<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, February 22, 2007

Field Trip?
Baduy mode ang birthday celebration ng Dad ko pero what the heck. Importante, masaya kami at kumpleto ... well, almost, dahil hindi nakasama ang mga pamangkin ko sa Teresa. Mama lang nila ang nakasama, buti nakahabol.

Tsura ng field trip, dami naming pinuntahan.

First stop - Mall of Asia: Maglilibot daw pero hindi pa nag-iinit ang paa sa mall, Chowking agad ang pinuntahan dahil gutom na gutom na si mudra (what's new?). Pagkakain pa kami nakaikot pero bandang skating rink at wishing fountain lang kami, ni hindi nakaabot sa bandang iMax. Sasakay dapat kami sa free transpo na iniikutan ang buong mall kaso punuan naman. Malapit nang mag-takip-silim at baka ma-late kami sa next itinerary, kaya umalis na kami. Babalikan ka namin, MOA!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kain muna sa Chowking!

Photobucket - Video and Image Hosting
Dayoff si Choleng ... tuwang-tuwa!

Next stop - Breakwater. Opo, breakwater. Mahigpit ang request ng Mommy ko na pumunta dito dahil matagal na raw nyang hindi nakikita pero nang malanghap ang "aroma, " siya na rin ang mabilis na nagyayang umalis. Mabaho at marumi raw, ayun, naglaway at bumaligtad ang sikmura. Ganunpaman, di namin pinaligtas at nagkodakan pa rin. In fairness, kahit nasalaula ang lugar, wala pa ring kakupas-kupas ang Manila Bay Sunset.

Photobucket - Video and Image Hosting
Pamilya sa Breakwater

Photobucket - Video and Image Hosting
Babae sa breakwater ... Emote!

Sunod naming dinalaw ang Rizal Monument, again, request ng Mommy. (Bakit ba napaka-defensive ko?) Buti na rin at kasama sa itinerary dahil pare-pareho naming first time nakapunta sa bantayog. Promise! Daan-daanan lang kasi namin si Pareng Rizal.

Walang humpay na kodakan, bidyuhan at kutakutakot na pose. Di naman nakakahiya dahil marami ring kyongkyang, washiwashi at buruburu (foreigners in other words) na emote din. Naku, ang makulit kong pamangkin, dito pa naisipang mag-dance concert. Hala, todo sayaw ng "Itaktak Mo" back to back with "Crazy Pipes." Mapagkikitaan namin ang batang ito.

Photobucket - Video and Image Hosting
Turista?

Hinintay lang naming dumating ang isa ko pang kapatid (si Janet) tapos tumuloy na kami sa susunod na pit stop. Saan? Dun sa maraming dinosaurs. Hindi Jurassic park kundi sa Baywalk. Ibang klaseng umepal si Mayor Atienza, maganda ang pagkakagawa ng dinosaur replicas. Tuwang-tuwa ang mga bata, lalo na ang pamangkin ko dahil nakakita ng kalaro.

Eto oh:

Photobucket - Video and Image Hosting
Hi, I'm Chuckie. Wanna play?

Saglit naming pinanood ang mga bandang tumutugtog at tumulak na kami papunta sa final pitstop - Dampa Macapagal. Dun ko dinala sa suki - Kainan sa Balanghay. Dating gawi,buttered sugpo, liempo, ensaladang mangga, baked tahong at maya-mayang sinigang sa miso. Sarap!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kami naman!

Pagkakain, siyempre kantahan ang kasunod. Buwena mano si Girlie, tinira ang "Bring Me to Life" (na-inspire sa bandang napanood sa Baywalk) tapos nag-duet kami ng "Tell Him" at akalain nyong 100%! (tig-50% daw kami)

Yun karating-table naming thundercats na puro politics ang topic, natigil ang talakayan at pinanood ang pagngawa naming magkakapatid. Tuwang-tuwa ang mga majonders. Aba at palakpakan nang palakpakan. Concert?

Pagkalabas ng Balanghay, namili muna kami ng DVDs (Yes, Edu. Marami dito) tapos larga na sa super, duper final pit stop ... HOME!

Hay, whatta day. Siksik-liglig, hitik na hitik! Enjoy talaga! Kung puwede lang gawing linggo-lingo pero imposible dahil bukod sa mahirap kaming samsaming magkakapatid, hindi naman kami nag-e-LBM ng pera noh!

Binalibag Ni Choleng ng 10:14 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, February 20, 2007

Mahaderang Landlady!
LL: The guy who lived here left your receivers and satellite dish, do you want it back?

C: Actually, ma'am, it's the customer who should call us to have the equipment returned.

LL: He's in jail.

Acheche!

Binalibag Ni Choleng ng 6:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, February 19, 2007

Cotton Buds!
Pakidala daw ang "Breast Pump," announce ng lector pagkatapos ng misa namin sa Gamol. Susunugin daw, gagamitin sa Ash Wednesday.

Taka ako. Breast Pump? Anong kinalaman nun ... teka, Ash Wednesday ... susunugin ... ah, BLESSED PALM!

'Wag nyo naman akong palaspasin!

Binalibag Ni Choleng ng 2:00 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, February 17, 2007

Oh, boys!
1. Sinetch Itetch

C: Habla espanol?

SI: I don't speak Spanish but if you can understand a little English, I would be able to help you.

C: Okay, can you understand a little bit of Spanish?

Ngek!

2. RetardED

Ngalngal ni Ed sa email:

"'Yung isang customer ko, dahil sa inis sa problema at wala ako'ng magawa, gusto daw nya'ng kausapin ang president ng company namin. Eh kamamatay lang last month ng President and CEO due to cancer, naka-post pa nga sa website .....eh di kausapin nya sa hukay!

Retarded talaga!

3. Estranghero

Matapos i-hold ang customer, binalikan ...

"Congratulations for patiently waiting ..."

Patience is a virtue.

Hanggang sa muli!

Binalibag Ni Choleng ng 9:49 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, February 14, 2007

V Day!
Gone were the days na ang Araw ng Mga Puso ay strictly "for lovers only." Sa paglipas ng panahon, naging pang-family na ito kaya kasali na rin sila sa kaguluhan at pakikipagsiksikan sa malls, sa sinehan, sa park and yes, kahit sa motels.

Sa amin sa bahay, hindi man kami lumabas at gumastos ng malaki (kung bakit naman kse petsa de peligro ang VD!) ramdam na ramdam pa rin ang spirit ng Valentine's day ...

... sa whiteboard sa kitchen

Photobucket - Video and Image Hosting

... sa note pad

Photobucket - Video and Image Hosting

... cake

(mahal yung heart-shaped cake na endorsed ni James Yap kaya ito na lang)

Photobucket - Video and Image Hosting

... at ang pinakanakakataba ng puso, ang V-card na pinagpuyatan pa ng aking pamangkin ...

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Minsan yung payak na mga bagay pa ang ang nakapagdudulot ng walang kahulilip na kaligayahan.

Ano daw?

H A P P Y valentine po!

Binalibag Ni Choleng ng 9:43 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 11, 2007

Laplapalusa
Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

10 ... 9 ... 8 ... 7 ... 6 ... 5 ... 4 ... 3 ... 2 ... 1 ...

Slurrp!

Salamat sa 6,124 na pares ng nguso, muling nabalik sa Pinas ang record ng pinakamaraming sabayang paglalaplapan na inagaw ng Hungary noong 2005.

Hindi man umabot sa target na pitong-libo at matinding traffic ang nilikha ng okasyon, nabawi naman ang record kaya sulit na rin.

Mabuti na lang at marami nang liberated na Pinoy na game na game na nakipaghalikan in public sa kanilang mga kembyular. I bet nakailang-hesusmaryosep ang mga manang sa event na gagawin na raw isang tradition.

Hesusmaryosep!

Binalibag Ni Choleng ng 9:41 PM at 0 Nagdilim ang Paningin


Pac You!
Sa'n ka makakakita ng mismong birthday celebrant ang bumili ng sarili nyang regalo? Sa barkadahang Kuyog lang!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pac with Mama and Sibayan gurls and Lanz

Talaga naman! Kung dati, celebrant ang bumili ng sariling birthday cake, ngayon gift na. Ano naman kaya susunod?

Photobucket - Video and Image Hosting
Reminiscing ...

Yup, present ako sa birthday bash ni Ella (Pac for me dahil pakner in crime kami nyan) na ginanap sa Bahay ni Kuya Annex, haybol nina Ding at Lyn sa Cabeza, Project 4 Kyusi. Saksi ako at kakuntsaba sa mga kaganapan.

Photobucket - Video and Image Hosting
Present!

Eh bakit kamo si Ella ang bumili ng sarili nyang gift? Sila kse nina Imee ang official shoppers ng tropa at dahil official nga, kahit sariling birthday di na-exempt sa pagsa-shopping. Ayan, Luminarc plates tuloy ang binili. Naku, kung ako yan, platong pinalakpakan sa palengke ang binili ko! (Pinakamababang prrrrrresyo!)

Nabili na kaya gumawa na lang kami ng drama para naman di alangan at ma-feel ng may birthday ang pagmamahal ng Kuyog. Kunwari ako ang bumili ng gift tapos nung patak-patak na, yung nakulekta ni Imee, binalik din kay Ella. Ang bruha naman, kunwari gulat na gulat sa gift nya. Best actress!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ella at ang mga plato ... surprise!

Dahil sa pangyayari, nagkaroon tuloy ng idea si Kiko sa darating nyang birthday. Siya na rin daw ang bibili ng gift nya. Nakup, wag naman sana mahal ang bilhin. Basta ako Harry Potter Book 6 (Half-blood Prince) ang gusto ko. Ella, may siyam na buwan ka pa para magpalimbag.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
Choco with Chakas ... este, Kiko and Ding

In fairness, sulit naman ang sandaan naming patak-patak (talagang piniresyuhan) dahil gumapang kami sa kabusugan -- spicy chicken ng Shopwise, puto at pancit ng Goldilocks, chocolate ice cream ng Selecta at may pahabol pang pansit habhab! Bilang bonus, hindi naki-singalong si Ella kaya nasolo namin nina Jojo and Mama ang mike. Yahoo!

Photobucket - Video and Image Hosting
Dinaanan ng bagyong Kuyog

Hanggang sa susunod na family get-together. Kiko, utang na loob wag gulong ng kotse ang bilhin mo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:38 PM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ilusyunada!

Libre naman, eh. Mangarap tayo ...

http://www.myheritage.com


Eto mas masaya. Sinamahan ko lang ng aso, mas naging magaganda at bongga ang celebrities ...

http://www.myheritage.com


Ayos to ah!

Binalibag Ni Choleng ng 5:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, February 08, 2007

Tyangge?
Kung hindi ko pa ginawan ng sabitan, di ko mari-realize na marami na pala ang Chandelier collection ko and believe it or not, dalawa lang ang binili ko dyan. The rest bigay lang, karamihan galing kay Doc.

Nag-trip na naman ako!

Photobucket - Video and Image Hosting

Binalibag Ni Choleng ng 9:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Large lang ako, bruha!

Naghahanap ako ng sando sa lingerie section ng Gamol. Hinawakan ko ang isa, lapit agad ang saleslady sabay hirit:

"Ma'am, maliit po yan. Eto po ang XL."

Sarap sungalngalin!

Binalibag Ni Choleng ng 9:16 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


New Beginning

02.04.07

Simple lang at maikukuwento mo nga sa limang pangungusap ang plot ng Apocalypto at ni walang sikat sa artista'ng gumanap pero dahil bagong ideya ang plot, ibang lengguwahe ang ginamit (Yukatek Maya) at maganda ang execution, maituturing na ring isang obra maestra ang pelikula. (Opinyon ko lang, walang kokontra!)

Photobucket - Video and Image HostingBandang unahan lang medyo light ang istorya -- yung ginago-gago si Mr. Baog at pinakain ng itlog ng tapir at pinapahiran pa ng sili ang nota (aba eh Mayan age pa lang pala eh uso na ang BJ!) pero sa kabuuan ay marahas, nakaririmarim at madugo ang pelikula na talaga namang nakapangalog ng tuhod. Trademark na yata ni Mel Gibson ang madugong pelikula (e.g. Braveheart, The Patriot at Passion of the Christ).

Hindi ko makalimutan yung eksenang one after the other eh dinukit ang puso ng bihag (ewan kung bakit parang galing sa tiyan yung puso), pupugutan tapos ihahagis ang ulo at patatalbog-talbugin pa sa hagdan ng tikal sabay isusunod ang decapitated na katawan. Grabe!

Napagod din ako sa chase scene ng bida nating si Jaguar Paw at Zero Wolf. May araw pa, naghahabulan na sila, akalain nyong lumubog at sumikat ang araw eh naghahabulan pa rin sila. Hindi kaya sila nagutom at nauhaw? Walang tulugan? Buti na lang dumating ang mga conquistadors at naputol ang hagaran nila.

Umani ng puna at puri ang pelikula. Marami raw mali sa dates, sa eclipse, insulto daw sa Mayan race at kung anu-ano pang komento pero para sa akin, art pa rin sya na dapat namnamin.

Sulit din naman ang P130 sa THX Galle. Panoorin nyo.

P.S.

Buti na lang kumain kami sa Yellow Cab bago manood at kung hindi ... Ed, salamat nga pala sa treat. Nasayaran na naman ng mamahaling pizza ang sikmura ng mga dukha.

Binalibag Ni Choleng ng 9:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, February 06, 2007

Ayan na naman sila, oh!
02.03.07

Last week ng December 2005 nang una'ng mapadpad ang Lovester '05 sa Dampa Macapagal.

Hindi ko malilimutan ang araw na yun. Last day ng Pyrolympics, sobrang traffic kaya nakatulog na ako nun sa bus at laking gulat ko nang isa-isa silang magbabaan -- una ang mag-asawang Julius at Grace, si Bobby at ang nobya pa nya dati na ngayon ay asawa nang si Yani, si Love, JM, Aileen, Doc at DJ Drake. Susuray-suray ko tulay na nilakad ang kahabaan ng Buendia, sa pag-aalala naman ni Etchos. Maryosep! Nilakad namin mula Filmore hanggang Macapagal! Palis naman ang pagod at topak nang makakain at mapagmasdan ang patalbugan ng mga fireworks.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ganito kami noon ...

Photobucket - Video and Image Hosting
Ganito kami ngayon ... Fidel, sarap ng liempo no?

Mula nun, naging official "Team Building venue" ang Dampa Macapagal, specifically Kainan sa Balanghay. Although maraming stalls dito, naging paborito namin ang Balanghay dahil unang-una, dating taga-PS ang anak ng may-ari nito ang pinakamaganda, makakangawa ka ng hindi mag-aalalang may babato sa yo dahil kulong ang karaoke machine.

Photobucket - Video and Image HostingIlang buwan din kaming hindi nagtipon-tipon (may isang taon na yata), at sa pangungulit ni Love, suwerteng nasamsam ang tropa (well, hindi lahat) na nagpasimuno ng lahat.

Naku, walang kakupas-kupas sina Love at JM na naging life of the party. Total performer ang Alenea dahil bukod sa kanta, may giling pa. Aliw na aliw tuloy ang kabilang table na dapat sana ay siningil namin dahil halatang nag-enjoy sila. JM, sumakit ang tiyan ko sa boom-tarat a la lola mo.

Photobucket - Video and Image HostingMuli'ng nagsanib ang tinig namin ni Love sa Alone (salamat sa Amoxicilin, nakangawa na ako!) at kinanta naman nina JM at ang Anna ang respective national anthems nilang If I Could at Kokomo. More on lafangan ang nangyari at di gaanong nagngawaan dahil may kahati sa karaoke (yun ngang nasa kabilang table na di na nakaporma nang kumanta na kami ... subukan lang nila!) tapos may shift pa yung iba kinabukasan kaya 7:30 PM pa lang, pack up na.

Pauwi, nakisakay kami nina Doc, JM, Kathy and Clio kay Ivy. Malas namang nahuli pa ng parak palabas ng Macapagal. Swerving daw. Salamat sa matamis na tinig ni Ivy at kay SPO4 O, winarningan at sinermunan lang siya ng police officer. Ibang klase ang charm mo, Ivy!

Photobucket - Video and Image HostingSalamat sa lahat ng dumalo.

Park, buti at bumaba ka mula sa Olympus upang makihalubilo sa mga mortal ... hehehe ... Pataba ka.

Kathy, buti't nakahabol ka. Walang ganyan sa Groops noh?

Toots, naiyak ka ba dahil di lang crispy kangkong ang nakain mo ngayon? (By the way, panalo ang ensaladang mangga mo ... basang-basa ... naglulusak!)

Kaye, sana naaliw ka kahit papaano.

Tata, sana hindi naeskandalo si Amy sa kaewanan namin. Musta naman ang BP natin?

Doc, sino na'ng mamamalengke at mag-e-SGV ng patak-patak kung wala ka?

Clio, salamat sa pagbitbit ng mga tira-tira. Free lunch tuloy kinabukasan.

Ivy, sobrang thank you sa lift. Di naman ako ka-virgin-an pero pilit mo akong ibinaba dun sa safe ako. More porkchops to come!

Love, ayoko nang mag-organize. Ubusan ng load (hehehe) and lastly, dun sa mga umoo na hindi naman dumating ... isang malutong na HMP!

Photobucket - Video and Image Hosting

Ubos na! Hanggang sa muli!

Binalibag Ni Choleng ng 2:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, February 01, 2007

FUN-natics
Halinang tunghayan ang mga katawa-tawang pangyayari sa buhay ng fANNAtics na naganap sa loob lamang ng dalawang araw ...

*****

Wala raw SSN (Social Security Number) ang nanay ng kausap ko'ng bata. Tinanong ko kung may kapamilya na meron. Yun daw brother nya. Tinanong ko kung ilang taon ang kapatid. 2 years old daw.

Gustong masaktan.

*****

Nagsimula sa usapang may Parkinson's disease si Michael Jay Fox (na kahawig ni Toots), naalala ni Jeff si Gary Coleman. Tanong ko, sino'ng Gary? Yun daw nasa Different Strokes. I-Google daw. Di ko talaga kilala kaya tinanong ko kung ang spelling eh C-O-L-E-man o C-A-L-L-man.

Coleman daw dahil ang Callman parang tumanda o retired na call boy.

Baklasin ko kaya ang braces mo, Jeff?

*****

Fat Free daw ang marshmallow ... oo, fat free ... may libreng TABA!

*****

Di ma-gets ni Kaye ang last name ng customer.

Sabi ng customer, "Just like the last name of the Queen of England." Masilip-silip ko Thatcher ang apelyido.

Kelan pa naging Reyna si Margaret Thatcher? (Sabagay astig toh!)

*****

Hanggang sa susunod na issue.

Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com