BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, April 30, 2008
Ho-hummm
Bowling o swimming dapat ang birthday celebration ng kapatid ko pero dahil matagal nang iniuungot ng mga bata at karamihan sa amin ay hindi pa nakakapunta sa Star City, doon kami napadpad.
Puwede na rin. Reasonable ang P300 na entrance para sa ride-all-you can. Hindi nga lang namin nasakyan ang lahat ng rides dahil sa dami ng tao. Suweldo kse at holiday pa the next day bukod pa sa naubos ang oras namin sa kahahanap sa kasama naming dalawang senior citizens na laging nawawala at mas gusto pang laging nakaupo kaysa sumunod nang sumunod sa amin (syempre, senior eh!). Nasulit rin namin ang entrance sa dami ng attractions na pinasok at rides na sinakyan namin.
First stop, ang super exciting na Grand Carousel. Enjoy na enjoy ang mga bata at isip-bata.
Birthday girl with the kids and feeling kids
Halos mabutas ang bumbunan naming matatanda dahil puro kiddie rides pa rin ang isinunod naming sakyan -- ang nakakaantok na Red Baron at Kiddie Wheel. In fairness, enjoy ang Wacky Dragon at Wacky Worm (puro Wacky) pati na rin ang Telecombat.
Pinasok din namin ang walang kakuwenta-kuwentang Little Mermaid Boat Ride (na puro agiw ang kisame). Ang mahadera kong pamangkin, kahit ilang beses naming sinabihan na Ariel ang pangalan ng mermaid, Dyesebel pa rin ang tawag. Jologs talaga!
Nakipagpatayan pa kami sa pila ng Snow White only to find out na dalawang ikot lang ito na train ride na ang tanging makikita ay ang wooden tableau ng fairy tale.
Wala ring kalatoy-latoy ang Peter Pan. Forgettable. Madilim kaya natakot ang mga bata pero nang makita ang sirena, hala kahit takot nagpakuha ng picture ang pamangkin ko!
Jenny with "Dyesebel"
Pagkatapos ng pambata, rides naman namin. Nagising ng natutulog kong diwa sa Super Viking at nakalog naman ang utak sa Blizzard (lekat, nawala pa ang isang hoop earring ko!)
Inatake kami ng daga kya hindi namin nasakyan ang Fying Carpet, Surf Dance at ang bagong Star Flyer. Sasakyan namin dapat ang Wild River kaso sarado. Sayang!
Hindi man namin nasakyan, nagpa-kodak na lang kami. Jologs!
Star ride, Star Flyer
Final picture, wala ng tatalo pa sa larawang kasama ng mga buto.
Hindi naman nagpahuli sina Mudra at Pudra.
Pansin nyo bored to death ako pero teka nga, nagpunta kami dito para sa mga bata, di ba? Ang makita ang nagniningning nilang mga mata at makulili ang tenga sa walang humpay nilang kakukuwento, yun ang tunay na attraction!
Oo na, matanda na ako!
Borlog pauwi
Binalibag Ni Choleng ng 9:40 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, April 29, 2008
One Theme, One Kapamilya
Very "summery" at "ABS-CBNish" ang floor kaya after corporate, summer look naman ang trip namin. Bagama't questionable ang summer attire ng iba, point is, nag-effort pa rin.
Masdan ang mga larawan ...
Small circle ... small circle ... big circle ...
Best Dressed for the second time ... japorms talaga si ATL!
David and Goliath
Summer Lovers?
Disclaimer: Ooops ... bago may magselos, for pictorial only lang 'to. Thanks Don and Jen for being good sports.
All together now ...
Summer attire daw yan. Basta, summer attire. Basta!
Binalibag Ni Choleng ng 9:24 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, April 26, 2008
Are You Smarter than a 3-year-old?
Nagtatatalon ang 3-yr-old kong pamangkin sa sofa na malapit sa hagdan. Pinigilan ko at baka mahulog.
"Gusto mong mamatay?" sabi ko.
"Hindi," sagot ng bata. Sandaling tumahimik, tinanong ako, "Saan napupunta ang namamatay?"
"Sa heaven," walang kagatol-gatol kong sagot.
"Hindi, sa panteon."
Oo nga naman.
* Panteon ang isa pang tawag namin sa libingan. Puwede ring kabaong, Cubao for short
Binalibag Ni Choleng ng 12:07 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, April 24, 2008
You Brooke My Heart
Ibang klase talaga ang trend ng kasalukuyang American Idol. Kung sino pa yung laging kasama sa bottom at hindi kagalingan, siya pang hindi natsutsugi. After Michael Johns na hindi muna dapat nawala agad, isinunod naman ang inaakala kong mananalo na si Carly.
Okay lang magtagal muna si Jason Castro dahil cute at "cha-ming" wika nga ni Simon pero si Brooke na kada-linggo na nga eh mediocre ang performance at may gana pang sumagot kay Simon (the nerve!) eh nandyan pa rin.
Bilib din ako sa tapang ng sikmura ng babaeng ito. Dalawang beses na nyang ginawa yung kakanta tapos ilang linya lang, titigil at sisimulan ulit.
Ano yan, rehearsal???
Nagka-album na siya kaya dapat may confidence na siya at dapat alam nya na ang isang matinik na singer hindi nagpapahalata kapag nagkamali bagkus gumagawa ng paraan -- hindi tumitigil at inuulit ang accompaniment. Buti nung unang beses, siya ang nag-aakumpanya sa sarili nya kaya di gaanong issue pero sa ikalawang pagkakataon na pinatigil pa niya ang banda pati na ang mini-orchestra, whoaaah, astig!
At di siya kasama sa bottom 2 ha! Asteeeeg!!!
Ang mga Kano ba eh may isang truck na tutuli sa tenga???
Ah ... epektibo siguro yung paawa effect nya at paglabi-labi nya na parang 3 year old na inagawan ng lollipop.
Tigilan at nakakairita na!
P.S. Now I know kung sino ang gusto ko sa American Idol. Yes, David Cook. Luto na!
Binalibag Ni Choleng ng 7:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, April 22, 2008
Corporate daw o!
Nakakasawa na ang araw-araw na casual wear, nakatuwaan naming mag-corporate attire.
Heto ang kinalabasan:
Hanep, mga kagalang-galang! May doctor, guidance counselor, consultant, bar girl, clerk sa Supreme Court, messenger ...
Sabi ko kagalang-galang eh ...
Best Dressed. Napagkamalan pang consultant ...
Naaaks ... feel na feel ...
Ang lagay patataob ako sa Consultant?
Sabi office attire, di sinabing pang-party.
Hanggang sa susunod na "theme" day. Yes, simula pa lang to!
Binalibag Ni Choleng ng 7:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, April 21, 2008
Mr. Kenkoy
Lagi mong tinatakpan ang iyong katauhan
Ikaw ay sinungaling, masyado kang magaling
Masyadong kang madaldal, mukha mo'y ang kapal
Gusto mong magpasikat, ikaw pala'y nagkakalat
Bakit ka ganyan, ayaw manalamin
Lagi kang tumatakbo, ayaw mong harapin
Lagi mong tinatago ang iyong pagkatao
Alam mo bang ikaw ay switik, at ikaw ay plastik
Hoy hoy hoy Mr. Kenkoy, bakit ka nangangamoy
Hoy hoy hoy Mr. Kenkoy, ikaw ay nangangamoy
Kenkoy
Kung ikaw ay kaharap, mabango ang iyong dila
Ngunit pagtalikod mo naglalaho ang 'yong bango
Ikaw ay kitang-kita, mukha mo'y doble-kara
Dapat mong malaman na ikaw ay kenkoy
Binalibag Ni Choleng ng 6:59 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, April 20, 2008
Ang Bakod ni Bayani
Bihira akong magdaan sa Pateros kaya naman namangha ako nang makita kong maayos at maaliwalas ang tulay na nag-uugpong sa Pateros at Makati.
Kung dati ay mistula itong talipapa (hindi pala mistula, talipapa na talaga!) mukha na itong tulay at ang bangketang dati ay sakop na ng paninda ay nabakuran ng pamosong "pink fence."
Don't get me wrong. Hindi naman sa wala akong simpatya sa mga tindera pero sa ganang akin, may tamang lugar para sa tamang bagay at 'di ba naman magandang tingnan ang malinis at maayos?
Pero noong isang buwan pa yun.
Kaninang nagdaan ako sa tulay, back to normal ang lahat. Magulo at makalat ulit -- mukhang talipapa! -- at muling sinakop ang mga bangketa ng mga tindahan kaya ang tao, sa kalye na rin naglalakad na may halong pamimili na rin. Mas bongga ngayon. Ang "pink fence," naging bakod ng mga "puwesto." Ginawa ring sampayan at sabitan ng paninda.
Salamat kay MMDA Chairman Bayani Fernando, naging maayos ang paninda nila.
Siguro naman wala ng iaangal ang mga tindera nyan.
Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, April 19, 2008
Late Registration
Ilang buwan na naming planong magpunta sa Binangonan para asikasuhin ang birth certificate ni Mudra pero dahil sa abala'ng pare-pareho, laging naiisantabi. Natuloy din kami kanina sa awa ng Diyos. Kung hindi pa nanghinayang na 2 taon nang dapat ay pensiyonado na siya ng SSS.
Sa totoo lang, hindi naman requirement ang birth certificate sa pag-aayos ng SSS Pension pero kumuha na rin kami kung sakaling magkabulilyasuhan. Ganito kse yun. Ang magaling kong ina, dahil nahahabaan sa pangalang Guillerma, nagmahadera at Emma ang ginamit sa lahat ng legal documents nya -- SSS, BIR, Voter's ID -- name it, talagang Emma siya. Ganda ano po?
St. Ursula Church - dito bininyagan si Mudra. Dito rin sila ikinasal
Eto pa ang masaklap. Sa isla ng Pinagdilawan siya ipinanganak noong 1960 pero dahil maagang namatay ang ina at isang abalang Barangay Captain ang ama, hindi siya sigurado kung registered ang birth certificate niya o kung may birth certificate nga ba; kung bininyagan ba sya o kung Guillerma nga ang tunay nyang pangalan o kung totoo ba na June 25 nga siya ipinanganak. Gulo no?
Si Mudra habang hinihintay ang Baptismal Certificate nya
Sa awa naman ng Diyos, mula sa inaamag at gula-gulanit na talaan ng St. Ursula Church ay napatunayan namin na binyagan naman pala siya at tama naman pala ang nakagisnan nyang pangalan at birthday. Dahil wala'ng record sa Local Civil Registry, late registration na lang ang nangyari kung saan lahat ng detalye ay ibinase sa Baptismal Certificate. Salamat sa mabait na kawani ng LCR, nakuha namin agad ang birth certificate ni Mudra.
Yes, registered na si Guillerma.
Hay, hirap ng island girl!
Binalibag Ni Choleng ng 6:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, April 18, 2008
At natungkab ang garapata ...
Finally, natsugi ka rin. Kamandag lang pala ni Mimi ang katapat mo, KLC.
Nice work, MC. Brooke, you're next.
Binalibag Ni Choleng ng 5:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, April 14, 2008
Doctor on call
Wala akong masabi ...
... multi-tasking!
TM posing as an agent na, nag-clinic pa!
Dr. Bergante at your service ...
Mabuhay ka!
Binalibag Ni Choleng ng 1:27 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, April 12, 2008
Sa lamayan
6 AM ang pasok ko at kailangan kong matulog ng maaga pero dahil sa ingay sa katapat-bahay, naisipan kong magmasid at makilamay mula sa aming terrace. Last night na kse ng burol ni Ka Gorio, big night, ika nga kaya full blast ang sugalan at may Concert at the Kalye pa.
Ganito talaga ang lamayan sa amin. Lamayan a la Tipas, wika nga. Talagang makakalimutan mong may nakaburol dahil sa ingay ng kasiyahan at kapal ng tao na tila ba nasa peryahan. Sa sobrang saya nga, kahit yung mismong namatayan, nakakalimutang namatayan sila! (joke!)
Tarembe. Bukod sa baraha at mahjong, hindi kumpleto ang lamayan kapag wala nito. Matagal ko nang naririnig ang tarembe pero hanggang ngayon, hindi ko alam ang mechanics at kung bakit sobrang in-demand sa tao. Hindi ko nga alam kung pang-patay lang talaga ang larong ito!
Mga adik sa tarembe
Naaliw ako nang sa kasagsagan ng paglalaro ng tarembe eh may lalabas na sasakyan (dead end kse yung kalye sa amin at isa lang talaga ang daan palabas) Tila putakting nabulabog ang mga tao. Itinabi ang tarembe table para makadaan ang sasakyan tapos set-up ulit. Tuloy ang ligaya. Parang walang nangyari.
Tsura ng Red Sea na nahati ang mga tarembe addicts
Serenata.Isa pang attraction sa lamayan. Walang bayad ang mga musikero. Sopas o lugaw lang talo-talo na.
Banda Uno, Tipas
Karaniwang dalawang oras ang concert na kapag tumutog na ng martsa, ibig sabihin eh tapos na. Walang en core. Madalas, numinipis ang tao kapag tapos na ang serenata. Yung iba kse, panonood lang talaga ang pakay at hindi ang lamay. (parang ako yun)
Bandang alas-diyes, nilisan ko ang post ko sa terrace. Sapat na ang pagmamasid at pagpa-paparazzi ko at saka nakakain na rin ako ng lugaw. Yes, nasa terrace ako pero may nag-abot ng lugaw. Akalain nyo yun?
Ganyan ba ang lamay sa inyo?
Binalibag Ni Choleng ng 1:26 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, April 11, 2008
Dito ... huyyyy ... dito!!!
Panalo ang opening number ng Idol Gives Back. Bongga ang mga So You Think You Can Dancers at maganda ang pagkakakanta ng American Idol survivors ng "Please Don't Stop The Music" ni Rihanna pero nagdugo ang tenga ko sa rendition nila ng "Seasons of Love."
Idol Survivors
Oo nga't walang solo part si Brook White pero stick out na stick out ang lower octave nyang boses (hindi kaya narinig yun ng sound tech) at ang Kristy Lee Cook, muntik nang malagot ang litid sa pag-hit ng high notes (flat pa rin!). The rest are okay at salamat na lamang at merong choir na napagtakpan ang kakulangan ng dalawang hitad.
Specially hate Kristy kapag pumoporma siya ng ganito. Parang ang kumplikado ng kanta eh wala namang kuwenta!
Speaking of Kristy, ano kayang meron ang babaeng ito at parang garapata na hindi matanggal-tanggal? Lagi na lang bottom 3 pero nandyan pa rin. Isa pa si Brook White? Hay, kaloka. Ano bang anomalya ang nangyayari?
Mabalik ako sa Idol Gives Back, sobrang humanga ako kay Fergie (of Black Eyed Peas fame) 2 performances lang pero naipakita nya how well rounded she is. Idol material ang boses nya nang tirahin nya ang Finally (with idol John Legend on piano) and she can also rock (kasama ang Heart ... ba't naging ref si Ann Wilson) and roll (panalo sa cartwheel!)
Heart with Fergie
Enjoy ako sa patawa nina Robin Williams as Bob, the Russian Idol at ni Brad (komedyante?) at lubha akong nagulat na kumakanta pala si Teri Hatcher (senglot version of "Before He Cheats) Especially liked Mariah's performance (lagi naman) sa makabagbag-damdaming "Fly Like A Bird" with Randy Jackson on bass!
Teka nga lang, puro performances ang binanggit ko. Siyempre na-move din ako at nakiiyak sa iba't-ibang kuwento mula sa mga sinalanta ni Katrina hanggang sa mga batang naulila sa Africa. I'm sure maraming malilikom na salapi ang Idol Gives Back.
Ambunan nyo naman kaming pumipila para makabili ng bigas!
Binalibag Ni Choleng ng 6:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, April 10, 2008
APE
6 PM ang schedule ng Annual Physical Examination pero 5:50 pa lang, nag-register na ako. Gusto ko nang makauwi agad dahil 4 PM pa ang out ko at ilang oras na akong pagala-gala sa Landmark.
Unang-una ako kaya salang agad. Dun daw muna ako kay "Doctora" na iginiya ako sa isang make-shift na berdeng tabing.
"Kailan ka huling nagpalinis?" unang tanong nya.
Taka ako. "Ha! Nagpalinis ng ano?" Physical exam to, di ba?
Nang pinanganga ako ng Doctora, saka ko naisip na Dentista pala siya. "Ay, last month lang, Doc," sagot ko. Sus, Doctor pala ng ngipin! Akala ko kung ano yung pinalinis (Oo na, akala ko keps!)
Hindi ko na hinayaang madagdagan pa ang pagka-dyahe ko kaya for the first time, tinanggihan ko ang rectal at pap smear. Pati ECG, waived din.
Naloka lang ako pag-check ng vital signs. Medyo mataas daw ang BP ko. Huwaaat? Gulat na gulat ako kse never pa akong nag-high blood.
"Ilan?" tanong ko.
"130/90 po. Baka pagod lang po kayo, balik kayo mamaya, ulitin natin."
Talagang pagod ako! Ikaw kaya ang maglakad mula Landmark hanggang JG Summit na 36 degrees ang temperature!
Sige pahinga.
Habang nagpapahinga, umihi ako at ibinigay sa kanila ang juice ko tapos bumaba ako at nagpa-X-Ray. Puwede na akong umuwi dahil panghuli na ang procedure at kinuha na ang papeles ko pero hindi talaga matanggap ng budhi ko na high blood ako, umakyat ulit ako.
"Pinapabalik ako dahil mataas daw ang BP ko. Uulitin daw."
"Nakapahinga na po ba kayo?"
"Oo nakapahinga na ako. BP nyo na ako, uwing-uwi na ako."
BP naman siya. "110/80 po."
"Yan ang totoo," nandidilat kong sabi sa totoy na nag-BP sabay paalam.
I-dispute ba pati BP.
Sorry, denial stage.
Binalibag Ni Choleng ng 5:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, April 03, 2008
Goodbye kay Malubay
Una kong narinig kumanta si Ramiele, sabi ko "ayos, malakas ang laban!" Malaki ang pag-asang magkaroon ng Pinoy American Idol dahil hamak namang mas magaling ang boses nya kay Jasmine Trias na nag-top 3 pa.
Ang kaso hanggang audition lang pala ang pamamayagpag dahil sa actual na labanan, tila asong bahag ang buntot.
Powerful naman ang boses pero tila takot bumirit at ang mga song choices, puro safe at "forgettable" sabi nga ni Simon.
Binigyan na nga ng pagkakataon, pinakawalan pa. Nakakalungkot at nakakapanghinayang dahil kita naman natin na hindi naibinigay ang siyento porsiyentong abilidad.
Kung hindi sana siya nag-astang "guest performer" imbes na "contestant" malamang umabot pa siya hanggang Kodak Theatre.
Nag-maasim na naman ako!
Binalibag Ni Choleng ng 7:49 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, April 01, 2008
Happy Meal
Wala ka pero nag-celebrate kami.
Syempre, nag-iwan ka ng pambili.
Sayang, wala ka para makita ang kaligayahan namin.
Ayan, eating on the floor ang drama. Deadma kung tumaas ang cholesterol (di ba, Tata?)
Mas masaya kung nandito ka pero nauunawaan namin na mas kailangan mo ng kumot at unan.
Nawa'y ulanin ka sana ng tagumpay at datung ... para sa D*D* mo!
Binalibag Ni Choleng ng 1:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin