<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, March 28, 2009

Bistekupo of the Week
Kundi ko pa narinig ang sinabi ng katabi ko, wala akong ikukuwento this week:

"Of course I understand English. I will not be working here if I don't understand English."

Astig!

(Thanks, Mon!)

Binalibag Ni Choleng ng 8:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 27, 2009

Suki Card
Isiningit ko ang suki card sa pambayad para hindi na mahirapan pa ang cashier na sabihin ang spiel nya. Taka ako, tinanong pa rin ako kung may suki card ako.

Idinuldol ko ang bayad kasama ng suki card. "May suki card po sila?" tanong pa rin.

Tiningnan ko ang hawak ko... Ngek! SM Advantage card pala.

Sorry, memory gap.

(Oo na, Love, nakakahiya ako!)

Binalibag Ni Choleng ng 8:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, March 21, 2009

Lafangan ng mga Ginosaurs

Unang pagsasama ng mga nasty at irate pero mahuhusay namang OPT matapos ang halos apat na buwang pagsasama. Sulit ang paghihintay dahil halos gumapang k'me sa kabusugan, may take out pa.

MORE TO COME!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 20, 2009

Bistekupo of the Week
Akalain n'yong 3 days na nga lang akong pumasok eh nakasilat pa rin ako?

*****

Gustong ipadala ng customer ang telepono sa APO (Army Post Office) kaso hindi k'me nagsi-ship dun. 'Di tinatanggap ng system, sabi ko. Isulat-kamay ko na lang daw ang address o kaya ilagay ko lang daw basta na NY, puwede raw yun.

Heller, Sarge. Computer ang ginagamit namin noh!

*****

Ayaw ni Mamang Kups ng design ng directory card. Directory card 'yung kapirasong papel sa tagiliran ng ilang phones kung saan puwede kang magsulat ng important numbers. Gusto daw nya yung walang naka-print na words. Aba, mag-print ka ng sarili mong card, lagyan mo ng ribbon, puwede!

Binalibag Ni Choleng ng 3:14 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, March 18, 2009

KuwenThai
Mga 'di malilimutan mula sa paglamyerda sa Bangkok, Thailand:


Photobucket

1. NAIA Terminal 3 - Memorable dahil first time kong makatapak dito. So ito pala yung controversial na airport na marami raw kupit ang gobyerno. Maganda pero mas maluwag ang seguridad kumpara sa lumang airport.

Photobucket

2. Flight 9J31 and 9J32 - Second time ko sa CebuPac. Wala pa ring kakupas-kupas ang smooth as silk na take-off at landing pati na rin ang walang kamatayang paglalako ng cup noodle, C2 at Chippy.

Photobucket

3. Aerial View ng Manila by night - Pangalawang beses ko nang napagmasdan pero ganun pa rin ang feeling. Pakiramdam ko nakatingin ako sa isang Star Wars village. Gusto kong maiyak.

Photobucket


4. Chicken Joy meal sa ere - Deadma kung nag-aalok ng produktong URC at CFC ang mga flight attendants. Basta k'me ni Girlie, ganado sa paglapa ng manok at spaghetti. Happy meal!

Photobucket

5. Ang mahiwagang Cheese Rings - Hindi na nga bumili ng snacks sa CebuPac, muntik pang magpaputok ng sitsiria. Tama ba namang baunin ng utol ko sa ere. Hay, Row 5 sa Physics.

Photobucket

6. Bangkok by night - Pare-pareho lang pala ang hitsura kapag aerial view. Kakaiba nga lang ang buwan nila, mamula-mula, parang may sore eyes. Naisip ko tuloy baka may lunar eclipse.

Photobucket

7. Ang Suvarnabhumi Airport - Nabonggahan na ako sa Terminal 3 natin pero nagmukhang bodega sa ganda ng paliparan nila. Mala-Dubai raw, sabi ng mga well-travelled kong kasama. Namangha ako paglabas ng airport. Ang mga taxi drivers ang nakapila, hindi yung sasakyan. Mga disiplinado di tulad ng mga mwakaw na drivers sa airport natin.

PhotobucketPhotobucket

8. Churning of the Milk Ocean - Strategic ang puwesto ng mga rebulto -- nasa daanan papuntang departure. Kapalit ng paghanga, may donation box sa tapat ni Vishnu para sa maintenance ng airport. Sad to say, 20 baht na lang ang nasa wallet ko, hindi puwedeng gastusin, pandagdag sa currency collection ko. Humanga ako, puwede na siguro yun.

Photobucket9. Quest for money changers - Inakala namin ng kapatid kong si Girlie na hindi kami magkakaproblema dito sa palitan ng pera dahil Asian country din naman ('di k'me nagkaproblema sa Macau at HK) pero nagkamali k'me. Sa airport lang may nagpapalit, lugi pa dahil ang P3,000, halos 1,500 baht na lang kapalit eh halos dikit lang naman ang pera nila sa atin. Sa Bangkok proper naman, ang paghahanap ng money changer na nagpapalit ng PHP ay tila paghahanap ng karayom sa isang bunton ng dayami. Buti na lang, may na-withdraw pa'ng 6,000 baht ang utol ko sa ATM nya na siyang pinagkasya namin sa loob ng 2 araw. Ganda ko, nadala ko ang SM Advantage, Suki at Maxicare card pero ni isang ATM wala akong bitbit! Balewala ang dala kong limpak-limpak na Philippine peso, wala namang mapalitan. Di tuloy k'me masyadong nakapag-shopping at nakapasok sa mga attractions ... kung kelan pa naman mura ang paninda! Bandang huli, pati ringgit collection ni Girlie naipapalit na magkaroon lang ng pambili ng pasalubong (ganun k'me naging ka-poor. Hindi naman lahat ng establishment, tumatanggap ng credit card) Moral of the story: Ipalit na agad sa U.S. dollar ang peso bago pa man lumabas ng bansa.

Photobucket

10. Bansabai Hostel - Dito kami tumigil sa loob ng 2 araw at gabi. Bagama't malayo sa sentro ng Bangkok, reasonable na rin ang 320 BHT per day dahil malinis naman, mababait ang mga employees at malapit sa airport. Kung sa Pinas, maglalaro siguro sa P1,500-2000 ang presyo ng kuwartong tinigilan namin.

Photobucket

11. Si Pra Sang Tong - Hindi n'ya tunay na pangalan. Siya ang taxi driver namin mula airport hanggang Bansabai at nag-alok na i-city tour k'me sa halagang 2,500 baht, maghapon na yun. Good deal. Nose bleed nga lang ang pakikipag-usap k'se kinakain lahat ng sinasabi. Nag-e-English na pala, kala namin nagta-Thai pa rin. Mabait naman.

Photobucket

Photobucket

11. Floating Market - Sabi namin kay Pra Sang Tong nang sunduin k'me sa Bansabai, dalhin muna kme sa may ATM at McDo, sukat ba namang ideretso kme dito. Halos dalawang oras ang byahe, pagdating namin 1,000 BHT per head ang bayad. Kahit kapos sa budget, sa sobrang pagod at gutom, kinagat na rin namin. Sa mga mga paninda'ng nasa bangka lang ako nag-amaze at sa mga wats pero hindi sa view k'se nakita ko na 'to nung nagbaha sa amin.

Photobucket

Photobucket

Ang pagoda at ang sandamakmak na "isda" nito

Photobucket

Photobucket
Photobucket

12. Wats o Temples - Kung sa Pinas basketball court at tambay bawa't kanto, templo at pagoda naman dito. Exciting nung unang pasok ko sa templo pero bandang huli, naumay at nirayuma nga ako sa kahuhubad-suot ng rubber shoes. (Bawal pumasok kapag may sapin sa paa)

Photobucket

13. Grand Palace - Dito dating nakatira ang hari ng Thailand pero tourist spot na lang ngayon. 350 BHT ang entrance, libre kapag native. Na-tempt k'meng magpanggap na Thai para tipid pero nagkasya na lang k'meng magpa-picture sa entrance. Short na sa budget and besides, umay na umay na kme sa pagoda.

Photobucket

14. Buddist monk - Dati sa National Geographic at pelikula ko lang sila nakikita. Dito gagala-gala lang sila. Orig!

Photobucket

15. Ang mga kalapati sa tapat ng Grand Palace - Warning lang po sa mapapagawi dito. 'Pag nakakita kayo ng laksa-laksang kalapati, 'wag lapitan o kung lapitan man, 'wag n'yong tatanggapin ang iaabot na patuka ng matabang babae.

ISA ITONG PATIBONG!!!

Sasamantalahin ng babae'ng nakakatakot ang mata ang pagkakatuwaan n'yo, aabutan ka ng isang dakot na mais na nakalagay sa plastic at pagkatapos, sapilitan kang sisingilin ng 150 BHT. Okay lang namang magbayad pero over ang 150 para sa isang dakot na mais. Yung kapatid ko nga, sinabi'ng wala siyang baht, Philippine peso lang, aba, kahit daw yun. Binigyan na ng P200, aba pati ako sinisingil eh dakilang photographer lang naman ako. Tsk, tsk, ito ang klase ng mga tao na panira ng imahe ng Bangkok! Sana hulihin siya ng mga parak at ipaanod sa Chao Praya!

Photobucket

16. Ang tuktuk driver - Kahanga-hanga, naka-uniform ang mga tuktuk driver with matching name plate at bongga ang driver namin, may lahi yatang Pinoy dahil isinakay k'me kahit paubos na pala ang gasolina (nagtulak tuloy si Girlie), kaskasero rin at lusot nang lusot. May pagka-scammer din dahil dadalhin daw n'ya k'me sa 5 tourist spots sa halagang 20 BHT, 3 dun sa lima puro bilihan ng alahas eh wala na nga k'meng pera!!!

"Good for you..." yan ang paborito n'yang sabihin. Oo, good for you kaya nabola n'ya k'me na muling mag-boat ride sa halagang 600 BHT per head para sa "tour of Chao Praya" daw. Awa ng Diyos, eksenang baha na naman ang nakita namin at ang masaklap pa, nang dumaong ang bangka malapit sa Grand Palace, k'me pa ang nagbayad ng "dock fee." Well, well, well ... nagkalat ang scammers. Sana ipinang-Thai massage na lang namin ang 600 BHT, nasarapan pa kme!

Photobucket

17. Ang mga taxi - Red, orange, yellow, green, blue, violet, pink -- yan ang kulay ng mga taxi at puro mga bago. Hindi sila mahilig sa kulay.

Photobucket

18. Si Ronald McDonald - Kung sa atin, nakahilata si Ronald, dito magkadaop ang palad. Sinisimbolo ba ni Ronald ang ugali ng bansang tinitigilan nya? Ganun, tamad tayo o sadyang lang mahilig i-enjoy ang buhay?

Photobucket

19. Joy Ride sa Lat Prao - Tuwing 9:30 ng umaga, may libreng sakay ang Bansabai palabas ng hostel. Malas ng mga puti, kami ang nakasabay nila. Ingay-ingay ng kuwentuhan namin in Tagalog, sila English. Naiintindihan namin sila, kame hindi. Weeeh ...

Photobucket

20. Thai Cuisine - Mura lang ang food, masarap pa. Para ring luto sa atin, galit nga lang sila sa sili. Naloka k'me sa KFC. Isa lang ang rice meal, 2 pcs. spicy chicken wings at super anghang na sinangag. Wooooh!!!

Photobucket

21. Shopping sa Tesco - Ito ang pinakapaborito kong bahagi. Bags at 220 BHT, shirts at 65 BHT, blouses 150 BHT, duster 90 BHT, shorts 70 BHT ... sobrang mura! Kundi nga lang nakakatakot na mag-over k'me sa bagahe, baka pinuno na namin ni Girlie ang isang shopping cart. Take note, mall na ito. Mas mura siguro sa weekend market na hindi na namin nahintay pa dahil pauwi na kme.

Photobucket

22. Signboards - In fairness, maiintindihan mo ang ilan dahil may English translation at take note, tama naman ang grammar at spelling (may sablay minsan)


Photobucket

23. Ang trono - Sa airport at hostel, ordinary ang bowls pero sa karamihan ng establishments, ganito ang trono nila. Cute at hygienic, di po ba?

Photobucket


24. Ang keychain - Nakalusot na ang knapsack ko sa x-ray machine, hinabol pa ako ng inspector, binuklat ang bag ko at kinalkal ang Kikay kit ko. Bawal daw ang keychain ko na may maliit na kutsilyo sa dulo, kinumpiska. Natakot ako, akala ko iho-hold ang departure ko!

Photobucket

25. Jump for joy - Kahit saan magpunta, siyempre kailangang gawin 'to. Kahit di ganong enjoy, talon pa rin.

Next stop, Singapore. Ipon muna.

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 13, 2009

Isang tulog na lang
Bangkok, here I come!!!

Binalibag Ni Choleng ng 3:10 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, March 11, 2009

Bistekupo of the Week
Sabi ko sa customer, ipapadala ang battery through UPS. Ipadala ko raw sa email para mabilis. Nagpapatawa di naman bungi.

*****

Anything else I can do for you, tanong ko kay Lolo. Send me money. Isa pang patawa.

*****

Ang bangis ng puppy ng customer ko. Hindi lang cord ang nilapa, pati telepono at battery. Puppy pa lang yan ha, pano kaya 'pag naging aso na? Kabahan dapat ang customer.

*****

I've been trying to get in touch through your stupid telephone for 45 minutes already. "Sir, we just opened," sabi ko. "I just hope your stupid computer told me that." A, pahiya!

Binalibag Ni Choleng ng 3:09 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, March 09, 2009

Violated
Anak ng tinapa!

As early as January 31, sinabihan ako ng bossing ko na ililipat sa departamentong more on admin work na talagang type na type at siyang forte ko. Ilang araw na rin akong nagte-train, marami nang nakakaalam ng paglipat ko, ano't pagpasok ko kanina eh iba ang ipinuwesto!

Tama ba naman yun? Porke ba't galing siya sa dating homebase ng Bistek eh isasaksak na lang basta? Hindi naman yata makatarungan! Oo nga't apat na taon siya sa kabila pero nag-resign na s'ya dun at technically, isa siyang tumataginting na newbie dito sa SM.

Ako ang isang taong hindi matatahimik ang kaluluwa hangga't hindi naibubulalas ang saloobin, kinompronta ko si bossing. Tinanong ko kung bakit ganun ang nangyari. Hanggang ngayon daw eh ipinaglalaban nila na ako ang ilagay kaso lang, parang ang nangyari eh "battle between SM and Bistek." (mala-David and Goliath!) So siya ang gusto'ng ilagay ng client porke't matagal na siya sa Bistek pero pano naman kaming mga senior na ng SM?

'Tong mga client na 'to, hindi yata nakakaalam na sa ginagawa nila, marami nang natatapakan.

Anak ng tinapa!

Binalibag Ni Choleng ng 3:06 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, March 07, 2009

Anoopanga ba!

Hindi kagalingan ang vocals ni Anoop pero sapat para makasama siya sa Top 12. Salamat at binigyan siya ng pagkakataon at bonggang-bongga pa ang dramatic na pagkaka-announce ni Simon. For the first time in 8 years, ngayon lang nagka-Top 13 pero teka, hindi porke si Anoop ang huling tinawag, ibig sabihin pang-13 na siya. S'ya lang ang huling tinawag for gimmickry.

Ngayon meron na namang isang Sanjaya na susubaybayan sa AI although mas magaling (at mas cute) naman si Anoop.

Binalibag Ni Choleng ng 10:06 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 06, 2009

Yo!


Life is short. Siguro naramdaman ni Kiko na 44 na taon lang ang itatagal niya sa mundo kaya pinili niyang maging makabuluhan ang buhay n'ya.

Nakakalungkot.

Binalibag Ni Choleng ng 10:05 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 03, 2009

Bistekupo of the week
Kung ang Pinoy pasa-todo, ang ilang mga Kano walang patawad. Ang kukupal!

Ang bruha nagalit dahil mahal ang presyo ng telepono. Bakit daw kailangang ganun kamahal. Naghanap ng supervisor. Isip ko lang, pag nakausap kaya n'ya ang supervisor magiging mura ang presyo? Mamumura siya, oo!

**********

2 years ago pa binili ni Lolo ang telepono, ngayon lang binuksan. Nagalit dahil bakit daw sira. Sabi ko, nakakaapekto ang enviromental condition sa shelf life ng mga produkto, hindi raw dapat ganun. Naghanap ng supervisor. Hindi naman daw tungkol sa pera ang usapan kundi prinsipyo. Asus, defensive dahil $9.95 lang ang halaga ng telepono'ng sanhi ng panggagalaiti nya.

**********

Si Manong, humihingi ng refund sa walang kuwenta raw n'yang telepono eh out of warranty na. Dahil daw k'se sa sirang answering machine ng telepono, may na-miss na message ang asawa n'ya at hindi natanggap sa trabaho. Sabi ko, merong policy tungkol sa warranty. "I don't care about your policy. I have my own policy!" Taray!

**********

Okay pa kami noong una ni Lolo. Nabanggit ko kse na nasa 'Pinas ako (puwede naming sabihin) at natuwa ang kumag dahil nakarating na raw siya sa atin, Olongapo to be exact, noong panahon ng Vietnam war. Kasali din daw sya sa Korean War. Daming sinalihang giyera, pati ako giniyera nang sabihin kong out of warranty na ang telepono nya at 15% ang ibibigay kong discount sa kanya. 'Di raw okay ang 15%, gusto nya 50%. Astig!

**********

Kandalagot ang litid ng egoy sa galit. Talagang to the nth level ang pitch at di ko na halos maintindihan. Naligaw k'se ang package n'ya dahil mali ang address. Sabi ko, "You don't have to raise your voice. I'm trying to help you. "Listen ... you have no right to reprimand me ..." Concerned lang, Ser. Baka sumabog ang lungs n'yo sa galit.

**********

Patawa naman ...

Kulang daw yung loudness ng ringer ng phone nila para marinig ng nanay nya. Kung meron daw bang bell o ringer na puwedeng ikabit sa phone para ma-catch ang attention ng nanay nya.

Ewan ko sa inyo. More to come.

Binalibag Ni Choleng ng 10:04 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com