BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Friday, July 31, 2009
Malayang Taludturan
Nag-aayos ako ng mga abubot ko ngayon lang nang makita ko ang isang gula-gulanit na kuwaderno. Ah! Dito nakasulat ang ilan kong mga katha. Wala pa kaming internet access, computer o laptop kaya mano-manong isinulat.
Hayaan n'yong ibahagi ko sa inyo ang ilan. Walang tatawa.
***
(Kaga-graduate pa lang sa kolehiyo, puno'ng puno ng pag-asa at ambisyon. You wish, Choleng!)
AMBISYON
02 Pebrero 1989
Musmos pa lamang ay ambisyon ko na
Maging manganganta, pasayahin ang balana
Taginting ng gitara'y langit sa aking tainga,
Animo balaning nakapagpapakanta.
Nang ako'y magkaisip ambisyon ko'y naiba
Nahilig sa pagguhit, sa kulay ay hangang-hanga
Ibig nama'y maging pintor, makipag-ulayaw sa lona
Pag-awit na dati'ng ibig isinatabi muna.
Kasabay ng pagkahilig sa pintura at lona
Naibigan ko rin ang pagsulat, paglikha
Ng tula, sanaysay, mga kuwentong kaaya-aya
Kung kaya't ang pagsusulat sa hilig ko ay nasama.
Sa labis na pagkahilig sa tatlong Musa
Pagtuntong sa kolehiyo, ako'y labis na nabalisa
Alin ba sa tatlo ako'y dapat magpakadalubhasa?
Mamili'y sadyang hirap, sa tadhana ako ay umasa.
Ngayo'ng ako'y tapos na sa kursong kinuha
Hindi ako pintor, ni hindi rin manganganta.
Ako'y isang manunulat na maipapara
Sa isang kasisibol pa lamang na bunga.
Oo nga't ang pagsusulat ang aking kinuha
Ang mga naunang ambisyon ay di napariwara.
Masidhing tunay ang aking adhikaing
Maging manunulat, pintor at manganganta.
Huwag akalaing si Bellerophon ay aking kapara
Ang kanyang ginawa'y sadyang 'di ko makakaya
Ang piliting si Pegasus sa Olympus ay humangga
Batid ko naman ang aking makakaya.
Sa dinig ma'y mahirap nguni't tiyakang mababata
Sa paunti-unting pagsasanay tiyak ako'y mahahasa.
Pasasaan ba't magkakaroon din ng obra
Awitin, larawan at maraming nobela.
Sa ngayon ang Parnassus ay di ko pa kaya
Nguni't sisikapin sa abot ng aking makakaya
Sukdang tumulo man, pawis ko dugo't luha
Ambisyon ko lamang ay aking makuha!
***
(Valentine gift sa dating nililiyag. Sabi sen'yo hopeless romantic ako. Nahan na si Ronald? Hayun, nagpapasada ng tricycle!)
VERSES FOR RONALD
13 February 1991
I wake up in the morning and I so suddenly wonder,
Why I want to sing and shout and fill the air with laughter
Why wherever my eyes wander seem like a bed full of flower,
And then a warmth surge over me and with a smile I remember,
I have you and your love that's bound to be forever.
I know you're not rich, neither are you a looker
But just one look at you makes my heart melt like butter;
Oftentimes through my restless nights, when my eyes can shut never
I think of you and your love that's bound to be forever.
For bliss is your touch, in your arms I find shelter
I never care less if it rains as long as we're together
When you murmur in my ears endearment so sweet and tender,
I close my eyes and thank God for giving me a partner
Whose loving makes me utter, "I love you and no other!"
No walls, not even barriers can ever make my love alter
That's a promise to you, love, that I swear will never falter
And if by fate somebody tries to make our love suffer;
Together we will fight, there will be no surrender,
Let love flourish, let love conquer not be conquered!
***
(May nilikhang himig ang kapatid ng lola ko, si Col. Severino Herrera -- pareho nang SLN --, panlahok sa isang patimpalak. Pinalapatan sa akin ng titik. Malungkot ang melodya, heto ang kinalabasan ... )
NGAYONG WALA KA NA
17 Mayo 1990
Buhay ko'y kay panglaw
Pagka't wala ka na
Lumisan ka't iniwan mo
Ang puso ko sa dusa.
Sakit na nadarama
'Di ko mababata
Ang buhay ay aanhin pa
Kung ikaw'y wala.
Nalimot mo na ba
Wagas nating sumpa, sinta?
Na hanggang kailanpaman
Tayo'y magsasama.
At ngayo'ng wala ka na
Limutin ka'y di magawa.
Sa piling ko'y magbalik ka
Pagka't mahal pa rin kita.
(By the way, ako rin ang nag-interpret ng kundimang ito sa contest -- yes, isa siyang kundiman. Kantahin ko na lang pag nagkita tayo! Nanalo ba kamo? Thank you, girl!)
Binalibag Ni Choleng ng 9:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, July 30, 2009
Mga Paghahambing
Sina Ji Hoo at Jun Pyo, parehong agaw-atensiyon kay Jan Di; gayundin sina Edward at Jacob kay Bella.
Di gaanong kumplikado kung si Ji Hoo ang minahal ni Jan Di pero si Jun Pyo ang pinili n'ya; gayundin si Bella na mas pinili si Edward kaysa kay Jacob (di ko masisisi ang mga girls)
Si Jan Di, matapang, matatag at ipinaglalaban kung ano ang magustuhan -- mukhang krung krung nga lang; gayundin si Bella.
Ngayong alam n'yo na kung ano ang mga kinahuhumalingan, hayaang n'yong idepensa ko ang kababawan at kabakyaan ko.
Bakit nga ba ako naaadik at sa tanda kong 'to eh kinikilog sa BOF at Twilight Saga?
Simple lang. Namamangha ako sa rubdob ng pagmamahal nina Edward at Jun Pyo at lihim ako'ng umaasa na somewhere out there, may mga lalakeng singtapat at singsidhing magmahal katulad nila. Di sana wala nang umiiyak na babae.
Hay naku, umali na naman ang pagiging hopeless romantic ko. Kaya nga fiction ang tawag k'se fiction nga!
Walang ganun! (Bitter?)
Binalibag Ni Choleng ng 6:35 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 25, 2009
Bistekupo of the Week
Ah pahiya!
Talo na ang customer sa diskusyon hinggil computation ng discount n'ya pero hindi ito umamin bagkus nagbigay pa ng parting words:
"The customer is always right until proven wrong ..."
Ha ... ha ... ha!!! Oo na!
*****
Pan de Bra
Ano kaya ang reaction ng mga afam at tropa'ng Jai Ho sa biglaang pagdalaw nila sa Bistek? Okay lang kaya na may chicken sandwich sa table ko at naghuhumiyaw na 36 Cup B naman ang nakabalagbag sa isang station?
Ayos!
Binalibag Ni Choleng ng 6:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 19, 2009
HP6
Tagal kong hinintay, tutulugan ko lang pala ang Half-blood Prince (yung ilang bahagi lang naman!)
K'se naman, na-disappoint ako sa dami ng mga eksenang tinanggal mula sa libro (what's new, Ate Vi?) madidilim ang karamihan ng mga eksena, nakakabagot ang mga salitaan, 2 AM na ako nakatulog at napakakomportable pa ng upuan ng Shangri-la!
Kunsabagay, kahit yung libro bagama't interesting ang plot eh nakakabagot din. Serious na k'se ang tema 'di gaya ng mga naunang HP's at kung wala ang mga Weasley's para magbigay ng comedic relief, baka mas mahaba-haba pa ang itinulog ko.
I can't just imagine. Kung ang HP6 eh tinulugan ko, paano na kaya ang Deathly Hallows na isang buwan kong binasa dahil nakakabagot?
Watch nyo pa rin, for the love of Merlin's beard!
Binalibag Ni Choleng ng 6:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 18, 2009
Bistekupo of the Week
Really?
Nang dahil sa salitang really, tinawag akong rude at idiotic ng customer.
Ganito k’se yun.
Nasira ang phone ni Mrs. D at dahil in warranty pa naman, papalitan namin pero required na magpakita ng resibo bilang patunay na wala pang isang taon ang produkto. Ang kaso, hindi raw makita ni Lola ang resibo kaya ito ang email ko sa kanya:
We apologize we are unable to process a replacement without a proof of purchase but in the event you can not really find the receipt, we can give you 15% discount plus free shipping for new phone purchase …
Nagulat ako sa isinagot ng customer:
Do you really think I'd lie about not being able to find the receipt for my phone? For what purpose? It would be so much easier to just send the receipt and get a new phone. I can't believe you would make such an idiotic, rude statement.
I will refuse your offer of a 15% discount and free shipping for a replacement phone. I won't purchase another A** product.
You would rather make a little money on a phone that probably cost you $20, than keep me as a satisfied customer, encourage me to buy your products and sing your praises. The bottom line with your company, as with many others, is greed. The customer be damned.
I am copying this to **** to let that person know you all but called me a liar about the receipt. They may want to rethink giving you the authority to deal with customers.
Araykupo! Ako? Hindi dapat bigyan ng authority na makipag-usap sa mga customer???
Hindi pa dito nagtapos ang engkuwentro namin ni Mrs. D. Tinawagan ko na siya dahil mahirap makipagpaliwanagan sa email. To cut a long story short, napahinuhod ko ang matanda at maayos na napaliwanagan at nangako pang kakausapin ang nag-email sa kanya para ipaalam ang sentimyento n'ya although sinabi ko rin sa customer na, "I read the letter but I did not find it offensive ..." Siguro raw galit lang siya nun kaya ganun ang reaction nya, nagpasalamat pa sa pagtawag ko.
Kung alam lang ni Mrs. D na ako yung ka-email n'ya, baka pinutakan ako mula ulo hanggang paa!
*****
Resibo
Usapang resibo pa rin.
Eto may resibo nga pero ... puwede namang i-scan ng hindi parang binawi lang sa basurahan, di ba? May tinatago ka ba, Manang?
(Hmp! Kahit ano'ng gusot ang gawin mo, kita pa rin na hindi ito ang resibo ng binili mong telepono! 'Kala mo makakalusot ka!)
Binalibag Ni Choleng ng 5:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, July 16, 2009
Takip-silim
Ngayon alam ko na kung bakit maraming nahumaling sa Twilight Saga ni Stephenie Meyer. Isang buwan ang paalam ko sa hiniraman ko ng Twilight para tapusin ang libro, akalain n'yong natapos ko ng isang linggo! (mabilis na yun para sa akin!)
Maganda ang pagkakalahad ng istorya, madaling maintindihan at makulay ang pagsasalarawan na para bang bahagi ka ng aklat. Higit na mas marami ang interactions ng magsing-irog at daming kilig moments! Nakatulong na naisapelikula na ang aklat kaya mukha nina Rob Pattinson and the entire cast and crew ang nabi-visualize ko.
Nasa New Moon na ako, give me one week, may nakontrata na akong mahiraman ng Eclipse.
Adik!
Binalibag Ni Choleng ng 5:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, July 14, 2009
Some good things never last
Tinanong ako ng kaibigan ko na kamakailan lang ay hiniwalayan ng long time n'yang GF kung mahal ko pa raw ang nasira kong asawa ng maghiwalay k'me.
Walang gatol ang sagot ko -- mahal ko pa ... pero mas mahal ko ang sarili ko.
May punto akong gustong tumbukin.
Ilang ulit na niyang kinausap ang babae, sinubukang alamin kung ano ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito but to no avail. Hindi na raw siya mahal ng babae at unfair kung ipagpatuloy pa ang relasyon nila. To think na nagpaplano na silang pakasal ... o siguro yung lalake lang.
Ano ang punto ko?
Nakita naman daw namin kung gaano niya minahal ang babae, kung paanong pinagtiisan ang mga tantrums nito. Nandoon na ako pero may mga bagay na kahit ano'ng pilit hindi na talaga puwedeng igiit.
No matter how hard we try, some good things never last ...
Mahal mo nga't di rin lang tutugunan, mainam na mas mahalin ang sarili mo.
Binalibag Ni Choleng ng 5:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, July 13, 2009
Jetfire
Nakakalimutan ko lang banggitin pero may ilang linggo na akong binabagabag ng katanungang ito:
Saang bahagi ng fighter plane nakuha ni Tatang ang tungkod n'ya?
Si Optimus marami rin daw nagsalabat na piyesa pero bakit hindi ako nagtaka? Iba na ang may tungkod!
Binalibag Ni Choleng ng 4:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, July 11, 2009
Bistekupo of the Week
Galit?
Sobrang galit ng tool, wrong grammar tuloy.
Sus, pati grammar made in HK.
Ganun?
Nagre-request ng refund ang customer ...
Kahig-manok ang sulat ng loka, pero humigit-kumulang, ito ang pagkakaintindi ko:
I did the best I could in getting the receipt off the box. In addition to a refund to my credit card for the phones, I would appreciate a refund for the $60 manicure that was ruined in scraping the labels.
Si Ate naman mapagbiro.
Kung maka-demand 'kala mo kagandahan ang sulat!
Binalibag Ni Choleng ng 7:07 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, July 10, 2009
Jai Ho!
Maaga pa naman kaya sige ang kuwentuhan namin nina Jec, Mhon at Lyn. Napansin ko nang nagdaan the first time si Bumbay pero deadma lang, daldalan pa rin k'me in Tagalog.
Maya-maya'y muling nagdaan si Bumbay...
Prrrt-poot ...
"Sino yun," tanong ni Lyn kay Mhon, tila pinagbibintangan.
Nangingiti na ako nun dahil alam ko kung sino ang source ng bomba pero di ako agad nagsalita hangga't within earshot pa ang banyaga. Nang makalayo, pasimple kong tinuro ang direksiyon ng Bumbay.
Tawanang umaatikabo. Sabi siguro ng Bumbay, "Ah ganun nagkukuwentuhan kayo, hindi ko naiintindihan, etong sa inyo!"
Utot!
Binalibag Ni Choleng ng 7:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, July 08, 2009
Si Justin
Sa St. Justin Hospital na ako nagkamalay. Kapapanganak ko pa lang daw gayong matay ko mang isipin eh wala akong matandaang nagbuntis ako.
Maya-maya’y inilapag ng nurse sa tabi ko ang isang sanggol. Anak ko raw, Justin ang pangalan. Tiningnan ko ang sanggol pero wala akong nakitang mukha. Ngumawa ang kuting ... este, baby. Mother instinct, nag-breastfeed ako. Yes, ang mahiwaga kong papaya na-expose sa madlang-tao pero wala naman akong nakitang ibang tao.
Hindi ko na maalala kung ano ang sumunod na nangyari pero nang manumbalik ako sa huwisyo, nasa pasilyo na ako ng hospital, naka-gown lang at palakad-lakad. Kung nasaan si Justin, hindi ko alam at wala akong pakialam kung nasaan dahil ng sandaling 'yun, positibo ako na ayoko pala'ng magkaanak, na isang malaking responsibilidad at pananagutan ang pagkakaroon ng anak. Ganunpaman, nag-iisip din ako at nagpaplano kung sino ang mag-aalaga sa bata sakaling bumalik na ako sa trabaho.
Maya-maya nakita ko si Justin, papalapit sa akin. Akalain n'yong naglalakad na ang kapapanganak na sanggol!
"Mama ..." sigaw ng bata (at nagsasalita na rin!)
Biglang humilab ang t'yan ko. Nagtatakbo ako at hingal na hingal ... na nagising.
Lekat, panaginip lang pala ang lahat puwera ang paghilab ng t'yan ko.
Takbo ako sa CR, madyejerbs na pala ako. Ayun, totoong panganganak yun!
Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, July 05, 2009
Bistekupo of the Week
Who needs a scanner?
Panalo ang customer, imbes na i-scan ang form at ipadala sa amin, tingnan nyo ang ginawa:
Maparaaan! Hindi kaya Pinoy ito?
Ringback
Ganda raw ng ringback ng customer, sabi ni Iel. Pakinig nga, sabi ko. Iniabot sa akin ang headset. Hanep, PYT! Sayaw ako a la MJ ... bigay-todo ng biglang ... "Hello ... hello ..."
Ngek! Ayan na ang customer ... hmp! Istorbo naman sa pagsasayaw.
Binalibag Ni Choleng ng 9:42 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin