<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, July 31, 2011

Top
Sabi nila tao raw ang nasa top ng food chain pero iba sa bahay namin.  Kinain ko lang ang left-over na menudo sa ref, napagalitan pa ako ng Mommy ko.  

Inunahan ko pa raw ang aso.

Anak ng ...

Binalibag Ni Choleng ng 10:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, July 22, 2011

The power of FB
Maganda sanang proyekto ng aming barangay na talagang todo ang suporta ko dahil isa ako sa muntik ng maasikdente pero gaya ng mga naunang proyekto, mukhang di siya magiging matagumpay dahil sa mga pasaway.


Nag-init ang ulo ko nang pag-uwi ko ngayong umaga ay may nakasalubong akong naka-motorsiklo sa eskinita at ang hagdan na sadyang ginawa para hindi na sila makadaan, may rampa pa!

Sa inis ko, nag-post ako sa Facebook:



Akalain n'yong sandali ko pa lang naipo-post ay may tawag agad mula sa barangay.  Tinag ko k'se yung kapit-bahay naming barangay official.  Pinapatanong kung kakilala ko yung naka-motor.  Sabi ko hindi dahil nakasalubong ko lang at hindi ko naman nakuha ang plate number dahil galing ako ng palengke, ang dami kong dala-dala.

Bagama't nakakainis ay nakakatuwa na rin dahil nalaman kong hindi natutulog sa pansitan ang barangay namin.  Ang laki pala ng takot nila kapag na-post sa FB k'se marami nga naman ang makakabasa at kasiraan nila ang hindi pagpapatupad ng mga ordinansa.

Good job, mga Barangay officials.  Good job, FB.

Binalibag Ni Choleng ng 9:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, July 17, 2011

Legilimens


Opening scene ng Harry Potter 7 ... "Ano nga ang tawag sa mga yan," tanong ng ka-KOC kong si Jomarie, tinutukoy yung mga naglisaw na tila itim na basahan sa Hogwarts.

Di ko kaagad naalala kaya ang sabi ko, "Volturi yan." Oo na, Dementors!

Sobrang nag-enjoy ako sa ikalawang bahagi ng Deathly Hallows dahil mas punong-puno ng aksiyon at mas kapana-panabik ang mga eksena (in 3D pa) kaya naman hindi ko tinulugan kahit wala pa akong tulog (nagkaroon ako ng sleeping disorder the night before dahil sa pag-inom ng kape)

Bagama't alam naman ng karamihan kung ano ang magiging ending dahil nabasa na, nakakalungkot pa rin.  Nakakalungkot dahil ang kasaysayan na halos pitong taon ding sinubaybayan ay natapos na.

Hindi bale.  Kapag na-miss ko si Harry at ang tropang Hogwarts, babalikan ko na lang ang mga libro.      Habang may libro, may Harry Potter.

Binalibag Ni Choleng ng 7:30 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, July 16, 2011

Assumptionista
Isang araw sa buhay ng kapatid kong si Ellen..

"Mama, bayad o, city hall ..." ani kapatid ko, sabay abot ng bente sa lalakeng nadatnan nya'ng bilang nang bilang nang pera (puro bente)



Tiningnan lang siya ng lalake at umiling. Anak ng ... hindi pala siya ang taga-singil, napagkamalan lang ng kapatid ko!

Ayan eh!

Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, July 11, 2011

150/100
The culprit

Ugali ko ng mag-nap makapananghalian ng Lunes para may baong “tulog” sa panggabi kong pasok.  Ilang sandali pa lang akong nakakahiga nang naramdaman kong biglang pumintig ng mabilis at malakas ang puso ko na sinundan ng pamimigat ng dibdib.

Minsan na akong nakaramdam ng ganito noong nag-palpitate ako matapos kong aksidenteng nakainom ng gamot sa sipon na may sangkap palang ventolin.  Pinilit kong mag-relax at balewalain ang kakaibang nararamdaman pero hindi mawala.  Bumangon ako at nag-BP sa digital sphygmomanometer (meron kami nito dahil mino-monitor namin ang BP ng Mommy ko).

130/80.

Kaya pala iba ang pakiramdam ko kse ang usual BP ko ay 110/70.  Uminom ako ng tubig at muling bumalik sa kuwarto, pinilit mag-relax pero ayaw talaga.  Makalipas ang 15 minuto, muli akong nag-BP.

145/90.

Nyay!  Tumataas.  Inulit ko … 140/90.  Mataas pa rin.  Muli akong bumalik sa kuwarto pero di talaga maalis-alis ang nararamdamang discomfort.  Makalipas ang 15 minuto, nag-BP na naman ako.

150/100!

Pagkakita sa rehistro, bigla nanlamig at nanginig ang kamay ko.  Nagmadali akong nagbihis (nakapantulog ako kapag nagna-nap) at hindi na nag-abala pang maglagay ng contact lens (tanggal din ang contact lens ko pag nagna-nap).  Hinanap ko ang “expert”  (my Mom) upang sabihin ang nararamdaman.  Inabutan kong nagsi-siesta sa terrace.  Uminom daw ako ng catapres pero nagkuli.  Magpa-check up na lang daw ako sa doctor, malapit lang naman.

Ayun, mukha akong pindangga, suot-suot ang tila-goggles kong salamin, na sumagsag ako kay Dr. Lander na walking distance lang naman ang klinika sa amin.  Nakakaloka, 130/90 ang reading ng old school nyang sphygmo (yung de-mercury) at sabi pa ng doctor, malamang kaya lang tumaas ang dugo ko dahil sa kaba.  Niresetehan ako ng pampakalma … iterax.  Mahina lang daw para makatulog ako dahil hindi nga ako gaanong nakatulog noong weekend.  Eh lagi namang 2 hours max ang tulog ko pag weekend!

Anyway, hindi Iterax ang pinalaklak ng Mommy ko sa akin.  Valium, isa sa mga “collection” nyang droga.   Effective, nakalma nga ako.  Sobrang kalma, hindi na ako nakapasok.  Don’t get me wrong, wala akong plano'ng um-absent pero may ibang plano ang tranquilizer.

Kasalanan ng Valium!

Binalibag Ni Choleng ng 12:27 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, July 06, 2011

DFA
Hindi kapani-paniwala pero totoo!

8:00 AM ang appointment ko sa DFA pero 8:00 AM ako natapos. For the first time, natuwa ako sa opisina ng gobyerno.

Sa wakas!

Binalibag Ni Choleng ng 9:17 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, July 04, 2011

Ech
Naaliw ako sa nakatabi kong estudyante sa jeep.

Mula sa chikahan ng kasama'ng isa pang estudyante, nalaman kong nag-aaral ng Japanese at saka Korean ang bata.

Winner!  Nag-aaral ng dalawang foreign language pero ang bigkas sa 'H' ay 'ech.'

Unahin mo muna ang English, neng!

Binalibag Ni Choleng ng 9:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, July 03, 2011

Autobots ... volt-in!!!
"Dad, gusto mo manood ng Transformers sa Imax?" tanong ng bunso kong kapatid.

Sagot ni Dad, parang tinatamad pa: "Cirque du Soleil na lang."

Hmp!  Ambisyoso!

Anyway, pinanood ko ang ikatlong installment ng Transformers pero hindi sa 3D dahil nakisabit ako sa mag-asawang Hajii at kapatid kong si Ellen kasama ang dalawa kong pamangki'ng si Jenny at MJ.  Okay lang naman na sa regular moviehouse dahil marami kami tapos sayang lang ang bayad kung nagkataon dahil tinulugan lang ni Jenny.

Maraming nagsasabi na hindi raw maganda, na parang paulit-ulit lang, na hinihintay nilang mag-volt in ang mga Autobots pero sa ganang akin, nagandahan ako.  Ang cool ng plot, talagang i-link ba sa Apollo 11?  Winner ang effects at nakakanganga ang mga fight at chase scenes.

Walang kakupas-kupas ang kakulitan ni Sam at ng pamilya n'ya, ang special bond nila ni "Bee" na parang short cut lang ng 'baby," pero nakakalungkot na wala na si Mikaela at napalitan ng isang Cameron Diaz-look alike.  She's hot pero kay Mikaela pa rin ako.

Nakakatatlong Transformers na, may ikaapat pa kaya?  Ay dapat mag-volt in na para maligayahan ang mga detractors.  Hahaha!

Jenny after the 3:50 Screening, Megamall

Binalibag Ni Choleng ng 9:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com