<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, February 26, 2011

Gora, gora gora!
Lagare ako ngayong araw na 'to pero okay lang dahil huling araw ng pasok.  Finally, weekend na!

First stop:  Wake of Ella's brother.  Ang kamatayan ay isang bagay na hindi inaasahan pero medyo bothered lang ako dahil puro mga barkada ko ang namamatayan.

A few weeks back, nasa San Roque, Marikina ako dahil sa biglaang pagkamatay ng ama ni Wheng o Manika para sa aming KOC ...

Photobucket
With Manika sa wake.  Nakakalungkot na kung hindi pa may pumapanaw, hindi pa magkikita-kita pero ganun talaga ang buhay.

Photobucket
Taga-San Roque din naman si Ka-Metz na Conrad kaya sinamahan na ako sa wake.  Thanks, Mr. C


... tapos heto ako ngayon sa Tandang Sora, kuya naman ng ka-Kuyog na Ella, same nature of death ng Papa ni Manila, atake o aneurysm din.

Photobucket
While waiting for Ella sa Puregold, Commonwealth

Naiyak ang nanay ni Ella nang makita ako.  Marahil nababagbag ang kalooban dahil sa pakikiramay naming mga barkada o di makapaniwalang maraming kaibigan ang anak (joke!).  Bandang 11:00, nagpaalam na ako para sa susunod na appointment.

Next stop, facial kay Dra. Diwi.  Mabilis ang Taguiglink bus kaya nakapag-grocery pa ako at nabili ang wheat bread ng Mom ko sa Megamall bago pumunta kay Dra. Diwi (lagare talaga?) Mabilis lang naman akong na-facial, 2:00 PM nasa bahay na ako.

Final gora, Manika's birthday bash.  Syempre, natulog muna ako bago pumunta sa party.  Nakaapat na oras din.  Bandang 7:00, lumarga na ako,  nakapaligo pero walang hilamos dahil bagong facial nga.

Bagama't nagluluksa ang pamilya sanhi ng paglisan ng haligi ng tahanan, life goes on.  Salo-salo upang ipagdiwang ang birthday ni Manika.  Samantalahin habang nandito sila sa Pilipinas dahil ilang linggo lang, babalik na siya sa California kung saan sila naka-base ng asawang si Richard at dalawang anak.

Photobucket
L-R:  Papa Bo, Me, Manila, Jomarie, Maru and Match.  Sayang, wala ang ibang KOC.

Photobucket
Ang babae sa buhay ni Dioms


Bandang 12:00, naghiwa-hiwalay na kami.  Kaya pa?  Ito na yata ang pinaka-hectic kong Sabado pero okay lang.  At least, napagbigyan ko ang lahat pati na rin ang aking sarili.

Thank God, makakatulog na ako.  Whew!

Binalibag Ni Choleng ng 8:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, February 22, 2011

Tres Marias sa Bora
February 21

Birthday gift sana ang Bora trip sa Daddy pero dahil hindi makakasama ang Mommy (hindi pa gaanong nakaka-recover sa palpitations) hindi na lang sumama sa amin.  Tiyempong pinadala pa si Girlie ng opisina sa Bangkok kaya ang nangyari, kami ng kapatid ko'ng si Ellen and Janet ang natuloy.  Nasayang ang isang ticket.

ETD MNL 9:05 AM, ETA KLO 10:05 AM, Airbus A320-220.

7:00 AM - Nasa NAIA Terminal 2 na kaming magkakapatid.  Medyo kabado dahil dalawa sa kasama ang "proxy," pero nakalusot naman.  

10:00 AM - Arrived Kalibo.  Agad naman kaming nakita ng staff ng La Carmela, pinasakay kami sa isang bus (Island Star Express).  Buti na lang bus dahil kung van, hassle dahil medyo matagal ang biyahe mula Kalibo hanggang Caticlan.  Pagdating ng Caticlan, lumipat naman kami ng bangka na maghahatid sa amin sa mismong Bora na.

2:00 PM - Arrived Boracay Island.  Check-in agad sa La Carmela de Boracay, Station 2 siya.

3:00 PM - Lunch at Andok's.  Masanting ang init ng araw kaya stroll-stroll na lang kami sa lilim na lugar.  Mga takot umitim!

5:00 PM - Swimming na.  Mataray ko pang sinabi pagdating, "What's so special about Boracay?"  Parang Puerto Galera lang, puro tindahan pero same banana, beach pa rin.  Nalaman ko ang difference nang mag-swimming na kami.  It's the sand that matters.  Ang pino, parang asukal!!!

6:30 PM - Nakakatakot palang mag-swimming pag madilim na kaya umahon na kami.

7:30 PM - Pasta ang feel naming kainin kaya sa Shakey's kami nag-dinner.  Grabe, gumapang kami sa kabusugan!

10:00 PM - Kainitan ng mga shows at bar hopping ang ginagawa ng karamihan kapag ganitong oras pero ibahin ang mga manang na walang hilig sa night life, natulog na kami.  Nakakapagod din ang biyahe.

February 22 - Dad's Birthday

5:30 AM - Early to bed, early to rise.  Napagkasunduang hindi muna mag-breakfast dahil busog pa mula sa masaganang pasta dinner.  Swimming muna habang wala pang araw.

6:00 AM - Laman na kami ng beach.  Ganda pala ng Bora kapag ganitong oras, walang gaanong tao, di pa gaanong mainit.  Nilakad namin papuntang Station 1 tapos pabalik.  Nakakalungkot na kahit Bora, di pinatawad sa kasalaulaan.  May nadampot ba naman akong plastic bag at bote ng mineral water sa pampang.  Hay, mga pasaway!

7:30 AM -  Mataas na ang araw kaya bumalik na kami sa La Carmela.  Saglit kaming nag-swimming sa pool (kodak-kodak na rin) bago nagbanlaw at nagbihis.

10:00 AM - Brunch.  Good for 2 lang yung naka-reserve pero good for 2 days pala yung pagkain dahil eat-all-you-can.  Naghati-hati pa kami sa masaganang almusal.  This is life!

11:00 AM - Went to Talipapa para bumili ng pasalubong.  Kasuya, walang shorts na may tatak na Boracay, pa-birthday ko sana kay Ama.

2:00 PM - Left La Carmela papuntang Kalibo.


ETD KLO 6:20 PM, ETD MNL 7:20 PM.

5:00 PM - Arrived Kalibo Airport.  Winner! Sa NAIA hindi kami hiningan ng ID pero dito, naghanap.  Mahigpit din pala rito kahit na ayon sa bayaw ko eh pinapasok ng palaka ang airport.  Mabilis kaming naka-check-in kaya muli kaming lumabas at nag-snack sa kalapit sa karenderya.  Lomi Kalibo style!

6:30 PM - Left Kalibo.  Paalam pero babalik pa kami, alam ko!

7:30 PM - Touch down Manila.  Sinundo kami ng bayaw kong si Hajii, namili ng konting food pauwi para maiselebra kahit papaano ang birthday ni Ama.

Hay, Bora.  Ngayon alam ko na kung bakit maraming nagpapabalik-balik k'se ganun ang nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong bumalik!



Location:  NAIA Terminal 2, Kalibo Airport, Caticlan, La Carmela De Boracay, Andok's, Shakey's, Talipapa,  Boracay Stations 1 to 3

Binalibag Ni Choleng ng 12:12 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, February 15, 2011

Uso pa ba ang harana?
Hindi na pero ang T&T, muling pinauso.  Sa halagang P50, makakapamili ka ng song at T&T haranista of choice at mahaharana mo na ang iyong nililiyag.

Noong nasa PT&T pa ako, meron silang serbisyo na tinawag na Singinggram.  Same concept, pipili ng kanta ang customer and for a fee, mahaharana ng live ang trip mong haranahin.  May shortage noon ng singers at dahil assistant ako ng AVP ng Marketing, naispatan ako noon na kumanta pero hindi ako pumayag.

Ano ko baliw?  Gagala-gala sa building karay-karay ang isang karaoke machine?

This time, out of pakikisama at katuwaan, pumayag akong maging isa sa taga-harana ng T&T pero ayokong kumanta ng a capella kaya lahat ng minus one ng mga kakantahin ko, nilagak ko sa cellphone ko.  O di ba, para na ring yung sa PT&T pero this time, cellphone na lang imbes na portable karaoke machine.

Hindi mo naman kailangang magpaikot-ikot at mag-floor to floor para ibenta ang sarili mo.  Merong parang harana center sa 4th floor at meron yata silang pinaikot na listahan ng mga kanta at singers.  Kapag napili kang kumanta, titimbrehan ka na lang ng organizers.

Nakatatlong kanta rin ako. (Hindi counted yung You na kinanta namin nina Marvin and Teach, Bistek  haranistas, kay Madam Virg) Isa sa 4th floor, Constantly para sa isang supervisor.  Isa pa rin sa right wing ng 4th floor, Inseparable para kay Yong, asawa ng Training Manager naming si Irish at finally sa floor namin.  Sweet Love para sa Toni Gonzaga ng 5th floor, pinaharana ng mga barako ng Bistek.  Hindi ako dapat ang kakanta, si Ainah ng Zoneriv ang gusto ng mga mokong (APS Idol rep ng T&T for 2010 ... maganda at bata ... mga manyakis ... hehehe ...) pero nakauwi na raw kaya kaysa magreklamo ang mga customers dahil bayad na sila (may ganun?) ako na lang ang kumanta.  Instant concert sa 5th floor!

Nakakaaliw din naman at magandang dibersiyon mula sa pagmo-monitor ng queue.  Teka, eh sino nga ba ang nag-monitor sa Bistek habang nanghaharana ako?  Hindi ko alam.  Nakalimutan ko ang lahat dahil enjoy palang mangharana.

Ulitin yan sa susunod na Araw ng mga Puso!

Photobucket
Gift ni Madam para sa mga haranista

Binalibag Ni Choleng ng 12:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, February 14, 2011

Idols In Love - Snapshots

Photobucket
L-R:  Me, Danica, Chie, JR and Jayron:  Brunch after the rehearsal.  Thanks, JR!

Photobucket
This wing's mine!

Photobucket
All smiles si JR, halatang bukal sa loob ang panlilibre, hehe.  Chie, okay ba?  Sorry, Anz and Roel, umuwi kayo 
kaagad!

Photobucket
Love Concert Stage:  Maigsi lang ang preparation pero first ito sa history ng Idols -- ang magsama-sama sa isang entablado upang haranahin ang mga empleyado.  Good idea, Kiko.  You rock!!!



Photobucket
Me after retokehin ni Love Garcia.  Thanks a lot, Love.  Dami ko ng utang!

Photobucket
Duet with JR.  Siya pa lang ang Idol guy na nakaka-duet ko after Anz.  Jayron, you're next!

Photobucket
Roel and Chie

Photobucket
Roel and Mitch.  Aba, Roel ang kaladkarin mo ha!

Photobucket
... pero si JR ang pinakakaladkarin.  Nakipag-duet siya sa akin, kay Mitch at dito naman kay Danica.  Ikaw na ang versatile!

Photobucket
Mots and Ivan with the cajon-cajonan guy:   Walang available na cajon kaya file box ang ginamit.  Puwede na rin.  Mots and Ivan, you, guys, are great!  Hope to do more acoustic numbers with you!!!

Photobucket
L-R:  Danica, Me, Mitch and Roel:  Kodakan muna habang busy si Chie.  Imagine, performer na, organizer pa.  Atta girl, Chie!!!

Photobucket
The elusive Jayron.  Wala siyang duet number sa Valentine Concert (eto yata ang ka-duet nya) pero one of these days, mahuhulog ka rin sa bitag ko, Jayron *evil laugh*

Photobucket
With Idols JR and Danica

Photobucket
With Danica and Mitch.  Gaganda namin noh?  Mga pa-girl!!!

Photobucket
Clockwise:  Roel, Jas, Chie,JR, Mitch and Danica.  Ba't wala ako rito?  Nag-CR o nakasalang?  Jas, buti naka-jam ka.  Si Anz na lang talaga ang kulang, sana humabol siya kahit nakapambahay lang.

Photobucket
The audience:   Familiar faces!

Photobucket
Valentine gift from Mr. C.  Nanghihiram lang naman ako ng shaker para magamit sa concert, hayan at niregaluhan ako ng itlog.  Thanks a lot!

Binalibag Ni Choleng ng 12:24 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 13, 2011

Palpi pa rin
A week after ng discharge kami pinapabalik ni Dr. Achilles Esguerra for check-up pero tatlong araw pa lang, muling nagpabalik sa doktor dahil hindi pa rin daw siya bumabalik sa normal.  Mula sa trabaho, kumuha ako ng taxi at sinundo ang Mommy ko sa bahay tapos diretso na sa Medical City.

As usual, pinayuhan ng Doctor ipagpatuloy lang ang gamot, walang dapat ikabahala dahil hindi naman malala ang kalagayan, laging ngumiti at tiyaga-tiyaga lang sa gamot.

Linggo, sa Philppine Heart Center na nagpapadala dahil hindi pa rin daw tumitigil ang palpitation.  Nilapitan ako ng bunso kong kapatid, kausapin ko raw.  Sabi ko, ano pa ang pupuntahan nyo sa Heart Center eh consultant din doon si Dr. Esguerra.  Para raw matingnan siyang mabuti.  What?  "Eh ano pa ba ang tawag dun sa ginawa sa inyo sa Medical City?" tanong ko.

"Huwag mo naman akong pagalitan," sagot ng Mommy ko.

To cut a long story short, isinugod pa rin.  30 minutes after, nag-text.  Nasa Ortigas na raw sila, tumigil na ang palpitations pero tumuloy pa rin.  Ayun, iminungkahi ng doktor na naka-duty na ipagpatuloy lang ang reseta ni Dr. Esguerra dahil ayos naman at saka hindi nya mapapalitan ang inireseta dahil yun pa nga ang consultant nya.

Hay, sana tumalab na ang mga gamot nya at sana wag masyadong kung anu-ano ang tumatakbo sa isip.

Binalibag Ni Choleng ng 11:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, February 03, 2011

Usapang palpitation pa rin ...
Yung palpitation ng Mommy ko na nagsimula nung January 11, nauwi na sa confinement sa Medical City.  Plano sanang nya'ng magpa-check up ng 1 PM kasama ang nagluluto sa amin na si Ka Adora dahil mula noong huli kaming pumunta noong Enero, hindi na naging normal ang pakiramdam at pabalik-balik ang palpitation, pero bandang 11:00, pinasok ako sa kuwarto at nagsabing gusto na nyang magpa-confine para matingnan kung ano ang pinanggagalingan ng nararamdaman nya.

Galing ako ng trabaho at hindi pa gaanong nag-iinit ang likod sa kama pero kagyat ako'ng bumangon dahil bakas na sa mukha ng aking ina ang pagkabalisa at saka alam kong kung may iba lang siyang makakasama, hindi na ako gigisingin pa dahil ayaw ng hindi ako nakakatulog ng maayos.

Mabilis kaming nakapaghanda at ilang minuto lang ay sakay na kami kay Baby Ghelay (sasakyan namin yan), Daddy ang driver, maagang pinasara ang tindahan para maipag-drive kami.

Gaya ng dati, agad naman kaming inasikaso sa Medical City pero ang tagal ding naghintay sa Urgent Area dahil walang bakanteng kuwarto.  May ilang silid na ini-offer sa amin pero sobra namang mahal (suite!),  bandang 7:00 na nang sa wakas ay makakuha kami ng affordable na silid.

Limang araw ding na-confine si Mudra kaya naghalinhinan kaming magkakapatid sa pagbabantay.  Noong unang araw, umuwi ako ng mga 10 PM para makabawi ng tulog (yes, absent na naman ako!) at pinalitan ni Girlie tapos yung kasunod kong kapatid, si Janet, ang pumalit sa kanya ng Biyernes.  Sabado, doon na ako tumuloy mula trabaho at nanatili hanggang lunch time tapos muli akong pinalitan ni Girlie;  Linggo whole day naman.  Padaan-daan lang ang pangatlo kong kapatid, si Ellen, dahil may mga anak na kailangang asikasuhin tapos pinatitingnan-tingnan din ang bahay pati na rin kung ano ang kakainin ng Daddy.

Si Dr. Achilles Esguerra ang attending cardiologist ng Mommy ko, isang beterano'ng doctor na naghuhumiyaw ang no-problem-everything-is-okay attitude.  Parang bang kung may nararamdaman ka man, biglang mawawala kapag kaharap mo siya.

Tamang gamot lang daw at iwas sa pag-iisip ng kung anu-ano ang solusyon sa nararamdaman ni Ina dahil wala namang nakita sa mga pagsusuri.  Okay naman daw ang thyroid test at kung may abnormality man lumabas sa ECG at Holter test, maliit lang yun at hindi dapat ipag-alala.  Wala naman daw baradong artery.

Linggo pa lang, gusto nang magpa-discharge ng Mommy.  Uwing-uwi na dahil naiinip at nagsasawa na sa kapapanood ng TV tapos lagi lang naman siyang bini-BP, pinapainom ng gamot, binibigyan ng food tuwing breakfast, lunch, merienda at dinner tapos once a day lang nagpapakita ang doctor.  Lumalaki lang daw ang hospital bill sa pag-tambay niya sa hospital.  Maganda na naman daw ang pakiramdam niya sa bagong gamot na nireseta ng doctor.

Sa kasamaang palad, hindi siya pinayagan ni Dr. Esguerra dahil kailangan pa raw obserbahan ang epekto ng bagong gamot at kailangan pa'ng mag-Stress Test sa Lunes na tigas na tinanggihan ng Mommy ko dahil kapapanood pa lang sa TV ng isang pasyente na namatay habang nasa ilalim ng nasabing test.


Hindi napapayag ang Mommy ko sa Stress Test kahit ilang beses pang kinausap ng isang resident doctor kaya naman Lunes ng 10:45 ng umaga, officially discharged na si Inay.

Limang araw na mahigit sa ospital, umaasa kaming lahat na masapol ng bagong gamot ang nararamdaman ng Mommy ko.  Dr.  Esguerra, ikaw na sana.

Mawawalan ba naman ng mga larawan?  Heto na:

Photobucket
View from RM N1406

Photobucket
Tulug-tulugan mode ang mag-Tita

Photobucket
Gawin bang internet cafe?

Photobucket
Newly-born Jenny?

Photobucket
Birdie na laging nakatambay sa bintana 

Photobucket
At home ang mga dalaw -- ang pasyente rumarampa

Photobucket
Nurse-on-duty Ghelay

Binalibag Ni Choleng ng 9:56 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com