<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, July 30, 2006

Oh HOPPY day!
07.31.06

Birthday ng kapatid ko at dinayo pa namin sa Teresa, Rizal pero imbes na siya ang maging star of the show, agaw-eksena ang mga palaka.

Nakow! Hindi po nag-imbita ng mga palaka pero more than invited sila...

Isa sila sa handa!

Photobucket - Video and Image Hosting
Isa sa mga kaawa-awang palaka. Hindi kaya naggi-gym ang mga ito? Gaganda ng muscles!

Mukhang sa Teresa, ordinary na lang na iulam ang palaka at napag-alaman ko na P80 daw per kilo. Ano yan, manok???

Mukhang masarap naman siya (Tingnan nyo naman kung papano sila lapain ng pamangkin ko pati na ang birthday girl!) ...

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

... kaya naglakas-loob akong tumikim, pati kapatid at Daddy ko (si mudra ayaw talaga!). Mala-Fear Factor!

In fairness, masarap ang timpla. Litaw na litaw ang lasa ng suka at bawang at malutong pa. Pero kakapiranggot lang ang nakagat ko. Kahit ano'ng sarap, hindi ko kayang kainin ang kalahi ni Kermit the Frog!

Photobucket - Video and Image Hosting

Huwag nyo namang isiping inarte o yaman-yamanan ako dahil hindi naman ako delikado sa pagkain. Kahit nga kaning-baboy, talo-talo na ... 'Wag lang palaka dahil feeling ko kumakain ako ng maliit na tao.

Yuckkkkk!!!

Binalibag Ni Choleng ng 5:27 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, July 25, 2006

Pinoy Pow Akow
Aliw na aliw ako sa customer ko kanina. Isa siyang retiradong amerikano (reading between the lines ... maonda) at kung hindi pa naghanap ng TFC (The Filipino Channel) ang stepson, hindi ko pa malalaman na Pinay ang asawa. Siyempre, super pakilala ako na isang Filipino rin para bumili. Gulat naman si Tatang:

"I'll be damned ... you a Filipino? ... I didn't recognize the accent. How long have you been in the US?"

"Two, going three years..." sagot ko without batting an eyelash (Eh talaga namang magtatatlong taon na ako sa PS ah!)

Uuwi raw sila sa Cavite this Sunday kaya bago ako magpaalam, sabi ko, "Have a safe trip and send my regards to everyone in the Philippines ..." (O di ba, career na career ang pagpapanggap!)

Naloka at na-touch ako sa sagot, " Don't stay too long in the US. Go home."

Masunurin akong bata. Umuwi naman ako agad after ng shift ko. Lakas kaya ng ulan.

Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, July 24, 2006

United Colors of Megamall
07.22.06

Whew! First time kong maglaro ng bowling na dumugo ang ilong ko. Hindi naman dahil sa nahirapan akong maglaro. Ako pa eh kahit tatlong sets kaya ko!

Eto k'se yun.

Ilang linggo na akong atat na atat na mag-bowling at suwerte namang may "session" ang COF (Circle of Friends, an affiliate of KOC - Key of C, company choir ng sumalangit-nawang Pocketbell) at nasama akong maglaro sa Megamall.

Heto na ang madugong bahagi ... present ang friends from the Irish community -- si Gordon (fiance ni Chichay, COF at honorary member ng KOC) at ang 18-year-old son nyang si Stewart (na super cute kaya aligaga si Match ... aminin!) at represented din ang Palau community (Shark and Dyon). Hala! Sama-sama ang spokening peso, dollar at pound!

Photobucket - Video and Image Hosting

Convergence of spokening peso, dollar and pounds

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Nagkakaintindihan naman kami kahit papaano pero minsan sablay din dahil mahirap talagang unawain ang Irish accent. Pag ganun, ginagaya ko na lang ang style ng mga katotong Match at Bonj na "yeah" at "uh-huh" lang ang sagot. Samahan pa natin ng "No" at "I don't know..."

Enjoy naman kahit may konting language barrier. Bowling pa rin ang sentro ng activity pero dahil may kasama ngang banyaga, kahit asaran at cheering, kailangan EOP (English Only Policy ... kaya nga dumugo ang ilong ko!)

Photobucket - Video and Image Hosting
Hindi po siya MVP ... best in FORM lang

In fairness, magaling ang mag-amang Gordon at Stewart pero taob pa rin sila kay MVP Mannix.

Iba talaga ang Pinoy!


Binalibag Ni Choleng ng 8:30 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Hooked on Overture
07.21.06

Photobucket - Video and Image Hosting1812 ... Tchaikovsky ... William Tell ... The Barber of Seville ... Rossini ...Poet and Peasant ... Franz von Suppé ... The Marriage of Figaro ... The Magic Flute ... Mozart ... Star Wars ... Superman ... Indiana Jones ... Harry Potter ... John Williams ...

Hindi po ako nagdidiliryo. May hangover lang ng super upload session ko kagabi ng overtures, utos ng dakila kong ama. Salamat sa Limewire at Bearshare, hindi na ako nahiraping galugarin pa ang record bars (hard to find talaga ang mga piyesang ito) at nalibre pa ako ng P500 kung tutuusin. Kung hindi kayo familiar sa pambungad na litanya, famous overtures and their respective composers lang yan.

Sa panahong dominated ang music world ng pop, rock, ballad, R&B, jazz, alternative at kung anu-ano pang genre, maganda ring makinig paminsan-minsan ng overture o kahit ano'ng classical music for that matter. Pang-balance lang.

Lumaki ako pamilya ng "musikero" kaya hindi na bago sa pandinig ko ang ganitong uri ng musika. Nang uhugin pa ako, nagtataka ako kung bakit tila enjoy na enjoy sila -- lolo at lola ko, tito at tita pati tatay ko sa pakikinig ng musikang all strings, percussion at brass at ni wala man lang vocals. Ngayong may isip na ako, naiintindihan ko na sila. Dig na dig ko ang classical music dahil kakaibang ecstacy ang dulot nito. (Hindi yung ipinagbabawal hah!) Minsan ngang manood ako ng concert ng San Miguel Philharmonic, muntik na akong maiyak nang tugtugin nila ang Star Wars Theme. O di ba?

Kung medyo sawa na kayo sa rakrakan, kapehan o pa-sweet na kanta, try nyo'ng makinig ng overtures. Punong-puno ng musicality, emosyon at buhay.

Kakaibang high to, pare!

Binalibag Ni Choleng ng 8:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, July 17, 2006

Madre Y Padre
07.16.06

Call it coincidence pero sa loob ng isang araw, dalawang movie ang napanood ko na imbes na maging bida ang taong-simbahan ay naging kontrabida pa ...


Photobucket - Video and Image Hosting Kasalanan ng pagmamaganda ng bagyong si Florita, naunsiyami ang plano kong magpagupit at magpa-foot spa. Sa inis, pinanood ko na lang ang nakita kong kakalat-kalat na DVD.

The Nun, isang horror movie tungkol sa isang madre na dahil sa kanyang "kasungitan" at ugaling ewan ay pinatay at ibinalibag sa pond ng limang alaga nya. 18 years after, bigla nyang naisipang bumalik at pataying isa-isa ang mga pobre in such a way na kung pano namatay ang kapangalan nilang santa, ganun din sila. So, merong nasunog, na-bake sa oven, nagilitan, na-crucify (St. Eulalia?), napugutan ng ulo (St. Susan daw) at naputulan ng dalawang kamay. (Hmmm ... gusto ko tuloy mag-research ng tungkol sa saints)

Naisip ko lang, di ba dapat pag madre larawan ng kabanalan, dapat mabait at malumanay, marunong magpatawad at hindi nagtatanim ng galit? Eh bakit vindictive ang madreng ito? (Eh kse nga psycho) Ah, ewan. Horror ito di ba? (Panoorin nyo, showing pa siya sa pinakamalapit na tyangge)

Spoiler: Actually, hindi naman ang Nun talaga ang actual na pumapatay. How can she eh patay na nga siya. Capable ba ang kaluluwa na manggilit ng leeg, mang-crucify at kung anu-ano pa? For some reason beyond explanation, sinapian ni Sister Ursula (The Nun) ang anak ni Mary (si Eve) para maisagawa ang katuparan ng kanyang misyon. Ano yung misyon? Gandang mission-vision nito: Purify the world of its sins through physical and emotion punishment and torture. Yeah right. Kaya siya tsinugi! Tanungin nyo kung sino ang ama ng anak ni Mary. Si Father Miguel! Segue to the next movie ...

Bago matulog, ugali kong ipirmi ang TV sa isang channel tapos ise-set ko ng 30 minutes ang "sleep" para makatulog man ako, magkukusang patayin ng TV ang sarili nya but not tonight. Hindi ko nagawang matulog sa El Crimen de Padre Amaro, featured movie sa CinemaOne. (Channel 32 sa amin, ewan ko sa inyo)

Spanish ang movie pero dahil CinemaOne nga, naka-dub ng Tagalog ang dialogue. Halos bandang dulo na ng movie ang naabutan ko pero napukaw pa rin ang atensiyon ko. Bakit ba naman hindi eh sobrang guwapo ng gumanap ng Padre Amaro at san ka nakakita ng priest na "nakikipaglaplapan" sa isang dilag? Pardon the word pero yun talaga ang angkop na salita.

Sobra akong naeskandalo sa ilang eksena. Kaya pala muntik nang hindi maipalabas ito.

Eto ha, san ka nakakita ng ginawang lover's lane ang kumpisalan at eto pa: Imagine, naka-panty at bra lang si babae at half-naked si Father (oh, yeah) sukat ba namang ipasuot ni Father sa babae ang kapa ni Virgin Mary (donation ng isang parishioner) and he even said na mas maganda pa raw ang babae kay Virgin Mary. Adding insult to blasphemy, still wearing the kapa eh muli silang nag-tooooot!

Mas nakakaeskandalo nang mabuntis ang babae. (Yes, Father-buntis-ako ang drama) at dahil mas mahalaga kay Father ang vocation at reputasyon nya, napagkasunduan nilang "ipalaglag" ang bata! OMG! Pari ba ito o Pare?

Gusto kong mapanood ng kumpleto ang pelikulang ito. Sana ma-feature ulit sa CinemaOne para mapanood ko ulit. Hmmmm ... makahanap nga sa DVD... DVD... DVD ...





Binalibag Ni Choleng ng 7:18 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, July 11, 2006

Ang Sama Ko!
07.09.06

Nabola ko na ang customer at talagang gustong bumili kaso tatawag na lang daw ulit dahil wala pa ang anak na magbabasa ng credit card information nya.

Sa kagustuhan kong makabenta, tinanong ko si mother, "Is your vision really that bad?" (Malay natin baka kailangan lang nya ng salamin para makakita. Willing to wait naman ako habang kinukuha nya ang salamin.)

Nalaglag ako sa upuan sa sagot.

"I'm blind."

Binalibag Ni Choleng ng 1:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, July 07, 2006

Hayyy ...
07.06.06

Ilang taong paghihintay, medyo nakaka-disappoint na ganun lang kababaw ang plot ng Superman. Sobrang babaw, nakatulugan ko tuloy.

Perfect na sumunod sa yapak ni Christopher Reeve si Brandon. Grabe, hindi lang kahawig sa ilang anggulo, kaboses pa. (Pero siyempre, mas magaling ang original!) Very artistic din ang ilang shots especially yung paglipad at pag-landing ni Papa Brandon kaso may ibang eksena, halatang animated.

Kuwela ang anak ni Superman. Favorite expression siguro ng bata eh, "Hambalusin kita ng piano dyan."

Teka, siguro kaya binabawan ang plot para makapag-concentrate sa kaguwapuhan ni Brandon. Makes sense.

Titigan nyo siya ...


Photobucket - Video and Image Hosting

Binalibag Ni Choleng ng 10:12 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Patawad, Manny!

07.02.06

Akala ko matatalo ka dahil tingin ko hindi ka gaanong naka-focus sa pag-eensayo dahil lahat na yata ng produkto, inendorso mo. May movie pa! Nawalan ako ng kumpiyansa sa 'yo. Natalo tuloy ako sa pustahan!

Bawi na lang ako ... para sa 'yo ang entry na to!

Photobucket - Video and Image Hosting

Laban, Pacman!

Binalibag Ni Choleng ng 10:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Oh My ... Tagaytay!

06.30.06

Tinatamad akong magkuwento, let the pictures do the talking. Tungkol san to? Nagpunta kami ng Tagaytay.

Photobucket - Video and Image Hosting

An evening at Leslie's

First stop: Leslie's for some bulalo. Masarap ang food kaso hindi pa kami tapos kumain, binibigay na agad ang bill at magsasara na raw sila. Kasuya, ni hindi pa nga napangalahati ang bulalo!

Photobucket - Video and Image Hosting

Overnight room for P800. Salamat sa haggling powers nina Julius at Richie. Nothing else to do kundi mag-kodakan. (Clockwise): Choleng, Chloie, Anthony (Richie's old buddy), Vivi, Julius and Richie

From Leslie's, hindi malaman kung saan magpapatay ng oras. Boring pala ang Tagaytay kapag Thursday night. Naisipan nung una'ng bumili na lang ng mamam sa 7 Eleven at mag-inuman na lang sa Adventure pero pagkagaling sa Starbucks (dumaan lang kami, hindi naman nagkape) naisipang kumuha na lang ng kuwarto para magpalipas ng gabi. No sense magpagala-gala ng wala namang happening.

Kinabukasan, 6:30 pa lang nasa Mushroom Burger na kami para mag-agahan. Chowking sana kaso sarado pa. Panalo ang food, breakfast pero plain ang rice. Di ba dapat sinangag?

Photobucket - Video and Image Hosting

Mushroom Burger pero tocilog ang order naming lahat. Makes sense?

After breakfast, larga na kami. On our way to our first destination, may nadaanan kaming fog. Fog lang yun pero tuwang-tuwa kami. Walang ganyan sa Metro Manila, noh!

First stop, Caleruega. Sa halagang P20, malaya mong maiikot ang "house of prayer and renewal." Maganda ang place. Tama nga ang slogan nila'ng "Close to nature. Closer to God."

Photobucket - Video and Image Hosting

Stairway leading to Transfiguration Chapel. Hindi masyadong handa si Vivi.

Photobucket - Video and Image Hosting

Kampo Arriba, Caleruega. Ganda ng place can't help but pose. Julius, best actor. Clio, best actress?

Photobucket - Video and Image Hosting

Magtaguan ba?

Mula sa kalikasan, kahayupan naman. Residence Inn ang sunod naming pinuntahan. Sulit din naman ang P100 entrance dahil "gising" ang mga animals.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Residence Inn Stars

Photobucket - Video and Image Hosting

Residence Inn models

After Residence Inn, diretso na kami ng Picnic Grove for lunch. Sa kasamaang palad, low batt na ang digicams pati na rin cellphones namin kaya walang bakas ng aming kaengotan. Ano yun? Tama ba namang pumunta agad sa assigned cottage eh wala pa'ng food. Ayun, mga isang minuto lang kami sa cottage, akyat ulit para bumili ng food at dahil pagod na, hindi na namin nakuhang bumalik pa sa cottage at dun na lang kumain sa tabi ng food kiosks. Ganda!

Natuwa, nainip, nabuwisit, inantok, namangha, natakot, nauhaw, nagutom, naaliw ... sari-sari'ng emosyon. Lahat yan sa Tagaytay. Salamat kay Anthony (na may asim pa) for providing Adventure to our adventure.

Photobucket - Video and Image Hosting

Binalibag Ni Choleng ng 9:49 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Sexagenarians

06.26.06

Main Entry: sex·a·ge·nar·i·an Pronunciation: "sek-s&-j&amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;-'ner-E-&nFunction: nounEtymology: Latin sexagenarius of or containing sixty, sixty years old, from sexageni sixty each, from sexaginta sixty, from sex six + -ginta (akin to Latin viginti twenty) -- more at SIX, VIGESIMAL: a person whose age is in the sixties

Bakit kamo ganito ang entry ko? Tange! Hindi tungkol sa akin 'toh! (Tagal pa yun, noh!) Last February kse, my Dad turned 60 tapos kahapon naman, Mom ko. Naku, sexagenarians na ang kasama namin. Kailangang ayusin na ang papeles para sa SSS pension pati na rin ang Senior Citizen Card!

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Kung bowling ang trip nung birthday ni ama, karaoke naman ngayon. Kantahan talaga kaming kuta-kutakot! Unfair nga kse kami'ng magkakapatid na halos nalaglag ang matris at napatid ang litid sa pagngawa, 92 lang ang highest score, aba ang Mommy bumulong-bulong lang at mali-mali pa ang lyrics eh 99? Talagang hindi reliable ang Karaoke na yan!

Pagbigyan na nga lang at birthday! Paging Karavision.

Binalibag Ni Choleng ng 8:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Bato-bato sa langit, tamaan may bukol!

06/24/06

"Honesty is such a lonely word. Everyone is so untrue. Honesty is hardly ever heard. And mostly what I need from you..."

Bakit nga ba tila walang kasiyahan ang tao? Hindi na ba uso ang katapatan? Di ba naimbento na yun? Hindi ba talaga puwedeng magkasiya sa isa? Bakit kailangang maghanap ng ligaya sa kandungan ng iba?

Don't get me wrong. Hindi naman sa Bitter Ocampo ako kaya ganito ang aking tema (kahit biktima ako ng kataksilan.) Can't help but wonder. Napansin ko lang na taas, baba, kaliwa, kanan, hilaga, kanluran, isama pa ang timog at silanganan ... kuwentong kaliwaan!

Susme ... ano bang nangyayari sa mundo?

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com