BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Sunday, October 31, 2010
Mad Sunday
Sisihin ang Halloween, merong "maging kakaiba ka" fever na nanaig sa Megamall. Pati pamilya ko nakihalo pa sa kalokohan ng Metanoia pagkatapos ng misa!
Hanggang sa paggo-grocery, tuloy pa rin ang kalokohan. Gawin ba naming bonding session ang pamilili? Sabagay, bihira naman talaga kaming makumpletong magkakapatid pati mga pamangkin. Sulitin na lang ang holiday.
Ayos!
*Special thanks to Conrad Mananes for the Kings, Queen, Angels and Demons Collection
Dampa dapat pero dahil ang dampa ay di dapat sa apat, Krazy Garlic ang bagsak namin. Pwede na rin. Ternong-terno ... krazy cuisine for krazy people. (Try nyo, bawal ang aswang dito!)
Doc, Park, Love and Choleng
Cholesterol galore ... what the heck! May pangontrang bawang!
Sunflowers fit for the elderly. Pakyu, Doc!
Doc, salamat at nakaraos na naman ang meryenda at hapunan namin para sa araw na ito. Salamat din sa Sunflowers at hindi na ako mangangamoy lupa. Maraming-maraming salamat din sa makalaglag-upuang kuwento at palitan natin salaysay at kuru-kuro. Dami ko rin namang natutunan kahit napadalas ang paypay ko dahil sa init ng mga paksa.
Jayem, Clio, Anna, Ivy at sa iba pang kapanalig, sana makasama na the next time.
"Pateros, Pateros ... isa na lang!" sigaw ng barker.
Uwing-uwi na ako at wala ako sa mood maghintay na mapuno ang jeep kaya agad akong sumampa. Ayos! Isang pisngi lang ng puwit ko ang kasya sa espasyo pero sumiksik pa rin ako. Marami namang bababa sa UMAK, isip-isip ko.
"Pakiayos lang po ang upo ... sampuan yan ... paupuin nyo si Ate," paalala ng barker sa mga pasahero dahil parang ayaw akong pasingitin ng mga ulangya.
Umusog ang babaeng nasa bandang kaliwa ko pero nagkomento: "Dapat k'se payat yung pinapasakay eh ... ang sikip-sikip na!"
Abaaa ... para na ring sinabi'ng mataba ako ah ... tekaaaa, isip-isip ko, pero hindi ko naibulalas dahil epal naman nya'ng pinausog ang iba. "Usog kayo para makaupo si Ma'am ... kawawa naman ..."
Matabil ang dila ng ale pero concerned din naman kaya dinedma ko na lang ang tirada pero palihim kong sinipat ang balakang. Hmp! Akala mo kung sinong kaseksihan eh sino kaya ang mukhang ref?
Hirap naman sa iba, kung ipagkalakasan ang music player ng cellphone nila sa pampublikong lugar akala appreciate ng lahat ang musika nila.
Sarap ng tulog ko sa jeep, magpatugtog ba!
Hay, kaya naimbento ang earphone para sarilinin na lang kung anuman ang musical preference. Hindi lahat ng tao dig sina April Boy, Salbakuta, Sex Bomb o Soulja Boy.
Pinilit kong makaboto bago mananghalian at kung hindi, imposible nang maiboboto ko pa ang tatlong kandidato ko dahil nagbu-beauty sleep ako after lunch.
O eh bakit tatlo lang? Simple. Mahal ang tinta at wala akong balak magluklok ng mga taong hindi ko napupusuan.
Hanap pangalan
Boto (no coaching)
Hulog balota (sabi ko kay Jenny ako ang kunan nya, yung poll officer ang kinunan)
Indelible ink
Ah ... walang kinalaman sa proseso. Naipatong lang ang siko sa kudkuran ng thumb mark. Likot kasi!
Hanggang sa susunod na eleksiyon. Nawa'y magwagi ang karapat-dapat.
Kasarapan ng tulog ko nang gisingin ako ng matinding kalabog kasunod ng pagbagsak ng bandang ulunan ko. D'yos ko, gumuho yata ang kuwarto ko! Susuray-suray akong bumangon pero sinundan ng isa pang kalabog, bandang paanan ko naman ang bumagsak kasabay ng pagtumba ng table na kinapapatungan ng electric fan at pag-ilandang ng cellphone ko na nasa ilalim lang nito.
Hinigop na ba ng lupa ang bahay namin?
Ilang segundo bago ako nagbalik sa katinuan at napagtanto kung ano talaga ang nangyari. Hindi naman pala gumuho ang kuwarto ko ni nilamon ng lupa ang bahay. Ang hinayupak na poste ng kama ko, bumigay.
Bumigay?!?
Mahigit anim na taon na k'se ang assembled kong kama at matagal na ring uuga-uga. Malay ko ba namang natanggal na pala yung pagkaka-welding ng mga ugpungan?
Pinagtatawanan ako sa bahay. Wala naman daw akong kajerjeran para malansag ang kama ko. Ibig sabihin lang daw tumaba ako.
Magbiro na sa lasing, 'wag lang sa taong nagising dahil gumuho ang kama.
Pansol, Laguna dapat kaming TTEM Team ngayon pero dahil ayaw ng iba (isa na ko dun -- tinatamad ako, kagagaling ko lang ng Palawan ... hihi), napagkasunduang kumain na lang sa Army Navyafter shift.
Kung mahilig kayo sa Mexican food like taco, burrito, quesedilla o burger, dito na kayo. Medyo may kamahalan pero sulit naman ang lasa at take note, pang-army ang serving. Gagapang ka talaga sa kabusugan!
Taco Loco
L-R: Rheza, Joan, Cielo, Kei, Chie and Lovely. Ayos ah, wala ang sup!
Tree-lover(s) - with Rheza and Lovely
Okay rin ang location. D'yan lang sa Solaris, ilang minutong lakad pabalik ng APS -- sakto lang ang distansiya para masunog ang taba'ng nadagdag.
Hay, nasa dila ko pa rin ang sarap ng taco,burrito, burger and fries. Oo na, taco lang ang in-order ko pero tikim to the left, tikim to the right ang ginawa ko kaya ganun.
Hindi ko siya pinapansin noong una dahil mas trip kong panoorin ang labas sa kabilang channel pero nang minsang makita ko ang kakatuwang fashion statement ng mga bida, lalong-lalo na yung leader ng AN Jell, pinanood ko na. Akalain nyong naka-leggings, sabrina at cow neck ang diyaske ... tsura ng naka-blouse, hahaha ...
Di kalaunan, na-hook na rin ako sa He's Beautiful, isang Koreanovela, dahil nakakakilig ang pareha nina Go Mi Nam at Hwang Tae Kyung at nakakatuwa ang mga eksena kaya naman naging bahagi na siya ng breakfast time ko (yes, 5:30 ng hapon ako nagbe-breakfast).
Laking sama ng loob nang ilipat ng Dos ang oras sa 3:30 ng hapon. Kasuya! Salamat na lang sa magandang kasamahan ko sa Command Center na si Lovely, pinahiram ako ng DVD. Ang kaso, sira ang Episodes 15 and 16 (ayan, pirated k'se) kaya sa internet din ang lagpak ko
Tapos ko na ang He's Beautiful(naunahan ko pa ang Kapamilya) at mabuti na lang at sa DVD at online ko pinanood dahil nalaman kong ang dami palang chop-chop na eksena at iba ang pagkaka-dub. In fairness, parang mas gusto ko siya sa BOF.
Eto yung compilation ng mga nakakakilig na eksena (salamat sa YouTube):
Love the Koreanovela, love the songs ... aba, may ibubuga pala talaga sila, huh!
Inagiw na ang station ko sa sobrang kaabalahan! May gagamba pa. Todo na 'to!!!
Todo na talaga pang-Todos Los Santos! Panalo ang mahiwagang mga kamay ni designer Waf. Oo nga't marami ang nag-decoration ng cobwebs, kakaiba ang sa Bistek floor k'se natural na natural. Mga mukhang batugan ang mga tao na walang oras maglinis.
Huy, hindi porke lawit na ang dila n'yo sa dami ng calls eh exempted na sa paglinis. Hala ... linis!