<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, March 26, 2005

Isa Akong Maggugulay
Come April 3 eh magdi-DST na naman sa US kaya kaming mga nagpapanggap na nasa US eh makiki-join dito. Ibig sabihin, atras ng 1 oras ang shift ko. Malaking problema dahil sa present schedule ko nga na 6:00 a.m. eh hirap na hirap na ako sa paghabol sa TAE bus, pa’no pa kaya ang 5:00 a.m.? Pambihirang schedule yan…5:00 a.m…ano ako MAGGUGULAY??? Hay, ngayon pa lang eh umiikot na ang utak ko kung pa’no ako makakarating sa office ng on time. Bahala na. Magdadala na lang ako ng bayong para hindi ako ma-out of place sa mga kasakay ko sa jeep!

Binalibag Ni Choleng ng 8:53 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Friday, March 25, 2005

Sa Letrang B…Biyernes Santo!
After so many decades eh na-rest day din ako ng Maundy Thursday and Good Friday kaya for the first time kumpleto ang Familia Lizertiguez and what better way of spending these sacred days than playing BINGO. (Ulangya!!!)

Image hosted by Photobucket.com Hala, habang Semana Santa fever ang buong nasyon,
(yung kapit-bahay namin sa kanan nanonood ng Passion of the Christ, sa kaliwang kapit-bahay naman panay ang patugtog ng Jesus Christ Superstar Rock Opera) ang aking madir, padir mga kapatid at bayaw, pati mga pamangkin ko ay busy sa pagpupuno ng bingo game cards nila.


“Sa letrang B…unat!” Ano daw? Sa letrang I…sweet!” HUH? “Sa letrang O…matanda!” Ano ulit yun? “Sa letrang O ulit… baligtaran…” Eng? Sigaw naman ng bunso kong kapatid, “I’M PURE!” What the hell does she mean?

Susme, kung anu-ano’ng jargon ang maririnig mo. Mas nakakaaliw pag may BUMINGO. Namputsa, kung makasigaw ang mga ungas akala mo nanalo ng isang milyon eh 25 cents per card lang naman ang taya!

Alam ko pasaway ang family ko pero it’s so nice to see all of them in a huddle, having fun… the family that PLAYS together, STAYS together wika nga. Sana lang hindi Holy Week noh! Of course, di ako kasali sa game k’se ayoko ng sugal, di ba? Mega-watch lang ako sa kanila habang karga-karga ko ang 7 month old niece ko. At least, kung magtampo man si Papa Jesus absuwelto ako.


Binalibag Ni Choleng ng 8:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 22, 2005

Ganito na ba ako kataba???
Sobra akong nasaktan. Pati customer ko nase-sense na majuba ako. Sabi ba naman:

“I DON’T WANT TO RECEIVE CALLS FROM YOU, YOU LOUSY PIG!”

ARAY!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:51 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Sunday, March 20, 2005

Di kse 100% Kuton
My worst fear is realized. Plakda si Pacquiao kay Morales…not literally though because Manny was still standing when the bell rang on the 12th round, duguan nga lang s’ya. A brave fight indeed but all along, I knew di nya kakayanin si Morales kse unang-una, Morales is taller and when you’re taller, your reach is longer. Pag longer ang reach, mas may edge kse konting jab lang, abot na ang panga ng kalaban. Pangalawa, di nya suot ang favorite gloves nya at pangatlo, technicolor ang mouthpiece nya (humagis tuloy!) at ang pinakaimportante sa lahat, hindi 100% kuton ang suot n'yang midyas. Ano ba???

Binalibag Ni Choleng ng 10:07 PM at 1 Nagdilim ang Paningin


Nakapako ako sa Cruz
“Harapin ang katabi…” sabi ni Father Nolan kagabi, katulad ng nakagawian niyang gawin before his homily. Syempre, hinarap ko ang paborito kong katabi sa Metanoia (si Sheng-sheng, wala syang choice!). Hirit pa ni Father Nolan, “Sabihin nyo sa katabi nyo, “ipako ka sana sa krus.” Isip-isip ko, bakit ipako sana eh matagal nga akong nakapako sa krus…(almost 3 years na nga, as a matter of fact!) You know what I mean, krus? Cruz?

Wish ko lang talaga mawala na sa buhay ko ang apelyidong ito pero wala akong magawa. By virtue of marriage, ang dating maganda at kakaiba kong apelyidong LIZERTIGUEZ ay napalitan ng payak at lima-singkong CRUZ. (No offense meant sa mga kamag-anak ng nasira kong asawa o yung mga CRUZ din ang apelyido ha!) Hirap nga lang, para maalis ang pagkakapako ko sa CRUZ, I need to spend around 70-100T. Mantakin mo yun???

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, di ko na sana pinapalitan ang apelyido ko. Under the revised family code (utang na loob, wag nyo na akong tanungin kung anong kabanata at bersikulo!), may option naman ang kababaihan na wag palitan ang apelyido kahit nag-asawa na kaso out of courtesy na rin sa partner mo (to feed his ego na rin), papalitan mo ang apelyido mo at magiging isang dakilang middle initial na lang ang dati mong apelyido.

Payo ko lang sa mga kabaro kong nag-iisip lumagay sa tahimik (o magulo?…hindi naman masyadong halata na bitter ocampo ako, noh?), you have the option to keep your last name. You might be two but you still need to keep your individuality.

Sa ngayon, tiis na lang ako sa pagkakapako sa CRUZ. Sa isang banda, convenient din namang gamitin ang apelyidong ito (di ko na kailangang mag-phonetics pa para maintindihan) kaya papasanin ko na lang.

Binalibag Ni Choleng ng 5:10 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, March 13, 2005

Balahura Incorporated
Dalawang araw ng wala akong benta. Pangatlo na ngayon pag nagkataon. Wala rin lang akong silbi, makapangDAOT na nga lang!

Matanong kita, ilang beses ka na bang napadpad sa pantry at napansin mo na may nagkalat na empty sachets ng coffee, sugar, creamer, stirrer, plastic, papel, food morsels atbp? Kung wala sa sink ang kalat na malapit lang sa waste basket, nasa dining table na malapit din sa waste basket! (Tuwang-tuwa ang mga ipis!)

Pagbukas mo naman ng ref, daming century food. Nope, hindi yun TUNA at hindi rin ito Chinese egg. Ito yung mga tira-tirang food na ibinalabag na lang sa ref at ibinaon na lang sa limot ng kung sinong Pontio Pilato!

Pagpasok mo naman sa CR, hala, nagkalat ang mga tissue sa sink na malapit lang sa waste basket. Pagpasok sa cubicle, tissue pa rin sa sahig katabi ng waste basket. Sa toilet bowl, may splatter ng ihi at magtataka kang bigla kung lalake ang gumamit kse kung babae yun, sigurado “shoot” yun.

Lahat ng mga kababalaghan na ito ay kagagawan ng Balahura Incorporated. Isa itong asosasyon kung saan ang mga kasapi ay siyang salarin sa mga nabanggit ko sa taas. Sila ang mga nilalang na walang patumanggang nagkakalat at binabalahura ang paligid at nakalilimutang di lang sila ang TAO dito!

Oo nga’t may tagalinis tayo pero hindi sila palaging nandito. Sabi nga, YOUR MAID DOESN’T LIVE HERE kaya magkaroon sana tayo ng hinagap na gawing maayos ang lahat. Hindi naman natin kailangang maging basketball player para mai-shoot ang tissue or basura, correct? Courtesy lang, dude!

Bato-bato sa langit, tamaan huwag magagalit! Observation lamang po ni Choleng at 'wag sanang masamain. Nawa’y di maging tulad ng ipis ang Balahura Incorporated na dumadami kahit bina-BAYGON!

Ok, third day ko ng walang benta…WAAAAAAAAAH!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:21 PM at 2 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 08, 2005

“If you don’t have my number, you guys are screwed up!”

Binalibag Ni Choleng ng 9:28 PM at 1 Nagdilim ang Paningin


Para sa nagdyi-JEEP

Ba’t ganun, karamihan ng Pinoy ganito ang ugali? Pansinin nyo ha, majority ng tao pag sasakay sa wala pang lamang jeep, sa dulo uupo tapos maghihintay ng pasaherong sasakay din na uupo malapit sa driver para pag-abutin ng bayad. More often than not, ang pobreng malapit sa driver ang nagiging taga-abot ng bayad!

Hindi ko talaga ugali ang mag-utos (kse ayoko ring inuutusan) kaya what I do pagsakay ko eh dun ako umuupo malapit sa driver para personal kong iabot ang bayad ko. Kaninang umaga, pagsakay ko ng jeep from Buting papuntang Guadalupe, dating gawi, sa likuran ako ng driver umupo and would you believe karamihan pala ng mga pasahero eh di pa nakakabayad (to think na galing na ng Pateros ang jeep!). Nang sumakay ako, saka lang sila nagbayad.

“’Ma, bayad o…pakiabot… Thank you…” NYETA! “Bayad, Miss, pakiabot…” GRRR!!! Nung mga panglimang abot ko na sa driver I uttered to myself, “My goodness!!!” MGA BATUGAN!!! Gawin ba akong kunduktor??? NYETA!!!

Hay, you might think masama ang ugali ko pero try nyo’ng maging konduktor ng walang abiso, mabuburaot din kayo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:40 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, March 07, 2005

Nagising si Agnes dito!
"…to receive an email confirmation, what is your email address?" Darara…dara..raaa…Blah-blah... "Okay, just to verify, it’s 1 payment of $264.70 plus shipping handling fee of… (sabay check sa tool eh libre pala …) well, ma’am, I have a good news for you… shipping and handling is for free!"

LUSOT!

Binalibag Ni Choleng ng 11:26 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, March 06, 2005

Ang Tae Bus
Never heard of it? Hoy, meron! Labas ka ng Ayala, may nagdadaang ganito every 10 minutes. Di naman talaga ito ang name nya. Actually, it’s Marikina Auto Lines Transit Corp. (MALTC) pero dahil kulay yellow ito (same shade as your…you know…) ayun, bininyagan sya ni Love ng “tae” bus.

Naku, sobrang love ko ang bus na ito. Kahit walang aircon at minsan mga dehin goli ang iba mong kasakay, kahit madalas feeling ko mahahati sa gitna ang bus kapag umaarangkada, hinahabol ko pa rin. Kesehodang 2 inches ang takong ko basta haboool!!!

Dati, tinatakpan ko pa ang ilong ko ng panyo pag nagdadaan ito sabay tingin sa opposite side para di ka mabulyawan ng konduktor ng “Guadalupe! Crossing Ibabaw!” pero mula ng lumipat kami ng JG, iba na ang kwento. Ako na ang nanghahabol! Minsan talaga di tayo dapat pintasera or maarte k’se bandang huli, baka sa pangit ka rin mapunta.

Minsan mapagbiro ang tadhana ‘kala n’yo!

Binalibag Ni Choleng ng 11:26 PM at 1 Nagdilim ang Paningin



Saturday, March 05, 2005

Mga Segurista
It happened to me twice already. Si Tyang Mario naka-encounter na rin ng ganito but I guess I was luckier. O, di kahalayan ang tinutukoy ko. I’m talking about two of my customers. Talagang ‘di nagtiwala sa katiwa-tiwala kong boses at di binigay ang mga CC info nila hangga’t di natatawagan ang DTV. “You guys are legit!…” sabi nung bruha pagkatawag sa DTV. Sabi naman ng unggoy right after talking to someone from DTV, “Okay, here’s my card number…”

Hay, ano mang lahi, puti, pula, dilaw o kayumanggi (kanta ba to???) pare-pareho lang ang tao. ‘Pag pera na ang involved, laging naniniguro.

Binalibag Ni Choleng ng 11:12 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, March 01, 2005

American Accent
How time flies! Tingnan mo nga naman, 1 year na pala ako sa PS. May nagbago ba naman sa akin? Siguro!

One of the reasons why I applied in a call center eh para magkaroon ng American Accent. Uhugin pa lang ako pangarap ko ng makapagsalita ng straight English with American twang combined kse pakiramdam ko, pag ganun ang accent mo, sowsyal ka!

Eh kumusta naman ang accent ko? Well, nung newbie pa ako, sabi ng customer ko, “Are you from India or Pakistan?” Medyo nakaka-offend but come to think of it, ano namang nakaka-offend dun? Having an American Accent doesn’t make your race superior pero ganun talaga ang mentalidad nating mga pinoy. Pag English-speaking, sosyal!

Nung mga 6 months na ako dito, a customer asked if I am from Trinidad. Trinidad? Di ba isla yun? Pero happy na rin ako dahil at least nasa U.S. Territory na ang accent ko!

Presently, French Canadian na daw ang accent ko sabi ni Mike pero kung may magtatanong sa akin kung taga-saan ako, sasabihin ko taga-Guatemala ako! Wag lang sana akong kausapin ng Spanish!

Binalibag Ni Choleng ng 11:04 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com