<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, August 31, 2008

Elytista

PhotobucketSobrang panghihinayang na hindi ako nakapanood ng reunion concert ng Eraserheads. Gustuhin ko man, hindi kaya ng schedule ko at hindi rin kaya ng damdamin ko na magbayad para lang makipagsiksikan. Yes, sobrang fan ako pero hindi ako hangal. Besides, hindi naman talaga Eraserheads ang paborito ko kundi ang utak ng banda, si Ely Buendia.

Sayang at hindi natapos ang reunion concert gawa ng atake ni Ely pero siguro naman, solb na ang mga nanood sa 15 kanta. Sadya lang talagang sentimental ang mga Pinoy kaya kahit kabisado na nila ang kanta ng grupo, dinumog pa rin nila ang concert.

Yes, I'm a fan pero praktikal na fan. Hihintayin ko na lang ipalabas sa TV ang concert. Komportable na, libre pa. 'Yung nakita ko si Ely ng malapitan noong Christmas party namin, masaya na ko. Harinawang lumakas na si Ely at lumawig pa ang buhay dahil marami pa siyang kantang maiaambag sa industriya.

Praktikal daw ... kuripot!

Binalibag Ni Choleng ng 5:56 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 30, 2008

Keps
3 PM sa KFC Shangri-la. Intimate friends get-together, sabi ng text ni Ces.

Hah! Kung hindi sa pursigidong pagpaplano nina Ces and Wilma, malabong magkita pa ang Intimates. Dyahe, sila na nga yung pamilyado, sa Laguna nakatira yung isa at Bulacan naman yung isa, sila pa yung aligaga.

Understandable naman kse kapag single (yes, I'm single) ang daming kailangang pagtuunan ng pansin at marami ring set of friends na kailangang pagbigyan; sila naman dahil full time moms nga, excited na paminsan-minsan ay maiba naman ang routine at makakita ng nilalang outside their usual circle.

6 PM na ako nakarating, 5 PM kse ang out ko sa work. Tapos na silang kumain, naging taga-ubos na lang ako ng tira-tira nila, dagdag laman-tiyan sa tinumba kong Kung Pao, nakihalo sa walang puknat na balitaan at chikahan.

Hay, ang dami na namang nagbago. Sa tuwing magkikita kami, may nadadagdag na bilbil at wrinkles , ang lalaki na rin ng mga bata! Isa lang talaga ang hindi nagbabago. Ang alindog namin ... este, pagkakaibigan pala.

Naiisip ko tuloy -- pag uugod-ugod na kami, may get-together pa rin kaya? Bah! Kung laging magpaplano sina Ces and Wilms, bakit hindi?

Photobucket Photobucket

With Ces, Imee, Ella and Wilms

Photobucket

With the junakis

Photobucket

May asim pa rin!

Binalibag Ni Choleng ng 8:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, August 28, 2008

Taklesa!
Makalaglag-matris sa bigat ang pinamalengke ko. Pawis na pawis, walang ka-glamor-glamor at pa-ese-ese kong binaybay ang eskinita patungo sa amin. May mag-inang nasa unahan ko, tila naglalakad sa liwanag ng buwan. Naka-school uniform ang bata at malamang sinundo ng ina. Napalingon ang bata sa akin, biglang huminto.

"Tita..." natilihan nang ma-realize siguro na hindi ako ang inaakala nyang kakilala nya, kumapit sa ina. Bahagya kong pinandilatan ang bata (gawain ko yun sa mga hindi kakilalang bata), nag-overtake at bigat na bigat na ako talaga sa dala ko.

Hustong nakatalikod ako, narinig kong sinabi ng nanay sa anak:

"Akala mo si Tita Taba noh?"

Gusto kong balikan ang ina at hambalusin ng bangus na binili ko pero nakapagpigil ako.

Hmp! Sama ng likaw ng dila, sarap lagyan ng asin! Taklesa!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:49 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, August 27, 2008

Right Dispo-sition
The Church

Photobucket

Our Lady of the Abandoned Parish sa mismong puso ng Marikina. Naging tambay ang KOC ng San Roque kaya kahit nakapikit, alam naming puntahan to.

The Choir aka KOC (Key of C)

Photobucket

Photobucket

Labing-anim ang KOC pero pito lang ang nakarating. Heto ang breakdown:

(1) Pianist - Dumating pero late.

(4) Soprano - Isa lang naka-attend. Yung 2 nasa US, yung isa siya mismo ang bride.

(3) Alto - Kumpleto ang Halliwels. Nag-soprano na rin sina Piper and Phoebe, sinamahan si Lupe.

(4) Tenor - Dalawa ang naka-attend. Yung isa nasa Singapore, yung isa di pinayagang mag-leave.

(4) Bass - Walang naka-attend. Yung isa TM na kailangang magbait-baitan, yung isa Indian, yung isa di nasabihan at yung isa, mapamahiin!

Bloopers:

* Panglalake ang nakuhang piyesa ng Sa Piling Mo. Nag-boses lalake si Ligaya.
* Hindi raw kakantahin ang Ama Namin. Prente kaming nakaupo sabay sabi ni Father na kantahin (nakatingin pa sa amin). Takbo si Mike sa keyboard, kami takbo sa mike. Pahamak na church coordinator.
* Iisa lang ang nadalang piyesa ng Pagnanasa ... este, Pananatili, pareho naming di kabisado ni Mike. Nag-share kami ng piyesa. Kumanta ako ng nakatuwad.

To Sulo Hotel

Photobucket

Maulan dahil may bagyo pero saviour si Si Papa Bo. Prente at komportable kami papunta at pauwi ng reception.

The Mystery Man

Photobucket

Ewan kung sino siya pero pagpasok at paglabas namin ng Sulo, andun siya sa lobby, nagte-text. Looks familiar?

The Reception

Photobucket

Table #18. Pinakamalayo at last table pero pinili ni Mannix para hindi mahila kapag hagisan ng bouquet at garter. Yan tuloy di kami inabutan ng almond.

Photobucket

Di bale nang nasa dulo, kami naman ang una sa puso ng mag-asawa. Close!

Photobucket

Macho, you belong.

Manika and Richard, so honored to be part of this monumental event. Sa mga ka-KOC na hindi naka-attend, better luck next time. Sa susunod na KOC wedding na lang kayo um-attend.

Kanino kaya?

Binalibag Ni Choleng ng 7:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, August 26, 2008

Hu u?

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 7:50 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 25, 2008

Happy birthday, Ghelay!
Sagsag ako sa Megamall para humabol sa birthday celebration ng bunso at sobrang galante kong kapatid na si Girlie. Mag-text daw ako pagdating ko sa mall pero para naman may element of surprise at saka para naman may bitbit ako sa may birthday, nagpagawa muna ako ng cake bago nagpakita sa kanila.


Photobucket Image Hosting

Photo taken behind crew's back

Kumpleto na ang pamilya nang datnan ko sa Watsons. Ilang pasada mula Building A to B and vice versa, nagyaya nang magmeryenda si mother sa paborito nyang fast food chain. San pa kundi sa official food provider ng senior citizen -- Chowking!

Pagkakain, diretso na kami sa bowling center. Girls versus boys -- kaming apat na magkakapatid laban sa dalawa kong bayaw saka si ama.

Photobucket Image Hosting

Family Strike

Magagaling ang boys! Malalakas magsitira at panay ang strike samantalang kami, lalong-lalo na ang kapatid kong si Janet, eh laging kanal. Buti na lang in the mood ang pulso ko kaya unang tira pa lang strike na tapos isa o dalawa lang ang leftover sa sumunod ko pang mga tira tapos di rin naman nagpahuli sina Ellen at Girlie. Bandang huli, kami pa rin ang nanalo. Na-low bat k'se ang senior citizen ng mga boys. Aba, halos madapa-dapa na sa paghagis ng bola si ama bago matapos ang game.

Pagka-bowling, tuloy kami sa Mannang. Waiting pero okay lang dahil waiting din naman kami sa tatlo kong rascal na pamangkin na hindi sumali sa bowling at pinili na lang maglaro sa arcade. Hay, mga boys talaga!


Photobucket Image Hosting

Birthday girl

Highly-recommended ang Mannang. Mura na, masarap pa. Comment nga ng Dad ko, mas masarap pa sa Barrio Fiesta!

Balak pa sanang mag-Tiendesitas kaso may pasok kinabukasan tapos uuwi pa sa Teresa ang isa kong kapatid. Sa susunod na lang siguro. Baka birthday ko na ang susunod na family get-together.

Can't wait.

Binalibag Ni Choleng ng 7:46 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 23, 2008

The Case of David and Goliath
Wag maliitin ang maliliit.

Photobucket

Maliit man, nakakapuwing din.

Binalibag Ni Choleng ng 7:47 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, August 22, 2008

Bye bye ...
Panis ang "Hindi Kita Malilimutan," "Ngayon at Kailanman" o "Paglisan" sa tugtog ng karo sa libing ng hipag ng lola ko.

Imbes na maluha habang ipinapasok ang coffin sa karo, nangiti ako:

"This is for my people who just lost somebody ... your best friend, your baby, your man, or your lady ... put your hand way up high ... we will never say bye ..."

Bye, bye?!?

"Bye bye bye bye bye bye (dugdug ... dugdug ...) bye bye bye bye bye bye ..."

'Yan ang paulit-ulit na tugtog hanggang makarating kami sa sementeryo.

Cool.

Binalibag Ni Choleng ng 7:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, August 17, 2008

Outram!

Photobucket

Hindi man nagwagi si Ram sa Pinoy Idol pero para sa akin sampu ng maraming Pinoy na hindi naman siya talagang kakilala kundi sadyang bumilib talaga sa angkin nyang talento, siya pa rin ang tunay na panalo.

Ang buong akala ko, sila nina Kid and Robby ang maghaharap-harap sa finals at pakiramdam ko pa nga, may tulog siya kay Robby dahil magaling ang mokong. Ewan ko nga lang kung bakit nauna pang natanggal kaysa sa walang kakuwenta-kuwentang Warren at sa higit na walang kakuwenta-kuwentang Daryl.

Ay! popularity contest nga pala! Gawa ng text votes, natanggal ang mga may "K" at natira ang isang maruming kumanta at isang tinig na walang taginting. Musicality, lamang si Ram aka RJ pero dahil text votes nga ang basis, hindi nakalusot si Ram.

Di bale, alam ko hindi ito ang katapusan kundi simula pa lang ng pagyabong ng career ni RJ.

Job well done, 'Pre. End-shift-release sa pagiging kontesero, avail na sa career.

I'm sure, maraming call waiting kaya wag ng mag-after call.

Binalibag Ni Choleng ng 7:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 16, 2008

Na-miss ko toh!
Reunion ng mga adik sa Dampa, Bowling at ngawa ...

May nawawala sa picture...

Photobucket

Siyempre, ako yun.

Waaah!
(At least di ako nawalan ng mana!)

Binalibag Ni Choleng ng 7:41 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, August 09, 2008

Jabee for Jenny
Wala raw malay at hindi nag-enjoy sa first birthday celebration kaya sa Jolibee ginawa ang 4th birthday ng unica hija kong pamangkin na si Jenny.


Photobucket

Jollibee San Joaquin

Iba nga naman kapag malaki na. Enjoy na enjoy ang bata sa party at nakasali pa sa mga parlor games. Saklap, pati kaming matatanda pinasali sa games kse konti lang ang bisitang bata.

Photobucket

Happy birthday, Jennyyyyyyyy ... 1 ... 2 ... 3 ...

Sablay nga lang nung simula ng party. Sabi ng emcees kay Jenny, "Jenny, how are you?"

"Four," sagot ng bata, tawanan lahat (buti di umiyak si Jenny)

Oo nga naman, magkatunog ang "how are you?" at "how old are you?"

Kayo naman, sa "old" lang nagkatalo!

Binalibag Ni Choleng ng 7:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, August 08, 2008

Otso-Otso

Photobucket

Once in a hundred years lang nangyayari kaya big deal kapag nagtriple ang dates. After July 7, 2007, August 8, 2008 naman ang sentro ng superstition.

Higit na masuwerte raw kaysa siyete dahil puro bilog. Magandang date para magpakasal, magbukas ng establishment at magpasinaya ng Olympics. O siya, siya, siya.

Para sa akin ang 08-08-08, wika nga ni Paul McCartney ay, "just another day." Nothing special (maliban na lang kung iyong kaarawan). Unique, oo, pero hindi dapat gawing basis ng suwerte at kapalaran. Tandaan na hindi hawak ng bituin ang ating kapalaran, gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin.

Zenaida Seva, ikaw ba yan?

Binalibag Ni Choleng ng 7:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, August 07, 2008

Chaka Building
Nice view!

Photobucket

Puro kable ...

Photobucket

Puro tubo!

Photobucket

Bongga pa rin ang mahiwagang small circle, small circle big circle ...

Photobucket

May nagpapanggap pa ring madasalin ...

Photobucket

... at merong hindi nagpapanggap

Photobucket

Tuloy ang buhay ...

Binalibag Ni Choleng ng 4:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, August 06, 2008

Mummy, Siopao
Finally, napanood ko na rin ang The Mummy (The Tomb of the Dragon Emperor) with Agnes and Tata at tama si Kagawad, authentic mami este, mummy nga kse China ang setting (tawa naman dyan!)

PhotobucketSimula ng movie, iisipin mo na nanonood ka ng Once Upon a Time in China o Crouching Tiger, Hidden Dragon (dahil kay Michelle Yeong) pero in fairness, namangha ako ang makita ko ang terracotta soldiers na una kong napanood sa That's Incredible. Bilib ako sa nalikhang kuwento ng scriptwriter mula sa alamat ng mga sundalong bato.

Typical Mummy movie pero di gaanong makulay at maaksiyon tulad ng mga naunang Mummy. No wonder tumanggi si Rachel Weisz kse walang kalatoy-latoy ang role ni Evy dito. Ang hindi nawala ay ang humor. Sobra akong naaliw sa sa tuwing magkakabaklas-baklas ang mukha ng Emperor bago magsalita, sa karate moves ng mga Yeti at ang mga ayos ang buto-buto'ng kalansay sa pamumuno ng one-arm General Ming.

Mukhang sa Peru ang susunod na setting. Abangan na lang natin kung papayag pa rin si Brendan o kung babalik na si Rachel o kung singkit ang apo nila mula kay Alex.

Pero mas maganda pa rin kung si Imhotep, mummy at hindi nightclub.

Binalibag Ni Choleng ng 8:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, August 05, 2008

Wow Mali!
Happy 4th birthday, Jenny! Sorry, windang ang tita mo, mali ang naipasulat kong age sa cake mo.

Photobucket


Buti na lang magaling magretoke si Mudra ... (magaling ba yan!)

Oh, well. It's the thought (and taste) that counts ...

Photobucket

HAPPY BIRTHDAY!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, August 04, 2008

The Barker
Kanto ng Simbahan ng Pasig, 5:00 A.M.

"Piso lang ang bigay, kuripot ang p***angna .." narinig kong usal ng barker makaalis ang isang pampasaherong jeep.

Ah manong, kusang sumakay ang mga tao sa jeep at hindi ka naman talaga kailangan. Pasalamat ka binigyan ka pa.

Hay, ang nagagawa nga naman ng tao magkapera lang.

Binalibag Ni Choleng ng 8:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, August 03, 2008

AVSL
Nagpaka-jologs na naman ako.

Ang press release namin, "The Mummy" ang papanoorin pero sa totoong buhay, AVSL ... sssh ... A Very Special Love.

"Aminin mo, nag-enjoy ka," sabi ng katotong Ligaya. Oo na, nag-enjoy na hindi lang sa pelikula (click ang tambalan nila, by the way. Corny yung last part ... maglandian ba sa ulan!) kundi sa mga manonood.

PhotobucketSumakit ang tiyan namin sa katatawa sa John Lloyd Cruz Fans Club na tila full force sa sinehan ala Wowowee. Aba, sa tuwing iko-close up ang idolo o dili kaya eh may moment with Sarah, tilian ang mga ungas. Kulang na lang magdala ng We Love You, John Lloyd! banner.

Amusing rin kung paano isiningit ang endorsers sa mga eksena -- ang paulit-ulit na pagpapahid ni Sarah ng Belo sa mukha habang kausap ang nanay na dyumi-jingle, ang AXN watch at Greenwich pizza ni John Lloyd at akala ko nung may sakit eh ipapakita pa ni Sarah sa camera ang pagpapainom niya ng gamot kay John Lloyd (Biogesic ... ingat!).

Dati ko pang alam na mahusay na actor si John Lloyd pero ngayon ko lang napansin ang makalaglag-salawal nyang "piercing look." Kaya naman pala halos mawarak ang tonsils ng mga fans sa kasisigaw!

O sya, manood na at nang malaman nyo ang sinasabi ko. Paminsan-minsan maganda ring mag-enjoy at manood ng hindi mo na kailangang mag-isip.

Binalibag Ni Choleng ng 7:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com