<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, May 31, 2009

Lista


Naturingang high tech gadgets and accessories ang binebenta ng CDR King, ano't manu-manong nililista ng mga sales clerks ang mga benta nila.

Kaya mahaba ang pila, hanubayan!

Low tech?

Binalibag Ni Choleng ng 1:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, May 30, 2009

Hayden Camera
Hindi ko maintindihan kung bakit pinapatulan ng Senado ang issue nina Katrina at Hayden. Heller, puwede namang makagawa ng batas nang hindi kinakalkal ang nakaraan ng dalawa! Pansinin n'yo naman ang mga magsasaka na nagpapakamatay para sa kakapiranggot nilang lupa!

P.S.

Dahil laman ng TV, radyo at dyaryo, at sentro ng huntahan sa jeep, palengke at maging sa opisina, napukaw ang kuryosidad ko at pinanood ang mga videos (dami ko pang paliwanag!)

May napansin lang akong common denominator sa mga videos ni Dr. Kho: Nilalawayan muna n'ya ang peanut bago bayuhin.

Somalosep! Ano bang pinagsasasabi ko. Wholesome ang blog ko, for God's sake!

Binalibag Ni Choleng ng 10:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 29, 2009

Bistekupo of the Week


Bilib din ako sa honesty ng customer.

Opo, process ko na ang refund ... right away!

Binalibag Ni Choleng ng 11:25 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 22, 2009

Akalain n'yo yun!


Una kong marinig si Kris nung semi-finals singing Man in the Mirror, sabi ko madaling matatanggal ang mokong dahil weak ang vocals at tila walang dating. Akalain n'yong siya pa ang nanalo?

Glam rocker vs. acoustic rocker. Kumbaga sa sabong, liyamadong-liyamado si Adam kung tindig at tilaok rin lang ang pag-uusapan pero bakit nakalusot ang manok na dehado?

Simple lang. Charming k'se si Kris (kahit deformed ang mukha kapag kumakanta), boyish ang appeal, mahusay mag-arrange at mag-interpret ng songs, humble pero astig kapag nag-perform at higit sa lahat marketable. Oo nga't kahit saang anggulo eh lamang si Adam, pero high-end at nakakatakot ang sobrang kagalingan n'ya na sa tingin ko eh hindi pa arok ng nakararami. Personally, mas ida-download ko pa ang mga songs ni Kris sa iPod ko.

Anyway, tulad nga ng paulit-ulit na sinasabi ng mga AI judges, life does not end with Idol. I'm sure may career si Adam ... sa teatro ... o baka siya ang kuning lead singer ng Queen... bagay na bagay!!!

Finally, hindi na ako muntik-muntikang ma-late tuwing Miyerkules at Huwebes. Natapos na rin ang Season 8.

Hanggang sa susunod na season!

P.S.

Konting opinyon hinggil sa finals night:

Nakakasulasok ang mahabang dila ni Gene Simmons ng Kiss ... Walang kakupas-kupas si Cyndi Lauper pati na ang Black Eyed Peas ... Vavavoom rin ang wankata ni Kara DioGuardi pero ewan ko ba, hag ang tingin ko sa kanya most of the time ... 'Di ko akalaing composer at tumutugtog ng banjo si Steve Martin. 'Di ko ganong trip ang country music pero nagustuhan ko ang Pretty Flowers... Magka-career sana sina Tatiana, Norman Gentle at Bikini Girl matapos ng kahihiyang ginawa nila ... Anoop pa rin ang manok ko kahit di nanalo.

Binalibag Ni Choleng ng 10:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 19, 2009

Siyento


Punong-puno ng 'M' ang Hundred Islands summer get-away ng Metanoia:

MAINIT ... Tatlo kaming galing sa GY shift at planong sa bus na lang magbawi ng tulog pero ano'ng saklap, tila hurno ang init ng bus. Asang-asa pa naman kme na kumportable ang biyahe at mapapasarap ang tulog dahil Victory Liner ... sablay! Awa ng Diyos, nilinis ang filter pag-stop over sa Tarlac kaya medyo lumamig ang biyahe pero kulang pa rin!

MAGANDA ... Kapapanasala pa lang ng bagyong Emong kung kaya't sumalit sa ganda ng tanawin ang mga nakatumbang poste at tuklap na mga bubong. Ganunpaman, maganda pa rin ang Barangay Lucap, Alaminos. Makapigil-hininga ang view sa tinigilan naming Vista de las Islas (mainit nga lang dahil wala pa ring kuryente at genset lang ang power source) tila painting ang dapit-hapon at bukang-liwayway at kamangha-mangha ang Hundred Islands na hindi ko maubos-maisip kung paaano nabuo.

Halos anim na oras naming nilibot ang mga isla. Maraming pangalan at description na binanggit ang driver ng inarkila naming bangka pero ilan lang ang naalala ko:

Quezon Island - ang pinakamalaking isla. Saglit kaming dumaong para magpa-picture kasama si Quezon (at mag-weewee sa beach ... hehehe)

Marcos Island - hindi ipinaliwanag ng driver namin kung bakit Marcos ang pangalan pero isa marahil sa mga ill-gotten wealth.

Cathedral Island - hindi na kailangang ipaliwanag kung bakit. Hugis-cathedral ang gitna ng isla ... sarap pakasal dito!

Children's Island - mababaw daw ang tubig kaya ganito ang pangalan. Hindi kami bumaba kaya di ko nakita kung may seesaw o swing.

Governor's Island (o Big Brother Island) - hindi ipinaliwanag ng driver namin kung bakit Governor's dahil nag-focus siya sa Big Brother. Dito daw dinala sina Gerald at Kim sa PBB Teen Edition. Care ko. Basta nag-enjoy ako sa view deck. Kapagod akyatin pero sulit naman ang view.

Paniki Island - hindi ito ang pangalan ng isla pero bagay lang dahil sa sandamakmak na paniki na nakasabit sa puno. Nakakataka, dami namang isla sa paligid pero bakit dito nila trip tumambay?

Metanoia Cave - hindi ito ang pangalan ng kuweba pero inangkin ko na dahil parang kami lang ang napadaan ng araw na yun lang. Ginutom na k'se kme at dito namin napiling mananghalian ng tapsilog at kape.

P.S. Habang sinisipat ang dingding ng kuweba, may natagpuan kaming sanitary napkin na nakasingit sa isang guwang. Baboy!

Metanoia Island - hindi rin ito ang pangalan ng mga isla pero gaya ng kuweba, kami lang ang nagkamaling tumambay at mag-swimming sa islang ito. Hindi k'se kasing-sikat at developed tulad ng Quezon Island pero maganda rin naman.

MASARAP ... Nakakatuwang nasa Alaminos na kme at local food dapat ang kinain namin pero mahal ang food sa tinigilan namin kaya nagta-tricyle kme papuntang bayan para kumain. Masarap din naman ... kakaiba -- Brunch, McDo; Dinner, Chow King; Breakfast, Jollibee; Dinner, Cindy's - the place to be. Yes, may Cindy's pa dito sa Alaminos, may Zenco Footstep pa nga.

MADAMDAMIN ... Bago mag-island hopping, nagsimba muna kme. Sa auditorium ang misa dahil wasak na wasak ang simbahan. Kahindik-hindik dahil kahit ang makapal na bubong ng auditorium eh may bahagi pa ring tuklap. Ganoon katindi ang galit ni Emong! Pagkatapos ng misa, dumaan kami sa simbahan at nabagbag ang kalooban namin sa nasaksihan. Tuklap ang buong bubong sa tapat ng altar, may tubig pa rin sa loob ng simbahan at naghambalang ang mga upuan at santo.

MAINGAY ... Kung noong papunta eh mainit, pauwi eh maingay naman. Tama ba namang magsalitan ng ngawa ang 3 batang pasahero? Sabi nga ng ka-choir ko, Hospicio de San Jose ba 'to? Hmp! Naunsiyami na naman ang plano naming magbawi ng tulog!

MAUULIT ... Syempre naman mauulit pa ang Metanoia get-away pero siguradong sa ibang lugar naman. Bora o Vigan? Kahit saan, basta 'wag lang mainit at maingay!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:09 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, May 09, 2009

Bistekupo of the Week

Meron palang address na number J.

Kelan pa naging number ang letter?

Kaloka!

*****

Wala raw saksakan ng line cord yung telepono ng customer. Ah, Madam. Wala talagang saksakan 'yang nabili n'yo k'se expansion handset yang nabili n'yo. Ah, Madam hindi gaganang mag-isa 'yan k'se kailangan may 'base' o main phone. Pakisoli na lang sa binilhan. Thank you.

Ay, shunga. Hilig k'se sa sale!


*****


Shilpi Contractor ang pangalang nakalagay sa request form ng customer. Nahirapan ako nung tinawagan ko k'se walang contact person. Kung bakit naman company name lang ang nilagay.

"I am Shilpi, "sabi ng customer.

Ngek, pangalan pala ng customer yun! Pahiya!

Binalibag Ni Choleng ng 9:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, May 07, 2009

Oh, Ilaw
Ngayon ko lang napansin, lahat pala ng sasakyan, puti ang ilaw sa harap tapos pula sa likod? Salamat sa traffic sa C5.

Binalibag Ni Choleng ng 10:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, May 05, 2009

Bakit si Martin lang?
Pinagmumulta daw si Martin ng National Historical Institute (NHI) dahil sa maling pagkanta ng Lupang Hinirang.

Ang isang milyong piso kong tanong: Bakit siya lang?

Kamakailan lang sa Flash and the Furious, mabagal na inawit ng lead singer ng 6 Cycle Mind na si Ney Dimaculangan ang pambansang awit pero walang naging alingasngas. Deadma ba ang NHI dahil hindi gaanong 'nakakapuwing' si Ney o dahil sa lahat ng mga artists na kumanta ng pambansang awit eh si Martin lang ang nagbaba ng nota sa "da" (see illustration) para maibirit ang last note?


Bilang depensa sa mga artists, ako bilang isa ring manganganta, sadyang mahirap kantahin ang Lupang Hinirang lalo na't solo ka lang, live, a cappella at ilang libong tao ang nanonood sa 'yo. Sandamakmak kaya ang lyrics at syncopated pa ang rhythm kaya kung hindi ka isang Lea Salonga, masusunod mo nga ang 4/4 na kumpas ayon sa komposisyon ni Julian Felipe pero hindi mo na mahahagip ang ibang lyrics. Tendency ng ibang singer, bagalan ang tempo para maka-focus at mabigyang damdamin ang lyrics. Tingnan nyo si Christian Bautista, martsa nga ang ginamit n'yang tempo, nagmartsa naman ang lyrics.

Sana lang repasuhin ng NHI ang batas hinggil sa pagkanta ng Lupang Hinirang. Sana applicable lang sa mga brass bands or orchestras (i-single out ba) pero hindi sa mga solo singers dahil nakakawala ng artistry.

Sana lang maging tulad tayo ng Kano na puwedeng kantahin ang Star Spangled Banner depende sa gustong interpretation ng artist. 'Di ba Ateng Mariah?

Binalibag Ni Choleng ng 10:24 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, May 03, 2009

Kuwentong Plakda


1. 15 minutes bago mananghalian, alam na naming panalo si Pacquiao gawa ng pakikinig namin sa radyo pero awa ng Diyos, 2:00 PM na naipalabas ang actual na laban sa GMA -- at chinop-chop pa!

2. 'Bitin' ang laban sa paningin ng nakararami (mas maaksiyon pa ang laban ni Humberto) pero tama lang na maagang 'pinatulog' ni Manny ang show-off na Briton. Marumi'ng maglaro ang gago, mahilig mambatok at mangsiko, at bigwas dito, bigwas dun ang style. Kung tumama ang mga bara-bara'ng suntok ng Hitman sa Pacman, malamang nahalikan din ni Manny ang sahig na sa tingin ko eh di rin mangyayari sa bilis ng Pacman. Kamoteng-kahoy yata ang diet nyan!

3. Nakakabuwisit na sa dinami-dami ng oras na inilaan para sa commercial ng brabalibintawan, pantapal ng bubong at bangka, pintura, darak at kung anu-ano pa, ni hindi man lang isinigit yung pagkanta ng 'God Save the Queen' ni Tom Jones at 'Star Spangled Banner' ni Jasmine Villegas. Kabawasan ba 'yun sa kikitain ng Solar?

4. Kinilabutan ako nang marinig ko sa radyo ang rendition ni Martin ng 'Lupang Hinirang' k'se akala ko live yung accompaniment. Sus! Minus One pala at wala raw sa timing ang kanta ni Martin, sabi ng Dad ko, pero sabi ko naman style yun k'se pinasukan ng ethnic na rhythm. Sobrang baba lang ng pitch ni Martin for a reason -- ibibirit n'ya k'se yung dulo na di ganong naging effective dahil 'flat' yung pag-hit n'ya at tumama lang ng mga huling 3 segundo ng nota. Teka lang, duda ako kung live ang kanta ni Martin k'se di tapat yung buka ng bibig n'ya sa kanta (o dahil may delay lang ang feed?)

5. Bonggang-bongga ang UK flag at banderitas sa shorts ng Hitman, sikat naman ang Ricoa na nakabalagbag sa puwitan ng Pacman. Sa hindi nakakaalam kung ano yung Ricoa, eto yung breakfast cocoa, gamit ng lola ko sa pagtsa-champurado. Inihahalo ko rin dati sa hot water para hot choco.

6. Matapos patulugin si Ricky, sino naman ang susunod? Over lunch, napag-usapan namin na dapat magretiro si Manny habang nasa rurok pa siya ng tagumpay di tulad ng nangyari kay Papa Oscar de la Hoya o kay Morales na na-KO muna bago nagretiro pero sabi ni Mudra, nakapaaga pa para tumigil si Manny dahil malakas pa sa kalabaw. Naisip ko tuloy, mapapatumba kaya ni Manny ang kalabaw?

7. Plakda ang Union Jack, naghuhumindig naman ang bandera ng Pilipinas. Salamat sa Pacman, sikat na naman ang mga Pinoy!

P.S.

Nakakahiya man pero kay Hatton ako nakapusta. Hayan, sagot ko tuloy ang isang kahong pizza.

Binalibag Ni Choleng ng 10:48 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, May 01, 2009

Bistekupo of the Week
Tawagan daw muna si Nancy Van Eimeren bago i-fax ang form na nire-request nya. Tinawagan naman ng kasamahan ko kaso wala raw ‘ Nancy ’ sa number na yun. Sa akin ipinasubok na tawagan at baka nang-ookray lang ang customer.

Again, wala raw Nancy dun pero nang sabihin ko na si Gina ako from 8TT at may ipapadala akong form, napa-oh ang matanda. Siya pala ang nagre-request ng form pero hindi raw Nancy ang name n’ya kundi Frances.

Nancy, Frances … magkatunog!

*****
Isang nakakaabalang liham mula sa isang customer (pangalan lang ang pinalitan ko, verbatim na lahat)

My apology for having 8TT send me this telephone since the cause of the problem is not 8TT. The real problem is earth’s magnetic field energy.

In this view, the magnetic energy is very stressful ...

In this view, I was not able to sense adverse energy field(s)

In this view, the telephone was at the table edge and the cord is in updown plane, hanging down, and the magnetic energy is very stressful and felt 8 feet away.

So nature will not solve this problem. I cannot solve this problem. Hopefully, 8TT will find a solution to 8TT and humanity.

This is the energy that is causing me eye problems and urinary control problems.

Thanks.

Uly Baldwin, Retired NASA Electrical Engineer, Age 84.

Binalibag Ni Choleng ng 7:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com