<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Monday, November 29, 2010

KOC @ 14

Venue: Galas QC and ABS-CBN

Binalibag Ni Choleng ng 9:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 27, 2010

HP7: 1 of 2
Matapos ang ilang beses na pagkakabinbin, natuloy na rin ang movie watching ng TNT at gaya ng dati, sabit na naman kaming mga alipin ng nasabing tribu.

Worth the wait naman dahil Harry Potter and the Deathly Hallows Part 1 ang tampok na pelikula sa walang kamatayang Greenbelt. Mas bongga ang laps ngayon di tulad ng huli na tila pang-recess ng kinder. Medyo mahaba nga lang ang pila bago makakuha ng food at sobrang tagal bago nagsimula. Nakant'yawan tuloy akong kumanta, pamatay-oras. Ganun? Kahiyaan na, kumanta ako ng ilang linya ng Out Here On My Own. Napaligaya ko naman ang mga tao kahit papaano. Hmm ... pwede na akong maging isang singer na stand-up comedienne. Why not?

Anyway, kadami-daming rekotitos, nagsimula din ang palabas. Sa sobrang ganda, tinulugan ko yata ang halos kalahati ng pelikula. Ha! Ha! Not that I'm saying na hindi maganda dahil siguradong maganda dahil Harry Potter nga eh pero ikaw na ang halos 16 oras na gising, di ka tumimbuwang?

Basta, panoorin at maganda siya. Kahit itanong n'yo pa sa mga katabi ko!

Photobucket


Short program before the film


Photobucket


Hotdog, nachos and mamam ...


Photobucket


... is equal to one happy preggy


Photobucket


.... and a happy me!


Photobucket


One of TNT's finest, SNavaaaaal

Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, November 25, 2010

Anak kita?
Alam kong nasa edad na ako pero naiirita ako kapag tinatawag ako ng Mommy dahil unang-una, hindi ko naman kayo anak at pangalawa, hindi naman ako Mommy and will never one (bitter? Nah! Just keeping it real)

Pakitaktak yan sa mga kukote ninyo, okay? Okay!

Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, November 23, 2010

At 3 and 40
Isa'ng wrinkle na naman ang nadagdag sa noo ko. What the heck, age is just a number. It's okay to be 40 just as long as you look 30.

Oo na, kahit ano pang sabihin ko, 43 na ako!

Birthday 2010

Binalibag Ni Choleng ng 7:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 21, 2010

Pa-Canton

Photobucket

Location: La Immaculada Concepcion Cathedral

Birthday ko sa Tuesday, si Pao sa Miyerkules. Ano pa nga ba eh di pa-Canton bago mag-practice? The best talaga ang pancit ng biglang-liko, samahan pa ng siopao-Binondo.

Try nyo. D'yan sa Dahlia.

Binalibag Ni Choleng ng 11:06 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, November 19, 2010

Ba't di tayo maligo ng Mountain Dew?
Nasa kasarapan kami ng pagngata ng kapatid ko ng Chili Lime sa KFC nang biglang mag-brownout at sa gulat ko, natabig ko ang drinks ko.

Ako: Muntik na namang maligo ang cellphone ko ...

Napansing kinukunan ng picture: P*ky* ka!

Salamat, Meralco. Ang lagkit ko!!! (Sisihin ba ang Meralco sa pagka-clumsy) Kaya nga ba ayokong sumasayaw in public, may nangyayaring sakuna!

Binalibag Ni Choleng ng 11:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Idols Elims Week 2
Excited pa naman ako dahil opening number daw ang Idols 09 at umaasang muli naming kakantahin ang Don't Stop Believin' pero dahil marami ang hindi available saka luma na raw yun, sabi ni Chie, ibang number na lang ang niluto n'ya -- mash-up ng Rhythm of the Night (El DeBarge) at 1,2,3 (Gloria Estefan and the Miami Sound Machine). Bagong-bago!!!

Okay na ako dito pero nagulantang ako nang sabihing may back-to-back duet at closing number pa (The Prayer a la Glee?)

Over! Over-exposure at kulang sa oras! -- 'yan ang sigaw ng damdamin ko pero dahil nasa program na, hindi ko na lang ibinulalas bagkus kinausap si Chie na opening number saka duet lang ang kaya ko at iminungkahi na 'wag na yung closing k'se wala nang oras mag-practice. Sa totoo lang, ayaw na nga ring sumali ni Anz dahil hindi niya alam ang mash-up songs pero napangatwiranan ko na nasa program na ang intermission numbers saka last guesting na 'to. Next week, ibang idols naman.

To cut a long story short, nakapag-practice din naman. Madali lang ang mga kanta kaya nagkahugis matapos ang dalawang sessions. First time naming nakasama nina Chie, Anz and Roel sina Kim (ka-batch namin sa Idols 09) at si Jayron, Top 2 sa Idols 08 na suwerteng pumayag palitan ang ka-idol naming si Larry na namamalat daw. Pare-parehong mahilig sa musika kaya nag-jive kaagad.

Kulang sa practice, kulang sa tulog, eto ang resulta. Maganda naman daw, sabi ng mga nakapanood pero sa tingin ko, mas maganda kung mga limang sessions pa ang practice at mas maraming microphone! Grabe, naunsiyami yung a capella intro namin tapos papasok na si Anz dahil siya ang una pero wala pang gumaganang microphone. Kaloka!


Rhythm of the Night-1,2,3 Mash-Up (parang Glee lang)

Photobucket

Sige, sayaw!

Photobucket

Sabi sa programa, duet daw nina Jas and Jayron mula sa Idols 08 pero dahil hindi available si Jas, Chie and Jayron na lang tapos kami ni Anz pero last minute, umatras sina Chie dahil hindi nila naayos ang kanta. So kami na lang ni Anz. Naghahanap kami ng silid para makapag-practice at makapagpainit ng ngala-ngala bago sumalang pero wala kaming nakita kaya ayun. Sabak ng walang warm-up. Ugh! Sabit!


Gab, na-miss namin ang power of CMaj7. Ang taas ng Minus One!!!

Photobucket

Hay, nakaraos na naman ng guesting. Sa isang linggo, manonood lang talaga ako ng bonggang-bongga. Lalo pa ngayong pinabalik sa competition si Ainah (T&T) dahil umatras ang isang taga-Domestic gawa ng sugatang ngala-ngala. Umaarangkada rin ang manok ng kasalukuyan kong team, ang Enterprise Partners, si JR Monton. Naaalala ko ang sariili ko sa kanya -- walang masyadong alalay at laging sariling diskarte. Dark horse din?

Tingnan natin.

Binalibag Ni Choleng ng 11:05 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 14, 2010

Mga Hirit Hinggil sa Sapakang Pacman-Tornado

Photobucket

  • Salamat sa AM station, real time ang panonood ... este, pakikinig namin ng bugbugan. Sorry, wala kaming budget pang-Pay-per-view.
  • Sobrang daming beses nang naging ring announcer si Michael Buffer sa mga laban ni Pacquiao, matatas na niyang nabigkas ang Pacquiao at Sarangani.
  • Mas maganda kung kinanta ni Zyrene Parsad ng a note higher ang Lupang Hinirang. Nagmukha tuloy walang dating at walang kabuhay-buhay. (Di ko siya kakilala kaya nag-Google pa ako. Third placer pala siya sa isang patimpalak ng Kapuso, yung Are You The Next Big Star?). Hay, supot ang kinang ng kanyang bituin dahil sa pagkakakanta n'ya pero at least, tahimik ang NHI. Para sa akin, La Diva pa rin ang may pinakamahusay na rendition ng ating Pambansang Awit.
  • Magaling at maganda ang pagkakakanta ng mga Dallas Cowboys Cheerleaders kahit nakakaabala ang P*ke shorts nila.
  • Sandali lang ang laban nang pinakinggan namin sa radyo kahit umabot ng 12 rounds pero nang maipalabas sa TV, sus! Pwede ka pang umidlip sa pagitan ng sandamakmak na commercials. Grabe, hindi pa ba sapat na tadtad ng advertisements ang salawal ni Pacman???

Photobucket

  • Sa pagkakapapak ni Pacman sa Tornado, pinatunayan n'yang isa talaga siyang Mexican Destroyer
  • Salamat sa pagkapili ko ng heads, nanalo ako sa pustahan. Girlie, sarap ng pizza. Nanalo rin ako sa wakas!

Photobucket

Photobucket

Hanggang sa muling bakbakan at pustahan! Sana Mayweather na para ibang lahi naman ang puksain ng Pambansang Kamao.

Binalibag Ni Choleng ng 9:33 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 13, 2010

Ayokong mag-pose! Gusto ko candid! Anub ... Huy!

Photobucket

Location: Starbucks Columns; Photographer: Lovely Clemente

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Bistek at 2

Wala akong balak dumalo sa ikalawang anibersaryo ng Bistek dahil nahirapan akong nakauwi noong isang taon (halos P400 yata ang taxi ko mula Bellevue hanggang sa amin) pero nang malaman kong Mahogany, Ususan ang venue na 20 minutes away lang sa amin, aba, attend ako bigla.

Madali para sa akin, mahirap sa karamihan. May mga nahirapang hanapin ang venue at gabi na nakarating, meron namang tuluyang nawala at nagpasyang hindi na lang dumalo pero kakaibang kamalasan ang inabot ko. Hindi nga ako nawala -- nagwala naman ang strappy sandals ko. As in napigtal pagpasok ko pa lang sa function room!

Photobucket

Pilyang Figlia

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Di bale sana kung andun lang ako para kumain at uminom pero kakanta ako! Ano'ng isusuot ko, yun baon kong sinelas? (wag isnabin, Charcoal naman!)

Mabuti na lang at nasa di kalayuan si Irish (training at QA manager ng Bistek) na alam kong halos kasing-size ko (siya yung nagpahiram ng purple outfit sa Idol last year). Nilapitan ko at ibinulong ang nangyaring disaster. Medyo nag-panic din ang bruha pero nakaisip agad ng paraan. Isusuot ko muna ang gorgeous nyang shoes pag kakanta na ako, siya na muna ang magsisinelas.

Photobucket

A song for Madam Virg ... Hero

Photobucket

Nakaraos!

Pagkakanta, change footwear agad kami ni Irish. Okay na. Kebs kung nakasinelas ako habang gagala-gala sa party. Maganda naman ang dress ko, wag na lang tumigin sa paa!

Photobucket

Aura pa? Nakasinelas naman!

Photobucket

Photobucket

OPT/PSG/Tech/Main Team -- Winner!!!

... pero Minus 10 talaga kaya sandali lang at nagpalit na ako ng damit at muling isinuot ang streetwear attire na suot ko papunta.

Photobucket

Aura pa rin. Ayan, bagay na ang sinelas!

Photobucket

Tableau with Kei (Nang mahuli ni Sir na pumepetiks si Choleng)

Photobucket

With Bistek's Main man Ray Richardson. Naka-coat ka? Huh! Naka-shirt and jeans ako ... at nakasinelas!

Photobucket

Hataw!

Photobucket

Finale number courtesy of Ross, TJ, Ira and Borgy ... the ABBA!

Lesson learned, magdala ng extra shoes kapag strappy ang sandals ... lalong-lalo na kung matagal nang di naisuot ang shoes at nasa taguan lang.

Hay, singtalas ba ng pangil ng Better Business Bureau ang DTI? Irereklamo ko lang ang Figlia! Grrr!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, November 12, 2010

Season 6 na!
How time flies.

Parang kailan lang, hindi kami makakain, makatulog, makapagtrabaho ng maayos at halos sumabog ang iPods at MP3 players sa paghahanap ng kakantahin pero heto at simula na naman pala ng APS Idol. Weh! Tapos na kami kaya wala ng masyadong stress. Guesting na lang ang magpapagulo sa balahibo namin nina Chie, Anz and the rest of Idols 2009.

Kakaiba ang Idols ngayong taon dahil bukod sa Singing Idol, meron na ring Dance Idols at medyo challenging ang pilot episode dahil sasayawan ng Dance Idols ang Singing Idol.

Whew!
Buti na lang walang ganyan nung panahon namin. Magsuot nga lang ng lambat halos lumubog na ako sa kahihiyan, magsayaw pa kaya in public!

Anyway, heto ang ilan sa mga larawan. Enjoy!

Photobucket

Different stage, same hosts



Back-to-back-to-back

Photobucket

First note ... ting!

Photobucket

Inseparable ... nakana ko rin in public!

Nandun pa rin ang effect ni Anz kay Judge Orly ... ayun oh!

Photobucket

Interview portion

Photobucket

Season 6 Judges

Photobucket

T&T's bet for this year, Ainah (Go, girl!)

Photobucket

Team to beat, TH2

Photobucket

Laglagan portion ... I know how you feel, guys

Nakakalungkot isipin na ang dati kong ni-represent na T&T team ang unang natanggal na Singing Idol bagama't matay ko mang isipin, hindi siya ang dapat nalaglag kung palinisan lang ng kanta at pagandahan ng voice quality ang pag-uusapan subali't gaya ng parati ko'ng sinasabi, hindi naman ako ng judge kaya manahimik na lang ako.

Unang linggo pa lang, tatlong Biyernes pa bago ang Top 3. Sino-sino kaya? Excited na ako!

Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, November 10, 2010

Isang araw sa jeep biyaheng Guadalupe-Pateros
Una kong napansin Pasko noong isang taon subali't tila naging all-year-round na ang mga batang sumasampa ng jeep at pasuray-suray at isa-isang aabutan o ipapatong sa bag, hita o braso ng mga pasahero ang gula-gulanit na sobre. Hindi nagmimintis ang isang araw na may batang umaakyat sa sinasakyan kong jeep (minsan nga dalawang beses pa) pero kakaiba ang batang sumampa kanina.

Nang karamihan sa pinamigay nyang sobre ay bumalik sa kanya na walang laman, nag-iiyak ang bata. Nagpapadyak habang panay ang nguyngoy ng "ang sobre ko ... ang sobre ko..." Yun pala, may nawawalang sobre (bilang nya?)

Nang iabot ng isang pasahero ang sobreng napunta pala sa ilalim ng jeep, biglang bumaba ang bata at sa nanlilisik at nanunulis na nguso ay sumigaw ng ubod-lakas:

MGA GAGO KAYO!!!

Irate???

Binalibag Ni Choleng ng 11:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 07, 2010

SMM

Snow Magnet Musica

Eto yung banda ng ka-Idol naming si Gabriel. Nagsisimula pa lang pero nag-umaapaw ang potensiyal at determinasyon na makubkob ang industriya ng musika.

Glenn, Pau, Mike, Gab and Pao -- Ordinaryong mga pangalan pero hindi mga ordinaryong nilalang dahil punong-puno sila ng talento.

Check them out!

Binalibag Ni Choleng ng 11:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 06, 2010

Taunang Panunurot ... este, panunuri
"Talaga bang ganyan ang tuhod mo?' tanong ng Doctora.

"Yes, Doc" sagot ko pero gusto kong bulyawan na, "Oo Doctora. Matagal ng buto-buto ang tuhod ko, wala ng pakialamanan!!!"

"Hindi ba sumasakit yang varicose veins mo?"


Sinipat ko ang tinuro. Sus, katiting na ugat, kala mo nagsalabat na ugat sa gubat ang tinutukoy.

"Hindi po."

Hay, kaya ayoko ng Annual PE, binubulatlat ka na nga, nasisimpleng lait ka pa.

Ano kayang resulta? Hmmm ...

Binalibag Ni Choleng ng 11:07 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com