<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, September 23, 2005

Oo nga naman
Choleng: "Sir, you might want to upgrade your receiver to a Tivo*. It comes with a $100 rebate and it's a hot item in the market today..."

Kano: "Honey, I'm the last one to get the microwave."

Supalpal!

* TIVO - Isang gadget na sana makarating na sa Pinas dahil sa tulong ng digital video recorder na ito, hindi ka na magkaka-UTI sa pagpipigil mag-wiwi dahil wala kang gagawin kundi i-pause ang remote, do your thing at pagbalik mo play mo lang ulit. Cool di ba?

Binalibag Ni Choleng ng 11:55 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 22, 2005

Yes, Virginia! Call Center Kami
Matapos ang halos isang taon, nagbalik ang sigla sa aming kaharian. Salamat sa bagong kliyente at nabulabog ang payapa naming daigdig.

Manhid ang utak sa information overload, ngalay ang panga at masakit ang lalamunan sa dami ng tumatawag pero sa totoo lang, enjoy ang karamihan dahil sa wakas, nagkaroon kami ng silbi sa kumpanya.

Hindi na kami ang highest paid BUM!

Sana lang bigyan kami ng matitinong kausap ... at maayos na TOOL!

Binalibag Ni Choleng ng 12:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 21, 2005

Karma Ang Tawag Dyan
Nakakulong ka. Ano pakiramdam? Panay ang tanggi mo na nagda-drugs ka, eh ano yang nakuha sa yo ng PDEA, tawas?

Masuwerte ka pa rin dahil may bail kahit papaano. Eh saan ka naman kukuha ng bente mil?

Bahala na si Batman.

Binalibag Ni Choleng ng 12:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 19, 2005

Master and Servant
Nakakagulat na sa panahong halos pwede nang magbakasyon ang tao sa buwan eh meron pa ring mga AMO na hindi makatao at ugaling sinauna. Nakasaksi kami ng ganitong klaseng mga nilalang kahapon.

Pauwi na kami ng choir mula sa isang misa sa Batangas nang naisipan naming dumaan sa Hen Lin para manginain ng mami, siopao at siomai habang pinagmamasdan ang Taal Volcano (sosyal!). Habang hinihintay ang order, napansin kong bumubula ang bibig ni Bajo (choirmaster namin) sa galit. Akala ko dahil naiinip sa order, yun pala naiirita sa pamilya'ng nasa bandang likuran ko.

Pasimple kong nilingon at nakita ko mula sa aking peripheral view na masayang kumakain ang pamilya habang si YAYA, nakaupo sa harap nila, buhat-buhat si Baby, titingin-tingin at lalasap-lasap dahil hindi siya ini-order ng food.

HUWAAAT???

Mukhang hindi kapani-paniwala pero totoo. Nakakapanginig talaga ng kalamnan! Oo na, to each his own tayo pero hindi ko mapigilang manghimasok. Ano ba naman yung i-order ng 3 pirasong siomai at isang basong iced tea. Napakamahal ba ng P70 katumbas ng pagiging aba ng iyong kasambahay?

Hay naku! Ngani-ngani kong batuhin ng siopao ang mga walanghiya kaso naisip ko, sayang ang P40. Tinitigan ko na lang ang bunganga ng Taal at lihim na hiniling na sana higupin ng bulkan ang mga tinamaan ng magaling.

Binalibag Ni Choleng ng 11:18 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 14, 2005

Highly-strung
Ang kuwerdas kapag sobrang higpit, nalalagot. Relax lang.

Binalibag Ni Choleng ng 10:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 13, 2005

Que Barbaridad!
Kasalanan ko. Spanish speaking naman talaga ang hinahanap nya pero umepal pa rin ako at aligagang nag-pitch. Bandang huli, Spanish speaking pa rin ang hinahanap. Nasabi ko tuloy in desperation, "If you talk to them, they will also be telling you the same thing so what do THEY have that I don't have?"

Dramatic ba? Kung may madadapaan lang ako'ng kama sabay hagulgol ginawa ko pa. (Carmen Rosales, ikaw ba yan???)

Binalibag Ni Choleng ng 11:41 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 12, 2005

Walang Kokontra!
Ayon sa commendation:

Customer Judith Y****n insisted to talk to a supervisor so that she can relay how good a job Gina did while they were on the phone. According to Judith, "Gina Lopez" was the only person who was able to convince her to give out her Social Security Number over the phone. To the customer's surprise, she failed the credit check. The customer said this is the first time that this has happened to her, so she will call the credit bureau and her bank as well. As soon as she has done this, she will be calling back and will ask for Gina because " She was very good and I want her to have credit for it."

Bago nyo isiping kinulam ko ang customer, hayaan nyong ikuwento ko sa inyo ang puno't dulo ng mga pangyayari. Maghagilap ng tissue, baka kailanganin nyo.

(Enter background music... pwede yung kay Helen Vela?)

Nagsimula ang aking kalbaryo 20 minutes bago matapos ang shift ko, nang tumawag si Judith, isang Brazilian senior citizen. Syempre, dahil makyonda na eh mahina ang pandinig (sige na nga, BINGI!) pero sa kagustuhan kong mapaglingkuran siya at sa hangad na ring makabenta, matiyaga at dahan-dahan ko'ng ipaliwanag sa kanya ang promotion. (100 decibels ang volume, take note!)

Para akong sirang plaka sa paulit-ulit na pagsagot sa paulit-ulit na tanong ng matanda. Natuyuan talaga ako ng matris pero sa katitiyaga, nakuha ko ang loob ni Lola (Inireto pa nga ako sa anak nyang si Michael) at makalipas ang isang oras (oo, isa!) ay napapayag ko rin na mag-sign up pero nang ipaalam ko sa kanya na may credit check at kailangang ibigay nya sa akin social security number nya, bumula na naman ang bibig ng matanda.

Sa kakukulit at kapapaliwanag na inabot ng mga kinse minutos, bumigay din pero ayon nga sa Boyle's Law, "If anything can go wrong, it will" (Murphy's Law po). Bumagsak ang matanda at kahit ano'ng paliwanag ko, hindi n'ya matanggap na hindi siya pumasa at kailangang magdeposito ng $150.

To cut a long story short, umalis ako sa office na luhaan -- an hour after my end shift. Ang saklap! Buti na lang binigyan ako ng matanda ng commendation.

O, ano? Kokontra pa???

Binalibag Ni Choleng ng 11:49 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 11, 2005

Pekyew did it again!
Thank God nanalo si Manny. Salamat sa midyas na 100% kuton!

Binalibag Ni Choleng ng 11:47 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 08, 2005

Kuwentuhang Asshole
Matapos ang ilang buwan, nasilayan ko ulit ang crush kong kunduktor pag-uwi ko kahapon pero mega-turn off dahil sa narinig kong takbo ng usapan nila ng bus driver at isang naki-hitch na kunduktor.

Mala-pagong ang usad ng sasakyan mula Guadalupe hanggang Megamall gawa ng rally sa People Power Monument (walang kasawa-sawa!), naubos ko na rin ang cookie at Piattos na napremyo ko, saglit na rin akong naidlip at tiyempo namang nakaupo lang ako sa likod ng driver kaya wala akong choice kundi makinig sa usapan nila (habang nagtutulug-tulugan).

Hitch hiker: Saan ka ba matutulog mamaya?

Bus Driver: Eh di sa "kanya". Eto tumawag na nga eh.

Conductor Crush: Teka lang magte-text ako, birthday ngayon ng asawa ko. (At may asawa na pala siya!)

Pumunta sa bandang likuran si Crush para mag-text, sinundan siya ng tingin ni Hitchhiker at sinabi, "May babae si Ruel noh?" (Ruel pala ang pangalan...tsk...tsk... tsk... may babae daw. Sounds family!)

Bus Driver: Oo naman! Gayahin mo ang kunduktor ko, di nagpapahalata!

Hitchhiker: Sabagay, basta di mo naman pinapabayaan ang pamilya mo at nagbibigay ka ng pera sa asawa mo, okay lang.

OKAY LANG DAW, O!

Hay, marami pang sinabi ang Hitchhiker, mga style para hindi mahalata ng asawa ang pambababae n'ya pero di ko na pinakinggan. Nagdilim na ang paningin ko kasabay ng pagdidilim ng langit.

Sinalubong ako ng malakas na buhos ng ulan at matatalim na kidlat sa Megamall. TINAMAAN SANA NG KIDLAT ANG TATLO!

Binalibag Ni Choleng ng 1:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Banda ka d'yan!
Sabi ni Dennis magtayo raw ako ng banda. Pangalan? ... Band-Jayna.

Okay ka rin, ah!

Binalibag Ni Choleng ng 12:24 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 07, 2005

Ginapang Ako!
Napansin ko na siya'ng aali-aligid bago ako matulog pero di ko pinansin. Antok na antok na ako, bibigyan ko pa ba siya ng atensiyon?

Mga alas-dos ng madaling-araw, ginising ako ng marahang dampi ng kanyang kamay sa aking paa, gumapang sa binti, humangga sa balakang at umakyat sa braso papunta sa ...

Napabalikwas ako at binigyan ng mag-asawang sampal ang damuho. Sargo ang laway. ANG BAHO!!! Nalaglag sa sahig, hinagilap ko ang sinelas at pinalo siya nang pinalo.

'Langyang IPIS 'toh!!!

Binalibag Ni Choleng ng 12:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 06, 2005

Prio 1
Ang sakit na ng ngala-ngala ko! Mapupunit na ang uvula ko!

Binalibag Ni Choleng ng 12:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 05, 2005

Sowsyal
Sa Pilipinas kapag nasalanta ng bagyo, eskuwelahan ang takbo; sa U.S., nagbu-book sa hotel.

Si Hurricane Katrina napunta lang ng Asia naging Talim ang pangalan.

Ang sooop...

Binalibag Ni Choleng ng 12:17 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 03, 2005

KOC ... Parang SMB
Ang tunay na magkakaibigan, paghiwalayin man ng panahon nandun pa rin ang init ng samahan sa muling pagkikita. Parang commercial ah? Pero ganyan ang KOC (Key of C, hindi Knights of Columbus). Bihira mang magkita pero kapag muling nagsama, parang family reunion.

Ang KOC ay ang una kong choir na nabuo noong 1996 (original name Pocketbell Chairman's Choir), company choir nung una pero bandang huli, naging alyansa ng magkakaibigan na iisa ang hilig... NOTA...este, musika!

Nalipat man kami sa iba't-ibang kumpanya, itinuloy pa rin namin ang pagkanta-kanta sa Edsa Shrine at sa kung saan-saang okasyon. Napilitan nga lang naming isuko ang "Last Friday Mass" slot sa Edsa Shrine dahil sa conflict ng aming mga schedule.

Karamihan kasi sa amin, kawani ng call center (PS, Sykes, Convergys, InfonXX, QInteraction...yes, Contact Center Association ang drama namin), yung iba nasa hospital (QCMC), may lawyer (Atty. Guerrero aka Papa Bo po), may napadpad sa Washington DC (ehem... Minette!) at may scholar pa sa Italy (Jourdann, musta na?). Yung iba'ng KOC, dahil hilig talaga, tuloy pa rin ang pagku-choir. Ako may Metanoia, si Paeng may Emanon at Infonxx choir din (ehem... may PSC Chorale dito!) tapos matatag pa rin ang choir nina Papa Bo, Maru and Mike.

Natapos man ang chapter ng KOC sa Shrine, subali't hindi ang aming pagkakaibigan. Mahirap yatang buwagin ang 9 YEARS! Kaya naman tuwing may importanteng okasyon tulad ng kasal, binyag, birthday, pasko, summer o masama ang loob dahil sa pag-ibig, hindi puwedeng hindi magsasama-sama.

Last Saturday, pagkatapos ng matagal na panahon, nagkita-kita na naman kami this time para ipagdiwang ang pagkaka-promote nina Bonj (sup na siya!) Ed (mala-SME na), Mannix (ang haba ng title di ko masabi... basta merong Traffic at saka Manager yun na yun), Jomarie (Work Force Coordinator) and Ligaya (Cluster Leader) at despedida na rin kay Manika na tutulak patungong UK (Bon Voyage!). Ang okasyon ay lalong naging makulay dahil sa live performances namin (yehey!), sa saliw ng accompaniment ni Maestro Mike (na lalong bumata sa paningin namin) at Papa Bo. Champion din ang choral jamming at in fairness, maganda pa rin ang tunog kahit walang practice huh.

Hay, sana araw-araw ganito ... Masaya, maraming food and drinks, sama-sama... may kasama.

Looking forward na lang sa susunod na KOC piano bar.

Next month?

Yung mga hindi nakasama, go to this link... http://pg.photos.yahoo.com/ph/emailedhere/album?.dir=3cb4&.src=ph&store=&prodid=&.done=http%3a//pg.photos.yahoo.com/ph/emailedhere/my_photos

MAMATAY NA LANG SA INGGIT!

Photos Courtesy of Edwin Carlos

Binalibag Ni Choleng ng 11:37 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com