BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, July 31, 2008
Birthday ngayon ni Yayang
Asyang ang pangalan ng lola ko (father side), short for Ignacia, pero dala ng kabululan ng kabataan, "Yayang" ang naging tawag ko sa kanya na siya ko na ring nakasanayan at nakalakihan at ultimong mga kapatid kong sumunod sa akin, pinsan, malapit na kamag-anak at mga batang gagala-gala sa kalye, yun na rin ang tawag sa kanya.
Sa pandinig ng iba, tila walang paggalang ang tawag namin sa kanya pero wala namang kaso kay Yayang. Besides, sa mga hindi nakakaalam, may paggalang na rin dun. Yayang -- contraction ng Inang Asyang. (magalang!)
Masaya at palabiro si Yayang (bagama't may katamaran). Kapag may umpukan, siya ang bangka (ngayon alam nyo na kung saan ako nagmana) at kung makatawa, 1,000 decibels (nakupow, sounds family!) Mula sa pamilya ng musicians, natural lang na mahilig sa music si Yayang. Siya ang leader ng family choir namin (na active lang tuwing Pasko) at oo, nung bata-bata pa siya, tumutugtog siya ng sax (yes, saxophone) kaso tumigil dahil dinudugo raw siya. Si Yayang din ang kayang sumegunda (o mag-second voice) kahit ano ang kantahin mo. Kahit ano'ng nota, kahit ano'ng kulot, parang missile na susundan ka. Kung minsan tunog pasyon na pero segunda pa rin siya!
Si Yayang ang senior citizen na mahilig sa makabagong musika lalong-lalo na sa jazz at R&B (Lola Madonna nga ang tawag sa kanya ng mga barkada ko). Paborito nga nya si Rick Astley, ang "Everything She Wants," ni George Michael at pag nagpatugtog na ako ng Sade, umuupo na yan sa sofa para makinig. (80's ah!)
Nung mga 8-10 years old pa lang ako, lagi kaming nagkakabangga ni Yayang. Pinipilit kse akong isali sa mga amateur singing contests eh ayoko naman. Naku, para akong bayawak na hinihila sa lungga kapag oras na ng practice. Sermon lagi, back-up pa ang nanay ko. Para sa akin daw ang ginagawa nya, sa ikabubuti ko rin daw ... blah ... blah ... blah! Nung panahon na yun, nabubuwisit ako at nagsisisi kung bakit meron akong magandang boses. Siyempre, iba na ang pananaw ko ngayon. Tama sila at kung pinursigi ko lang ang pagkanta, baka wala si Regine V sa puwesto nya. Mahibang ba!
Nagkasundo lang kami ni Yayang nung ibugaw nya akong maging singer ng banda. Dito, nag-enjoy ako talaga. Walang competition, just pure entertainment. Kahit saan kami rumaket, kasama siya. Laking abala dahil pati siya napupuyat pero siyempre, kailangang may chaperone dahil mag-isa lang akong babae sa banda tapos bata pa ako nun. 'Nung magtagal, hindi ko na pinasama. Sabi ko magpahinga na lang siya, may bagong member at hindi na kasya sa sasakyan kung sasama pa siya. Nagkakamabutihan na k'se kami ng bassist!
Malakas at masigla sa edad na 70, sinong makapagsasabi na igugupo siya ng cancer of the endometrium? Saksi ako sa lahat ng pinagdaanan nya mula sa tests, confinement at TAHBSO operation sa Veteran's Hospital, cobalt sessions pati na rin nang muli siyang ibalik sa hospital. Ako rin ang kinausap ng doctor at sinabing nag-metastasize na ang cancer at may malaking bukol na nakabara sa intestine nya.
Ah, bigla ko'ng naalala lahat. Siguro dahil birthday nya.
Yayang, kung nasaan ka man ... okay ba ang jamming natin dyan?
Binalibag Ni Choleng ng 7:06 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 27, 2008
A Very Special Love
Asan na si Sarah?
Yan ang hirap, bumili lang ng AXN watch nakipaglambutsingan pa kay John Lloyd.
Binalibag Ni Choleng ng 6:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 26, 2008
Boodle-Boodle
Sa Pasig na dapat ako magdadaan papasok pero sa hindi maipaliwanang na kadahilanan, nakatihan kong sa Taguig magdaan.
Wrong move!
Fiesta pala ng Santa Anang Banak at hindi lang ordinaryong fiesta. Isinabay na rin ang attempt na mag-set ng Guinness World Record ang Taguig para sa pinakamahabang boodle fight sa buong mundo.
Mahabang dulang
Sta. Ana Church pa lang, sarado na ang kalye. Bumaba ako ng jeep dahil didiretso na ng Pateros, mapapalayo ako sa FX terminal. Plano ko sanang mag-tricycle hanggang sa sakayan ng Ayala kaso wala ring nagdadaaan. Nilakad ko sa pag-aakalang maigsi lang pero napasubo ako. Aba sa paglalakad ko mula simbahan hanggang bagong tulay ng Ususan, papuntang C5 eh puro mesa ang nakita ko. 2 kilometro pala ang planong paglagyan ng 1,100 na mesa sa kahabaan ng Hagonoy, Bambang, Wawa, Sta. Ana, Tuktukan at Ususan.
Kamayan!!!
Hmp! Dapat ma-break ang record dahil bukod sa sumakit ang paa ko sa paglalakad, napa-taxi ako ng wala sa oras!
Photos courtesy of LiNuSGE and Uckhet
Binalibag Ni Choleng ng 8:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 25, 2008
Qantastic!
Yes, mapi-feature na naman ang Pinas sa Air Crash Investigation o dili kaya eh 30 seconds From Disaster.
Matitinik din ang mga pilot, huh. Walang buhay na nawala, bagahe siguro meron. (Ilang maleta kaya ang umalagwa?)
Way to go, mayt!
Binalibag Ni Choleng ng 5:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 23, 2008
At saka JAKA
Bukod sa pagiging maingay, kilala ang DR sa pagiging nomad. Ikaw ba naman ang gawing pingpong ball at palipat-lipatin mula JG Summit hanggang Philam hanggang Export Bank hanggang PSC and vice versa. Hawak na nga ng DR ang Guinness Book of Record sa pinakamaraming beses na pagpapalipat-lipat kaya naman medyo disappointed ako dahil hindi pinatikim sa amin ang JAKA, or so I thought.
View from the 6th ... ganda!
Be careful what you wish for.
Bago ako mag-rest day, narinig ko na RD ang lilipat sa JAKA kaya laking gulat pagbalik ko nang malamang kami ang lilipat.
Huwaaat???
New homebase ... bongga pa rin!
In fairness, okay naman sa JAKA. Although pang-Final Destination ang elevator, very intimate naman ang left wing dahil 3 accounts lang ang gumagamit (kawawa naman ang mga nagpepedal sa ingay namin), bongga ang PC at crystal clear ang audio ng phones, cute at malapit lang ang pantry (di mo na kailangang mag-commute di tulad sa PSC although bothered ako sa basurahang karton) at super friendly ang mga guards dahil sila rin yung mga tsokaran namin sa JG. Medyo hassle nga lang ang CR dahil kailangan mong umakyat sa hagdan na sa tingin ko any moment ay may lalabas na white lady.
All settled ... to give deductions :-)
Hindi ka rin magugutom dahil ang daming temptations sa ground floor -- McDo sa kaliwa, Krispy Kreme sa kanan, Goldilocks sa di kalayuan, may KFC, Chowking, Barrio Fiesta at kung anu-ano pa sa De la Rosa. Kumusta naman ang puson?
Bagong bahay, bagong buhay.
Ano kaya ang kapalarang naghihintay sa amin?
Binalibag Ni Choleng ng 8:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 22, 2008
"May bayad ba ang bata?"
Hindi ko alam kung mabubuwisit o maaaliw ako sa ilang mga nanay na sumasakay ng jeep na may kasamang anak, hindi ipagbabayad pero ayaw namang kandungin. Hindi bale sana kung toddler pa yung anak nila pero minsan medyo malaki na (mga 6-8 years old ba, yung puwede nang ipagbayad?)
Ang titigas ng mga mukha ha. Kahit may sasakay at kitang-kita namang wala nang mauupuan, kahit medyo matagal nang nakatuwad ang pobreng pasahero sa paghahanap ng bakante, hala, hindi pa rin titinag ang mga mukhang kuwero. Kung hindi pa magpalahaw ang driver ("May bayad po ba ang bata? Pakikandong na lang po") hindi pa kikilos ang mga bruha.
Hay, ang nagagawa nga naman ng P8.50 ang minimum fare.
P.S.
Oo na, ako yung pasaherong nakatuwad. Aangal ba ako kung hindi ako???
Binalibag Ni Choleng ng 8:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 20, 2008
Pig-out Weekend
Sa panahong issue ang hirap ng buhay, mahal na bilihin, pila sa NFA rice at linggo-linggo'ng pagtaas ng gasolina, nakaka-guilty na sa dalawang araw na rest day ko eh "pig out" ang ginawa ko.
Yes, pig out talaga.
Imagine, Friday. Birthday ni Bonj who's on vacation from Singapore. Food galore sa Dencio's Metrowalk at kahit complete ang KOC with COF on the side na malalakas din namang magsikain, hindi namin napatumba ang sandamakmak na pagkain -- kare-kare, crispy kangkong, beef, pancit canton ... grabe, sumakit ang panga ko sa kangangata ng crispy pata!
Birthday Boy
Tsalap!
Sari-saring eksena. Maestro Jourdann, welcome back!
Saturday ang matindi. Hindi pa nga natutunaw ang kinain ko the previous night, heto at "eat all you can" naman sa Kamayan-Saisaki West. 4-in-1 birthday celebration nina Imee, Jojo, Puti and Stan (of Kuyog, tropa ko sa Montalban).
First time kong ginawa, non-stop na kain mula 11:30 AM hanggang 1 PM -- chika lang ang pahinga!
4 in 1 birthday celebration
Dami food. Lahat masarap!
With 2 of the birthday celebrators Imee and Jojo et al
Combancheros singing "Umbrella ... eh eh eh"
Pakner in Crime Ella
Saturday night, hindi ako nag-dinner. Sunday, hindi rin ako nag-breakfast at ang lunch ko Lucky Me Pancit canton saka monay. Hindi na rin ako nag-dinner. Sobrang bigat ng tiyan ko!
Salamat sa mga sponsors at kahit sa panahong taghirap eh nagawa pa rin kaming mapagapang sa kabusugan. Salamat talaga ng marami at hanggang sa uulitin (pero hindi na ako kakain ng ganung karami, promise!)
Binalibag Ni Choleng ng 8:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, July 17, 2008
So long, Joker!
Meeting? Avail!
End-shift-release.
May the force be with you at hinay-hinay lang sa ... alam mo na ... sa pagyosi.
('Kala mo d*ug-d*ug sasabihin ko no?)
Binalibag Ni Choleng ng 8:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 16, 2008
Puzzle Assistant
Move over, Zara. Ikaw rin, Jasmine tumabi-tabi.
Watcha say, Kris?
Binalibag Ni Choleng ng 9:00 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 13, 2008
Linggo'ng-linggo
Maganda at entertaining ang "Journey to the Center of the Earth" pero may ilan lang akong katanungan:
1. Bakit 100 degrees na ang temperatura pero mukha pa ring fresh na fresh ang mga bida?
2. Sa rurok ng pakikipagbuno ng mga bida sa mga luminous na piranhang di mo mawari, nag-ring ang satellite phone ng bata. May signal pala sa "center of the earth?" Smart kaya o Globe? Baka Globe kse naging "posible."
3. Ilang libong piye rin ang binagsakan ng mga bida nang tila iluwa sila ng Mt. Vesuvius pero ni wala man lang nabalian ng kuko sa kanila. Pano nangyari yun? Don't tell me na "shock proof" yung mandible ng dinosaur?
4. Bakit yung Icelandic accent ng bidang babae, nawala nang nawala sa katagalan ng movie?
5. Bakit ba ang dami kong tanong eh nagandahan naman ako sa movie?
Pahabol na ratsada:
Sobrang na-turn-off ako sa Manrose bus. 'Yun bang cute na cute na purple bus na patok na patok at dinudumog sa Ayala dahil malamig, comfy at may flat screen TV pa. Mantakin nyong kabago-bago eh tumirik sa Boni? Yes, ayaw kumagat ng kambiyo. Hala, baba kami at refund!
Sana sa kakarag-karag, iniipis at amoy goma'ng Del Carmen bus na lang ako sumakay.
Hmp!
*****
Sabi ng sermon ni Father Nolan, "End your bitterness ..."
Sa isip-isip ko, "Yeah, yeah, I will end him para matapos ang bitterness."
Bitter?
Binalibag Ni Choleng ng 6:33 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 12, 2008
RNR Paparazzi
Tada!
Congratulations to all the winners.
Maugong ang Bugong!
Binalibag Ni Choleng ng 8:27 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 11, 2008
GY
Finally, natapos na rin ang "graveyard shifts" ko. Once lang naman last week tapos last na yung kagabi pero nabulabog talaga ang pag-inog ng mundo ko. Oo nga't maganda'ng sumubok ng bago pero ang pagpupuyat eh hindi talaga para sa akin.
Nawindang ang equilibrium ko!
All of a sudden, nawalan ako ng urge magsulat or should I say, nawalan ako ng maisusulat. Sabagay lately wala naman akong maisulat. Wala kseng kakaibang nangyayari or should I say, nawalan ako ng oras mag-obserba sa kapaligiran dahil lagi akong borlog sa sasakyan!
Hay ... sure glad to be back. Hopefully, kapag nawala na tong feeling na "walang laman ang utak ko" eh magbalik ang kakulitan ko sa pagsulat.
Harinawa.
Binalibag Ni Choleng ng 7:37 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin