Ayun na eh! Ang ganda na ng eksena. Tabing-dagat, papalubog na araw, nakaluhod si lalake, hawak ang kahon ng singsing at nagpo-propose na sa babae, ano't biglang pumasok sa eksena ang tatlong mokong?
Ang pagdating ng mga asungot!
Hay naku! Hindi ko gusto ang ending ng Boys Over Flowers. Sana tinapos man lang na maisuot ni Jun Pyo ang singsing kay Jan Di at maghalikan ... mali, magdampian ang labi nila saka pumasok sa eksena sina Ji Hoo, Yi Jeong at Woo Bin eh di mas 'cheesy!'
Pinakahihintay-hintay ko pa mandin, yun lang pala ang ending.
Hindi ako makabayan sa tunay na konsepto ng isang makabayan.
Hindi ako sumasali sa mga kilos protesta; ni hindi ako nagmamartsa papuntang Mendiola (kahit na sa eskuwelahang kulay bagoong ako nagtapos na malapit lang sa Malacanang) Edsa o Ayala at wala sa idelohiya ko ang huling talata ng Lupang Hinirang(... ang mamatay ng dahil sa 'yoooo ...) ; wala akong pakialam kung chacha, tango o boogie ang isinisigaw ng masa at lalong wala ako'ng pakialam kung sino ang nakaupo at at mas lalong wala'ng hilig makialam kung paano sila 'umupo' pero tao rin naman ako na naapektuhan, nahindik at muling nag-isip kung bakit tila wala na yata'ng katapusan ang pagdanak ng dugo sa timog.
Paslit pa ako, may alitan na, hanggang ngayon ba namang katanghalian ko na? Ano ba yang alitan na yan, ipinamamana?
Muli ko na namang naalala ang awit ng Asin na angkop na angkop sa kasalukuyang kaganapan:
Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato)
Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo Dahil di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo, nagkagulo.
Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko Di alam kung saan nanggaling, di alam kung saan patungo Kapatid sa kapatid, laman sa laman Sila-sila ang naglalaban, di ko alam ang dahilan ng gulo.
Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto Kung nagtulungan kayo, di sana magulo ang bayan ko.
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato Ako ay namulat sa napakalaking gulo Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo, ang gulo.
Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko?
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo Ituring mong isang kaibigan Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo.
Coda:
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo...) Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato) Ako ay namulat (kailan matatapos...) Sa napakalaking gulo (ang gulo) Dahil walang respeto (kailan magkakasundo...) Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao) Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino...) Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo) Ang gulo
Tanging panalangin ang maiaalay ko -- panalangin para sa mga nasawi, sa mga naiwan at para sa kapayapaan ng Pilipinas.
Hindi ako makabayan sa tunay na konsepto ng isang makabayan pero Pinoy pa rin ako. May pakialam paminsan-minsan.
'Nung una, inside job na nakawan. P120K halos ang natangay ng dalawang halang ang kaluluwa naming boy; ikalawa, yung kapit-bahay naming sinto-sinto na basta na lang pumasok at walang kaabog-abog na dumampot ng 3 bote ng San Miguel Mucho pero kakaiba ang nangyari kaninang madaling-araw.
Pinuwersang buksan ang accordion window ng tindahan at tinira ng vault cutter ang dalawang padlock at mismong sa maliit na bintana ng tindahan pumasok para limasin ang naiwang 'panukli' ng Mom ko na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na 40K din daw.
SOCO
Hindi birong hirap ang tinitiis ng mga magulang ko at hindi kami mayaman para talbusan ng ganito. Ipagpasa-Diyos na lang ulit?
Hay, sana may CSI Taguig. I'm sure nagkalat pa ang fingerprint ng suspect (o suspects) sa tindahan namin.
Hindi pinapasok ng guard ang isang taga-Bistek. Naiwan ang ID at ni walang dalang kahit na ano'ng mapagkakakilanlan para ipang-collateral sa MMDA ID(eto yung tempo ID na singlaki ng ID ng MMDA) kaya pinasundo sa akin sa lobby. Ang kaso, hindi sapat ang "face value" ko para papasukin ang pobre. Hiningan din ako ng valid ID eh naiwan ko sa taas. Buti na lang, may naharang si Mr. Forgetful na isa pang taga-Bistek, hiniraman ng valid ID, hangos pabalik sa guard, male-late na kse. Hindi tinanggap at di ko naman masisisi ang lady guard.
Kelan pa naging valid ID ba ang discount card ng Yakult?
Naiintindihan ko na gawa ng hirap ng buhay at patuloy na pagtaas ng pamasahe kaya dumarami ang sumasabit sa jeep pero sa halos araw-araw kong pagyayao't-dito, pansin ko lang, mas lamang yata sa sumasabit eh puro kabataan at minsan eh tropa-tropa pa?
"Kuya, pasabit. D'yan lang..." ang pasakalye ng mga ungas na kalimitang mula 3 hanggang 4 na kabataan. 'Yung d'yan lang, mas malamang sa hindi isang barrio ang pagitan. Isipin n'yong pakialamera at mahadera ako pero hindi maiwasang hindi ako mainis dahil heto ako na kumpleto ang bayad, nasa-suffocate dahil sa naghambalang na paniki (mahilig k'se akong umupo sa dulo ng jeep, malapit sa babaan) Minsan pa naman, may aroma ang mga sumasabit.
'Tong mga batang 'to. Wala na ngang pamasahe nagagawa pang gumala. Kaya minsan ayaw kayong pasabitin ng driver k'se abuso na kayo. Hoy, magsiuwi kayo at tulungan ang mga magulang n'yo'ng lutasin kung saang lupalop hahanapin ang pambayad sa tuition n'yo.
Nandoon na ako. Malikhain at magaling naman si Carlo J. Caparas pero para ilaglag si Ramon Santosin his favor bilang isang National Artist ay kalunos-lunos, karimarimarim, kasulasulasok at hindi katanggap-tanggap.
Totoo, matindi ang galit ko kay Ramon Santos. Kung bakit naman kasi kung mag-areglo ng piyesa ay tila gustong patayin ang kakanta pero kapag natapos mo namang aralin, tsura ng nakaakyat ka sa tuktok ng bundok ng Apo. Galon-galong oxygen at ilang sentimentro ang iniluwa ng mata ko bago natutunan ang Tula, Tula at Tuksuhan.
Kung ano ang mga kantang yan, naghagilap ako ng sample sa YouTube (salamat sa sponsors). Namnamin ...
Tarlac State University sa makapugtong-hiningang Tula, Tula:
MSU-IIT Octava Choral Society - di nakapagtuksuhan sa Tuksuhan:
O, ano. Kaya ba ni Direk ang ganyan? Oh my god, save the baby!!!