oo, pinaiyak kami ng kotse!) simply because it's a story of life.

Lesson learned: Winning is not everything, it's how the game is played.

"Winning is something, but not everything. When a winner loses, it gives them something to relate their wins to. If you never lose then there is no reference point, no value in the win. It's just another one. And you also learn more from mistakes than from an error free life."

Christopher Woods, Mt Victoria, NSW, Australia


Photobucket - Video and Image Hosting

Second Movie: Lake House. Kakaibang plot dahil ngayon lang yata ako nakapanood ng magsing-irog na oo nga't parehong US citizen eh nasa magkaibang time zone naman. Medyo nakakalito ang movie dahil si babae ay nasa 2006 at si lalake ay nasa 2004 at ang mode of communication nila ay ang mahiwagang "mailbox." Naku, kung isa lang ito sa episode ng Maala-ala Mo Kaya, pihadong "mailbox" ang title nito pero "Lake House" gusto nila eh di sige.

Daming kilig moments dahil bida ang super crush kong si Keanu pero hindi masyadong naligayahan si Doc Dex because according to him, very Filipino ang plot. Hindi kataka-taka dahil remake ito ng Korean movie na "Il Mare." Asian!

Lesson learned: It's better to wait. (Di ba, Doc?)

"All good things arrive unto them that wait - and don't die in the meantime"

Mark Twain

Photobucket - Video and Image Hosting

Next week, ang muling pagsasahimpapawid ni Superman ang naka-schedule panoorin. Can't wait to see Brandon Routh in his full glory. Mahigitan kaya nya si Christopher Reeve? I bet kse bata siya, sariwang-sariwa at higit sa lahat, hindi siya piki.*

Lesson learned: Hail, BJ Routh! (Clio, awat na!)

*pik´i' adj. knock-kneed

Binalibag Ni Choleng ng 6:46 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, June 14, 2006

Hibik ng Kalayaan
06.12.06

Photobucket - Video and Image Hosting Independence Day na naman at tuwing napag-uusapan ang kalayaan, hindi maaring hindi maeepal ang aking kasalukuyang kalagayan.

Tunay nga ba akong malaya? Ang sagot ay isang malaking hindi. Hangga't pasan ko ang Cruz, mananatili akong alipin at bilanggo.

Naiinis ako sa sarili ko. Paikot-ikot lang ako. Alam ko naman ang solusyon pero wala akong ginagawa. Eh sa wala akong magagawa eh!

Una sa lahat, wala akong pera at kung magkapera man, nanghihinayang ako sa gagastusin. Ang dami kayang mabibili sa 100,000! As if naman magkakaroon ako ng ganung kalaking halaga. Kakayanin siguro kung gugustuhin pero ano ako bale? Babalikatin kong mag-isa ang gastos. Hindi na, oy!

Kung meron lang hahawak ng kaso ko na pro bono. Sa ngayon, hinihintay kong makapagtapos ng abogasiya ang aking mga kaibigan. Heller! Tagal pa kaya nun!

Which brings us back to square one.

Ah, bahala na. May awa ang Diyos, mawawala rin siya sa landas ko ng hindi gagastos.

Binalibag Ni Choleng ng 5:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, June 09, 2006

Galera - Love at Second Sight
06.04.06

Hitik na hitik at puno ng aksiyon. Yan ang nangyari sa muling pagbabalik ko sa Puerto Galera.

First time I was here was year 2000 kasama ang Metanoia Choir pero dalawang araw kami nun kaya hindi kailangang magmadali. This time, officemates from PS ang kasama ko (co-agents, supervisors and QA) and knowing how erratic our shedule is, pinagkasya at ipinagsiksikan namin sa isang araw ang lahat ng activities.

Ayoko sanang sumama nung una kse anim lang kami (Me, JM, Vivi, Tata, Richie and Chaq) pero nakatango na ako kaya go pa rin. Kung hindi pala ako sumama, isang malaking pagsisisisi dahil sobrang enjoy. Oo nga't anim lang kami pero dahil makukulit, parang isang dosena na rin.

Photobucket - Video and Image Hosting
The Friday Group (Richie, Vivi, Tata, Chaq, JM and me) onboard M/B Brian

Isang oras pa lang kaming nakaka-landing sa Galera eh may nakuha agad na room at nakakontrata agad na boat for snorkelling. Iba'ng klase pag may kasama kang Galera native (Chaq, ikaw ba yan?)

Photobucket - Video and Image Hosting
Our room


Super enjoy kami sa snorkelling. Never mind yung mga pangangati, gasgas at pasa (yes, nagkapasa ako pero dahil na rin sa carelessness ko!) ka-jamming mo naman ang iba't-ibang klaseng isda! Iba pala ang feeling pag may interaction ka with nature. Kakaibang high!

Photobucket - Video and Image Hosting

Another highlight ng trip ay ang massage session not from the authorized Galera masahistas kundi mula kay Mang Kepweng (Mang Keps for short) na mas kilala sa pangalang Sup JM. Nakalibre na kami ng tig-P150, kakaiba pa ang sensation na dulot ng mahiwagang kamay ni Mang Keps.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
Mang Keps in Action (with Pranic healer Tata)

Ihaw-ihaw dinner naman kami after the massage session. Sarap ng kebab (hindi ba kay Bob?) ensaladang talong, pork sinigang at liempo! Pagkakain, videoke. Tig-isang kanta kami: Till you take my heart away from Tata, Tattooed On My Mind from Chaq, Wherever You Will Go for JM, Till My Heartaches End for Gina at Crazy for You from Vivi. Hindi nakakanta yung isa dahil nag-bouncer. Muntik na kaming umalis nang hindi nakakanta dahil kinamkam ng kabilang table ang microphone. Di bale sana kung kagandahan ang boses eh parang nagbabalagtasan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Arya, JM!

Mula sa ihaw-ihaw, nag-stroll kami sa beach para pababain ang kinain. Iba pala ang hitsura ng Galera by night. Ang mapanghalinang dagat ay tila isang maitim na kulambo. Kakatakot!

Bagama't low batt na ang karamihan, nakayanan pang mag-Mindoro Sling. Well, yung 5 nakayanan pero mukhang hindi ako dahil nakatulog ako sa puwesto!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pinakamalakas uminom at magyosi

Kung inaakala nyong natulog na kami pagbalik sa room, nagkakamali kayo. May hulaan pang nangyari courtesy of Richie. Pang-lovelife lang naman ang kayang basahin ng baraha pero tama lahat ang hula. 3 out of 3. 100% conversion!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Richie at ang mahiwagang baraha. JM, wag paapekto!

10:00 am kinabukasan, after a hurried breakfast at shopping, lulan na kami ng M/B Brian. Isang oras bago makarating ng Port of Batangas, nakakita pa kami ng flying fish at may bonus pang dolphins! Maloka-loka si JM. Suwerteng na-capture ko sa video ang mga dolphins pero malas namang nabura ko. (How stupid of me!)

Photobucket - Video and Image Hosting

Hay, never thought the second time would be better. Kailangang bumalik para makunan ulit ang dolphins. Hmp!

Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 03, 2006

Spelling Guru
Nakita ko sa Google while doing a research on Eagles ...

¥Ý¥¼¥Ã¥·¥ç¥ó¡¦¥ª¥Ö¥»¥Ã¥·¥ç¥ó
(Posession Obsession)
¥Û¡¼¥ë¡¦¥¢¥ó¥É¡¦¥ª¡¼¥Ä(Hole & Oats)

Hole & Oats? Di ba sila yung kumanta ng Maneater, One on One, Everytime You Go Away ...

Ganda!

Binalibag Ni Choleng ng 8:24 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com