BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Bumigay?
Isang nakakaantok na umaga ...
Benta na ...
Choleng: Thanks for ordering, Jose ... regards to Christina and all our kabayans out there (Pinay ang asawa ni Mang Jose, The Mexican)
Jose: Salamat. (Nagtagalog!)
Choleng: Walang anuman. (Nagtagalog din!)
Nagising ang nakakatulog ko ng katabi.
Lesson: "Kapag kinausap ng English, sumagot ng English; kapag Tagalog, eh di Tagalog ... at magdasal na okay lang sa QA ..." (JT, peace tayo!)
Binalibag Ni Choleng ng 4:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Karagdagang Kampon ni Buruka
10.26.06
Naikuwento ko dati ang bruha sa Taguig Post Office at kamalas-malasang malas, nakatagpo ako kahapon ng mga kaklase nya sa NBI Carriedo.
Ilang minuto lang ako dun pero sa ilang sandaling yun nawindang, nabuwisit at nagmukha akong tanga. Salamat sa mga "pleasant" at "accommodating" na tao sa NBI Clearance Center.
Lunes, nagpunta ako sa NBI kiosk sa Megamall para magpa-renew ng clearance. Kailangan ko k'se sa passport application. Dahil sa GINA CRUZ, hindi na-release ang clearance ko bagkus pinapunta pa ako sa Carriedo for verification. May kapangalan daw ako. (Ano pa nga ba?)
Carriedo? Di ba Taft ang NBI? Hay, nalipat na pala. Maryosep, hindi ko alam pumunta dun! Sayang naman ang P115 ko kung hindi ko aasikasuhin!
Huwebes nagkaroon ako ng lakas ng loob na puntahan ang NBI Carriedo dahil sinamahan ako ni Clio. Parang labyrinth pala papunta dito! Kung mag-isa lang ako baka kung saan na ako pinulot.
In fairness, mabilis ang proseso sa Clearance Center kaso nga lang, ang susungit ng mga tao. Step 3, 4 and 6 na nga lang ang gagawin ko pero natikman ko ang hagupit ng latigo nila.
Mga buruka!
Step 3 : Quick Search
"Resibo," sabi ng babae (o lalake?). Binigay ko naman kasama ang naka-attach na lumang NBI Clearance. Kinuha tapos may kinutkot na kung ano tapos pahagis na binalik sa akin ang papel. (Muntik nang lumipad!) May itatanong pa sana ako pero napansin kong wala na siyang pakialam sa akin kaya umalis na lang kami ni Clio.
Step 4 : Image Capture
Kodakan. Sa pinakamaigsing pila kami humanay ni Clio pero nang turn ko na, tinuro kami ng mama sa kabilang station. Tsk! Medyo mahaba ang pila sa itinuro nya. Tyempong naka-eye contact ko ang mama (o ale?) sa katabing station kaya pa-sweet kong tinanong, "Puwede?" Tumango naman kaya agad kaming pumunta sa kanya.
Akala ko mabait pero impakta din pala. Agad akong pumosisyon sa white board pero sabi ng bruha, "D'yan sa white board, tingin sa camera ..." (alam ko naman pero standard dialogue yata yun ... kailangang sabihin otherwise may QA deduction!)
Nung pumuwesto na ako, mataray na sinabi, "Kailangan ko rin ang resibo..." Hawak ni Clio ang bag ko pati resibo, iniabot sa akin. "Eto..." Saglit akong umalis sa puwesto para kunin at iabot sa kanya pero paasik niyang sinabi ang "standard dialogue" sabay naiiritang iminustra na bumalik ako sa puwesto.
Ilan kaya ang katawan ko para magawa ng sabay ang gusto nya? Paksyet!
Gusto kong sakmalin ang hitad pero ayokong gumawa ng eksena. Nagpigil ako. Pak! Kinunan ako ng picture nang hindi ko nalalaman, tiningnan ang resibo at tulad ng mama (o ale) sa Step 3, ganap na akong naglaho sa paningin nya kahit nasa harapan pa nya ako.
Step 6 : Registration
Akyat kami ni Clio sa kasunod na palapag. (Yes, last step!) Asang-asa ako na makukuha ko na ang clearance pero may itinatak ang mama sa resibo sabay sabi, "Balikan mo bukas ng hapon."
"Ano?" Angal ko. "Galing pa yan sa Megamall."
"Kelan ka ba galing ng Megamall?" tanong ng mama. Kelan nga ba? Iniisip ko pa pero bago ako makapagsalita, nasopla na ako. "Dapat k'se dinala mo agad dito."
Nangina naman! Alam ba nila kung gaano kalayo ang Megamall sa Carriedo para madala ko agad? Hindi naman pagkuha ng NBI ang buhay ko! Sasagot pa sana ako pero naisip ko hindi naman ako mananalo kse taga-NBI siya, ako isa lang hamak na manggagawa na "nagpapasuweldo" lang naman sa kanila! Balikan daw, eh di balikan. Buti na lang, game pa rin si Clio na samahan ako.
Nagtataka lang ako. Oo nga't lima singko ang pangalan at apelyido ko pero siguro naman ako lang ang nag-iisang Gina Cruz na Lizertiguez ang middle name, noh? Hay, Computer Age na nga tayo pero lahat kumplikado pa rin. Buti kung convenient magpunta sa Carriedo eh makikipagpalitan ka muna ng mukha bago makapunta dun.
Step 7 : Releasing
Anyway, the next day, nakuha ko naman agad ang clearance. Awa ng Diyos, walang masungit. Ito yata ang department na mababait ang tao. Siguro dahil releasing lang. In fairness, kahit buraot ako sa Step 4 eh lumabas na galak na galak ang larawan ko.
Hindi halatang windang ano?
Hay, valid for one year daw ito. Eh di pag renewal panibagong kalbaryo na naman. Sana may Clio pa rin na aagapay sa akin.
Talking about "kalbaryo," pauwi, nagpenintensiya pa ako. Tatlong matatabang boylet ang katabi ko sa gitna ng FX. Ang masama pa nito, may putok yung nasa kanan. Siksik na siksik ka na nga, traffic pa dahil Biyernes, tapos mula Quiapo hanggang Pasig, sinimsim ko ang kanyang aroma. Hay! Ang sakit ng tiyan ko pag-uwi.
Hmp! All that trouble para lang sa clearance. Taena, hassle! (Expression lang 'to ha!)
Binalibag Ni Choleng ng 3:45 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, October 24, 2006
Changes ... changes ... changes ...
Iba't-ibang pagbabago, pera lahat ang katapat.
Sabi ni Clio 8,000 lang daw magpapalit ng pangalan. Christopher k'se ang tunay n'yang pangalan eh girl na girl pa naman.
Clio ala Luisa
Sagot ko, "Buti ka pa yan lang kailangan mo. Ako 100,000 para bumalik sa dati kong apelyido."
"Pangdede ko na yan," sabi ni Clio.
Ibalik na lang natin sa pangalan ang topic.
Pahabol:
Sa tingin nyo ba kelangan pang gastusan ang ganito'ng kagandang cleavage? Hindi ba't katakam-takam?
The Real Thing
Wag na!
Binalibag Ni Choleng ng 11:52 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Konsiyerto sa Hacienda Lucero
10.22.06
Alam ko team building ang okasyon pero tsura ng isang bar sa Malate ang tahanan ng mga Lucero sa galing ng mga performers na hindi naman po professional singers kundi mga hamak na fANNAtics at isang Party Timer.
Bago simulan ang "palabas," binigyan muna namin ng masusing atensiyon ang dining table kung saan nakaahin ang katakam-takam at higit sa lahat libre'ng food na mismong ang mapagmahal na asawa ni Anna ang nagluto (buti na lang hindi s'ya ... hahaha!)
Sino ba naman ang makakahindi sa fried lumpia, grilled pork at ang "orgasmic" na nilagang baka ni Jolex na tinernuhan pa ng malinamnam na pastillas ni Ram at nakapagpakalimot-ng-pangalang brownies at carrot cake ni Dana. Hay, sarap!
Nang mabusog, pinatahimik na sina Boy Abunda at Kris Aquino at isinet-up na ang Magic Sing.
Opening number si Ram at may naisip na kalokohan! Hindi ko pa nga na-gets nung una pero ito yun ... Habang kumakanta si Ram ng Eternal Flame, mula sa likuran nya, bigla kong sinambot ang next stanza tulad ng age old drama ng ASAP or SOP kung saan magugulat (kunwari) yung may birthday kse may surprise guest na biglang magpapatuloy ng kinakanta n'ya tapos ang loka, may-i-cover pa ng kamay ang bibig ... yakapan, iyakan ... ganung effect ba. So ayun ginawa namin kaya riot. Hagalpakan ng tawa talaga.
In fairness, all around performer si Ram. Mahihiya si Toni Braxton sa galing kumanta at "maglinis" ng carpet! Aba, may pahiga-higa pa pag birit part! Partida, may LBM pa yan. Pano ka kaya kung wala? Hindi lang Toni Braxton ang tinira nya, pati Bee Gees at Abba hindi pinatawad. Muntik nang bumangon sa hukay si Maurice Gibb!
Hindi rin nagpatalo si Bb. Fabugais. Oo nga't hindi kumakanta si Mitch pero siya naman ang official "Sing Along" girl (opo, taga-enter ng number at photographer ... PA?) at dancer. Ay, walang panama si Mystica at ang Whiplash Dancers!
Higit na gumanda ang "show" nang dumating si Dennis. Duet galore kami. Endless Love, Tonight, I Celebrate My Love, With You I'm Born Again, Islands in the Stream, Almost Paradise, lahat plakado. Pinakabongga ang "operatic" version ng Memories. Celine and Luciano, kayo ba yan? Hay, may napasigaw ng "Bravo!" at "Magnifico!"
Ay, ang saya-saya talaga! Kung puwede lang huwag nang matapos ang sandali pero hindi puwede dahil may pasok pa kinabukasan.
Bilang closing song, kinanta namin ang Joy to the World habang namimigay si Anna ng chocolates (caroling?) at ang encore number, siyempre ang rendition namin ni Ram ng pamosong Alone.
Anna and Jolex, maraming salamat sa accommodation at pasensiya na kung nadumihan ang "flawless" na sahig. (Ay, siyang tunay! Ang linis talaga. Puwede ka nang kumain sa CR at kahit dilaan mo ang sahig, wala'ng dumi'ng makukuha ... ganun!) Jolex, champion ang nilagang baka ... mapapaunga ka talaga sa sarap! Pakisabi nga pala sa may-ari ng Magic Sing papalitan ang gadget kse 93 lang ang score.
Ricky, Richie and Raymund aka Fly (3 R's): Kumusta naman ang team building within a team building n'yo?
Dennis, thanks for gracing our team building. Pangarap ko magkaroon din ang Party Timers at sana invited kami.
Dana, panalo ang brownies at carrot cake mo. Hoy, um-order kayo ha. Promise, sulit ang bayad nyo!
Len, next time dapat may production number ka na. Alam ko namang simpleng dance diva ka. Mina ikaw rin.
Joey, kahanga-hanga ang BF mo. Unang jamming pa lang pero he's like "one of us" na.
Ram, it's a pleasure to jam with you. Kahanga-hanga! Finally, nakakita ako ng makakabosesan. Isa kang tunay na alagad ng sining.
Mitch, keep on dancing! Aani ka ng tagumpay dyan.
Sana maulit pa ang ganitong karanasan pero wag lang yung parang sardinas sa isang taxi, ha. Maawa na tayo sa taxi driver na konti na nga lang ang kinikita tapos mapa-flat-an pa ng gulong. Magrenta na lang tayo ng sasakyan, ha!
Binalibag Ni Choleng ng 11:51 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Isang Hirit Pa
PG13 naman ang blog ko kaya hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang isa na namang "thought to ponder" ni Kagawad Muhammad: (O, mga bata. Takpan ang mata)
"Aanhin mo ang marangyang kama na yari sa narra, kung hindi ka naman masaya sa iyong kasama. Mabuti pang mahiga sa damo, kung kasama mo'y magaling kumabayo."
Oo nga naman.
Binalibag Ni Choleng ng 11:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, October 21, 2006
Sapatusin N'yo Ako!
Patawarin ako ni Mr. Sy pero may kabulastugan akong ginawa sa Megamall. Di ko naman sinasadya at ni sa panaginip di ko balak gawin. Kasalanan ng madaldal na dispatsadora, pera na naging bato pa.
Bibili naman ako talaga. May napili na akong shoes at kinukuha lang sa stock room eh ang tagal kaya tumingin-tingin muna ako ng ibang sapatos. Nu'n ko narinig sa isang saleslady, "Kokonti ang tao ngayon, natatakot k'se sa bomba ..."
Bigla akong kinabahan. Naalala ko yung email na nagpapaalalang huwag munang pumunta sa Megamall dahil balak pasabugin ng terorista. Teka, ano'ng date ba ngayon?
Paksyet, October 21!
Hindi ko na nahintay ang sapatos. Dali-dali kong nilisan ang mall. Saka na ang sapatos, ang importante, makakapagsapatos pa ako. 'Wag kayong mag-alala, babalik ako. Puntos din sa Advantage card yan, noh!
Binalibag Ni Choleng ng 9:19 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, October 20, 2006
Yellow! Goodbye!
10.18.06
Sabado pa dapat ang salo-salo pero out of the blue, nag-text ang Bonj na magpapa-pizza sila ni ka-COF Gwen sa Yellow Cab, Galle. A-24 na kse ang lipad ni Bonj pa-Singapore, si Gwen sa Guam, at baka magahol na sa oras kung hihintayin pa ang Sabado.
Ed, Aketch, Ollie and Bonj ... wala si Gwen binibili ang National
Dahil biglaan at alanganing araw (at ang lakas pa ng ulan!), hindi nakumpleto ang KOC-COF, karamihan may pasok. Kami lang nina Ed, Ollie at Macho ang nakarating kaya tiba-tiba kami sa pizza. Sorry nga lang kay Macho, late siya kaya 3 slice ng pizza'ng singlamig ng ilong ng pusa ang naabutan nya. (Masarap ba?)
Si Match at ang tira-tirang pizza
Sabi ko naman kay Ed, hindi kailangang manglibre. Ang importante magkasama-sama bago sila umiskyerda pero since they insisted, why not?
(L) Bagong gupit kaya emote (R) With Ed - feeling New Yorkers
Bonj and Gwen, mami-miss namin kayo pero alam ko namang para sa amin ang pagpapakasakit n'yo sa ibang bayan - para may maipadala kayong salapi, pang-pizza namin! Bwa ha ha!
Future OFWs - Ollie, Gwen and Bonj (B-b-bonj ... nasa NY na agad?)
Ingat at magtrabahong mabuti. Sunod kami dyan!
P.S.
Kudos to Leo of Fix Galleria, the official hairdresser of KOC-COF (sabi ni Ed)
Binalibag Ni Choleng ng 11:20 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Face-off!
10.20.06
Daming nagsasabi, kahawig ko raw siya.
Jang-dook and Jayna
Ano sa palagay nyo?
Binalibag Ni Choleng ng 11:14 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
rOHbin!
10.17.06
Sobrang palasak ang plot ng Till I Met You at sa pagkakaalala ko eh ilang beses nang ginamit sa mga Tagalog pocketbooks. Ilang eksena ang corny at di makatotohanan pero dahil si Regine at Robin ang bida, nagustuhan at dinumog pa rin ng tao. Isa na ako dun.
Yes, isa ako sa milyong-milyong nanood ng pelikula. Yes, I don't watch local channels and yes, I don't watch Tagalog movies pero pag Robin na ang kasali, abaaaa ibang usapan na yan.
Alam kong ka-cheap-an pero sa tuwing lalabas si Robin, kilig with sound pa ako. Alam nyo yung tunog ng impit na tili na may halong kilig? Ganun. ('Tong tanda kong to!) Kulang na lang sungalngalin ako ng mga kasama ko sa sine especially Park na parang diring-diri sa kakiligan ko. Ewan ko ba, iba talaga ang appeal ng damuho.
Anyway, wag n'yo namang isipin na puro na lang ako Robin, Robin, Robin. May mga eksena rin naman akong hindi nagustuhan tulad ng pakikipagtagayan ni Luisa sa mga tauhan ni Senor Manuel. Napaka-unlady like naturingang magiging first lady siya ng hacienda! Puwede namang makisama sa ibang paraan, di ba? Sus, sino namang matinong babae ang gagawa ng ganito? Hmp, sinakripisyo ang dignidad ng isang dalagang Pilipina maging katatawa-tawa lang ang pelikula!
Eto pa, ang Luisa at Gabriel, hayag-hayagan ang "intimacy" ... ay sus! Langgam lang ang pagitan ng mukha nila eh alam naman na ikakasal ang Luisa kay Senor Manuel. Puwede namang maging magkembyular sa lugar na hindi nakikita ng marami. Ano'ng gusto nila, pagtsismisan? (Selos ako!)
Isa pang nakakairita eh si Pekto na nakakakulili sa tenga ang mataas na boses. Ano ba 'to, kinapon?
Sa kabuuan, sulit na rin ang P120 dahil nabusog naman ako sa kaguwapuhan ni Robin (at si Clio sa "tambok" nito ... hehehe) Huwag n'yo na akong tanungin kung bakit gusto ko siya. Basta!
Hay, sana ako na lang si Regine!
Binalibag Ni Choleng ng 11:06 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, October 15, 2006
Mga Bagong Talasalitaan
Ilang beses ko nang natatanggap ito sa email pero hindi talaga maubos-ubos ang tawa ko.
1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis! , madalas na naamoy tuwing registration sa school, sa elevator o FX at sa LRT na hindi aircon.
2. KUKURIKAPO - ito ang libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maari ding mamuo kung hindi tlga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapo ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga. (Ouch!)
3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal subalit hindi talaga ito naaalis kahit bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipa-laser ito.
4. BURNIK - taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may mga BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y makipot na kasuotan ng paa, at manipis na swelas, mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki,available in blue, red, green etc.
6. BAKOKANG - higanteng peklat, itoy madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginagamitan ng sebo de macho habang natutuyo.imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, itoy mayroong makintab na balat na takip.
7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw at kapag tinapon ang panty o brief sa dingding, ito ay hindi mahuhulog pagkat dumikit na ng kusa sa dingding.
8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung kinamot mo ang pwet mo at may sumamang amoy tae.
9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wikaan na nangangahulugan isang estupidong tao.
10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong, na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
13. BAKTI - bakat panty.
14. ASOGUE - buhok sa kilikili. (Alam ko helium to eh)
15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon
16. BULTOKACHI - tubig na tumalsik sa pwet kapag nalaglag ang isang malaking tae. naramdaman ito kasi tumalsik sa pisngi ng pwet ang tubig sa toilet bowl.
17. BUTUYTUY - etits ng bata.
18. JABARR - pawis ng katawan
19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.
20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush...
Make sure to memorize ... baka tawagin ka minsan nito'ng mga terms na 'to, di mo ma-gets!
Binalibag Ni Choleng ng 9:47 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wow!
10.14.06
Finally, nabinyagan din namin ang Magic Sing ni Clio at totoong magic nga kse nakakaganda ng boses! Akalain n'yong pati boses ni Pacquiao, ang "trisyur" ng Pilipinas eh nadaya? ("ugly" raw boses nya, sabi ni Morales ... bakit, kumakanta ka ba?)
Kaso lang parang Literature professor ko kung magbigay ng score ang hinayupak na gadget. Akalain n'yong laglag na nga ang matris mo sa pagngawa eh 80 lang ang ibibigay sa yo. Ang KURIPOOOOOT! (Hay naku, mareklamo sa Better Business Bureau!)
In fairness, sobrang convenient ng Magic Sing. Maliit lang siya pero nakapagpapaligaya ng maraming tao. May kamahalan nga lang pero ano naman ang pera kung marami naman ang mag-e-enjoy?
Magic Sing vs Karaoke Machine ... Panis!
Hala, bili na! Wow or Extreme, bahala kayo. Pareho lang yan, parehong gawang Pilipino, depende na lang kung sino ang gusto n'yo kina Regen at Pekyew.
Nagkalat sila ngayon sa malls. Own one ... maawa na kayo sa sales rep na maghapong nagngangangawa makabenta lang.
P.S.
Muchas gracias sa Hermosura family for the accommodation. Sabi ng mama ni Clio balik lang kami kung trip naming mag-unwind. Tara na, byahe tayo!
Binalibag Ni Choleng ng 7:13 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, October 13, 2006
Ang CPU sa stroller
10.13.06
Napukaw ang atensiyon ko ng isang babaeng maingat na binabalanse sa escalator ang baby stroller na imbes na baby ang sakay, CPU ang nakakarga. Ah, malamang dadalhin sa Cyberzone dahil tulak-tulak nya ang "epektos" hanggang ika-5 palapag ng mall kung saan doon din ako patungo.
Nasa likuran lang n'ya ako the whole time (pinauna ko s'ya dahil may tinutulak nga) kaya naobserbahan ko siyang mabuti (at nasamyo ang kakaiba n'yang aroma --amoy sibuyas na amoy putok na hindi mo maintindihan ... but that's another story). Napansin kong may mga kasama pala siya. Nauuna ang isang cute na cute na batang lalake na panay ang lingon sa kanya at sa bandang unahan, palingon-lingon din ang isang malaki at balbas-saradong lalake karga ang isang baby.
Aha! So ayun pala ang bata na dapat ay nasa stroller pero bakit parang may mali? Hindi ba dapat ang ina ang may bitbit ng baby at si Mr. Gupta ang nagtutulak ng stroller na may CPU?
Hmp! Biglang kumulo ang dugo ko pero ano bang pakialam ko? Eh sa ganoon ang kultura nila ba't ba ako nangengeyalam?
Hmp!
Binalibag Ni Choleng ng 11:15 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Mga Ginintuang Values Mula Kay Inay at Itay
10.09.06
Kung sinuman ang sumulat nito, nakakaaliw siya. Feel ko magkakasundo kami dahil pareho kami ng likaw ng bituka.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto n'yong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"
May katwiran!
Binalibag Ni Choleng ng 11:13 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Meet My New Avatar
10.08.06
Special thanks to my old buddy Ed (mukha'ng bata pero old po talaga siya ... hehehe!) sa pagpapadala ng kalaswaang ito.
Ano nga kaya't may babaeng ganyan sa totoong buhay? Nakow, fiesta ang mga kelots at mapapa-hesusmaryosep ng isang milyong beses ang mga thundercats!
Binalibag Ni Choleng ng 9:54 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Made in Japan
10.07.06
Hindi ko alam kung may katotohanan ang email na natanggap ko pero diumano, isa na namang record ang nilikha ng mga Hapon. Hindi detalyado ang ang kaganapan at puro larawan lang pero kung sakali mang totoo ito, wala na talaga akong masabi sa utak ng mga Hapon. No wonder isa sila sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo.
Ano nga ba yung record? Well, for sure pamumulahan ng mukha ang mga virgin at tataas ang blood pressure ng mga conservative. Dahil hindi naman ako conservative at lalong hindi naman ako virgin kaya walang effect sa akin ang article.
Eh ano nga ba yun? Well, diumano (laging diumano noh!) nakapagtala sila ng record ng pinakaraming sabay-sabay na nagtsuktsakan. Yes, orgy at kembyular galore.
Sayang at PG lang ang rating ng blog ko kaya hindi ko kayang ipakita lahat ang mga larawan pero para bigyan kayo ng ideya kung ilan ang nakilahok, eto yun ...
Kembyular galore!
Kung hindi pa kayo nakakatanggap ng email na to, hay kailangang makita nyo. If you want a copy ... habulin n'yo ko!
Binalibag Ni Choleng ng 9:26 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Virus!
10.05.05
"Check out my new website h t t p : / / w w w . c o n c e r t o 4 . n e t," sabi ng YM message ng friend ko.
Mahilig sa concerts at paggawa ng websites ang kaibigan kong ito kaya binuksan ko naman. Nag-"page cannot be displayed" pa pero lumusot din pagkatama ko ng spelling. Ano namang site 'to? Walang kuwenta. Sandamukal ang advertisements. Isip ko, asan ang website na pinagsasasabi ng kumag na ito?
Tinext ko ang friend ko: "Bonj, did you send this?" referring to the website. Hindi raw! Virus pala ang may kagagawan at ang lupit dahil lahat ng contacts sa YM pinapadalhan ng message every 10 minutes.
Patay! Na-contaminate pa yata ang PC namin ... ano'ng yata? Talaga! Nag-online ang kapatid ko ng madaling-araw, nakupo! User na nya ang nagpapadala ng messages tulad ng "Vote for Miss Vietnam..." at saka "Check out my new website... blah ... blah ... blah ..." Ang masama pa nun, ginawang default browser ng virus ang concert4.net at hindi puwedeng palitan!
Buti na lang, ATE ako kaya wala'ng nagawa ang kapatid ko kundi bumuntung-hininga at bumulalas ng "ate naman eh!"
Kutakutakot na scan at anti-virus ang ginawa. Ayun tumigil ang pagse-send pero pakiramdam ko, andun pa rin siya sa PC dahil simula nang ma-virus, naging pagong. Tila kailangang i-reformat.
Pagpasok ko kinabukasan. Nabasa ko sa advisory:
Please be informed of the new worm virus W32.Imaut.A. This virus spreads via Yahoo Instant Messenger in a form of a URL/HTTP address. If the user clicks on the said address to open, The worm will attempt to download files from the Internet to compromise the computer system.
Buset! Kung nabasa ko yan agad, hindi na-contaminate ang PC namin.
Hay, kaya kayo dyan, huwag maging gullible. Wag basta-basta open nang open at ang daming nagkalat na buwitre.
Hmp! Kung sinuman ang may kagagawan nito, ma-virus sana kayo ... ebola virus!
Binalibag Ni Choleng ng 6:56 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, October 04, 2006
Ang ganda ng lola ko!
Kung lola ko siguro to, matagal ko nang ibinitin ng patiwarik!
Ano yang tinatakpan mo, ha?
Madam, maghunos-dili ka. Baka magka-tsunami!
Binalibag Ni Choleng ng 11:01 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Ilaaaaaaw!!!
10.02.06
You don't know what you've got till it's gone ...
Totoong-totoo dahil lubha kong naramdaman ang importance ng kuryente ng mawala ito sa amin (pati na rin ang ilang milyong Pilipino) sa loob ng 4 na araw gawa ni Pareng Milenyo.
Walang TV at syempre, wala ring cable ... walang computer ... walang ref kaya maraming nabulok na food ... walang electric fan ... walang tubig ... walang ilaw ... grabe, lahat wala!
Nakakabuwang!
Kanya-kanya tuloy ng paraan ng paglilibang ang mga kapit-bahay. 'Pag umaga, nagmo-mall (naku, jampacked ang Megamall huh!) Yung walang pang-mall, nakipag-chikahan na lang sa labas ng bahay. 'Pag gabi, extended ang chikahan; merong naglabas ng gitara at nag-jamming (like my Dad) .. kahit ano'ng libangan na di kailangan ng kuryente ... ewan ko lang kung may nagka-isip pang "magkembyular" sa init na yan. Tatag, huh!
Kami naman ng kapatid ko eh digicam ang pinagbalingan ng pansin na buti na lang eh may karga pa. Hala, mag-kodakan ba sa dilim!
Heto ang isa sa mga shots. Artistic noh?
Milenyo, masdan ang ginawa mo ...
Naisip ko lang, kami nga na 4 na araw lang nawalan eh nawindang na, paano pa kaya yung ibang lugar na hanggang ngayon eh wala pa ring kuryente?
Hmp! Kung bakit kse may mga taong maitim ang budhi at nagawa pang nakawin ang kable ng Meralco. Lalo tuloy nagtagal ang restoration!
Kapal nyo!
Binalibag Ni Choleng ng 10:58 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Diyata't ... Datapwa't ... Subalit ...
10.01.06
In between jamming with KOC and Circles, muling napag-usapan ang aking kalagayan at sa ikalawang pagkakataon, inihandog na naman ni Papa Bo -- ka-choir, kaibigan, kumpare at isang abogado -- ang libreng serbisyo makaalis lang ako sa Cruz na kinapapakuan ko.
Ang plano eh sasampahan ng kasong "concubinage" ang ulangya at mula dun eh tuloy-tuloy na. Isang tanong ni Papa Bo ang hindi ko nabigyan ng kasagutan:
"Handa ka na ba?"
Handa na nga ba ako? Handa ko na ba siyang harapin? Dalawang taon matapos ko syang layasan ni hindi ko nakita ang dulo ng buhok ng animal at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon ko pag nakita ko sya. Nung minsang ngang inakala ko'ng siya ang nakita ko sa Pasig, nanlamig na ang kamay ko at madaan lang ako malapit sa Bambang bumabaligtad na ang sikmura ko. Paano kaya kung magkaharap pa kami?
Handa na ba akong mabulabog ang payapa kong daigdig? Panigurado kapag sinimulan ang kaso, hahalukayin pa ang nakaraan. Kailangan eh. Papaano kung matungkab ang langib likha ng sugat? Handa ba akong tiisin ang antak?
"In order to build, you have to destroy," ayon sa isang kasabihan pero handa na ba akong masira para makapagsimula muli?
Isang malutong na HINDI ang kasagutan ko sa ngayon. Eh kailan ako magiging handa?
Isang taon pa, puwede? Malay natin, ma-salvage eh di nakatipid pa ko?
Binalibag Ni Choleng ng 10:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
KOC Encircled!
09.30.06
Kahapon lang, nagtatanungan ang KOC kung tuloy ang planong triple birthday celebration nina Paeng, Mannix and Papa Bo sa Visayan-Bagong Buhay dahil marami pang lugar na walang kuryente gawa ni Milenyo. Awa ng Diyos, may kuryente na sa Villa Guerrero kaya tuloy ang ligaya.
Unang-una naming ginawa pagdating, naki-charge at nakipanood ng TV - dalawang bagay na ilang araw na naming di nagagawa dahil sawim-palad na wala pang kuryente sa amin. Sarap pala!
Mga Adik sa TV
Pero siyempre, hindi naman pakikipanood ng TV at pakiki-charge ang ipinunta namin (although parang ganun na rin dahil tutok na tutok kaming lahat sa TV at naghalinhihan sa outlet para mag-charge ng CP) kundi ang triple birthday celebration nga. (Ay, oo nga pala!) Matapos ang masaganang hapunan, sinimulan na ang jamming. Mas bongga ngayon dahil hindi lang piano bar kundi acoustic band na courtesy of Papa Mike's band - Circles. (Asenso!)
Lafang ... Birthday Cake ... Birthday Boys
Tamang-tama naman mas dumami ang "jammers." After gazillion kitakits, naka-attend sina Alma (who's leaving for the US middle of October) at Bads. Sayang at hindi nakahabol ang "surprise" guest na si Mogwai. Revencio, ano'ng nangyari sa yo?
Jammers - Choleng, Papa Bo, Macho, Maru, Alma, Ligaya, Bonj and Bads
Mistulang naging bar ang tahanan ng mga Guerrero. Mahusay ang banda at "bottomless" ang jamming at dahil kami-kami lang naman, wala nang hiya-hiya! Kanta kung kanta!
Enjoy na ang enjoy tuloy ang audience ...
Alive na alive!
Overflowing na ang entertainment, overflowing pa ang food kaya eat to death kami. Success na naman ang potluck! Yun nga lang nasira ang isang tradition. Walang switching of "balots" dahil walang nabalot. Mas marami k'se kami ngayon kaya konti lang ang natirang food. Hindi tuloy nalamnan ang mga dala naming baunan! Di bale, bawi na lang sa susunod.
Bandang 10:00, sinimulan na naming magpaalam pero na-delay nang na-delay dahil ang gaganda ng tinugtog ng Circles. Ginanahan pang mag-concert si Bonj kaya 11:00 na kami nakaalis talaga.
Hay, sana sa susunod may Circles ulit. Nga pala, if you want to see more of them, eto yung gigs nila: (Punta kayo ha!)
Sundays - Quattro, Timog Thursdays, Oct. 14, 30 & 31 - Café Lupe, Tagaytay
Mike and Minyong ... ambabangis!
Hanggang sa susunod na kitakits. Next week na yun, birthday ni Papa Bo. Bilis noh?
Binalibag Ni Choleng ng 10:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|