BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, May 30, 2005
Ang di magdala ng payong pag may bagyo... TANGA!
'Wag kang makikisukob sa akin, babatuktukan kita!
Binalibag Ni Choleng ng 3:44 PM
at 2 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 29, 2005
Buhay Tindera II
Heto pa ang ilang nakakalokang hirit..
I don't do hard sell...if I want it, I'm going to call again... (Ang Taray!)
************
First of all, I'm not calling to sign up so don't get excited, okay? (Sabi mo, eh!)
************
Patawa naman ang isang 'to...
Jayna: Sir, are you familiar with the Tivo?*
Customer: T-bone? That's a band, right? (Ngek!)
Sa susunod na yung iba. Habang isa akong tindera, 'di tayo mauubusan ng kwento.
* Tivo is a receiver which can record two shows at once, pause live TV, rewind, slow motion, create instant replays, and enjoy up to 70 hours of digital recording without video tape..Wala pa nito sa 'Pinas! Sorry!
Binalibag Ni Choleng ng 3:38 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, May 24, 2005
Sent by an angel
Medyo nakakadugo lang ng mata pero maganda. Basahin nyo at nawa'y kapulutan ng aral...
Sometimes people come into your life and you know right away that they were meant to be thereby to serve some sort of purpose, teach you a lesson or help figure out who you are or who you want to become.
You never know who these people may be but when you lock eyes with them, you know that every moment that you are with them, they will affect your life in some profound way, and sometimes things happen to you at the time that may seem horrible, painful and unfair, but in reflection, you realize that without overcoming those obstacles, you would have never realized your potential, strength, will, power or heart.
Everything happens for a reason. Nothing happens by chance or by means of good luck. Illness, injury, love, lost moments of true greatness and sheer stupidity all occur to test the limits of your soul. Without these small tests, life would be like a smoothly paved, straight, flat road to nowhere, safe and comfortable but dull and utterly pointless.
The people you meet affect your life. The success and downfall that you experience can create who you are, and the bad experiences can be learned from. In fact, they are probably the most poignant and important ones. If someone hurts you, betrays you or breaks your heart, forgive them because they have helped you learn about trust and the importance of being cautious to whom you open your heart.
If someone loves you, love them back unconditionally not only because they love you, but also because they are teaching you to love and open your heart and eyes to little things.
Make everything count; appreciate every moment and take from it everything that you possibly can, for you may never be able to experience it again.
Talk to people who you have never talked to before and actually listen. Let yourself fall in love, even if it doesn't seem right because you are too young or too fairy just follow your heart.
Surround yourself with those who make you smile, laugh, and make you happy. Break free and set your sights high. Hold your head up because you have every right to.
Tell yourself you are a great individual and believe in yourself, for if you don't believe in yourself, no one else will believe in you.
Create your own life, then LET GO and LIVE IT!
All your life, you had specific dreams about what your family life would be like when you finally married. You were so intent on what you wanted, you even made a list of qualities and characteristics you were looking for in a spouse, in a home,in your job, in your children.
But time passed, and that person you were so intent on didn't come along. All of your friends married, had children, had beautiful homes. And still you were single. You prayed and prayed and prayed for that person to come along, but nothing happened. You had a good job. You served in your church. You spent daily time with the Lord in prayer and studying the Word. You dedicated your life to serving God in every way possible, but still nothing.
So you decided to take matters into your own hands, and you began an active search for a mate. And within a short period, you met someone who almost fits the bill. Almost. Sure, there were a few things missing, a few rusty spots in that person's character. But, after all, no one is perfect.
Maybe your goals were too high. Maybe you'd been asking for the impossible. Maybe this was the person God wanted for you so your character could grow through dealing with his or her failings.
Even though it often seems that God is slow to answer prayers, no matter whether it's about a mate, or a job, or our children, or our finances, or anything else, we have to remember that God doesn't wear a watch. Nor does he look at our human calendars.
He sees with eternal eyes. He operates on an eternal timetable, according to His plan and His schedule. If God seems to be running late, don't get impatient and run ahead of him. Wait for the Lord's timing in everything.
To the single folks out there, this is for you.
Single means you have the time to grow and be the person you want to be.
Single gives you space to grow. Sometimes, it is harder to grow when you are too close to someone. Trees are planted far apart so they can spread their branches and become strong as they mature.
Single means learning to live by yourself. However, that is no more difficult than learning to live with somebody else.
Single means freedom. You are free to spend a week's vacation on the beach, to take computer courses, to work late on an interesting project, to spend the day in bed with a good book or simply with a person who has read one.
Single means learning not to need a man/woman to make your life meaningful but learning to live with a man/woman because you want to be with him/her.
Single means that sometimes you will wonder why you will bite your lip and feel wistful and wonder if marriage is better.
Ironically, yet quite happily, single is feeling good about being in control of your life. It is liking and respecting who you are and why you are.
Single is realizing that being married is not necessarily better, it is merely different.
Single means that there could be something wonderful around the corner and you can take advantage of it.
Being single means you are free to love again.
Ayoko nga!
Binalibag Ni Choleng ng 7:39 PM
at 5 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 22, 2005
Strike!
Ako ang taong di mahilig sa sports. Kahit ano'ng bagay na may bola, A-Y-O-K-O!!! (pwera lang jackstone!) kaya naman muntik nang bumuka ang skating rink kagabi when I played bowling sa Gamol kasama ang Metanoia.
Ayoko talagang maglaro k'se ayokong magmukhang tanga. Alam ko namang puro kanal lang ang pupuntahan ng bola ko (Kung bakit kse di na lang sa kanal ilagay ang mga pins!). Sa kapipilit, ayun napasuot din ako ng bowling shoes. As expected, unang 3 tira ko puro kanal. 10 kmeng naglaro, puro mga newbies sa game pero ako lang ang itlog. Sobrang pressure, sobrang nakakahiya! Bago ako tumira ule (pang-4 ko na), they advised me to concentrate at isipin na lang na ang mga pins eh ang nasira kong asawa. It worked at muntik pang ma-strike!
So bowling is a game of concentration...and imagination!
O sya, may bago na akong kinahihiligan. Can't wait na makahawak ng bola ule! Guys, bowling tayo!
Binalibag Ni Choleng ng 4:41 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, May 20, 2005
Sayang na pagmamahal!
Gumastos ako ng P150 para lang ma-depress.
Maganda ang movie, champion ang effects at panalo ang musical scoring ng favorite kong John Williams pero sobra akong nalungkot sa ending ng Star Wars 3 (Revenge of the Sith). Labis-labis ang pagmamahalan nina Anakin & Padme para matapos lang sa kamatayan ng isa at pagiging cyborg ng isa.
The end does not justify the means.
Kaya nga kumiling si Anakin sa "dark side" para ma-save si Padmi, pero sumobra naman ang katakawan ni Lord Darth Vader sa kapangyarihan kaya bandang huli, nasapak din nya si Padmi. Teka, asan ang love?
Hay, nakaka-depress talaga. Buti na lang naaliw kami sa aleng nasa likuran namin. Sabi ba naman, "Parang bitin...siguro may kasunod!"
Hello, manang. Yung kasunod nyan 'nung 70's pa ginawa!!!
Binalibag Ni Choleng ng 8:40 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, May 18, 2005
I Love Dao!
Alam ko matanda na ako para kiligin eh bakit ba? Sa kinikilig ako eh, walang pakialamanan! Ewan ko ba kung ano'ng magic meron si Jerry Yan. Di naman ako mahilig sa singkit, sakang pa nga ang mokong, pero type na type ko sya. Siguro dahil lalakeng-lake ang dating nya, brusko at may pagkabarubal! (ayun, eh!)
First time na ma-air ang Meteor Garden, diring-diri ako sa nanonood kse nababaduyan ako pero sa sobrang kasikatan ng MG, na-curious na rin ako at nanood din. After a few weeks, naintindihan ko na kung bakit nahumaling ang sambayanan. Cute kse ang mga bida, cute ang love story nina Ahzi at Shan Cai at higit sa lahat cute si Dao!
Kaya ngayong inulit ng kapamilya ang MG, super review ako. Oo na, merong may collection ng MG pero believe me, nanghiram na ako dati pero tinulugan ko lang (di ba, Bonj?). Parang nakaka-pressure kse yung manood ka ng sunod-sunod! Mas masarap talaga yung putol-putol at may commercial para may thrill.
So kung makita nyo akong nagmamadaling umuwi mula Lunes hanggang Miyerkules (pwera Thursday and Friday kse RD ko), wag na kayong magtaka.
It's all for the love of Ahzi.
Binalibag Ni Choleng ng 8:37 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, May 17, 2005
Platter na platter ako!
Nagbibigay sa akin ng kakaibang kaligayahan kapag nalaman kong natutuwa ang mga nagbabasa ng blog ko k'se yun naman talaga ang purpose ng blog ko: magbigay ng aliw and at the same time share a part of me (hanep, mission vision!) pero sobrang flattered ako when Borjy himself (my favorite "blogger"!) commended and even endorsed my blog.
Sobrang thank you talaga, Borjy! Alam ko sobrang hectic ang schedule mo but you took time out to promote my blog. Libre kita sa gotohan ni Alex, malapit lang sa St. Chamuel!
p.s.
Check out http://borjy.blogspot.com para malaman nyo kung bakit idol ko si Borjy!
Binalibag Ni Choleng ng 4:34 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, May 12, 2005
Independence Day
Anniversary ngayon ng kalayaan ko. Dami ng nagbago sa buhay ko isang taon mula ng umistokwa ako sa Bambang.
To start with, tumaba na naman ako (ugh!) kse nakakakain na ako ng maayos (he he he...) Last year, slim ako dahil sa sobrang pagtitipid ko masustentuhan lang ang nasira kong asawa. Yung breakfast meal sa Export Bank canteen consisting of 1 fried rice and 1 fried egg, hinahati ko pa sa dalawa, pang-breakfast & lunch tapos pag nagutom pa, dinaan ko na lang sa pag-inom ng hot choco. PS pays well pero pag mag-isa ka lang nagwo-work at sa 'yo nakasandal ang asawa mo (damay mo pa yung walang kwentang bayaw na kasama sa bahay) na may bisyo pa at that, di mo kakayanin.
Isa pang pinagbago ko eh naging independent ako at matatag. Dati nakakapit ako sa duster ng Mommy ko. Di ako makakilos ng di dadaan kay Mommy... Mommy dito, Mommy dun. Okay din palang training ground ang married life kse natuto akong maglaba, mamalengke at mag-budget para sa ilaw, tubig at food. Ikaw ba naman ang maging madre de familia ba't di mo makakaya ang lahat?
A year ago isa akong alipin.
Literally isa akong alipin dahil hainan at urungan ko ang ungas, linis ng bahay at laba pag rest day. Ulirang asawa eh. Pagkagaling ko sa work, pagluluto na ang atupag ko kse naaawa ako sa hunghang, maghapon na ngang nasa kalye, baka magutom!
Alipin din ako ng pag-asa. Pag-asa na mali ang nararamdaman ko, na mali ang kutob ko at paranoid lang ako, na wala syang babae at hindi sya nagsa-shabu kaya madaling-araw syang umuwi palagi.
Alipin din ako ng takot, takot na tanggapin ang katotohanang hindi na ako mahal ng asawa ko, na hindi na magtatagal ang pagsasama namin; takot na humiwalay sa kanya dahil natatakot sa sasabihin ng tao. Tagal nga naman bago ako nagkaasawa tapos 2 years lang, ayaw-ayawan na!
May hangganan din pala ang takot. Nang mapagod ako sa pagtulog ng mag-isa sa kuwarto gabi-gabi at napagod na rin sa pagtratong parang trapo sa akin ng aking asawa, nag-decide ako na hakutin ang gamit ko at umuwi sa Tipas. Nang araw na gawin ko yun, bigla naputol ang kadena ng takot na nakatali sa akin. Nakakatakot lang pala pag di mo ginagawa pero pag nasimulan mo na, tuloy-tuloy na.
Ang sarap pala ng feeling ng maging malaya!
Masakit ang nangyari at kung mahina-hina lang ako, nagbigti na ako pero sa awa ng Diyos, pagkalinga ng pamilya at mga kaibigan, nalampasan ko ang unos. Marami'ng nagtatanong kung may pag-asa pang magkabalikan. Pag pumuti ang uwak at pumuti ang tagak, baka sakali pa!
Sa ngayon, at peace na ako. Wala man akong katabi gabi-gabi, mahimbing naman ang tulog ko (hindi talaga nabibili ng pera ang peace!). Wala nang asawang hihintayin, di na kailangang sumilip-silip sa bintana at manghaba ang leeg sa pag-antabay sa pag-uwi ng magaling kong asawa. Di bale nang mag-isa, payapa naman ang daigdig ko. Nasabi ko na ito ng ilang beses at uulit-ulitin kong sabihin, "Better alone than badly accompanied!" 'Wag ipagpilitan pag hindi puwede!
Asawa, ano yun? Biyuda po ako!
Binalibag Ni Choleng ng 10:42 PM
at 2 Nagdilim ang Paningin
Monday, May 09, 2005
LBM
Grabe, ganito pala ang feeling when you’re shitting around (thanks for the phrase, Omeed!) Sasakit, hihilab, kikilabutan tapos sasabog …pyroclastic flow…Hanep, parang bulkan!
Di naman kse ako basta-basta tinatablan nito. Kahit na nga kumain ako ng panis at may amag, walang nangyayari sa akin. Kasalanan ng PS ‘to, nakakain na ako ng maayos mula ng mapasok ako dito kaya hayan, naging sensitive ang tyan ko.
After 5 trips to the CR (sorry, contaminated na yung pinakadulong cubicle!), natapos din ang ordeal ko. I made it through the day. Thanks, Shey and Bernie! Pshew!
Binalibag Ni Choleng ng 7:30 PM
at 1 Nagdilim ang Paningin
Sunday, May 08, 2005
Nui Heihei!
It’s a race lang pala ang ibig sabihin, nabulabog pa ang utak namin nina Jo-anne and Agnes sa kaiisip kung ano’ng ibig sabihin nito! May premyo kse sa sinumang makakahula ng ibig sabihin ng Hawaiian phrase na ito which is our company outing slogan for this year. Anyway, di namin nahulaan ang sagot kase yung mga reps na tinext namin to make a research on it, di sumagot (ay, bawal pala ang cellphone sa floor!) Hayan, gustong mangdugas, wala tuloy napala!
Masaya naman ang outing sa kabuuan at kailangan pa bang i-memorize kung sino ang pinaka-wacky at pinakamasayang team? Siyempre DR Team! Sabi nga, “If it’s DR, it must be gay…!”
Mga 7:30 a.m., larga na ang Bus #2. Naiyak kaming mga pasahero kse buong biyahe, mga awitin nina Florante, Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, Kuh Ledesma at ang walang kamatayang Butchikik ni Yoyoy Villame ang pumailanlang sa apat na sulok ng Circle bus. We tried calling the attention of bus marshall Enteng (Elsyl) para sabihan ang driver na ilipat ng radio station kasi dumudugo na ang tenga pati ilong namin kaso deadma ang mokong kse nagsa-sound trip, may pasak na earphone. Napansin yata ng driver ang pagkakagulo namin kaya nilakasan pa ang radio. Okay, ayaw din lang nyang hinaan, kumanta na lang kami ng mass songs nina Love, Fern and Jake. Sinimulan sa Entrance song, tinapos sa Lupang Hinirang…(san ka pa?)
An hour and a half later, nakarating kami sa Clearwater, Clarkfield, Pampanga. Okay ang venue, presko at nakaka-relax ang atmosphere kaso sa sobrang laki ng lugar, hirap magpalipat-lipat from one area to another. Pumunta ka nga lang ng shower room aabutin ka ng 1 taon eh! Panalo din ang food especially ang lunch pero unforgettable talaga ang spaghetti… “Spaghetting matabang, matigas at matabang…”
Maghapong kain, langoy, kodakan, kain ule, laklak ng iced tea, kain, langoy, sayaw, mga 4:00 p.m. nagbalot-balot na kame nina Fern, Jo-Anne and Agnes para sumama sa unang biyahe pauwi. 4:30 p.m., nakasakay na kame sa bus kaso mga 4:40 na, aba’t wala pa ang driver. Kumakain pa raw. Susme, dapat ba namang pag-ukulan pa ng oras ang spaghetti’ng yun noh! So ang ginawa namin ni Fern, dinakdak namin ang busina. Mga nakadalawang busina yata kami saka pa lang lumitaw ang driver.
Mga 4:45, larga na kami kaso na-traffic sa bandang San Simon, Bulacan. May vehicular accident pala. Sabi ng driver accident prone area ang San Simon kse dati itong sementeryo. Ngiiih, manakot ba!
Mga 6:45, Nui Heihei ang dating ko sa Megamall kse late na ako sa mass. Daming nakahambalang na tao...Excuse me, excuse me, paraan po…Awa ng diyos, homily part na ang inabutan ko so di napansin ni Father Nolan na kulang ang choir nya!
Whew! What a day! Sana next year Boracay na!!! (Uy! parinig!)
Binalibag Ni Choleng ng 11:03 PM
at 1 Nagdilim ang Paningin
Saturday, May 07, 2005
May 7, 2002
3 years ago, I made the biggest mistake of my life. I married an asshole.
Awa ng Diyos, unti-unti na akong nakakabawi sa malabangungot kong karanasan. My marriage may be a wreck but it made me a better person. Nagkaroon pa ako ng chance na makasama ang isang tanging ina, si Pastora aka Nanay Tora, my mother-in-law.
Birthday nga pala ng Nanay ngayon. Kung ano’ng malas ko sa asawa, swerte ko naman sa kanya. Sobrang masipag, mabait at maasikaso. Kahit nga Mommy ko di pa nagawa yung ginawa nya sa akin. Ipinaghahain ako pagdating from work, ipinagpapainit ng tubig pampaligo, hinahatiran pa ako ng meryenda sa room and to think na 70 something na sya. Kung pinagsisisihan ko man na naging asawa ko ang anak nya, hindi ang naging byenan ko sya. Sayang nga lang maaga siyang namayapa. (She died last year, breast CA)
Nakakabilib ang Nanay. Sa edad na 40+, nabalo na sya (namatay ang Tatay Bibiano sa isang vehicular accident) at mag-isa nyang binalikat ang pagpapalaki sa 6 na anak. Nagsaka sya, nagtinda, naglabandera, pinasok ang lahat ng mapagkakakitaan mapalaki lang ng marangal ang mga anak nya. Sobrang sipag nya kaya nakakalungkot isipin na di nakita ng ilang anak nya ang mga pagpapakasakit n'ya bagkus sinuklian pa ng kabulastugan.
May Nanay rest in peace. Nasa mali mang landas ang ilang anak nya, Nanay has done her part and she did it well. Malalaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila.
Binalibag Ni Choleng ng 7:29 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, May 06, 2005
Pang-CSI itoh!
6 months ago, nakadampot ako ng Pinocchio stuffed toy malapit lang sa door palabas ng terrace namin. Nothing special about the stuffed toy, typical McDonald’s giveaway but one thing peculiar about it ay may nakasulat na GI sa right hand and GI sa left hand tapos sa hat, may nakasulat na “I love you.” Kind of weird dahil Gigi ang nickname ko but who on earth would do this?
Exhibit A & B
Not wanting to inconvenience myself with something as trivial as this, di ko na lang pinansin (Malay ko kung may narahuyo sa kariktan ko! Hehehe…) so nakalimutan ko na ang lahat.
Just this afternoon as I was doing some gardening sa terrace, something caught my eyes na nasa plant box. Isang doll na blonde ang hair pero wala ng paa at kamay. Di ko na lang sana papansinin pa but something in me made me go back and stare at the doll kse tingin ko merong nakasulat sa dibdib at tama ang aking sapantaha. May nakasulat nga: GIGIKO.
Ano na naman to?
Di ko alam. Kung matatanong ko lang ang mga isda sa aquarium, baka alam nila kung sino ang gumagawa ng kababalaghang ito.
Binalibag Ni Choleng ng 7:19 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin