BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, March 23, 2008
Si Hudas at si Snape
Matapos ang isang century, natapos ko ring basahin ang huling aklat ng Harry Potter.
Maganda ang istorya, maraming twists at revelations at bagama't punong-puno ng aksiyon, marami ring nakakabagot na bahagi (kalahati yata ng libro!)
May napansin lang ako.
Si Severus Snape at si Judas Iscariot, tila pareho ng kapalaran -- iyon ay kung totoo yung nasusulat sa Gospel of Judas na napanood ko sa National Geographic.*
Ayon sa gospel diumano, si Jesus mismo ang nag-utos kay Judas na gawin ang dapat gawin para matupad ang dapat maganap. Di ba ganun din ang ginawa ni Dumbledore kay Snape?
Napansin lang. Sensiya, may hang-over pa ng Holy Week.
Daming tao sa kalye, kabi-kabila ang paninda. Lakas din ng patugtog ng tindero ng pirated CD's at DVD's. Hip hop pa, say mo.
Akala ko fiesta!
Daming palabas sa TV, wala namang kinalaman sa Mahal na Araw. Maharot rin ang tugtog sa radyo. Susme, yung kapit-bahay namin, todo ang pagda-drums ... Huwebes Santo yun ha!
Akala ko fiesta!
Boracay, Galera, Batangas, Laguna o Rizal ang punta ng karamihan. Dun na gugunitain ang Mahal na Araw. Dun na magre-retreat, magninilay-nilay ... beach concert ... beach party.
Akala ko fiesta!
Wala akong naririnig na nagbabasa ng pasyon, wala ring nagpepenitensiya o senakulo. JC, yung Rock Opera meron sa amin. Nadisgrasya, nabali ang krus. Hayun, nabalian si "Jesus."
Mabulaklak at makulay ang paglalahad ng mga commentator sa radyo kung saan una naming sinubaybayan ang labanang Pacquiao-Marquez kaya mukhang punong-puno ng aksiyon. Sa TV, bitin, nakakabanas at nakakaunsiyami ang laban!
Sa tagal ng paghihintay at pagtitiis sa sandamakmak na patalastas, tila hindi sulit ang kinalabasan ng labanan.
Oo nga't nanalo si Manny pero hindi matatawag na "sweet victory" dahil hindi gaanong nakaasta at nakalamang pa ng balugbog ang Mexican at mabuti na lang napatimbuwang dahil kung hindi, Luz Valdez ang Pambansang Kamao.
Wala naman akong sinisisi sa nangyari. Naghihimutok lang na walang gaanong sapakang nangyari at wala ring natulog sa ring. Nasanay lang siguro na isa-dalawang round eh tapos na ang mga laban. Masyado kong minaliit ang kakayahan ni Marquez at sobra naman ang kumpiyansa kay Manny.
Teka lang, Manny. Suot mo ba ang midyas na 100% kuton?
Masyadong mahaba ang pastoral statement na binasa sa pautal-utal na Tagalog kaya hindi ko gaanong naintindihan pero isang bahagi ang pumukaw ng aking atensiyon -- yung paghahalintulad sa atin at sa mga Egyptian.
Eto yun ...
The Model for Change is the Desert.
The history of salvation teaches us that the long road to freedom inevitably passes through the desert of purification and conversion. Having escaped from Pharaoh, via the miraculous crossing through the Sea of Reeds, the Israelites considered themselves liberated. But they were not yet free, because they wanted to go back to their old ways in Egypt. “Should we not do better to go back to Egypt?” (Numbers 14:2-3).
The chosen people hesitated at the shores of the Sea and remained enslaved. So Moses led Israel away from the Sea of Reeds, and they entered the desert of Shur. (Exodus 15:22) Believing that Pharaoh was the idolater refusing them the worship of the true God, it was in the wilderness where the people discovered that they too were guilty worshipers of golden idols. (Exodus 32:1-29). People were disciplined and converted from their greed (Exodus: 17-21); and the desert which the Israelites feared to enter became for them a place of purification, discipline and conversion, before they could enter the promised land of freedom, forty years later.
There are yet no proven easy short cuts to conversion and renewal.
Looking back at EDSA I, euphoric and heroic as it was, it appeared that the event became the Filipinos’ day of crossing to freedom; but that was only the first step that hardly anyone knew. The “desert” awaited the people who would be purified and converted, before they become fully liberated. But people preferred the convenient streets as the easier route to an imagined freedom, and feared that the “desert experience” that awaited conversion and new beginnings.
Hay, ano kaya yung disyerto ng mga Pilipino at ako? Ano ang disyerto ko?
Hindi naman huminto sa pag-iiwan ng kung anu-anong items ang misteryosong hangal na tatawagin ko na lang na Wating pero dahil buong taon ng 2007 eh puro wholesome ang mga iniwan nya tulad ng koala bear na nakayapos, stuffed monkey na nakayapos, glass rose at toys mula sa McDonald's, hindi ko na siya gaanong binigyan ng pansin.
Muli akong nabahala nang dalawang linggo na ang nakakaraan eh nabanggit ng Mom ko na na may iniwan na naman ang "tagahanga ko." Manika daw, nasa ibabaw ng drum sa may labahan. Singlaki ni Barbie pero walang ulo.
Kinilabutan ako, na-curious pero hindi ko tinangkang tingnan ang pugot na manika. Naalala ko bigla ang mga pinaggagawa ni Wating:
Isang linggo matapos matagpuan, putol-putol nang natagpuan ang decapitated na manika. Baka raw nainis si Wating, sabi ng Mom ko, dahil hindi pinansin. Umakyat ang dugo sa ulo ko, nagsulat ako ng note at idinikit malapit sa lasog-lasog na manika.
Ang decapitated na manika. In fairness, may necklace pa!
With the note
Huh! I'm sure nabasa na nya ang note by now dahil malaki ang hinala namin na kapit-bahay lang namin siya. Nakakatakot isipin na may nakakapasok sa teritoryo namin nang hindi namin alam.
Susme, tatlong taon na ang misteryo hindi pa rin naso-solve!
Dati nang naialok sa akin ang paglipat sa Baguio pero di ko kinagat kahit na sure ball ang promotion dahil nilamon ng cons ang pros. Di bale nang OIC ako habang buhay basta kasama ko ang pamilya ko (at pang-umaga ako)
Iba ngayon ang offer. Baguio rin pero mas katakam-takam dahil sure promotion at may training sa US na kasama!
Tempting dahil makakapunta ka sa US ng libre pero ano ang mangyayari pagkatapos? For sure may bound ... este, bond. Ano, kailangang pumirmi sa Baguio sa loob ng isang taon at bawal ring mag-resign sa kumpanya sa loob ng dalawang taon. Maaatim ko bang mawalay sa pamilya ko???
Pros and cons ulit!
Bahala na. Offer at plano pa lang naman and knowing our account na tila babaeng pabago-bago ng isip, hindi pa ngayon ang tamang oras para malagas ang pilik-mata ko sa pag-iisip. 'Pag andyan na, may kasulatan at nagkapirmahan na at nakasakay na ako sa eroplano, saka ako maniniwala. (Ngek!) Malay natin kung may umalma sa Baguio. Bakit nga naman hindi na lang sa kanila kumuha at kailangang sa Manila pa. Maraming pang puwedeng mangyari.
Yung lipat sa PSC noong 2005, buong akala namin, "for keeps" na pero sadyang kakambal na namin ang paglalagalag, muli kaming pinabalik sa JG ng 2006 at heto nga, matapos ang mahigit isang taon eh back to "home base" kami.
Fourth floor, window-side kami -- 4 rows kami, naging 2 rows. Maka-Pasko, pinausog kami malapit sa pinto at CR at ang latest movement eh ngayong araw, fifth floor naman.
Hanep, naikot na ng DR ang buong PS. Kelan kaya sa 2nd floor?