<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, June 29, 2008

Tik-tik-tikman mo ang Kamao
Tikman mo Kamao! Tik-tik- Tikman mo Kamao ... Tik-tik- Tikman mo Kamao ... Pagsuntok ni Pacquiao muling titigil ang mundo! ... *

Photobucket

Muli na naman ngang tumigil ang mundo at muli na namang nagpameryenda ng "kamao" si Manny. Tindi ng kamao, may pampatulog! Kawawang Diaz, natik-tik-tikman ang Pambansang Kamao. Hayun, tim-tim-timbuwang.

Easy money!

* Rap ng mga Feeling egoy -- it's good!

Binalibag Ni Choleng ng 8:03 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 28, 2008

Mowdels
Presenting my latest creation ...

Photobucket
Jenny Cabusora, future model (naaaks!)

Photobucket
Stage Father

Kaloka!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 26, 2008

Birthday Trip ni Mudra
Simple lang naman ang trip ng Mom ko pag birthday nya.

Libutin ang Mall ... maglakad mula Building A and vice versa ...

Photobucket Photobucket
L: Malling sa Gamol R: Pa-cute na Jenny

Magmeryenda sa Chowking ... (official caterer of the oldies ... hehehe)

Photobucket

... at mamasyal sa Tiendesitas.

Photobucket Photobucket
Bul-ols and pets at Tiendz

Okay sa Tiendesitas pero kung ang pakay mo lang ay mamasyal at wala ka namang bibilhing talaga, nakakainip at nakakaantok. 'Di kse aircon kaya madali kang mapapagod pero kung sadyang mahilig ka sa rampa, dito ka! Samu't-sari ang puwesto rito mula damit, make-up, sapatos, antiques pero ang main attraction, yung pet section. Ito na ang Aranque ng Metro Manila. (paging DENR!)

Okay din ang Food Court nila pero maiimbyerna ka sa mga waiters. Agawan at kada may bagong dating, kukuyugin at ipagduduldulan ang menu at promo nila. Nauunawaan ko na gusto nilang kumita pero nakakawalang-gana naman yung mga walong tao ang kakausap sa yo, bawa't isa iniaalok ang tindahan nila. Pare-pareho din namang kanin at ulam ang tinda! Haging ko nang magyayang umalis at lumipat na lang sa Dampa ang kaso, nag-set up na ang performer of the night, si Maegan Aguilar. Umorder na lang kami sa unang waiter na lumapit sa amin. (Ayun, nang maka-order na kami, tinantanan kami ng iba pang waiters!)

Photobucket Photobucket
And the winner ... I forgot kung saang store kami um-order!

First time kong mapanood ng live si Maegan Aguilar. She's good. Ay, mali. she's very good! Enjoy na enjoy at hangang-hanga ang mga olds. Siyempre, enjoy din kami. Impressive din ang younger brother nya (forgot his name, starts with the letter "J). Ang lupit mag-lead guitar. Anong sinabi ni Ka Freddie?

Photobucket
The Aguilars covering Zombie ... superb!

Gusto pa sana naming panoorin ang ikatlong set kaso gabi na. Masama sa matatanda ang mapuyat saka may pasok pa kami.

Balik na lang siguro. Magbabaon na kami ng sariling caterer. Hmp!

Binalibag Ni Choleng ng 6:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 23, 2008

Frankly Speaking
Hindi ko masyadong pinansin si Frank dahil ang alam ko, sa Visayas siya mananalasa. Hindi ko pinansin nang malaman kong Signal #1 na sa Metro Manila at di rin ako nabagabag nang maging Signal #2 dahil ang alam ko, di tayo dadaanan ng "eye of the storm."

Kaya naman laking gulat ko nang Linggo ng madaling-araw eh gisingin ako ng nagbabalagbagang bintana at pinto gawa nang malakas na hangin at nang papaalis na ako ng bahay eh nagngangalit na ang ulan.

Photobucket Papasok na ako ng malaman kong Signal #3 na pala sa Metro Manila!

Grabe, ngayon ko lang naranasang pumasok ng Signal #3. (Rest day k'se ako nung dumaan si Milenyo) 'Tong laki kong 'to, halos tangayin ako ng hangin at ang heavy duty kong payong, bumaligtad!

Patayan din sa transpo kaya naman ang unang-unang Ayala bus na nakita ko sa Edsa, sinakyan ko kaagad. Kesehodang ordinary pa siya at tumutulo ang bubong.

Talaga namang basang-basa ako kaya naman pagdating sa office, naghubad talaga ako at naghagilap ng saya'ng maipangtatapi habang pinapatuyo ang tumutulo kong pants!

Hay, lesson learned. Dapat lagi kang handa at well-informed sa nangyayari sa paligid. Mahirap palang mabulaga katulad ng nangyari sa lumubog na Princess of the Stars.

Hay, Frank.

Binalibag Ni Choleng ng 7:33 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 19, 2008

Salamat, Doc!
Wala kang liham ng pamamaalam pero unforgettable naman ang despedida mo. Talagang hanggang sa huling araw mo sa PS, Mother Teresa pa rin ang drama mo. Maraming sikmura ang napaligaya mo.

Photobucket
Doc, end-shift-release na


PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket
Sisters of Charity Beneficiaries

PhotobucketPhotobucket
Special guests

Photobucket
Love, ano yan?

Pagpalain ka ni Lord sa mga rampa mo. 'Di ka namin makakalimutan. ('Wag kang mag-alala, iingatan ko ang "Bergante collections")

P.S.

Aalis ka na rin lang, aaminin ko na ... ikaw yung mystery guy na "nagwasak ng maong." Hay, mami-miss ko ang Starbucks cup na araw-araw mong iniiwan sa station mo.

Last na 'to.

Photobucket

End-shift-Release!


Binalibag Ni Choleng ng 6:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, June 16, 2008

Happy Father's Day!!!
Coffee mug ...

Photobucket

... and birthday cake for Dad.

Photobucket

Hindi po ito nude party. Sobrang init lang kaya walang mga shirts ang tao sa bahay.

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 12:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 15, 2008

Idol Ram
Pakiboto lang po:

Photobucket
Hindi ka naman galit?

Hindi lang siya kumakanta, magaling pang composer si RJ aka Ram kaya karapat-dapat lang bigyan ng break.

Sulit ang P2.50 nyo ... Text IDOL RAM send to 367 for Smart/Talk ‘n Text subscribers and 2344 for Globe/Sun/Touch Mobile.

P2.50 lang at mabibigyan natin ng katuparan ang pangarap ni 'Pre.

'Pre!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 10, 2008

Pink!
Huling hirit ng color coding, change schedule na kse sa Sunday.

Photobucket
Special guest ang diyosa. First timers naman sina She, Ivy & Bob

Nakaitim si Dennis pero siya ang naging "best." Nakuha sa props.

Photobucket
Bakit ba naalala ko ang Chicago Bulls?

R&R Awardees ... AM's finest:

Photobucket Photobucket
Not losers!

Heeeep. May humabol pa sa pink. Si Dyesebel, acidic!

Photobucket
Jenny Jezebel

Sa mga nag-participate sa lingguhang color coding, maraming salamat. Pinatunayan ninyo na hindi lang kayo marunong makiisa kundi marunong ding makisama -- the very essence of team work. Sana ang susunod na mga pang-AM ay sing-game nyo.

Teka, tayo-tayo rin naman yata, di ba? Tuloy-tuloy laaang!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 08, 2008

Narnia Naman Kami
The Dwarf

Photobucket

The Prince

Photobucket

The Princess

Photobucket

Ngek! Loko lang po. Sensya na, bihirang makatakas si Choleng sa amo, eh.

Opinyon: Typical Narnia plot, maganda ang effects at guwapo si Prince Caspian (magkahalong Albert Martinez at Gary Estrada) kaya naman pati si Susan Pevensie eh di nakatiis at nilapa siya. (Hmp, kabata pa eh kerengkeng na!)

Siguro hindi masyadong maganda ang movie kse ang daming eksena na nakatulog ako o siguro pagod lang ako. Panoorin ko na lang ulit sa DVD (Yes, Chairman?) para magkaalaman.

Jomarie and Mannix, hanggang sa susunod sa movie watching.

Binalibag Ni Choleng ng 7:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, June 07, 2008

Ang bagong dalaginding ni Kuya
Konti lang ang bisita at talaga namang very intimate ang 7th birthday party celebration ni Felle sa McDo San Mateo pero riot pa rin. Siyempre, present ang mga ninang na balahura. Full force ang Kuyog.

Parang kailan lang, wala pang ngipin si Felle. Ngayon, wala pa ring ngipin ... hehehe ...

Photobucket
Felle galore

Photobucket
Parlor game. Olats ang mga babae.

Photobucket Photobucket
Birthday wish for Felle

PhotobucketPhotobucket
Diet na puyat (pamangkin ni Mama) and Tristan. Enjoy!

PhotobucketPhotobucket
Pairs of the party: Ding and Lyn; MC and Nick (wehehe)

Bitin sa McDo kaya itinuloy ang celebration sa Bahay ni Kuya (Kiko). Karaoke party!

Photobucket
Isa dito ang nagpapanggap na tomador

Photobucket
Properties of Lani, Lyn, Theck, Myra and Imee

Photobucket
Ate Marielle and Mrs. Pangantijon (naaaks!)

July na ang susunod na pagtitipon ng Kuyog. 4-in-1 birthday celebration yata at balita ko sa Dad's daw.

Dad's? Ngayon pa lang hindi na ako kakain.

Binalibag Ni Choleng ng 11:05 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, June 05, 2008

Hematuria
Wala akong masabi sa resulta ng Annual PE sa PS. Yung hindi malusog, fit for work; yung payat overweight tapos karamihan may hematuria at tama sa baga.

Isa na ako sa may hematuria o dugo sa ihi.

Langya, no-UTI since birth ako tapos ngayon may dugo ang ihi? Hindi ko matanggap. Hmp! Matapos lang ang buwanang dalaw ko, magpapa-urinalysis ako at ipapainom ko sa kanina ang ihi ko.

Suya!

Binalibag Ni Choleng ng 7:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, June 03, 2008

Ponkan na Ponkan!
Bongga ang "orange" week dahil bukod sa maraming participants (salamat sa mga orange jackets na "sinikwat" ni Doc sa kapit-bahay), may special guests at first timers pa.

Heto na'ng mga pics:

Best Dressed

Photobucket
Halloween in Summer. Ayos ka rin, Kagawad!

Agaw-Eksena

Photobucket
Kulot, Ang Sinelas ni Nor at ang Pumpkin

All together now

Photobucket

Sinetch itetch:

On his way to the CR, sa pag-aakalang nag-iisa lang siya, bigay-todo siyang umutot. Yun tunog ba eh parang pinipilas na maong. Huli na nang mapansin nyang may tao pala sa kabilang aisle, si Frank of Grupo. Nakupow!

Clue: Naka-orange

Lesson: Bago bumuga, stop, look and listen muna.

Next week ulit.

Binalibag Ni Choleng ng 7:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, June 01, 2008

SATC
Shangri-la o Megamall namin target manood ng much-awaited Sex and the City pero sa Robinson's Pioneer kami nauwi dahil dito lang ang screening na tugma sa schedule ng mga movie buddies. Hindi trip ni Ed ang movie kaya kami na lang nina Jomarie, Mannix and Ligaya ang nanood.

Sulit ang paghihintay. Mahaba ang movie pero walang nakababagot na sandali.

Nakakaawa si Carrie at ewan ko ba, naiyak ako sa nangyari kina Steve at Miranda. Siguro dahil nakaka-relate ako o siguro affected ako dahil bahagi na rin ng buhay ko ang apat na hitad.

Sobrang suwerte ni Charlotte at tingin ko luka-luka si Samantha sa ginawang pakikipagkalas sa malinamnam na si Smith. Hay, once a gabi, always a gabi. Sana may Part 2.

Bongga sa Rob Pioneer, P120 na nga lang ang sine, may raffle pa. Trip to New York.


Photobucket

NY Wannabe Ligaya

Sana manalo kami!

Binalibag Ni Choleng ng 7:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com