<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, April 29, 2007

Wrap Rapped
Parang bubble gum sa ilalim ng sapatos, hindi mapaknit-paknit ang isyung Wrap code. Bata pa si Sabel, isyu na yan at ilang nilalang na ba ang napaliparan ng memo dahil dito pero ba't nakalkal na naman at matindi ngayon dahil humangga pa sa indefinite suspension!?

Sa isang banda, maganda na ring muling naungkat ang isyu bagama't may naiwang hindi magandang lasa sa dila ko nang malaman ko ang tunay na dahilan ng pagkakaungkat nito. Tumaas ang awareness hinggil sa issue at dahil dyan, naging conscious at tapat na ngayon sa pagpili ng wastong disposition at sa pagtatapos ng production day, TRUE conversion talaga ang lumalabas.

Sometimes, the TRUTH hurts!

Binalibag Ni Choleng ng 10:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 28, 2007

Hale-Hale Hoy!
Okay din naman ang latest na pakulo ng kumpanya. Imbes na swimming, carnivale ang napiling tema, dyan lang sa malawak na damuhan ng The Fort.

Corny sa iba pero okay na rin dahil kahit papaano, "family day" ang effect. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawa't empleyado na maipakilala ang kani-kanilang asawa, retaso, kapatid, pinsan, dyowa at kung sino-sino pa. Yeah, corny para sa mga adults ang tyangge (yes, concessionaire si Sandara!), mga payaso at mannequin pati na ang giant slide at velcro wall ba yun pero super enjoy naman ang mga bata. Nakaka-disappoint nga lang wala ang dalawang mainstay sa perya - asan nga ang ferris wheel at caterpillar, Don, at nasaan ang daga na pumapasok sa lungga? Di bale, okay din naman ang entertainment.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketHabang nilalantakan ko ang hita ng manok ni Mang Kenny, sumalang ang Six Day Notice, official band ng PS. Okay ah, RJ! Pro na pro. Sumunod ang Entwined na sulit na sulit ang bayad dahil siyento porsiyento ang performance at para sa finale, ang Hale.

Favorite ko ang Hale dahil quality band silang maituturing. Pulido ang mga nota (musical notes po) at poetic ang lyrics pero dahil melodramatic nga ang genre nila, hindi sila pang-concert.

Susme! Kulang na kulang sa pakikipagkonekta sa audience ang lead singer na si Papa Champ. Magsalita-dili at kung magsalita man, naka! walang sense. Buti na lang cute siya at kung hindi, 1,000 decibels na siguro ang hilik ng tao. Ewan kung may diperensiya ang sound system pero walang maintindihan sa lyrics (Yes, Tata. SS did not speak clearly at oo, Tata may kanta silang Tagalog!) Parang paungol lagi kaya sabi ko kay Tata, di dapat Hale ang name nila kundi Wail.

Akala ko encore nila ang The Day You Said Goodnight pero laking gulat ko nang pagkakanta ng last song nila (ewan ko kung ano yun) sukat ba namang hubad agad ng gitara at batsi na. Ganun lang yun? Yun na nga lang ang pinakahihintay kong kantahin nila tapos "they said goodnight" na?

Hmp! Bili na rin kayo ng Twilight. Okay naman sila pero listening lang. Ipaghehele kayo. Zzzzz ... ngooork ...

Binalibag Ni Choleng ng 10:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, April 27, 2007

Bonj Voyage!
Ilang buwan lang sa teritoryo ng Merlion, suwerteng nakakuha ng bakasyon si Bonj at kahit na hectic ang schedule, naisingit pa rin nya ang pagbibigay ng dinner sa tropang KOC (Key of C, hindi Knights of Columbus!)

Lito nga kami nung una dahil nasabay pa ang dinner sa birthday celebration ni Joshua, anak ni Papa Bo na inaanak pa mandin ng kalahati sa KOC pero napag-isip-isip namin na si Joshua, nandyan lang naman sa Galas at isang silbato lang ni Papa Bo eh madali kaming makakarating pero si Bonj, ilang araw lang lilipad na kaya gora kami sa QC. Besides, sayang din ang pasalubong ni Tito Bonj ... hehehe.

Gaya ng inaasahan, riot pag nagsama-sama ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Sinimulan syempre sa kainan ... (natural!)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Nang mabusog, wantusawang ngawaan na. Umarkila ba naman ng Videoke machine! Yun nga lang, tila kamag-anak yata ni Mannix ang manufacturer ng machine. Mantakin nyong lahat ng kanta eh 100 ang score! Hmmm ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mannix, the Videoke King. Ako, tunganga na lang.

Siyempre, kapag may kantahan, may sayawan din. Puro 80's ang tinira namin bilang pagbabalik-tanaw. Hindi nakaligtas ang Menudo at ang makabagbag-damdaming "Explosion."

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Explosion lead by Dance Divas Ligaya and Jomarie

Hay, ang saya-saya. Punong-puno ng energy!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Opo, punong-puno SILA ng energy! Ako, borlog!

Bonj, salamat sa masaganang dinner. Hanggang sa muling pagkikita at hayaan mo, pag na-release ang passport ko, sisiguraduhin kong Singapore ang unang matatatak dito.

Irene, thanks sa accommodation. Wag kang magsasawa sa kabalahuraan namin.

Ed, oo na, masarap ka nang magluto. Afritada ba yun? Ulangya ka. Pati pagtulog ko, di pinatawad ng kodak mo.

KOC, hanggang sa susunod na riot. Ilang pounds na naman ang madadagdag sa atin sa muli nating pagkikita? Wag naman sana.

That's be all.

Binalibag Ni Choleng ng 12:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, April 26, 2007

Mahalaga pero WALA!
Sa halos apat na dekada ko na sa mundong ibabaw, pansin ko lang. Bakit may mga bagay na importante pero palaging wala?

Eto ang TOP 5 sa listahan ko:

1. Tissue

Favorite na tanong especially ng mga girls, "May tissue ka?" Ewan ko sa yo! (Buti na ang bumabaha nito sa call center)

2. Ballpen

"Miss, pahiram naman ng ballpen." Namputsa, nasa NSO ka wala kang ballpen?

3. Barya sa umaga

Alam ng madaling araw, P100 ang ibabayad. Ganda!

4. Toothpaste

Ewan ko nga ba, di nakakaligtaang bumili ng lipstick, mascara o pabango pero nakakalimutan ang toothpaste. (Bakit pa, may mahihingian naman?)

5. Yosi at lighter

Langya, bisyo na lang di pa kayang panindigan. Yung iba, umaasa sa paisa-isang hingi ng stick sa barkada. Kapal! Eto pa mas makapal -- wala ng yosi, wala pa ring lighter. Pa-yosi na, pa-lighter pa. Ganda!

Ewan ko sa inyo!

Binalibag Ni Choleng ng 10:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 25, 2007

Yehey, magkaka-passport na ako!
Matapos ang ilang buwang pagbabalik-balik sa Civil Registry, travel agency at NSO, finally naayos na rin ang birth certificate ko. Ang pinamimithing "annotation" eh nakaplasta na!

Sus! Akala ko kapag releasing, madali na lang pero NSO ang pinuntahan ko kaya kahit 2 PM ako dumating, mga 3 PM ko pa nakuha ang copy ko. Ang sistema kse nila, kinokolekta ang lahat ng resibo tapos sabay-sabay iri-release. Pila galore. Anyway, ito na ang huling pagtapak ko sa gymnasium ... este, NSO. Kung hindi lang talaga may problema, nungka'ng pumunta ako dito.

Kung ako sa inyo, in case kailangan n'yo ng authenticated copy ng birth certificate, mag-request na lang kayo online sa http://www.e-census.com.ph . Oo nga't mas mahal (P115 pag sa NSO, P300 sa e-census) pero very convenient naman. Hindi ka na makikipagpalitan ng mukha, pipila at tatagaktak ang pawis. 3-4 working days, ihahatid sa bahay mo.

Hay, finally magkaka-passport na ako!

Binalibag Ni Choleng ng 10:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, April 24, 2007

Ako'y alipin kahit di ko batid
Pag sup pala, kailangan Super Woman. Bawal magutom, bawal umihi. Kahit hilong-hilo ka na sa gutom, ihing-ihi o taeng-tae, isang tawag ng agent, kahit gaano kasimple pa ang kailangan nila (ano raw ang wrap code, pa-print, approved ba ang leave nila, break daw sila, lunch etc ... etc.. blah ... blah ... blah ...) kailangan asikasuhin at kung hindi, wala kang kuwenta.

Tao din ako, may digestive at excretory system.

Binalibag Ni Choleng ng 10:03 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, April 20, 2007

Oo, nagpatira ako!
Usapang annual PE pa rin.

(Talagang di ko malimut-limutan dahil first time na tinira ako sa harap at sa likod!)

Sa dinadami-dami ng nagpa-physical exam nang araw na yun, ako lang daw ang nagpa-rectal exam, sabi ng Doctora. (Last year, kaming dalawa lang yata ni Anna ...)

Ewan ko ba kung bakit maraming ayaw. Para tutuwad ka lang naman at ipapa-joystick ang wetpaks mo. Mind you, may view pa ha ... overlooking Valero! Oo, uncomfortable pero ano ba naman yung mga isang minutong kukutkutin ang ass kapalit ng kasiguruhang wala kang almo!

Whew! Buti na lang naimbento ang KY!

Binalibag Ni Choleng ng 6:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, April 19, 2007

Finally!
Let's give them something to talk about ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Something to talk about talaga dahil finally, matapos ang ilang linggong pang-aalipusta ni Simon, na-tsugi na rin ang pobre. Ano'ng nangyari sa Bumbay community at hindi yata gumana ang powers nila this time?

Di bale. Sikat na siya.

Sanjaya, mami-miss ko ang walang katorya-torya at malamya mong pagkanta. Welcome to Bollywood!

Binalibag Ni Choleng ng 7:12 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Aray Naku!
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Mahigit tatlong taon din mula nang huli kong maramdaman ang kakaibang sensasyon. Matinding kirot ang naramdaman ko ng ipasok ang malaki at madulas na sandata. "Relax lang," sabi n'ya pero pano ko kaya magagawa yun eh ang kirot! Kulang na lang sumigaw ako pero nagtimpi ako. Ilang ulos at nakuha na n'ya ang gusto.

"Sige, Ma'am. Tapos na," at tinulungan pa akong magbihis ng Doctora.

O, ano'ng iniisip nyo? Pap smear lang po ito. Required sa Annual PE para sa empleyadong life begins pataas.

Sus! Ang dudumi ng isip!

Binalibag Ni Choleng ng 7:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 16, 2007

Am I enjoying it?
Despise it!

Binalibag Ni Choleng ng 7:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 08, 2007

Easter SUNday!
Buong akala ko hindi na ako makakasama sa family outing pero buti na lang, 2 sups ang umako ng nga deliverables ko (Thanks, Jasmine and Dennis!) kaya maaga akong nakapuga.

For the first time, 3:01 pa lang nasa elevator na ako. Parang gusto kong maglupasay!

4:00 pa lang nasa Sea Breeze na ako, isang bantog na resort dyan lang sa Hagonoy, Taguig. Sowskopo! Dahil Easter, lahat yata ng tao sa Taguig eh nandito na. Parang mga itik sa ilog!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Ama sa piling ng mga itik

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Basta may inihaw na tilapia, masaya na si Mudra

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Enjoy na enjoy ang aming munting prinsisa

Agad akong kumain at saglit na nagpahinga bago naghagilap ng magagamit sa paliligo. Dahil di ko akalaing makakahabol ako sa swimming, wala akong dalang gamit. Buti na lang, girl scout ang bunso kong kapatid at may 2 extra bathing suit siyang dala. Ang kaso, dahil sa kanya at may kalusugan, yung isa putok-putok ang bottom at yung isa naman, maluwag ang top kaya luwa ang susubelles ko. Nagkasya na lang ako sa lumang bathing suit na di kagandahan pero at least, kasya sa akin.

Dahil late na akong dumating, tingnan nyo naman ang diperensiya.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Clockwise: Girlie, Teejay, Tom, Kiko, Dad, Choleng and Tet

Tila may kasama akong nga ita!

Enjoy naman kahit saglit akong nakasama at alam kong ibayong kaligayahan ang idinulot ng pagdating ko sa mga olds. Better late than never, ika nga.

Sana lang next year maulit ito. Promise, magdadala na akong sarili kong bathing suit!

Binalibag Ni Choleng ng 7:17 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, April 05, 2007

Holy Weak!
Panalo ang Mahal na Araw ko. Talagang kalbaryo ang drama.

Huwebes Santo. Mag-isa lang akong morning sup at ewan ko ba, wala naman akong balat pero tuwing naiiwan akong mag-isa, laging may nagda-down. Akalain nyong down na nga ang CMS (ito yung system na nagmo-monitor ng calls ng agents), down pa ang Ana*yt**s (ito naman yung taga-generate ng report) at down ang Outlook. Sabi nga ng TM, meron pa bang ibang puwedeng mag-down?

Biyernes Santo. Mag-isa na naman akong pang-umaga. Walang kaabog-abog, nawalan ng kuryente 8 AM pa lang. Kaya ko namang i-handle ang pangyayari pero ang hindi ko kinaya eh ang paglapit sa akin ni Clio saktong pagkalat ng dilim sa floor. Sumasakit daw ang dibdib. Sabi ko, "Clio, huwag kang magbibiro ng ganyan." Pero sa hitsura nya, alam ko hindi sya nagbibiro.

Nataranta ako. Ano ba ang uunahin ko, alamin kung ilang agents ang naapektuhan ng brownout at tulungang i-restart ang PC nila na dahil namatay eh nag-giant font lahat o si Clio. Kaso, unahin ko man si Clio, paano? Holiday. Walang clinic. May Makati Med pero walang elevator!

Ano ba naman to! Umupo muna ang Clio, lapit ako sa guard. Sinabi ko ang nangyari at buti na lang, kahit madilim pa ang paligid, may elevator na pala kaya pinasamahan ko ang dalaga sa kapwa dalaga. (Oo, Nap. Ikaw yan!)

One case resolved pero hindi pa dun natatapos ang kuwento. Bandang 2:00 PM, brownout na naman. 30 mins lang naman nawala pero kakaloka dahil nang bumalik ang power, aba, on and off! Mga 5 beses siguro bago pumirmi ang power. Ang mga PC, nag-giant font na naman!

Dahil sa kaguluhan, late ko nang nagawa ang reports at nakaalis ako ng office ng 7:00 PM na. Mind you, 6:00 AM to 3:00 PM ang schedule ko huh.

Pauwi, traffic dahil kaliwa't kanan ang prusisyon. Nakaligtas ako sa Pasig pero hindi sa amin. Ilang kanto pa mula sa amin, bumaba na ako dahil sasalubungin namin ang prusisyon. Palakad akong sumalubong pero okay na rin dahil nagkaroon ako ng pagkakataong panoorin ang iba't-ibang karo. Daming version ng Mater Dolorosa at Santo Entierro. Kahit papaano, na-feel ko ang Holy Week.

Sabado de Gloria. Medyo tinantanan ako ng down. Walang ganong issue kaya maluwalhati akong nakauwi. Pagdating sa bahay, nanlumo ako nang malaman kong magpa-family swimming daw sa Sea Breeze kinabukasan. Panigurado, hindi ako makakasama.

Siguro dahil sa sunod-sunod na pagod ng nakaraang araw at dahil Mahal na Araw, napaiyak ako.


Binalibag Ni Choleng ng 10:14 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 04, 2007

Holy Wednesday
Ayon sa CBCP, hindi na raw naaayon sa panahon ang pagpepenitensiyang tulad ng flagellation o pagpapako sa krus. Ang tunay na penitensiya raw ay ang pagpapatawad sa iyong mga kaaway. Biglang sumagi sa isip ko ang nasira kong asawa.

Puwede magpapako na lang?

Binalibag Ni Choleng ng 6:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, April 03, 2007

Serbilis!
Finally, nadala ko rin sa NSO ang dokumentong magpapalit ng Z sa S.

7:30 pa lang pero hindi na mahulugang-karayon ang tao sa NSO. Kataka-taka dahil bukod sa e-Census, ang dami pang satellite offices ng naturang ahensiya pero bakit ba ako nakikialam? Eh sa gusto nilang mahirapan! Di mo rin masisisi dahil dito P125 lang samantalang P300 naman sa e-Census.

Suwerte kung suwerte ngang matatawag na special case ako kaya sa mas maigsing pila ako itinuro ng guard. May nauna nang mga dalawampung tao sa akin. At di pala ako nag-iisang may problema sa birth certificate huh!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Yung katabi kong babae, nakaligtaang lagyan ng Jr. ang pangalan ng anak nya. Yung isa namang babaeng galing pa ng Pangasinan, mali ang spelling ng pangalan at yung babae sa may likuran ko, imbes na 1974 ang kapanganakan, 1973 ang nailagay. Ano yun ba naman yung kumadrona, naka-drugs?

Mabilis ang pila at di nakakapagod dahil may upuan naman. Ilang sandali lang, kaharap ko na ang screener na ilang beses binali-baligtad ang dala kong dokumento, may sinulat na RA kuning-kuning sabay sabing magpunta ako sa Window 35 na cashier pala. Isip-isip ko, bayad na naman pero di bale na. Ano ba naman yung P125 kapalit ng annotation sa birth certificate ko. Galing nga, sa April 23 pa ako pinapabalik para sa copy, 2pm.

Yan ang tinatawag na serbilis! Bilis maningil!

Binalibag Ni Choleng ng 10:13 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com