<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, December 28, 2006

Nang dahil sa S at Z
11.30.06

Nalabuan ang DFA sa authenticated birth certificate ko kaya humihingi ng mas malinaw na kopya. Natuklasan tuloy ang discrepancy sa birth certificate ko. Ang luka-lukang komadrona (patawad, Nanang), imbes na LIZERTIGUEZ eh LISERTIGUEZ ang isinulat (opo, sulat-kamay) sa birth certificate ko at isa pang blooper, ang gender ko ay Girl, hindi Female. Kakaloka!

Naku, kung hindi lang siya ang nagpaanak sa aming magkakapatid (mula sa akin hanggang sa ikatlo, yung bunso sa hospital na) pinakulam ko na siya. Kakaasar pa k'se yung dalawang sumunod sa akin, tama naman ang pagkakasulat niya ng apelyido. Unfair!

Mali na nga ang dokumento, lalo pang naging mali nang pirmahan ng magaling kong ama. Take note, signature over printed name yun pero ewan kung bakit pinirmahan pa rin. Dahil ba malabo ang mata n'ya, sobrang tuliro o sobrang na-excite sa pagsilang ko sa mundo? Hmp! Anuman ang dahilan, wala ng magagawa. Pinagdurusahan ko ngayon ang pagkakamaling nangyari tatlumpu't-siyam na taon na ang nakakaraan. Hmp! Mauunsiyami pa yata ang pagkakaroon ko ng passport.

Nang dahil lang sa isang letra.

Opo, isang letra lang ang iwawasto, sandamakmak na dokumento ang hiningi ng civil registry. ('Pag hindi ka nga naman pinanginigan ng taba!)

Eto yun:

Birth Certificate/Marriage Contract of Parents

Napagod lang ako sa kahahalungkat sa baul ng mga parents ko, wrong spelling din pala ang mga dokumento. Langya, iba't ibang pambabalasubas sa apelyido -- Kung hindi Lisertigez, Lazerteges, Lizertiga, Licertiges, Lazartige etc. etc. Kakatawa nga dahil pati Meralco bill at ultimong lapida ng lolo ko mali rin! Ang nakakaaliw, kahit mali ang spelling pirmado pa rin. Magaling! Magaling! Magaling!

Baptismal certificate

Awa ng Diyos, tama ang record ko sa libro ng simbahan kaso ang luka-lukang typist, wrong spelling ang pagkaka-type sa kopya ko. Whew! Hirap talaga ng kumplikado ang surname! Kinulit ko talaga na ulitin nya dahil kaya nga ako kumukuha ng kopya as supporting document sa correction of name ko. Inayos naman. Kaaliw, nalaman ko tuloy na bininyagan ako noong February 25, 1968.

Voter's Affidavit

Alam ko meron ako nito pero hindi ko matandaan kung saan ko itinaglo. Baka naiwanan ko sa Bambang, wag na lang!

SSS Record (E1/E4)

Isang malaking tsek ang mga dokumentong ito! Siyempre, ako na ang in-charge, siguradong walang mali sa information, noh!

Form 137

Nataranta pa ako nung una. Ano ito? Ibig sabihin kailangan ko pang pumunta sa Southern Rizal Institute at Mababang Paaralan ng Tipas? Susme, transcript of records lang pala, akala ko pahihirapan pa ako.

Civil registry records of ascendants

Siyempre wala nang problema dito dahil tama naman ang spelling sa birth certificates ng mga kapatid ko. Suya!

Bank Passbook

Cruz ang apelyido ko sa bank record, ewan ko kung may silbi.

NBI

Siyempre, may hiwalay akong kuwento tungkol dito! (See October 26 entry entitled Karagdagang Kampon ni Buruka)

Hay, hindi ko alam ang susunod na gagawin kapag kumpleto na ang requirements. Huwag naman sanang humantong sa pagpa-publish ng correction sa dyaryo... langya, gastos yun!

Nananawagan lang po sa mga magulang at magiging magulang. Ibayong pag-iingat lang po sa birth certificate ng inyong anak at magiging anak. Ikaw, Mommy, kahit na bangenge at duguan sa panganganak tingnang mabuti ang information sa birth certificate at ikaw naman, Daddy, tulungan ang asawa. Wala namang nawakwak sa yo at siguradong mas hindi windang ang utak mo para rekisahin ang dokumento.

Yun lang!

Binalibag Ni Choleng ng 6:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Sapilitang Pahinga
11.27.06

Nakailang Thanksgiving na rin ako sa PS pero first time in history na sapilitan kaming pinagbakasyon.

FPTO!

Akalain mo yun, pahirapan at sumusuka ka na ng dugo eh hindi pa rin aapbrubahan ang leave tapos ngayon, ipinagduldulan pa.

Hindi ako dapat naka-leave ng Friday, November 24 (November 23 sa US, Thanksgiving Day) pero pinatawag ako at tinanong kung gusto kong mag-leave, meron naman daw willing to cover for me. Umoo naman ako thinking na isang araw lang ang forced PTO pero heto ang text ng supervisor ko the next day, Monday na raw ang pasok ko.

Huwaat??? 5 araw akong pahinga kasama ang rest days? Maloka-loka ako. Tagal ko nang inaasam-asam to!

Bakasyon galore na rin lang, rampa dito, rampa doon ang ginawa ko.

Friday, November 24: Gora kami sa Robinsons Pioneer para manood ng Happy Feet. Okay pala dito. Kokonti lang ang tao tapos P100 lang. Sulit ang bayad dahil maganda ang movie, never a dull moment at mapapasayaw ka talaga sa production numbers.

Saturday, November 25: Umaga, natuloy na rin ang plano kong ayusin ang garden na mula nung sinalanta ni Milenyo eh hindi ko pa naaayos. Sus, yung paso ng palmera, napunta sa bubong ng kapit-bahay! Paano ko kaya makukuha yun?

After lunch, isinalang ko sa wakas ang The Devil Wears Prada na ilang linggo ko nang hiniram kay Clio. Hindi ko rin natapos dahil kailangan naming pumunta sa San Vicente, San Pedro, Laguna. Burol ng kapatid ng Dad ko.

Buong akala namin, alam ng Dad ko ang pupuntahan pero pagdating namin sa "manok" sa Laguna, dun namin na-discover na ang tanging alam lang ng Dad ko ay ang San Vicente. Hindi alam ang address, hindi alam ang house phone number pati cellphone number ng mga kapatid nya. Hindi rin sigurado ang apelyido ng kapatid dahil nag-asawa na. Nangkupo!

Ang magaling kong bayaw nagbaka-sakali. Tanong dito, tanong doon nakarating kami sa San Vicente pero dahil hindi nga alam ang address, nagpaikot-ikot lang kami. Sinubukan naming magtanong sa Barangay Hall pero ang tanging napala namin eh ang pakiki-CR ng Mom ko.

Makalipas ang isang oras, napagdesisyunan ding pumunta na lang sa bahay ng lolo ko sa Landayan at magpasama na lang sa kung sinuman ang nandun, na siya naman talagang original instruction. Susme, nagpaikot-ikot pa kami, sa Landayan din pala ang bagsak.

6:00 PM pa kami umalis ng Tipas pero 9:00 PM na nakarating sa lamay dahil sa nangyari. Gutom na gutom tuloy kami dahil wala pang dinner kaya pagdating, tinira agad namin ang nakahaing lomi at puto. Yung iba naiilang kumain sa lamay lalo pa't kaharap mo lang ang ataol pero masarap naman ang pagkain kaya keber kung katabi lang namin ang coffin. Besides, gutom na talaga kami.

Tsura ng eat and run lang kami dahil bandang 10:00 PM, nagpaalam na kami at malayo-layo rin ang biyaheng pabalik. Kinuha ko na ang lahat ng number sa Tita ko, landline, cellphone pati address. Mahirap na. Baka mawala na naman!

Hindi muna kami dumiretso ng bahay dahil pauwi, napag-usapan ang pamahiing "banlaw." Di raw dapat umuwi agad pag galing lamay. Dapat mag-"banlaw" muna. Kahit ano'ng gawin basta ang importante, di uuwi agad. Ayun, sa Chowking San Joaquin ang naging banlawan. Extension ng birthday celebration ko tuloy.

Sunday, November 26: Movie Marathon ito. After lunch, muli kong sinalang ang The Devil Wears Prada at sa wakas natapos ko rin. Naku, kung ako si Andrea (Anne Hathaway) unang araw pa lang iniwan ko na ang bruhang boss. Pero siyempre, walang kuwento kung ganun nga ang nangyari.

Nang matapos, isinalang ko naman ang Rent pero sa kapapa-rent ko, ayaw nang basahin ng player kaya Nanny McPhee na lang ang pinagtiyagaan ko. In fairness, maganda pala ang movie pero buti na lang hindi ko pinanood sa sine kse simple lang ang story. Akalain nyong dulo na ng movie ko nakilala si Emma Thompson. Kundi pa nawala ang mga kulugo, bakokang at na-align ang ngipin nya!

Di pa rin ako nasiyahan, Pamahiin naman ang sunod kong pinanood inspired by our recent visit sa lamayan. Ang corny! Buruka dapat ang titulo ng movie dahil ang lahat ng kababalaghan eh gawa ni 'Nay Magda ... este Jacklyn Jose.

Hay! Bukas, papasok na ako. Hirap ng ganito ng mahaba ang bakasyon, nakakatamad pumasok. Kung hindi lang mauubos ang leave ko, ie-extend ko ang bakasyon.

Teka ... Waaah! Apat na lang ang mako-convert kong unused leave!

Binalibag Ni Choleng ng 5:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, December 27, 2006

Trip Lang!
12.24.06

Gawi na ng Dad ko ang maglagay ng barya sa bulsa at gawi naman ng Mom ko na alisin at ilagay sa isang tila-pitsel ang mga barya. Makalipas ang ilang taon, heto na ang mga barya:

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting




Baryaaaa ... baryaaa kayo dyan!!!

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


A Happy Birthday after all ...

Dahil kagagaling lang ni Mudra sa hospital at nagpapagaling pa, hindi ko inaasahang mai-celebrate ng tulad ng dati ang birthday ko kaya laking gulat ko nang sabihin ng Mom ko na i-text ang mga kapatid ko at sabihing ituloy ang nakagawiang birthday celebration.

Ang "nakagawian" eh yung magdi-dinner ang buong pamilya sa labas tapos pupunta ng Greenhills para manood ng Mannequin show. Mababaw lang naman ang kaligayahan namin. Kahit saan, basta magkakasama kami at buo ang pamilya, okay na.

Dampa Macapagal sana kami kaso masyadong malayo para sa convalescing Mom ko kaya sa During's Kalawaan kami nagpunta. Nakakatuwa na ilang linggo nang hindi makakain ng maayos ang Mom ko pero himalang nanumbalik ang panlasa nang matikman ang mga lutuin sa During's.

Sino ba naman ang hindi gaganahan eh champion ang Lamong Barkada dito, isang bilao na may inihaw na liempo, chicken, talong, hito, ensaladang mangga at sandamakmak na kanin. Dinagdagan pa ng bulalo, spicy tokwa, sisig at spicy buttered sugpo. 'Wag kayong maingay, yung sugpo, niluto ko sa bahay at ipinuslit namin para mapulutan. (Pustahan naloka ang waiter pagkaalis namin kse bakit nga naman may sungot ng sugpo eh hindi naman kami um-order? Bwa ha ha!)

Anyway, ito ang Lamong Barkada ... try nyo at mamamatay kayo sa sarap!

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting

Lamong Barkada only in During's

Solb na solb ang kainan at ang pinakamaganda sa During's, mura pa. Susme, halos gumapang na kami sa kabusugan pero wala pa yatang P1,500 ang binayaran ko! 8 kami ha!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ayos na ayos ang lafang!

Makakain, tuloy na kami ng Greenhills para sa Mannequin show. Pangatlong taon na namin itong panonood ito but sad to say, hindi pa rin nahihigitan ang kauna-unahang tampok tungkol sa iba't-ibang paraan ng pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino with Gary V as narrator. Bongga!
For this year, Kristiyanismo mula sa mga Kastila ang tema. As usual, nakaka-amaze ang mga mannequin pero di kagandahan ang plot. Tulad ng nakaraang taon na tungkol naman sa isang "muling nagkabuhay na carnival," parang pinilit na ipagsaksakan ang Pasko sa storyline, masabi lang "pamasko." Anyway, panalo naman ang effects ng mannequin kaya enjoy pa rin.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mannequin show sa Greenhills ... mag-feeling turista ba?

Photobucket - Video and Image Hosting
Aliw na aliw rin ang mga Senior Citizens... Oo, aliw na aliw na ang
Dad ko ng lagay na yan ... hehehe ...

Photobucket - Video and Image Hosting
With my prettiest niece Jenny (k'se siya lang ang babae) and sis Girlie

Bukod sa mannequin show eh buhay na buhay rin ang night market kaya pagkapanood ng show (wala pa yatang 15 minutes) eh tumingin-tingin pa kami sa tiyangge at akalain nyong nakakita pa ako ng isang dating kabatak? None other than Dizzy Jojo of RX 93 Monster Radio ... well formerly dahil part time na lang daw ang pagdi-DJ at isa na siyang matagumpay na banker. Nope, hindi sa Deal or No Deal kundi sa isang tanyag na bank na itatago natin sa pangalang Citibank. Naging ka-close ko si Jojo nung nag-part time siya sa account ko. Kung hindi inalis ang part timers sa DR eh baka namamayagpag pa sila ngayon sa PS.

Photobucket - Video and Image Hosting
With Dizzy Jojo ... astig!

Saglit na kumustahan at chikahan at nagpaalam na ako sa magaling na DJ. Sabi ko batiin ako dahil birthday ko pero hindi ko sure kung nagawa nya dahil umalis din kami pagkakausap ko sa kanya. Well, sana binati mo ako, Jojo.

Happy ako at happy ang birthday ko. Wish ko sa birthday ko? Tuluyan nang "gumaling" ang Mom ko. Next year, may awa ang Diyos, sa Dampa na talaga kami ... pero hindi pa rin mawawala ang Mannequin show sa Greenhills. Sana naman pamasko na talaga ang tema next year.

Binalibag Ni Choleng ng 8:16 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


DFA Part 2

11.22.06

Di gaya nung Lunes, naging maayos ang appointment ko sa DFA. Maagang dumating si LD at dapat lang dahil ipapakulam ko talaga siya at sasamahan pa ng mag-asawang upper cut gaya ng request ni Ed.

Mga 10:00 AM pa lang, "natatakan" na ang papel ko (susme, number lang pala yung itatatak!) at nakapila na sa Appearance Area. Di naman nakakapagod pumila dahil nakaupo naman habang naghihintay at may libreng entertainment pa mula sa makulit at patawang liaison officer na tumutulong sa pagsasaayos ng pila.

"Happy Birthday!"

Lubha akong naaliw sa kenkoy na mama kaya bahagya akong nagulat na kinakausap na pala ako ng mama sa kaliwa. Saglit pa akong nag-isip kung pa'no nya nalaman sabay nangiti. Eh nakabalagbag nga naman ang birthday sa DFA application form. Sinuklian ko ng tipid na ngiti sabay "thank you."

"Ako rin," sagot nya sabay pakita ng application form. "Belated," sabi ko dahil November 18 naman siya. "Siya rin," sabay turo sa babae sa kaliwa nya na November 19 naman . Nagbatian at nagkatawanan na lang kami. Feeling close nung magkakatabi pero nung turn na namin, nagkalimutan at nagkanya-kanyang landas na. (Nice to meet you, guys ... whatever your names are ... )

Ang "appearance" palang tinatawag eh titingnan ka lang ng DFA officer ng mga 5 seconds, guguhit-guhitan ang application form at yun na. Eh dahil via agency ako, pagkatala ng pangalan ng travel agency, tapos na.

In fairness, maayos ang sistema sa DFA at ang pinakamaganda dun, mababait ang mga tao. Sorry, Buruka, wala akong nakitang alagad mo. (O siguro dahil hindi ako dumaan sa normal na proseso?)

Ngayon eh maghihintay na lang ako ng release. Finally, may passport na si Choleng! Singapore, ayan na kami!

Binalibag Ni Choleng ng 7:04 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Tsk ... tsk ... tsk ...!

11.20.06

9:30 ng umaga ang usapan namin ng kaibigan kong si Ed at taga-Travel Desk (TD) na si LD na magkikita-kita sa office para sa aming DFA "appearance." Ang pagpoproseso ng passport eh isa sa mga benefits sa aming company. Hindi naman libre pero at least, sila na ang mag-aasikaso ng papeles. Sa kasamaang-palad, may inayos daw sa Swiss Embassy si LD kaya 10:15 na nakarating. Halos liparin tuloy namin ang Department of Foreign Affairs (DFA) makahabol lang sa appointment.

Photobucket - Video and Image HostingPagdating dun, laking tuwa namin ni Ed dahil dire-diretso lang kami sa gusali. Isip-isip ko, "Bongga, hindi na kami pipila sa mainit at masikip na court ...tsura ng prinsesa ..." pero agad na napalis ang ngiti sa aming mga labi nang malamang walang authenticated birth certificate sa requirements ni Ed na matay ko mang isipin eh sabay kaming nagbigay sa TD kasama ng ibang requirements. Wala raw, sabi ng TD. Ako lang daw ang makakapag-"appearance." Sa inis ni Ed, binawi ang mga papeles n'ya at siya na lang ang maglalakad.

Ako naman lihim na nagdiwang nang igiya ako ng liaison officer sa Appearance area. Naisip ko, "Yes, hindi nasayang ang leave ko." Saglit kong sinulyapan ang tila naluging Intsik na si Ed (at lihim na nag-"belat!") bago sumunod sa mama.

Sunod ako. Sunod. Sunod. Maya-maya, naging balisa ang ungas. "Ma'am, upo muna kayo dyan," sabay talilis. Upo naman ako. Hintay. Paypay. Pawisang bumalik ang mokong. "Ma'am, wala na po yung nagtatatak. Hindi natin nahabol."

Tiningnan ko ang relo. Langya, 11:00 AM pa lang, wala na ang lekat na magtatatak? Napalingon ako sa Window 1 ... Window 3 ... sa isa at sa isa pa. Aba, isa-isa nang naglalagay ng tabing ng mga kawani. Hanep din naman, 11:00 AM pa lang lunch na. Parang gusto kong mag-amok.

"Pano na yan?" Tanong ko kay LD. "Kung gusto mo lakarin mo na rin," sagot ng ungas. "Pila ka lang dyan sa court."

Huwaaat???

Lumong-lumong iniwan namin ni Ed sina LD at ang liaison officer. Nagpa-reschedule na lang ako sa Wednesday dahil ayoko talagang pumila and besides, "tatak" na lang ang kailangan at tapos na ko pero si Ed desidido'ng lakaring mag-isa ang passport - iyun eh pagkakuha nya ng NBI Clearance at panibagong kopya ng authenticated birth certificate. Napagod at nagastusan pa, bandang huli siya pa rin pala ang maglalakad.

Oo na, Ed. I-upper cut ko na si LD para sa yo.

Binalibag Ni Choleng ng 6:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Back to the City

11.17.06

Wala pang isang linggo, balik-Medical City si Mudra dahil nanghihina at nahuhulog ang katawan. Ilang araw na kase'ng hindi makakain gawa ng paninikmura. Side-effect diumano ng gamot para sa mataas nyang cholesterol.

Thursday pa sana naka-schedule ang ultrasound ng laman-loob niya pero dahil hindi na makayanan ang "discomfort," napa-admit ng wala sa oras. Nakabuti na rin dahil napaaga ang procedures gawa ng mas binibigyan ng priority ng hospital ang mga naka-admit.

Photobucket - Video and Image HostingSus! Tatlo ang espesyalista ni Mudra -- isang cardiologist at dalawang IM (Internal Medicine) at halos baligtarin ang laman-loob sa mga procedures -- Endoscopy, ultrasound ng kidney, liver, pancreas pati na gall bladder. Awa ng Diyos wala namang nakitang kabaga-bagabag kaya para kaming nabunutan ng tinik.

Apat na araw ring na-confine ang Mom ko. Talagang tinapos ang procedures at matamang inobserbahan bago pinakawalan. Wala namang naging problema sa magbabantay dahil willing kaming magkakapatid kahit na kung tutuusin, hindi naman talaga kami kailangan dahil labas-masok sa silid ang mga nurses. Siyempre, iba pa rin yung may kasamang kapamilya at sino ba naman ang aayaw sa buhay-bantay? Pribado at de-aircon ang silid courtesy of Maxicare, napaka-comfy at wala kang gagawin kundi kumain, matulog at manood ng TV... ay, ikuha ng tubig ang pasyente (bantay nga pala ako!) Kahit nga kapatid ko'ng taga-Teresa, Rizal prisintado.

Oo na. Sabihin na nating maginhawa'ng magbantay sa Medical City, maganda ang amenities at mababait ang doctors at staff pero wish ko lang di na kami bumalik. Di bale nang walang aircon at di kagandahan ang CR, at least sa bahay nakakatulog ako ng tuloy-tuloy -- walang istorbo sa tulog at siguradong walang sakit si Mudra!

Binalibag Ni Choleng ng 6:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com