<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, September 26, 2009

Ang Mapanlinlang na si Ondoy
Hindi kami masyadong nabahala kay Ondoy dahil 85 kph lang naman at mababa pa ang level ng tubig sa karatig na ilog. Ipinagmalaki din ng mga barangay officials sa amin na hindi na muli pang babaha dahil may sarili na'ng pumping station ang Taguig.

Kaya naman laking gulat ko nang pagkagising ko kahapon ng 3:00 eh tanungin ako ng kapatid ko, "Alam mo na ba ang nangyayari? Tumingin ka sa labas..."

Kahit nakapantulog, gulo-gulo ang buhok at may bakas pa ng TL, lumabas ako sa terrace at nagulat ako sa eksenang tumambad sa akin.

BAHA??? Hanggang binti sa kalye! Nagkakagulo na pala ang sambayanan nang wala akong kamalay-malay?

Akala ko ba hindi na babaha? Sobrang dami raw ang hatid na ulan ni Ondoy na katumbas ng isang buwang ulan kung kaya't nagpakawala ng tubig ang ilang dam kaya naman ang ilang lugar na di binabaha eh nakatikim ng pagdurusang ilang taon din naming pinagdaanan.

Hay, baha na naman. Sus! Para namang di k'me sanay. Ano pa bang magagawa kundi kumilos, iligtas ang maililigtas at magdasal. K'se naman, mga sampung taon na rin sigurong hindi kami binabaha at kahit ang super typhoon na si Milenyo hindi kami binaha. Isang mahina kunong Ondoy lang pala ang magpapalubog sa amin!

Sa isang banda, masuwerte na rin kami kumpara sa mga na-trap sa bubong na tila mga basang sisiw na walang makain. Wala namang problema sa mga gamit namin k'se sa second floor na kami tumira mula nang taon-taon kaming binaha. Ang malaking problema ay ang mga paninda namin sa tindahan na sa sobrang dami eh hindi mo alam kung saan isasaksak. Heto, masasakit ang katawan ng buong pamilya sa kahahakot ng paninda.

Hay, ang mga kasalaulaang ginagawa ng tao sa Inang Kalikasan, hayan na ang ganti.

Heto ang ilan sa mga larawang kuha ko sa tapat ng bahay namin. Kaya nga ba na-bore ako sa floating market ng Bangkok, ganito lang yun eh:


Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 22, 2009

Etsapuwera
Delayed reaction pero ngayon ko lang naalala'ng mag-react nang mabasa ko ang email ng Finance Department namin:

September 7, 2009 Holiday Exemption

Team,

Last September 4, 2009, Malacañang proclaimed September 7 as a special non-working day in lieu of the interment of Iglesia ni Cristo ( Church of Christ ) leader Ka Eraño “Erdy” Manalo . A company announcement was released to all Philippines to inform employees on the holiday, and the corresponding premium or compensatory time offs to be granted to employees who will be reporting to work that day.

On September 5, 2009, the Office of the President notified the media about the BPO and electronics industry being exempted from the holiday proclamation. The actual document (Proclamation 1874B), containing the details of the proclamation, was released a few days after September 7, which officially confirmed the holiday exemption.

With these developments, APS will hold on to the latest proclamation and will treat September 7, 2009 as a regular work day, thus the 30% premium for the day will no longer be applicable.

AT BAKIT K'ME ETSAPUWERA??? PILIPINO'NG URING MANGGAGAWA DIN NAMAN KAMI AH?

Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 20, 2009

Ay, Choleng!
Kung minsan masama rin yung hindi nagtatanong, assumptive masyado at feeling lagi'ng tama. AKO 'YUN!

Ganito k'se yun. Napagkasunduan namin ni Jomarie na sa 3:25 screening sa Shang manood ng In My life. Knowing na blockbuster ang pelikula, it's a Sunday at kasusuweldo pa lang, pumunta ako sa Shang isang oras bago ang screening para bumili ng ticket.

Pagdating ko sa takilya, walang nakapila sa usual na pilahan bagkus may isang mahabang pila na nakaharang sa entrance ng Cinema 2. Naisip ko, ang dami sigurong manonood ng In My Life kaya dun pinapila. Buti na lang inagahan ko. Di na ako nagtanong sa takilyera, dumiretso na ako ng pila dun sa mahaba.

30 minutes after, hindi gumagalaw ang pila at tila hindi nag-i-issue ng ticket. Imbiyerna na ako. Gusto ko nang umalis sa pila para magtanong pero naisip ko, sayang naman ang pila. Tinext ko si Jomarie, sinabi ko na nakapila pa rin ako. "I so hate this!," dagdag ko pa.

3:00 PM dumating ang Jomarie. Andun pa rin ako sa "pila" na dumoble na ang haba kaysa nang dumating ako. Sinabihan ko, paki-check kung namimigay na ng ticket. Nagpunta naman sa takilyera at pagbalik may dala nang ticket, ngising-aso at tila nahihiyang sinabi, "Bilis halika na..."

"Ha, bakit?" Masama na ang kutob ko. May kagagahan akong ginagawa alam ko.

"Eh Cine Europa yang pinilahan mo, libre yan."

Ay tanga!

P.S.

Although maganda yung movie, feeling ko di sulit yung binayad na P170 dahil una 'di talaga ako mahilig manood ng Tagalog movie (para lang akong nanood ng MMK sa sine) tapos dun kami napuwesto sa bandang harap gawa ng katangahan ko. Sakit sa mata!

Promise, sa susunod magtatanong na ako!

Binalibag Ni Choleng ng 10:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 19, 2009

Puppy Love - Rated R
Hindi ko na sasabihin kung saan ko nakuha ang sumusunod na kuwento pero ito ay halaw sa tunay na pangyayari. Medyo nilagyan ko lang ng konting burloloy pero nandun pa rin ang katotohanan. Wala ng marami pang tanong, magbasa na lang.

Heto ang sitwasyon. Si girlfriend ay nakikitira kay boyfriend, iisang kumpanya ang pinapasukan nila at iisang kuwarto lang ang tinutulugan siyempre.

Isang maulan na umaga, tinanong ng ama ng boyfriend ang anak, "May tuta ba sa kuwarto n'yo?"

"Ho?" gulilat na sagot ng boyfriend.

"Parang narinig ko k'se kagabi may umiiyak na tuta."

Hanggang d'yan na lang ang kuwento. Anumang pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.

Sorry na lang kung "pet lover" kayo.

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 18, 2009

Wowo-ngiih!!!
Babalik na raw si Willie sa Wowowee. Bakit pa eh tumatakbo naman ang show kahit wala siya? Tsk! Akala ko pa naman tuluyan na siyang sisipain at ire-reformat na lang ang show. Ayon sa Mommy ko, may mga maimpluwensiyang TFC subscriber na ibo-boycott “daw” ang TFC kapag ibinalik pa ang hari ng electric fan (mahangin kse!)

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tila garapata sa aso’ng hindi maalis-alis si Willie sa show eh kahit sino naman ang host na ilagay mo eh papanoorin pa rin ng tao (‘wag lang ang walang katorya-toryang si Gabby). Mataas ang respeto ko sa kanya as a drummer (utang na loob, 'wag na siyang kumanta!) pero bilang isang host, tae siya. Nanghihiya ng mga kasama na para bang Perfecto ang pangalan nya.

Ayos din naman ang Kapamilya management. Ang siste eh hinayaan lang palang “mamatay” ang issue at ngayong limot na eh saka pababalikin ang aroganteng mahilig magpatalsik ng laway.

Eh bakit ba naman ako apektado eh di naman ako tagasubaybay ng show? Eh k’se kapag wala akong pasok, d'yan nakahimpil ang channel namin tuwing lunchtime. 2 days lang pero hindi ko makayanan! Kalaban mo naman si Mudra kapag inilipat mo ng channel kaya tiis lang kapag nagtatatalak na ang buhong.

Hay, pustahan pagbalik magdadrama na naman 'yan. Magpapaawa at bandang huli, siya na naman ang angat.

That's right!

Binalibag Ni Choleng ng 8:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 17, 2009

Bungi ka ba at patawa ka?
Ibang klase rin ang likaw ng bituka nitong si Erap. Sinipa na nga, aba'y nagbabalak pang tumakbo ulit.

Kinakabahan tuloy ako dahil ang mga Pinoy, may amnesia. Ang bilis makalimot!

Hmp! Kapag tinangkilik pa naman siya ng Pinoy, para lang silang aso na kinain ang sariling suka.

Eeew!

Binalibag Ni Choleng ng 7:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 12, 2009

Katorse


Grade 4 pa lang ng pinamukulan ako at maagang lumusog ang kambal kong kayamanan pero wala sa ala-ala ko na sa edad na katorse eh ipinagbuyangyangan ko ang mahiwaga kong klibahe.

Ano ba naman yang si Nene. Kundi naka-spaghetti straps, off shoulder naman at laging nakabalandra ang mahiwagang cleavage.

Nakakaaabala!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 10, 2009

Ang saya-saya!

Hay salamat, wala nang bangag at laging naghahagilap ng sasabihin na judge!

Binalibag Ni Choleng ng 8:24 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 05, 2009

Anghang ng Labuyo

Traffic Jam

Di kalakasan ang ulan, naisip kong di gaano ang anghang ng bagyo pero ano’ng saklap, sa tindi ng traffic sa flyover papuntang Buendia, na-late ako ng 40 mins.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari at ni sa panaginip ay di ko akalaing mangyayari. Bakit nga ba naging usad-pagong ang traffic? Dahil ba sa ulan? dahil Biyernes? o dahil pumanaw si Eranio Manalo? Gustuhin ko mang bumaba sa jeep, saan ang punta ko? Maglakad sa flyover? Alangan namang tumalon ako o mag-rappel.

Hay, matapos ang apat na taon, late ako.

Goodbye, Road Runner*. Goodbye 10K. Dalawang buwan na lang, kuha ko na ulit. Saklap!

* Ang Road Runner ay isang award para sa sira-ulong empleyado na walang late sa loob ng isang taon. 10K ang pabuya, apat na taon ko nang nakukuha.

Binalibag Ni Choleng ng 8:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 03, 2009

Bagong Libangan
Mula sa banggaan ng mga bus, pag-atras naman sa pagkapangulo at mga kalaguyo ng kalaguyo ni Chavit ang siya namang ngayo'y pinagkakaabalahan ng mga press.

Buyo-buyo lang yan.

Binalibag Ni Choleng ng 7:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com