<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Wednesday, September 27, 2006

Ang Bruha sa Window 2
09.27.06

Sabi sa card, "proceed to Lower Bicutan Post Office" para i-claim ang hindi naman sinabi kung ano. Naisip ko, baka yung letseng authenticated marriage contract na ni-request ko sa e-Census na hindi ko na alam kung saang lupalop napunta.

Pagdating ko sa Taguig Central Post Office, laking tuwa ko na ang ike-claim pala ay kaperahan -- tseke mula sa New York ... pinagbentahan ng share of stock ko sa kumpanya.

Pero hindi tungkol sa tseke ang kuwento ko kundi sa kawani ng Philpost na nag-asikaso ... este, dumedma sa akin. Sayang at hindi ko nakuha ang pangalan nya pero siya yung bruha sa Window 2 ng post office - foreign registered mails. Akalain nyong ilang minuto na ako sa harap n'ya pero sige pa rin siya sa pag-aayos ng mga sobre at hinarap lang ako nang matapos n'ya ang pagsasalansan.

Pinaghintay na nga ako, supladita mode pa ang loka. Inabot sa akin ang claim card sabay sabi, "Pirma..." Pinirmahan ko naman tapos binalik ko sa kanya. May kinuha ang bruha tapos muli akong hinarap. "ID," ang walang kagana-gana n'yang sabi sabay tuktok pa ng ballpen sa counter.

Binigay ko naman tapos inabot naman sa akin ang gula-gulanit na log book at pautos na sinabi, "Pirma..." Pinirmahan ko naman at ibinalik sa kanya ang log book. Inabot sa akin ng loka ang sobre na nang makilala kong mula sa Smith Barney, naaliw ako at nakalimutang hawak ko pa pala ang ballpen nya.

"Ballpen ..." singhal n'ya sa akin sabay tuktok na naman sa counter ng isa pa nyang ballpen.

Sinoli ko naman sabay sabi ng pa-sweet na "sorry." Sa isip-isip ko, hindi ko pag-iinteresan ang Panda pen mo. Sungit!

Hmp! Kung gaano ka-"bulok" ang gusali ng post office, sing-bulok ng serbisyo ng bruha'ng to.

Hoy, wala kang tseke from New York, kaya 'wag kang magmaganda!

Binalibag Ni Choleng ng 9:35 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Slippery when wet
09.26.06

Photobucket - Video and Image HostingAkalain nyong nadulas ako sa pantry pero himala nang himala, hindi ko nabitawan ang dala-dala kong mug, hindi natapon sa akin ang lamang kape at hindi rin ako nasaktan. (Sige na nga, konti lang pero nawala din ang sakit ng balikat ko the next day! Take note, balikat ang sumakit at hindi wetpaks!)

Nawalan nga lang ako ng poise at katawa-tawa ang hitsura kong nakaplakda sa sahig habang hawak pa rin ang mug. Hay, buti na lang ulit, 3 lang ang witness -- yung utility, si Brian saka yung ehem niya. (Naku, Brian. Lalo akong nagmukhang tatanga-tanga sa paningin mo!)

Hmp! Kasalanan ng glass slippers ko 'to. Sukat na doon tumapak sa may basa, hayan nagtihaya tuloy ako.

Naisip ko lang ... kaya siguro slipper ang pangalan ng slipper ... k'se it will make you slip ...

Naisip n'yo ba yun?

Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Pag nga naman minamalas ka ...

09.25.06


Photobucket - Video and Image Hosting
Tindi na nga ng traffic, tindi pa ng aroma ng katabi ko.

Ang asim!

Mama, image model ba kayo ng Datu Puti?



YEECH!

Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ngawaan sa Binan

09.23.06

Tagal na ring pinaplano-plano ang sing along session at sa wakas nagkaroon na rin ng katuparan.
Sa Villa Lucero dapat gagawin ang okasyon pero nagkaroon ng family affair si Anna kaya nalipat ang venue sa Hacienda Antonio. A few weeks back, galing na kami rito para makikain bago mag-EK, heto at bumalik na naman kami na may hatak pang mas maraming kasamahan kaya mas maingay, mas makulit at mas masaya.

Sa halagang P500, matinding kaligayahan ang hatid ng nirentahang videoke machine. Salamat at sinagutan na ni Doc ang bayad dahil panay ang dasal ni Kaye na sana 500 na katao ang sumama para tig-piso ang contribution. He he he.

Anyway, tama na ang daldal. Masdan nyo na lang ang mga larawan.

Photobucket - Video and Image Hosting
Belated Happy Birthday, Doc!

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting
Back to Back to Back to Back

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
(L) May sayawan din, huh! (R) Best Dancers Kathy, Kaye and Clio ... split nga dyan!

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
(L) Mga Barako ... barako??? (R) Ems, ano yan?

Photobucket - Video and Image Hosting
New Love Team?

Photobucket - Video and Image Hosting
Ahh, Julius ... ano'ng feeling ng napapalibutan ng mga naggagandahang dilag?

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting
Class Picture

O di ba ang saya-saya?

We'd like to thank our sponsors ...

RIA, wala akong masabi sa hospitality nyong mag-asawa ... thank you for hosting this event ... pasensya na at nabalahura namin ang cozy balaysung nyo ... salamat sa venue, sa food and for the fantastic "butt" dance.

DOC, walang kakupas-kupas ang cooking prowess mo. Salamat din sa pag-ako ng renta sa videoke machine. Nakatipid ako ng piso.

KAYE, panalo ang cheese sticks mo pero mas panalo ang paggiling mo. Parang karneng baka na nilaga ng isang linggo.

EMS, hindi nagmamaliw ang sarap ng lumpia mo. Ramdam ko may natatago kang galing sa pag-awit, ba't di mo nilabas?

NAP, salamat sa pagbabahagi ng mala-anghel mong face sa lahat ng mga larawan ... kahit na hindi ka mahilig sa pictures.

Sa mga hindi ko nabanggit, salamat sa kung anumang contribution ninyo para maging matagumpay ang ating karaoke session. Saan naman kaya tayo sa susunod? Sa Lizertiguez Estates kaya?

Hmmm ...

Binalibag Ni Choleng ng 9:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Aanga-anga!

09.21.06

Team Building ng Mavericks sa Dampa kaso dinaanan ko pa ang "goggles" ko sa Ideal Vision kaya from Megamall, nag-MRT na lang ako.

Balak ko sanang bumaba ng Taft Station tapos mag-transfer na lang sa taxi papuntang Macapagal para mapabilis kaso dahil first time ko sa nasabing station, nawindang ako kung saan lalabas. Ilang paikot-ikot, nakita ko ang labasan ... or so I thought.

Akala ko South bound yung binabaan ko yun pala North bound! Kaya pala tanong ng driver, "sa'n tayo iikot?" Hmp! Imbes na mapabilis, lalong nagtagal dahil naghagilap pa ng U-Turn slot ang driver.

Hay! Tingnan nyo na lang ang mga pictures ng team building kaysa pagtawanan nyo ko!

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Binalibag Ni Choleng ng 9:30 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Zzzzzz ... zzzzzzzzzzz ...

09.15.06

Ilang taon na rin ako sa call center pero hindi ko naging ugali ang matulog. AM shift na nga ako at normal ang buhay ba't pa naman ako matutulog. Pero kagabi, for the first time nakatulog ako sa floor.

Ikaw ba naman ang bulabugin ang bio rhythm at mula sa original na shift na 6am eh gawing 1am ang pasok for 2 days tapos balik ulit sa 6am dahil lang sa training ng walang katorya-toryang home alarm system! Ang nakakabuwisit, ginawa pang tig-isang oras per day. Ba't di na lang kaya pinagsama sa isang araw!

Pag di ka naman nabuwang!

Hindi ko talaga kayang magising buong magdamag kaya "umistayl" ako ng pagtulog para hindi garapal. Pa'no? Ipinatong ko ang training materials sa keyboard sabay patong ng siko sa arm rest ng chair giving the illusion na nag-aaral ako.

O di ba, suwabe? Try nyo rin pero 'wag namang laliman ang tulog at baka matiyempuhan ni Big Brother.

Binalibag Ni Choleng ng 9:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Thought for the Day

09.11.06

Age is just a number, sex is what matters.

- Kgg. na Konsehal Muhammad Gerald Albudin

Binalibag Ni Choleng ng 9:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 13, 2006

Pag hindi ka nga naman ... kuuuu!!!
Kahit matagal na kaming hiwalay, mahirap pa rin talagang kumawala sa anino ng nasira kong asawa at napagtanto ko rin na kapag ang damuho na ang napapasok sa usapan, umaakyat ang dugo ko sa ulo, nagdidilim ang paningin ko, bumubula ang bibig ko at kumukulo ang dugo ko!

Una ko'ng napatunayan nang mag-request ako ng authenticated birth certificate at marriage contract sa e-Census dahil requirement sa pagpapagawa ng passport.

Natanggap ko naman ang birth certificate pero akalain nyo ba namang ang marriage contract eh nakapangalan sa damuho at hindi ibinigay ng Air 21 sa parents ko kahit may authorization letter pa dahil kailangang yung nakapangalan sa sobre ang mag-receive. Ano namang malay ng askal na yun sa transaksiyones ko?

Nang malaman ko pagkauwi mula trabaho, hindi ko pa naibaba ang gamit ko tinawagan ko na ang e-Census pati ang Air 21. Talagang nanginginig ang boses ko nang tanungin ko sila kung panong nangyaring ang isa sa dalawang dokumento na iisang tao lang ang nag-request eh sa anak ng pitumpu't pitong puting tupa nakapangalan???

Nangako naman sila na aayusin ang gusot at bumalik naman ang Air 21 kinabukasan pero ang Daddy ko, dahil may poot din sa pangalang nasa sobre, sinabihan ba naman ang courier, "D'yan mo i-deliver sa nakapangalan.."

Nangkupo!

Awa ng Diyos, wala pa rin ang marriage contract hanggang ngayon. Pending ang passport application ko.

'Pag hindi ka nga naman nakapagtungayaw!

Talaga yatang sinusubok ako, kanina lang tanong ng interviewer sa akin sa isang position na ina-apply-an ko:

"How does your husband feel about you having a Wednesday-Thursday off?"

Split-second, umakyat ang dugo sa ulo ko pero na-compose ko pa rin ang sarili ko. Nasagot ko pa rin siya ng maikling, "We're separated."

Naku, kailangan na talagang maputol ang anumang koneksiyon ko sa kanya sa lalong madaling panahon kundi magkaka-alta presyon ako!

Pigilan nyo ko!

Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


EK ... eeeeeeeeeek!!!

09.10.06

Matapos ang nakakalokang planning stage, natuloy na rin sa wakas ang pambubulabog namin sa Enchanted Kingdom.

Saktong 3:01, sumibat kami ng JG nina Jett, Clio, Kathy, Kaye at Oko papuntang Binan para dumaan muna kita Ria at makikain bago mag-EK (PG!). Mga 5:00 PM, nasa South City Homes na kami. Dun na lang sumunod sina Doc, Anna and Jolex. Sandaling kodakan at chika-chikahan at "attack" mode na kami. Panalo ang sinigang na baboy at pritong bangus ni Ria at "orgasmic" ang danggit na bitbit ni Anna.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Ria's Living Room (left) and Garden (right)

Nagmamaganda pa ang araw nang umalis kami ng Makati pero makakain, nagsimula nang magdilim at saktong papaalis na kami kina Ria, nagsimula nang pumatak ang ulan. Mabuti na lang at naihanap kami ni Ria ng maghahatid sa amin sa EK dahil kung hindi, sobrang hassle! (Isa ka talagang anghel, Ria!) Hindi na sumama ang mag-asawa ni Anna at may lakad pa sila.

Photobucket - Video and Image Hosting Photobucket - Video and Image Hosting

Transpo ... Bente-bente lang!

Papuntang Sta. Rosa, bumuhos ang malakas na ulan pero himalang humina nang makarating kami sa EK. Mamasa-masa ang theme park pero hindi yun nakabawas sa pagka-hyper naming lahat, especially Clio and Kathy na first time nakapunta sa EK.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

(Left) EK by night ... kami yang silhouette na yan! (Right) First timers

Umaambon-ambon habang naglilibot kami pero naimbento na naman ang payong kaya walang problema. (Oweno kung gumala ng naka-payong!) Maganda palang magpunta sa EK nang ganitong panahon. Kokonti ang tao kaya hindi mo na kailangang pumila. Sakay lang nang sakay!

Photobucket - Video and Image Hosting

Una naming pinatikim sa "first timers" ang Jungle Log Jam tapos Space Shuttle. Naku, muntik ko nang mailabas ang lahat ng kinain ko! Ewan ko ba, ilang beses na akong nakakasakay dito pero ngayon lang ako nahilo. Siguro dahil sobrang busog lang o ... tumatanda na... hehehe... Si Doc ba naman gusto pang mag-take two. Ayawwww!!!

Matapos ng dalawang pamatay na rides, Doc suggested na mag-Rialto para mag-relax pero taliwas sa inaasahan, nahilo lang kami! Kahit in synch yung movement ng chairs sa movie, hindi effective ang illusion k'se cartoons! Hmp! Soli bayad!

Photobucket - Video and Image Hosting

Inside Rialto ... hanggang sa loob ba naman kodakan pa rin?

Photobucket - Video and Image HostingMula Rialto, ang nakakagising ng dugong Rio Grande Rapids ang sinubukan namin! Naku, basa kung basa ka pala sa ride na ito kaya kung plano nyong sumakay dito, magbaon ng kapote o dili kaya magbaon ng extra'ng damit. Kumpleto ha, pati na rin underwear!

Bilog ang balsa at hindi mo talaga alam kung alin ang puwestong hindi ka mababasa. Sinuwerte naman akong mapaupo sa side na nabasa na lang nung bandang huli na ng ride. Si Doc at Oko "nag-shower" pero pinakakawawa si Jett dahil siya talaga ang napuruhan ng tubig. Wet look!

Photobucket - Video and Image Hosting

After Rio Grande ... mga Basang Sisiw

Para magpatuyo, nag-Flying Fiesta kami nina Doc, Kathy at Oko. Ayaw ng iba at nakakahilo raw. Hmp! Kaya pala ayaw sumama ni Clio k'se makikipagtagpo sa "ex" nya.

Sino? Eto ...

Photobucket - Video and Image Hosting

Long lost dyowa ni Clio. Hanep ... basang-basa!

Walang talaga kaming oras na sinayang kaya segundo lang ang pagitan from one ride to another. Kailangang sulitin ang limandaang piso, noh! 'Pag may uupo-upo, tinatahulan ko talaga! (Tandaan: Pag tumanda na kayo, hindi nyo na magagawa ang mga 'to ... ako "matanda" na pero nagagawa ko pa rin ... hehehe ...)

Sunod naming sinakyan ang Wheel of Fate. Takot na takot sina Kaye at Clio pero si Doc, enjoy na enjoy at inikot-ikot pa ang lantern (ulangya!). Kung si Clio dinaan sa pananahimik at pagyapos sa poste ang takot, si Kaye tinalakan nang tinalakan si "kuya," the operator.

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Wheel of Faint ... mamatay-matay kami sa nerbiyos pero si Doc "... look, Ma, no hands." (Right) Sa takot ni Kaye, nag-text na lang. Takot pa siya nyan huh!

Laging mahaba ang pila sa Dodgem pero this time, dahil kokonti ang tao, naka-2 rounds kami. Ganun din sa Roller Skater. Unang sakay nga namin, 1 person per wagon. Nagtititili si Doc na parang pinuputulan ng ano ... Dami tuloy sumakay pagkatapos namin. Nainggit!

Photobucket - Video and Image Hosting

Mga pa-cute sa Roller Skater

Photobucket - Video and Image Hosting

Nag-take 2 din kami sa Anchor's Away. Ang saya-saya dahil 6 lang kaming sakay -- ako, si Kaye and Kathy sa kabilang side; Clio, Doc and Oko naman sa kabila (girls and ... girls?) Muli, kuwelang-kuwela si Doc dahil sa tuwing tataas yung side nila, inaangat ba naman ang shirt. Nung second round, naghubad na talaga!

Nag-enjoy din ang lahat sa Bump N' Splash puwera ako dahil ilang beses namatay ang makina ng boat ko. Napagod nga ang "crew" sa kare-"rescue" sa akin. Hay, naubos ang oras na wala akong nagawa kundi panoorin sila sa pagbababanggaan. Soli bayad!

Photobucket - Video and Image Hosting

Sasakay na dapat kami sa Swan Lake pero sabi ng crew, manood muna kami ng fireworks na magsisimula na kaya gora kami. Maganda at spectacular pa rin kahit umaambon kaso tinalo nang babaeng ngumagawa sa videoke machine ang "Everyday, everyday the magic is here ..." theme song ng EK. Saktong natapos ang fireworks display, tapos din ang hitad at akalain nyong 100 ang score nya! Kapal ng mukha. Daming oras na kakanta bakit sinabay pa sa fireworks!

Pagkatapos ng fireworks, balik kami sa Swan Lake pero mga 10 minutes pa lang yata kaming nagpe-pedal ni Kathy, bumalik na kami sa daungan. Nakakapagod at wala kaming balak na magkorteng bulilyo ang legs namin, noh! Pang-asar ang crew, sabi pa "please ride again." Nakatikim tuloy siya ng talak na "hindi na!" mula kay Kaye.

Bilang pang-finale, sinakyan namin ang pinakanakakatakot na ride ng EK - ang Grand Carousel. Grabe, ang kukulit ng mga bata ... este, isip bata.

Photobucket - Video and Image Hosting

Mga isip-bata sa Grand Carousel

Kung susumahin, sa loob ng halos apat na oras lang, nasakyan namin ang lahat ng rides puwera Condor at Up, Up and Away. Sulit na rin.

Pauwi na lang, may huling hirit pa ng pakuwela pa si Doc. Eto yun:

Photobucket - Video and Image Hosting

Kathy, pagbigyan mo na si Doc!

Kung inaakala n'yong tapos na ang adventure namin pag-alis ng EK, nagkakamali kayo. May continuation pa.

Wala ng bus paglabas namin ng Enchanted Kingdom kaya sumakay na lang kami sa mga nakapilang tricyle at nagpahatid sa terminal ng jeep biyaheng pa-Alabang. Mula Alabang, lipat naman kami ng bus na dahil ordinary lang at paspas magmaneho ang driver, muntik nang nabunot ang buhok ko at muntik na ring natungkab ang contact lens ko sa lakas ng hangin. Sobra ring lakas ng volume ng stereo na sobra namang ikina-enjoy nila Doc and Oko. Aba, nag-sing along pa -- feel na feel at full volume ang "Just Once!" Pasalamat na lang at hindi pinatay ng driver ang radio at hinayaang sila na lang ang pinakanta. Dyahe!

Pasado alas-dose na ako nakarating ng bahay, gumising ng 3:30 AM dahil may duty at heto, tutuka-tuka ako sa trabaho pero okay lang. Nag-enjoy naman eh. Magdusa ako!

Binalibag Ni Choleng ng 5:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Ang Puso Ko, Heart!

Natawa ako kay Heart minsang mapanood ko sa 15 minute PI updates:

Heart: "Do you think you are the NEXT Philippine Idol?

Contestant: "I'll be the FIRST Philippine Idol ... "

Oo nga naman "first" k'se wala pa namang nauna eh. Buti pa ang contestant, nasa katinuan.

Ikaw talaga, Heart!

Binalibag Ni Choleng ng 5:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 07, 2006

Fan fanatic
09.03.06

Dalawang araw pa lang akong nakakapasok mula sa rest day eh pinag-rest day ulit dahil back to maggugulay shift.

Waaaah!!!

Kare-rest day ko lang, ano'ng gagawin ko? Rest day din ng kapatid ko, siya na ang magluluto ... ano'ng papel ko?

Ting! Maglinis ng electric fan. (Wooosh!)


Sabi ko 2 lang lang ang lilinisin ko - yung nagmamantikang ceiling fan at desk fan sa kitchen pero napasubo ako. By lunch time, 7 ang nalinis ko!!! Susme, kulang na lang linisin ko pati yung sa kapit-bahay!

Teka, pasok kaya ako sa Guinness? Pinakamaraming electric fan na nalinis ng isang taong dapat sana ay nakahilata.

Hay, hirap din ng Choleng eh!

Binalibag Ni Choleng ng 4:52 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


So long, Mate!

Animal Planet fanatic ako kaya laking gulat nang malaman kong namayapa na pala si Crocodile Hunter Steve Irwin.

Akalain nyong sa dinami-dami ng hayop na nakasalamuha, kinulit at "binulabog" nya, sting ray lang pala ang magbibigay tuldok sa buhay nya.

Nakakagulat dahil maamo naman ang sting ray. Hindi naman nito ugaling umatake bagkus mahilig pa ngang sumibat kapag threatened. Sa String Ray City nga sa Caribbean, sa sobrang pagkasanay ng mga sting ray sa tao, nakikihalubilo at nagpapasubo pa ng food!

Which should serve as a reminder na ang hayop ay hayop. May temper at mood swings din kaya hindi dapat binibigla. I'm sure alam din yun ni Steve. Talaga sigurong oras na nya.

Naku, Doc Croc Brady Barr at Weather-weather Kuya Kim, mag-ingat-ingat na kayo. Hindi porke herpetologist o sanay man sa hayop eh invincible na.

Mate Steve, mami-miss ng buong mundo ang kakulitan mo.

Binalibag Ni Choleng ng 4:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com