BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Wednesday, August 30, 2006
Galak na galak sa Galas
08.27.06
Nag-set ng kitakits ang KOC (Key of C) para makipagkita kay Jourdann, dati naming choirmaster at isa nang "bantog" na scholar sa Italy at kasalukuyang nagbabakasyon sa Pinas.
Kinulit-kulit ako ng bata na mag-schedule ng gimmick pero nang planado na, ang kumag nag-text na di makakapunta dahil may performance daw ng Sunday at kailangang mag-rehearse at magpahinga. Ay, sus!
Nakapagplano na rin lang, napagkaisahan na ituloy na rin tutal matagal na ring hindi nagkikita-kita ang KOC and besides, kung hihintaying makumpleto ang tropa, baka uugod-ugod na kami hindi pa rin kami magkikita-kita.
Teka, tama na ang ngalngal, ngasab at ngawa. Let the pictures do the talking.
KOC (L-R) Ligaya, Choleng, Macho (the Halliwels), Atty. Boyet (master of the house) Mannix, Arbitrario bro's Paeng and Bonj (Paeng, ba't solo ka?) and Ed (not in picture k'se sya ang photographer)
Lafang!
May cake pa!
Highlight of the evening ... piano bar with inlababo Mike
Mistress of the house Maru with Macho
Back to back to back to back ... Mannix ala Ariel Rivera (Top) Macho and Bonj belting out "Till My Heartaches End" (Bottom)
Di lang kantahan, may sayawan pa (Top) Macho and Ligaya ... Singkil? (Bottom) Choleng and Ed doing a palasak folk dance routine
Saya ano po?
Mas masaya nung uwian. Gaya ng nakagawian, nagkanya-kanyang balot ng take home eh ang Ligaya sa pagmamadali, ibang supot ang nabitbit ... puro pichi-pichi ang nakuha!
Switching of "balots." Ha! Ha! Ha!
Hanggang sa susunod na kitakits. September 30 daw. Pihadong WWR na naman ... Wild, Wacky at Riot! (Akala nyo radio station noh?)
Binalibag Ni Choleng ng 10:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Mula puno hanggang bunga
08.25.06
Kamayan ang original venue ng birthday dinner ni Girlie, youngest sister ko, pero dahil kumpleto ang pamilya (yes, perfect attendance), nalipat ang dinner sa Kenny Rogers Megamall. Lugi naman kse sa "eat-all-you-can" ang mga bata and besides, fried chicken talaga ang malapit sa puso ng mga chikiting.
Nakumpleto na rin lamang ang pamilya, napagkasunduang magpakuha ng family picture after dinner.
Heto ang kinalabasan:
Cabusora, Lizertiguez and Vince-Cruz family ... nasa bonggang stool ang biyuda de Cruz
Wacky naman!
Thanks to my good friend Architect Larry Lim for scanning the pictures. Ang laki ng natipid namin. Alam nyo ba sa Fuji, P300 something yung package (isang 8R at anim na wallet size) pero kanila yung file at kung gusto mong bilhin, P500 isang image.
Hanep sa negosyo!
Binalibag Ni Choleng ng 8:59 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Hirit lang kay Anonym Mus
08.24.06
Walang dating sa akin ang email nang una kong mabasa pero habang binabalik-balikan at ninanamnam ang laman, ang balak ko'ng pananahimik ay isasantabi ko muna. Hindi ko talaga maatim na hindi mag-comment lalo na't mga "morning shift" ang binabatikos dito.
Hindi na ako magbabanggit pa ng detalye hinggil sa ugat ng issue dahil baka mahahalungkat pa ang di naman kahalu-halungkat. Ewan ko nga ba kung bakit isinulat ko pa to eh halos patay na ang issue. (Naku, kung hihingi kayo ng kopya ng email, mabibigo kayo. Lahat ng may kopya ay burado na.)
Hayaan nyo na lang na sagutin ko ang mga kasagot-sagot na bahagi ng liham (libre naman eh) na bagama't hindi ako ang isa sa "lucky" recipients, karampatan lamang na sumagot ako dahil unang-una, "haligi" na ako ng morning shift at sa halos tatlong taon kong pamamalagi dito, ngayon lang nangyari na may nagpadala ng anonymous hate mail patungkol sa mga pang-umaga.
Heto ang mga kasagot-sagot na tinutukoy ko:
You all know what I am talking about and you all know what you did. Hmmm ... ano nga bang ginawa namin? Matay ko mang isipin, "nanukso" lang naman kami at di naman bawal yun, di ba? Kulturang Pinoy na ang manukso sa isang pares na mukhang nagkakapalagayan ng loob -- higit pa sa isang environment na madaling magkakahulugan ang loob dahil sa "propinquity."
Susme, ang pseudo-love team nga na itago na lang natin sa theme song na "Inseparable" sagad hanggang buto - mapaharap o mapatalikod - hayagan ang ginawa naming panunukso pero walang naging issue. Ano namang ipinagkaiba nila?
I cannot comprehend the reason for such behavior towards a very kind and caring person. Ano nga yung "such behaviour" na yan? Inapi ba? Minaltrato ba? Pinagtulungan ba?
Let's not forget that everyone ate the fuckin food that she has bought for all you dogs out there. Ay, foul 'yan! Si Celia Rodriguez at Donya Menang lang ang ipinunumbat ang mga ipinakain! I'm sure kahit ang bumili ng fuckin food na yan ay ni hindi naisip isumbat ang ipinakain nya dahil mabait siyang tao. Umayos ka!
There can be no sweeter and more harmonious shift than the morning DR shift, Or so we thought. Well BULLSHIT! Everyone is just trying to be close to anyone just to scoop a morsel of gossip. What a nice reputation. Matapobre ka na, opinionated ka pa. Close naman kami talaga (I'm referring to the "original" AM shift ha) at ang samahan namin ay walang anumang bahid ng kaimbabawan, kaartehan o kaplastikan. Ilang buwan na rin kaming magkakasama, taon pa yung iba, kaya kahit papaano, may malasakit at pagpapahalaga na kami sa isa't-isa ... alam na namin ang kanya-kanyang likaw ng bituka. Baka ibang "morning shift" ang tinutukoy mo ... wag mo namang lahatin!
I have never seen such well orchestrated friendship. Everyone SEEMED to be family. Hindi "seemed" ... talagang family kami at hindi yan orchestrated. Again, I'm talking of the "original AM shift." Again, let's not "generalize."
M*m* has not done nothing wrong to them for her to deserve such connivance. What connivance? Mabigat na salita ang "connivance" ha. Parang pinagtulungan eh, inapi, kinawawa, pinagkaisahan ...
The infamous word becky has been used to describe the homosexuals. And there are one or more homosexuals involved in this magnified controversy which are either friends or foes. Natapos ko nang basahin ang letter pero hindi ko pa rin alam kung ano talaga yang "magnified controversy" na yan. Hay, bahala ka na nga. Opinyon mo yan eh.
Kung sino ka man Anonym Mus, I think you're making mountains out of a molehill. Walang minaltrato, walang connivance, walang sunog ... usok lang.
Ayan, nakahirit na ako. Makakatulog na ako ng mahimbing.
Binalibag Ni Choleng ng 8:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Kawawang basahan
Matapos gamitin, itatapon na lang sa sulok.
Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 20, 2006
Wish ko lang!
Noong una, wala akong interes na panoorin ang Deal or No Deal dahil tingin ko hindi siya kasing-informative ng Game KNB? tapos sobrang arte pa ni Kris tuwing magtu-two thumbs up sign (Deaaaal ...) sabay sideview tapos may-i-ilandang pababa ng kamay mula sa saglit na pagkakakrus (or No Deaaal...)
Kabuwiseeet!!!
Deeeaaal or no deeeaaalll ... Agh!
Pero dahil iyon ang palaging pinapanood ng nanay ko tuwing dinner, no choice kundi makipanood. Sorry na lang ako, naka-glue na sa channel 2 yung TV sa kusina!
Sa kapapanood, nakahiligan ko na rin at ngayong naintindihan ko na ang mechanics (dati nagtataka ako kung bakit piso na nga lang ang laman ng briefcase eh tuwang-tuwa pa sila), nae-excite na ako kada bukas ng maleta courtesy of 26K at naaaliw na rin ako sa sense of humor ng "banker" na hanggang sa ngayon ay nananatiling nakatago ang pagkatao (in fairness, mukha namang Papa-material base sa silhouette). Hindi ko lang talaga nae-enjoy ang dance number ng 26K (siguro dahil naiinggit ako sa alindog nila) pati na rin ang nakakairitang Deal Or No Deal stance ni Kris.
26K (I can think of 26 words that could stand for K pero wag na lang ...)
Iba't-iba ang pagkatao ng contestants, iba't-iba rin ang dahilan kung bakit sila sumali pero iisa ang layunin - ang magkamal ng limpak-limpak na salapi.
May suwapang, may segurista, may takot, may palaban. Kung ako ang sasali, may naisip na akong reason for joining the contest. Sasabihin kong para sa annulment ko sabay kuwento ng mapait kong nakaraan na alam kong ikatutuwa ni Kris dahil maurirat ang hitad na yan. Hah! First time na yan ang rason pag nagkataon!
Pero hindi magkakaroon ng katuparan yan dahil unang-una, hindi naman ako nagte-text para sumali at sa tingin ko, mas may higit pa ang pangangailangan kaysa sa akin kaya hayaan na lang natin sila.
Dagdag kaalaman? Punta kayo rito:
http://en.wikipedia.org/wiki/Deal_or_No_Deal http://en.wikipedia.org/wiki/Kapamilya,_Deal_or_No_Deal
Binalibag Ni Choleng ng 8:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, August 14, 2006
Hungry? Dial 885-DR
Ang inyong matutunghayan ay bunga ng malikot na pag-iisip ng alibughang anak ni Johnny Delgado.
Read on ...
DR Menu for the DAY
1. Pork BOBBY-Q P12 per tuhog
2. GINA-taang alimasag P50 per tikim
3. Pinaupong Peking DOC P20 per bite
4. CLIO-wing kambing
5. Sinigang na ka-VIVI
6. CAMERON Rebosado
7. FIDELITOng galunggong with PAMINTAan
8. Dinugu-ANNA
9. MEL-nudo
10. PARK and beans (out of place ba?)
11. SASHI-mi
12. sPAMPIG sandwich and sioPAO asado
13. KAYE-nin (all you can)
Drinks:
1. Orange JULIUS P30 per sipsip
2. AI's Tea (oo, Aileen ... ikaw toh!)
3. fRAFFYchino
Dessert:
1. Nata ni OKO
2. RICHIE flan with arroz a la VALENCIA-na
3. Sans RIA-val
4. JEAI-latin
Nakakatakam, di ba?
Epekto lang ng down time. Buti na yan kesa personal windows! (mmmmm....)
Sa wala dito, wag magtampo. More to come ... pag sinumpong ulit si Julius.
Binalibag Ni Choleng ng 5:06 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
FY!
08.12.06 Kung dati palaka ang pinag-trip-an ko, ngayon manok naman ... yung pang-kahig nya! Dati pa naman akong nagluluto ng paa ng manok pero ngayon lang ako nakakita ng ganitong porma:
Pero mas nakaaliw ang Mommy ko (napansin nyo ba yung nasa background?) Akalain nyong nakisakay din sa trip ko?
Okay, altogether now ... Now you know kung saan ako nagmana ng kakulitan.
Binalibag Ni Choleng ng 1:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Intimate pa rin ang Intimates!
08.09.06
Last time nagkita-kita ang Intimate Friends was 2002 kaya hindi magkamayaw ang chikahan, tawanan at chismisan nang magkita-kita kami ulit sa Megamall last Saturday.
Roll Call (L to R:) Wilma, Cecille, Me and Pac Ella ...
Late ... Imee (kasama pa rin si Ella) ... Absent: XTY
Naku, nabulabog ang apat na sulok ng Pizza Hut at kung puwede lang siguro kaming ipagtabuyan ng mga crew paalis, siguro ginawa na nila kse mahigit na apat na oras yata kami dun!
Matagal nang nabuo ang aming samahan, way back Pocketbell days pa (sa sobrang tagal, di ko na maalala kung anong circa ... 90's yata!) pero matagal mang hindi kami nagkikita-kita, hindi halata dahil sa kakulitan namin. Parang kahapon lang kami huling nagkita!
Mga Retaso ni Mrs. Abedejos (Cecille) at Mrs. Cruz (Hindi ako, si Wilma!)
Marami mang pagbabagong naganap sa barkada -- nadagdagan pa ng anak ang may asawa't anak na, nagkaaasawa na ang single, nahiwalay na sa asawa ang nag-asawa, nagka-boyfriend na ulit ang walang boyfriend at naghihintay pa rin ng Mr. Right ang walang boyfriend -- pero isa lang ang hindi natitinag at nabubuwag ... ang aming pagkakaibigan.
God knows kung kelan mauulit ang masayang reunion na ito pero panigurado sa muli naming pagkikita, kami pa rin ang Intimate friends na makukulit, maiingay, tsismosa, oo nga't mga nagkakaedad na pero may asim pa rin!
Binalibag Ni Choleng ng 1:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Bidyokehan sa Pandacan
Ilang mga revelations sa bonding session namin sa haybol ni Clio:
1. Maganda ang legs ni Clio. (Mas katakam-takam kung tinuloy nya ang pagsuot ng pekpek shorts)
2. Mas magaling kumanta si Bobby kapag nakasiksik sa kili-kili ng may kili-kili.
3. Hindi lang pang-comedy, may ibubuga rin sa pagkanta si Julius.
4. "Napakataas" ng boses ni Clio.
5. Magaling kumanta... este, magpakanta si Richie.
6. With feelings kung kumanta si Doc.
7. Kamukha ni Clio ang nanay niya ... at magaling kumanta, huh!
8. Tanggap na ng pamilya Hermosura na si Vivi ang long lost sister ni Clio.
9. Dance diva si Anna.
10. Masarap magluto ang nanay ni Clio. Lalong nagpasarap ang ideya na libre ang lahat.
11. Kamukha ko raw si Jermaine, pamangkin ni Clio. (Cute ko naman!)
12. Ang guwapo ng asawa ni Aileen pero pinaka-cute pa rin sa paningin ng host si John (huwahaha!)
Clio, maraming salamat sa masaganang piging. Unforgettable ang mechado at mamasa-masang canton pati na rin ang hospitality ng family mo! Siguro naman napatunayan mo na sa lola mo na marami kang kaibigan ... na matatakaw!
Salamat at sana maulit muli!
Binalibag Ni Choleng ng 1:34 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Nyeeh!
08.08.06
Tanong ko sa customer: "What package do you want, Total Choice or Total Choice Family?"
Sagot ng customer, "No, I want Total Choice ... I don't have a family..."
Hmmmm ... Gustong maging mainstay ng Going Bulilit!
Binalibag Ni Choleng ng 12:03 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 13, 2006
ConVerrrrrrsion!
08.07.06
After 2 years and 5 months, nakaramdam ako ng inis sa account ko!
Nagsimula ang lahat nang malaman kong instead na PRIO1 ako sa isang account eh BackUp na lang ako at kahit ibinalik ako ng direct supervisor ko sa PRIO1 eh pilit pa ring ibinabalik sa BackUP. Ibinase raw sa "conversion."
So, ako na halos haligi na ng account na ito pang-back up na lang?
Sa hindi familiar kung ano ang conversion, ito yung number of sales over number of valid calls. Bilang ng benta versus bilang ng tawag. Under valid calls, kasali ang ang Customer Service calls, mga existing customers na hindi na puwedeng bentahan pa ng satellite service dahil existing na nga eh; mga orders na hindi natuloy dahil walang credit card ang customer o kung meron man, wala namang laman; o dili kaya may credit card nga at may pondo pero bagsak naman sa credit check at ayaw magbayad ng $200 para sa advanced programming deposit. Kasali rin dito yung nag-down ang system at wala kang magawa kundi patawagin na lang ulit ang customer na panigurado pag muling tumawag eh hindi na sa yo mapupunta ang benta.
Parang tukso naman na mula ng bumula ang bibig ko sa issue ng PRIO noong nakaraang Lunes hanggang ngayon, inaalat ako. Ang calls ko, kung hindi Customer Service, Credit Check Cancel (ayaw magbayad ng $200) Funds Unavailable o dili kaya system error.
Eh ano nga bang ipinagpuputok ng butse ko?
Simple lang ang tinutumbok ko. Madalas walang kapangyarihang pigilan ng isang agent ang paglagapak ng kanyang conversion. Alangan namang utusan mo ang customer na huwag tumawag kung wala silang credit card o kung mababa ang credit standing nila. Kung newbie siguro ako, masasabi na kaya hindi ako nakakabenta ay dahil weak ang rebuttals ko pero magtatatlong taon na ako rito. Siguro naman kung expertise din lang ang pag-uusapan, mas lamang ako di ba?
Hindi makatarungan na ibase ang lahat sa stats dahil hindi naman reliable yun. Numbers lang yan. Puwedeng imanipula, puwedeng doktorin. Ang skill, nade-develop yan. Built-in. Innate. Hindi puwedeng doktorin.
Teka nga, bakit ba ako nagsisintir at nagmamarakulyo eh ako na nga ang mapapahinga?
Honga!
Binalibag Ni Choleng ng 11:45 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, August 06, 2006
The Case of the Stolen Toothpaste
Dahil sa kakekembyular, naiwanan ko ang kikay kit ko sa CR. Hindi ko nga mapapansin na nawawala kundi nang magtu-toothbrush na ako.
Hanap dito, hanap dun, lahat ng cubicle pinasok ko na; pati buong station ko binaligtad ko na pero hindi ko nakita. Last resort, tinanong ko ang guard kung may nag-surrender. Meron nga pero ang guard, precautionary effect pa, "sige nga, ma'am, ano'ng laman nito ..."
Enumerate naman ako. Toothpaste, unang-una kong sinabi, Colgate Confidence yung malaki, with cooling crystal (commercial pa), kabibili lang, maliit na suklay ... face powder ... lipstick ... Aba kasabi-sabi ng guard, "Ma'am, wala pong toothpaste dito ..."
Akala ko nagbibiro lang sya pero ipinakita sa akin ang log book. Andun, nakalista lahat ng laman nang kikay kit ... puwera ang toothpaste!
Toothpaste na halagang P50 pinag-interesan pa. Akalain mo yun???
Binalibag Ni Choleng ng 12:18 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, August 03, 2006
Bawal ang pork ... beans... hipon ...
Tanong ng customer, "Okay, so what's the contract?"
"Alright, it's an 18 month contract (teka, mali! sa kalaban yun!) ... I'm sorry, 12 YEAR contract (na-realize ko mali ulit) ... I'm sorry, 12 months ..."
Mantakin nyong with conviction ko pa sinabi yung 12 years ha. Saan ka nakakita ng satellite service lang eh labindalawang taon ang kontrata!
Ayan, hindi ko tuloy nabentahan ang ungas. Dyaske!
Langya, wala namang pampa-distract ewan ko ba kung bakit naging mali-mali ako. Kamalas-malasan, yun pa ang na-QA!
Note for E4. SS should stay focused in handling the call. Ex. contract is only for 1 year, not 18 months or 12 years SS was able to correct herself.
Di na po mauulit. Hirap ding maging katawa-tawa!
Binalibag Ni Choleng ng 7:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, August 01, 2006
PaSUKOB naman!
Kung may sakit sa puso, hindi dapat panoorin ang Sukob. Hindi naman sa sobrang nakakatakot ang movie pero ang daming "panggulat" na eksena kaya kahit ayaw mong magpaapekto, wala kang choice kundi nerbiyusin.
Maganda ang plot at well-executed ang parallelism na ginamit sa eksena nina Sandy (Kris) at Diana (Claudine).
Iisipin mo sa simula na flashback ang eksena ni Diana at mapagkakamalian mo pang siya si Helen pero panggulo lang pala sa plot si Helen. Ang tunay na sukob ay ang walang kamalay-malay na magkapatid na sina Sandy at Diana na anak sa labas ni Ronaldo Valdez.
Medyo OA ang mga ipinakitang consequence ng "pagsusukob" sa kasal (o libing man) pero sige na nga, for arts sake at saka horror naman siya kaya sige lang.
Sa totoong buhay, wala namang family members na mamatay tapos sa halip na bangkay eh wedding paraphernalia ang makikita (i.e. belo, kandila, aras, cord). Maraming kaso ng sukob pero wala namang masamang nangyari.
Ayon sa matatanda, kaya bawal ang "sukob" eh tila nagkakaroon ng rivalry o paligsahan ang estado ng buhay ng magkapatid na sukob sa kasal. Eh kahit naman hindi sukob di ba nangyayari rin ang ganito?
Para maiwasan na lang ang ungusan, huwag na lang. Ngayon kung nagkataong maganap ang tulad ng nangyari sa Sukob (ayan ha, hindi ko ganong kinuwento para manood kayo) purely coincidence na lang yun.
Eh bakit naman tayo "susukob?" Wala namang masamang sumunod sa pamahiin, di ba?
Makisukob sa payong, puwede pa. Nyeeeh! (Going bulilit ... going bulilit...)
Binalibag Ni Choleng ng 8:13 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tivo is my tipo ...
07.27.06
Kung hindi kayo masyadong familiar sa Tivo* (pronounced tee-voh) better watch Click starring Adam Sandler dahil featured dito ang ilang function ng kakalokang equipment na ito.
Ngarag na architect ang papel ni Papa Adam dito at dahil hirap sa time management, ayun, nahumaling sa remote control. Nakakaaliw ang movie. Nakakaiyak din. In other words, gagawin kang luka-luka!
Sa hindi pa alam kung ano ang Tivo, hindi po ito pagkain (you know, steak... T-bone ... mwe he he...) isa syang device na mukhang DVD player pero mas high tech kse "you can pause live TV, rewind, do slow motion, create instant replays and even record two shows at once while watching something else..."
Ay, pagod na ako sa pagpapaliwanag. Punta na lang kayo dito:
http://en.wikipedia.org/wiki/Tivo
Sorry na lang, wala pa sa Pinas nito at hanggang sa lupain pa lang ni Jerry Yan nakakaabot. Eh kelan tayo? Pag marami nang pambili ng bigas ang sambayang Pilipino.
Binalibag Ni Choleng ng 7:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|