<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, February 23, 2009

Anak ng Itik!
Wala akong masabi sa latest (campaign) commercial ni Senador Manny Villar. Eto yung sa mag-iitik.

Kailangan i-close up yung pagpahid ng maputik na kamay ng senador sa bagong-bagong orange shirt?

Binalibag Ni Choleng ng 11:19 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 22, 2009

Happy birthday, Daddy!!!

Binalibag Ni Choleng ng 9:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, February 21, 2009

-30- na talaga
Hindi na ako dapat sasama dahil 7 AM ang out ko tapos 11 am pa ang lunch sa Dampa, Macapagal pero nagdesisyon ako'ng sumama sa bandang huli sa tindi ng pamimilit nina Tata at Betchay. Napag-isip-isip ko rin k'se na ito na ang huling pagkakataon kong makitang sama-sama ang natitira pang 'cast' ng account na sabi nila eh pag-aari ko ang isang poste dahil naging bahagi ako ng lahat ng yugto (kay Tata ang isang poste.)

For the last time ...

Sulit naman ang paghihintay at pagpupuyat ko dahil muli kong naranasan ang walang humpay na kainan, ngawaan, kodakan at kulitan a la DR. Betchay, salamat sa hindi pagkalimot sa akin at Mevs, ibang klase ka. May future ka sa pagkokomedya (pinakamaganda ka, pag nagkataon)

Sa Lunes, bagong daigdig na ang karamihan. May suwerteng magkakasama pa rin at meron namang sawing-palad na mapapawalay; merong saglit na magpapahinga at siguro may magre-resign din pero habang may email, messenger at cellphone, sigurado akong hindi sa Dampa nagtatapos ang malalim naming ugnayan.

Binalibag Ni Choleng ng 10:08 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, February 20, 2009

Bistekupo of the Week
Mga Ligaw na Kaluluwa

Anak ng pitumpu't-pitong puting tupa, kandalawit ang ngala-ngala ko sa kapapaliwanag sa customer tungkol sa warranty ng phone n'ya, cellphone pala ang itinawag ng kumag. LG SHINE daw. Duh! Eto namang isa, umo-order ng ribbon para sa typewriter nya. Computer age naghahanap ng typewriter ribbon??? Heller!!!

Hmmm ..

Ano kayang problema ng mga alaga ng mga customers at nginatngat ng aso't pusa nila ang power cords ng cordless phones namin? Hindi kaya lasang Alpo o Whiskas ang kurdon namin? Hmmm ... matikman nga.

Kaya pala!

Gigil na gigil sa akin ang babae dahil wala akong ma-process na headset para sa kanya dahil out of stock.

Putak ... putak ... putak ... dapat daw merong available k'se nakalagay sa manual. Putak ... putak ... putak ... to the nth level, soprano ang pitch. Sinabihan ko na hindi naman n'ya kailangang magtaas ng boses, na sinusubukan ko s'yang tulungan ... tila natauhan ang loka, nag-sorry at ayun, lumabas ang totoo.

Hindi naman para sa kanya ang headset kundi sa walang kuwenta n'yang kinakasama na ilang araw na s'yang kinukulit na bumili. Ayun, ang ngitngit sa asawa, sa akin ibinunton. Wala raw ginawa ang lalake kundi tumambay sa garahe nila at magtelebabad. "I don't want to live here anymore!" bulalas ng babae.

Alam ko Order Processing Team (OPT) k'me, hindi Call-a-friend.

Pangmatagalan

Phase-out na yung phone ng customer, nagpapa-process ng battery sa isa sa kasamahan ko eh ni wala nga sa system namin kung ano ang battery para sa telepono n'ya. Mag-process na lang daw ng kahit na anong battery.

"What if I process a Triple A battery, will it fit your phone?" tanong 'nya. Naku, kung ako yun ang sasabihin ko, "If I process a Motolite battery, will it fit your phone?"

Ayos!

Binalibag Ni Choleng ng 10:56 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 15, 2009

Valentine's Date
Ang Valentine ay hindi lamang para sa magsing-irog kundi pati na rin sa ating mga minamahal.

Yeah, yeah, defense mechanism ng mga walang dyowa pero seryoso, kung wala ka mang 'special someone,' magandang iselebra ang okasyon kasama ang iyong mga mahal sa buhay katulad ng ginagawa namin.

Nakalimutan ko na kung pang-ilang taon na naming Valentine dinner ito pero maganda rin dahil napapaligaya na ang aming mga parents, nakakalimutan ko pa na ilang taon na akong walang dyowa (hehehe) pero kung sakali mang dumating ang panahon na muling tumibok ang puso ko at magkaroon ako ng lalake, malamang ituloy pa rin namin 'to.

Masaya eh!

Special thanks to During's Kalawaan, Red Ribbon, Jollibee and Selecta. 'Langya, free advertisement!

Binalibag Ni Choleng ng 6:40 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, February 13, 2009

Okay na sana ...
Bakit nakalusot ang schizo'ng Nick Mitchel ...
... at iyaking Nathaniel Marshall ...

... samantalang si Jamar hindi?


I'm so disappointed!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, February 11, 2009

Kailangan Pa Bang I-Memorize 'Yan?
Nagpuputak ang Mommy ko pagdating ko sa bahay. Tinanong ko kung ano ang ipinagpuputok ng butse, nainis pala sa sinabi ni Nicole Hyala, yung paborito nilang tila-amplifier ang bungangang DJ na kapingga ni Chris Tsuper sa Love Radio.

Nagsalita daw ang Nicole ng parang ganito ... "nag-aral ng matagal tapos sa call center "lang" ang bagsak!"

Aba, Nicole, baka hindi mo alam ang sinasabi mo. 'Wag maliitin ang pagtatrabaho sa call center dahil hindi lahat puwedeng makakapasok dito at isa pa, sobrang demanding ng trabaho'ng ito, hindi puwedeng basta-basta lang ang pinag-aralan dahil utak at abilidad ang gamit dito.

Kung makapagsalita ... subukan mo kaya'ng magtrabaho sa call center, tingnan natin kung makabungisngis ka pa!

Hindi na raw makikinig ang Mommy ko sa Love Radio kahit kailan ... Asus!

Binalibag Ni Choleng ng 7:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, February 10, 2009

Bistekupo of the Week
Abusado

"Anything else I can help you with?" tanong ko sa customer pagka-process ng order. "Well, I hope you can do something to the economy."

Over ka na, manong. Binigyan na nga kita ng libreng telepono gusto mo pa mag-ala-Obama ako!

Binalibag Ni Choleng ng 7:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, February 08, 2009

Air Pollution


Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero mula pa kagabi hanggang kanina, panay ang release ko ng "masamang hangin." Mabuti na lang at wala ako'ng pasok pero kawawa talaga ang mga kasama ko sa bahay na nagsisipanabog sa tuwing magpapa-"singaw" ako.

O, 'wag isiping bastos ako at walang modo. Lumalayo naman ako sa tuwing magpapabuga ako pero sadyang "potent" at "volatile," abot pa rin sa kanila ang "aroma." Problema, may misa ako ng 6:30 pero no choice, kailangang um-attend.

Kamalas-malasang malas, anim lang k'meng kumanta sa misa, di daw puwede yung dalawang pares kong ka-choir. Nakup! Halatang-halata kung sino ang salarin 'pag nagkataon!

Awa naman ng Diyos, magmula ng tumapak ako sa Megamall hanggang ngayong makauwi na ako ng bahay, hindi na ako "nagpabuga."

Nakuha sa panalangin ... malakas talaga ako kay Lord.

P.S.

Isang babae ang lumapit kay Conrad, piyanista namin, pagkatapos ng misa. Balik-bayan pala from Canada at akala, "recording" yung kumakanta sa misa at nang malamang kami, di napigilang lumapit para ihayag ang paghanga. Keep up the good work daw.

Partida, manang, 6 pa lang kme nyan ... at may Pinatubo pa sa tiyan ko!

Binalibag Ni Choleng ng 6:11 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, February 07, 2009

Saksak-tenga


Bakit naka-headset o earphone pa rin kahit end-shift na ang mga taga-call center?

a. Ipinamamarali lang nila sa lipunan na can afford silang bumili ng mga gadgets

b. Sadyang adik sila sa music (o sounds) at titigil ang pagpintig ng puso nila kapag walang narinig na tunog

c. Bahagi na ng sistema nila ang headset at maaaring ikakamatay kung paglabas ng office eh wala'ng nakasaksak sa tenga nila.

Text your name, address, phone number and letter of your choice to 2322.

Binalibag Ni Choleng ng 9:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, February 05, 2009

Buhay Idol
Habang pinakikinggan ko ang paos na boses ng singer na ngumangawa ng Thinking of You ('80's song, di ko maalala kung sino ang kumanta) sa FX, naisip kong bigla ang mga kaawa-awang American Idol aspirants na di hamak namang mas magagaling kumanta kaysa sa naririnig ko sa radyo pero kinakailangang pumila, maghintay, magutom at mag-audition para malait ni Simon Cowell. Sa 'Pinas ganun din. Patay kay Wyngard ang contestants.

Kagalingan!

Ganoon talaga ang buhay. Suwerte-suwerte lang.

Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, February 04, 2009

Bistekupo of the Week
Pisi

Kung kailangan daw ng telephone line ang cordless phones namin. Naturalamente! Puwede'ng lagyan ng pisi ang telepono, parang sa lata ng gatas.

Regalong ukay

Nasira yung phone na niregalo kay Lola nung Pasko. Sabi ko papalitan namin, isoli n'ya, samahan ng receipt. Paano raw sya kukuha ng resibo eh regalo nga. Problema mo na 'yun!

Bistekupo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com