BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Monday, January 29, 2007
HeadSHET
Noong una, kinukuha lang sa kahon, ibabalik pagkatapos. Di naglaon, binigyan ng kanya-kanya pero pinasauli din dahil kinulang. Ipinirmi sa stations, nilagyan ng scotch tape para di basta-basta makuha pero talagang maabilidad, napagpalit-palit din.
Di pa nasiyahan, gumawa na naman ng panibagong pakulo pero sa dinami-dami ng pauso, walang tatalo sa isang ito. Kung dati nakapirmi at mortal sin na alisin, ngayon kailangan ikabit at alisin. Gulo no?
Ginawa raw ito para maobligang pumasok ng maaga ang mga tao. Ows? Walang mahusay na plano sa taong hindi disiplinado. Besides, ganun na ba kasama ang attendance para gumawa ng ganitong hakbang at bakit dito lang sa Dingga?
O siya, siya. Maganda naman ang objective ang kaso hindi plantsado ang plano para sa headsets ... ay OPO, tungkol sa headsets ito ...
Abala tuloy at pinsala.
ABALA sa mga supervisors dahil kung may ginagawa, matitigil o mababalam dahil kailangang asikasuhin ang kukuha at magsosoli ng headsets.
ABALA sa mga agents dahil imbes na makapag-set up agad, maghahagilap pa ng headsets pati na rin yung mag-i-issue. Iisa lang ang susi ng taguan kaya minsan hanapan pa ng may hawak ng susi. Kahit agahan mo, kulang pa rin ang oras! O, asan na ngayon ang objective na makapasok ng maaga ang mga tao?
PINSALA dahil araw-araw tanggal-kabit ang headsets tapos ipupulupot ... hah! tingnan natin pag hindi ilang linggo lang eh defective na ang mga yan.
Hay, buti na lang libre'ng magbunganga kaya ito na lang ang ginagawa ko. Isa lang akong hamak na tagasunod kaya susunod ako at maghihintay na mapagtanto ng mga nasa itaas na sablay ang latest na pauso.
Hay, gulo talaga dito ... parang b*lb*l!
Binalibag Ni Choleng ng 4:37 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Kuwarenta
01.29.07
Akalain nyong apatnapung taon na palang nagsasama sa iisang bubong ang aking mga magulang. Sa panahong uso ang hiwalayan, kahanga-hanga ang achievement nila!
Oo, inunos at dinaanan din ng sigwa ang kanilang pagsasama (at meron ba namang pagsasamang laging smooth-sailing?) pero kanilang nalusutan dahil kumapit sila.
Hay, nalulungkot ako. Hindi dahil naalala ko ang masaklap na nangyari sa sarili ko'ng buhay may-asawa kundi ang katotohanang malapit na akong magkuwarenta ... hu hu hu ...
Bakit feeling ko bata pa ako?
Binalibag Ni Choleng ng 4:21 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, January 24, 2007
Inganga ang ilong
01.24.06
Mahigit nang isang linggo ang sipon at ubo ko kaya naisipan ko'ng magpa-check up sa Clinica Manila, Megamall. Libre at convenient naman, bakit hindi sulitin ang Maxicare?
Ako ang taong bihirang magpa-doctor kaya hindi ko alam ang procedures na gagawin pag itse-check up. Matapos paupuin ng magandang doctora (Dra. Capuz) at tanungin kung ano'ng nararamdaman ko, inilabas n'ya ang isang tila martilyo na matulis ang dulo na gadget at inilapit sa mukha ko. Ngumanga naman ako pero laking hiya nang sa ilong nya ipinasok.
Ngek, akala ko sa bibig!
Tumawa na lang ako pero sa loob-loob ko, nakakahiya at nakakatawa!
Di na po mauulit!
Binalibag Ni Choleng ng 6:02 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Mighty Inggo
01.21.07
Ang inyong matutunghayan ay tunay na nangyari subali't para sa kapakanan ng taong nasasangkot, itago na lang natin ang bida sa pangalang Inggo.
**********************************
Sobrang ganda ng boses ni Inggo kaya madalas mapagkamalan siyang "voice recording" pero super super extreme ang eksenang n'ya kay Loka:
Inggo: Have you ever had Darak TV at your current address before?
Loka: No.
Inggo: That's great because just be signing up today, you get a DVD player for free.
Loka: Wait, I need to talk to a live person...
Inggo (flabbergasted): I am a live person ...
May recording bang sumasagot. Ay sus!
In fairness, magaling na agent si Inggo. Di lang maganda ang boses, magaling at matiyaga pa. Sablay nga lang siya nang minsang magreklamo ang isang customer. Ilang beses na raw syang tumatawag pero laging binabagsakan.
Hirit nya: "It's my pleasure to serve you and don't worry, i won't hang you up."
Ay, Inggo. Lalong magagalit yan dahil bibigtihin mo!
Binalibag Ni Choleng ng 5:57 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
The Babes, the Hunk at ang masuwerteng banana cue
01.20.07
Nagtaka pa ako kung bakit pagkalabas na pagkalabas namin sa back gate ng JG eh naging alumpihit ang mga kasama kong dalaga (Haydee and Clio) at 1,000 pagaspas per minute naman ang pilik-mata ni Kaye. Yun pala, sa tapat lang namin eh walang pakundangang kumakain ng banana cue ang hunk na si Jake Roxas. Oo, si Jake Roxas, the artista and model.
Sus, kung hindi pa nila sinabing si Jake eh hindi ko mapapansin. Simple lang siya, hindi mukhang artistahin at ni hindi mestizo. Sumulyap ako sa kinatatayuan ng mokong pero agad kong binawi, medyo napahiya dahil nakatingin pala sa amin (or rather kay Kaye ... o kay Clio?). Kakaiba pala ang ang dating ng hunk na ito ... makalaglag-salawal!
Close Up smile ang loko, enjoy na enjoy sa banana cue ... ilang segundo ko siyang tiningnan pagkuwa'y nagkunwaring hindi ko siya nakita. Hindi na ako lumingon hanggang makarating kami ng Valero at makasakay ng taxi pero ayon sa mga dalaga, hindi kami hiniwalayan ng tingin at totoo nga, nang kawayan ni Kaye (sabay sigaw ng "Ba-Bye" as if naririnig siya), nakita kong kumaway din ang hunk.
Flirt!
Pabirong inutusan ni Kaye ang driver na ibalik ang taxi sa JG pero buti na lang hindi sumunod. Mahirap ng magkasala, di ba girls? hehehe!
Hay, sana kami na lang ang banana cue na hawak ni Jake! Saraaaap!
Binalibag Ni Choleng ng 5:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, January 18, 2007
AI-yan na!
01.18.07
Simula na naman ng American Idol at talagang walang kakupas-kupas. Hindi maubos-ubos ang sira-ulong aspirant. Kasalanan ni William Hung.
Umarangkada si Ms. Hotness na kaboses daw ni Mariah pero boses maruya pala; si Freddie Mercury-wanna-be Red na boses ipis na na-spray-an ng Baygon; ang weird pair na Piglet at Tarsier pati na rin ang kapatid sa labas ni Chewbacca. Hindi rin nagpahuli ang Pinoy pero ako ang nahiya para kay Gng. Salgado dahil ipinamaraling may sakit daw at tuyong-tuyo ang lalamunan kaya hindi nakakanta ng maayos. Susme, kahit yata buong Laguna de Bay ang laklakin nya, walang mangyayari sa klase ng boses nya at saka 'neng, ang tunay na singer, kahit may sakit nakakakanta!
May mga times na unfair at minsan uncalled for ang comments ng judges especially yung sinabi ni Simon na "he looks like a creature from the forest," referring to Mr. Tarsier.
Tingin ko rin naging hindi patas ang mga judges kay Mr. Voice Coach dahil maganda naman ang timbre ng voice nya, mali lang ang napiling kanta. Eh bakit yung mga boses palaka, binigyan ng chance to sing another song pero bakit hindi sya? Panalo ang magkapatid na Indian pati na rin ang dopplerganger ni Shakira, Perla Meneses.
Isa na namang interesting na season, sa tingin ko. Manood pa tayo. Itsapuwera na ang Deal or No Deal n'yan.
Binalibag Ni Choleng ng 5:16 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, January 17, 2007
Usapang S, Z at Senglot
01.12.07
Nakuwento ko na dati ang requirements para lang iwasto ang isang letra. To cut a long story short, nakumpleto ko naman ang documents at dinala ko kay Aling Paning sa civil registry. Yup, first name basis kahit di kami close. Kasamahan k'se siya ng biyenan ng sister ko kaya nakiki-chummy-chummy na rin ako. Siyempre, kailangan ng PR para asikasuhin kang mabuti.
30-50 days daw ang processing pero dahil "close" kami ni Aling Paning, antedated ang application -- ginawang January 2 para mapabilis-bilis ang processing. Iba na ang may koneksiyon!
Isang letra lang ang papalitan P1,500 ang siningil sa akin. Langya, parang gusto ko na namang gilitan ang komadrona! (Joke lang, Ka Linda)
Ngayon, hintay na naman ako. Sana lang maayos siya bago matapos ang buwan para maka-book na kami ng ticket pa-Singapore. Excited na si katotong Bonj sa pagdalaw namin sa kanya dun, pano ako makakapunta kung walang passport?
Magmilagro sana!
Pahabol na kuwento:
Pagkagaling ng civil registry, dumaan muna ako sa karatig na Mercury Drug para sa pinabiling droga ng nanay ko. Katanga-tangahang tanga, malapit na ako sa amin nang mapansin kong resibo lang ang nabitbit ko -- wala ang gamot! Baba ako ng jeep, sakay ulit pabalik. Alam ko namang walang ibang dadampot ng gamot sa botika pero mas magandang makuha as soon as possible. Nakuha ko naman. Parang ipo-ipo, pagkakuha sibat agad.
Tagal bago may nagdaang jeep pabalik at nang may magdaan, sakay ako agad. Ang magaling na mama, todo de kuwatro na medyo nakadahilig pa eh nalamang may sasakay.
"Excuse me," mataray kong sabi sabay siksik sa kanya para umusog. Umayos naman ang mama kaso naka-de kuwatro pa rin. Isip-isip ko, ano ba to, trip ipitin ang itlog nya?
So ayun, umandar ang jeep. Mga limang minuto nang nakakaarangkada ang sasakyan nang mapukaw ang pansin ko ng tila naninilaw na bagay sa manggas ng t-shirt ng mamang ungas. Yellowish? .... Teka ... Langya, suka pala!
Eeeew ... lalo akong nandiri nang makita ko'ng pati pala sa upuan eh may suka ... kaya pala halos pahiga na ang upo ng mama para itago ang ginawa nyang "lugaw!" Buti na lang hindi ko naupuan sa pagsiksik ko sa kanya!
Tanghaling-tapat lasing.
Kadiri!
Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, January 13, 2007
I Love Work Force Part 2
01.06.07
Tuloy-tuloy pa rin ang GOOD JOB ng paborito kong department!
Start ng new sked, ganda ng manning! 3 sa C at wala sa D ... meron palang isa pero late. Ang nangyari, OTY na naging OT ang GY na C at D tapos pinag-early in ang pang-midshift para may coverage.
Eto pa, umusog lang ng isa ang rest day ko, from WED/THU to THU/FRI akalain n'yong binigyan pa ako ng interim rest day - pahinga sa Monday, pasok ng Tuesday to Thursday tapos off ulit ng Friday tapos dire-diretso na ng limang araw. Mag-straight daw k'se ako ng pasok kung di binigyan ng interim eh ano kaya itong ginawa nila? Di ba dire-diretso rin ang pasok ko?
Ewan ko sa inyo. Gaganda n'yo!
Binalibag Ni Choleng ng 7:39 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
I Love Work Force!
01.02.07
Sinimulan nung Christmas carry over hanggang 2007.
Nung pasko, 6 sa C, 2 sa D so ang nangyari, nanghiram sa C para tumulong sa D. Awa ng Diyos, walang na-abandon sa C at D.
Ngayong New Year, mas lumala. Isa na lang ang sa D at pinag-force leave pa yung isa. (Kumusta naman?) 3 lang ang C, di puwedeng magpahiram kaya kinayang mag-isa ng "diyosa." Buti na lang, cool na cool ang lone agent ng D, ni hindi umangal, nagalit o nainis! (Ibang klase ka talaga Clio!)
Sa pagkaalam ko, may mga "analysts" tayo para pag-aralan ang trend ng tawag para makapag-forecast at makapaglagay ng sapat na tao nang sa gayon ay walang abandoned calls eh ba't ganyan? Kung kelan Sunday at Monday na pinaka-weekend sa States saka dun maraming naka-rest day. Since time immemorial yun na ang trend ba't ganyan pa rin ang manning?
Itanong ko sa surot baka sumagot.
Buti na lang bumaha ng Krispy Kreme, at least may pakonsuwelo. Tsalap!
Binalibag Ni Choleng ng 7:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, January 10, 2007
Kasaling-kasali!
12.29.06
Kasal, Kasali, Kasalo ...
Comedy ang movie pero ewan at napaiyak ako. Well, nagkunwa-kunwarian akong naiyak sa katatawa dahil nakakahiya sa mga kasama ko pero naiyak talaga ako.
Siguro dahil ang daming eksena na naka-relate ako. Very realistic at natural k'se ang story pati na rin ang pag-arte ng mga artista lalo na sina Juday at Gina Pareno (na malaki ang hawig sa Mommy ko) at sige na nga, ikaw na rin Harry Potter... este, Ryan.
How I wish sing-taray ko si Juday nang harapin nya ang "babae" ni Ryan. Sabagay, kung sing-cute ba naman ni Ryan ang asawa ko eh ipaglalaban ko talaga pero teka, cute din naman ang nasira kong asawa. Ang kaibahan lang, hindi ko siya ipinaglaban dahil hindi karapat-dapat ipaglaban!
Si Ryan k'se, mahal talaga ang asawa kahit nangaliwa. Sabi nga eh, "hindi niya ipinagpalit kundi tumikim lang ng ibang putahe..." Yung case ko, hindi lang tumikhim ng ibang putahe ang damuho. Nag-take home pa at ang "kare-kare'ng nasa palayok" eh itinapon sa kaning-baboy!
Ang sobrang nakapagpaiyak sa akin eh yung hospital scene, kung saan humingi ng tawad si Ryan sa kapapanganak pa lang na asawa. Nung sabihin ni Juday na yung paghingi lang ng tawad ang hinihintay nya kay Ryan, nakita ko ang aking sarili.
Mismo. Ganyang-ganyan! Nang layasan ko ang nasira ko'ng asawa, hindi ko naman hiniling na magkabalikan pa kami o dili kaya ay humingi siya ng tawad kundi yung lang bang ma-realize at aminin n'yang nagkamali siya.
Asa pa ko!
Lalo akong naiyak nang sabihin ni Ryan na "siya lang ang tanging lalake na umamin na niloko ang asawa.
Buti pa siya!
Naku karamihan ng lalake, magkamatayan na hindi talaga aamin. Naalala ko tuloy yung naka-chikahan naming FX driver na nagsabing kahit mahuli pa siyang "nakapatong" eh hindi pa rin aamin hangga't hindi siya nagpa-p*mp.
Ganda n'yang madapa ... nakahubad!
Anyway, must-see movie po ito at sulit naman ang bayad. Tatawa, maiinis, magagalit at iiyak ka talaga.
Teka, ba't parang ginawa tayong luka-luka?
Binalibag Ni Choleng ng 6:32 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Mamang Masungit!
12.29.06
Business referral ...
Choleng: Sir, what's the business name?
Ungas: You don't have to know. I gave you my name and phone number, just let them call me.
Choleng: (Di pa nagpaawat) And for documentation, what's the nature of your business?
Ungas: That's none of your business!
Sungit! Masabugan ka sana ng pla-pla!
Binalibag Ni Choleng ng 6:00 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
New Pup in Town
12.28.06
Meet Nino, the wonder dog ... half-breed ... half-dog, half-kangaroo ...
Bakit Nino? K'se Ninos Inocentes ngayon.
Honga!
Binalibag Ni Choleng ng 5:43 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Laplapan sa Gerry's
12.27.06
It's not what you think it is.
Ang tinutukoy kong laplapan eh yung naganap sa fANNAticsTeam Building cum Christmas Party cum Birthday Party sa Gerry's Grill Park Square.
Laplapan dahil galore ang pagkain --crispy pata, pork sinigang, sisig, bulanglang ... walang pinatawad. Palinisan ng pinggan! Salamat kay birthday girl Dana, gumapang kami sa kabusugan sa halagang P50! (Sa'n ka pa!)
Nang maitumba ang mesa, exchange gift na. Di basta abutan ng gift. May konting effect. Pinakilala ang "baby" by saying something about them sabay abot. Gulat na gulat sina Mich and Mahdz dahil hindi nila alam na sila ang magkakapalitan ng gift. Hindi talaga!
Hindi man nasunod ang wish ng karamihan, especially Julius na napakaimposible naman talaga, happy rin dahil maganda naman ang kapalit, di ba Dana? Jayceebell?
Bilang pagtatapos ng party, isang maalab na laplapan... este, ismakan mula sa nagkatampuhang magsing-irog na Ricky at dyowa. Dumating din ang "kuya" ni Jhoey pero hindi namin naudyukang makipag-loveapalooza at baka makalimot... hehehe ...
Hanggang sa muling team building. Sana may sponsor ulit.
Teka lang, di pa tapos. Eto po ang pictures ...
Fannatics with ex-team mates Mich and Ricky (camera boy) and special guests Mahdz and Toots. Vins, Brian, Kaye2... belat!
Mga pa-cute at isang bangenge... oo, Ricky, ikaw yun!
Daanin sa softdrinks ang gutom!
Game na!
Dog for Joey, Pooh for me
The Kiss - Highlight of the party
Photos Courtesy of JuicePogi
Binalibag Ni Choleng ng 5:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Merry Christmas!
Binalibag Ni Choleng ng 5:15 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Kinuyog na Pasko
12.18.06
Lunch time daw ang Christmas party ayon sa text ni Big Brother, si Kiko na kaya ganun ang tawag eh sa bahay nila sa Burgos, Montalban lagi'ng ginagawa ang pagtitipon ng Kuyog.
Cast and Crew. Asan ang mga boys? Andun sa salawal ni Pacquiao!
May duty ako at 3PM pa ang out ko kaya pagpatak ng 3:01, lipad agad. Baka hindi ako makahabol sa "tradisyon" na may katagalan na ring hindi ako nakabahagi.
Anu-ano'ng tradisyon? Eto ...
Pot Luck
Basta nag-text na ng date, kasunod na nun ang toka-toka sa dadalhing food. Siyempre mas malaki ang sagot ni Big Brother. Sponsor eh!
Lafang ... Panalo ang pansit ni Kuya!
Giveaway
Walang palya yan. Taon-taon may munting ala-ala sa bawa't kapamilya. Hindi na pinag-uusapan ang halaga, ang importante may maiabot. Yun nga lang, dahil sa paulit-ulit na pagbibigay ng panyo, mug, keychain, suklay at bimpo, banned na ang mga nasabing items as giveaway.
Best giveaway award goes to ... Fatawa!
Para sa taong ito, dahil sandamakmak na coin purse ang natanggap namin kaya kasama na siya sa "banned items."
Parlor Games
Panis na ang Trip to Jerusalem at The Boat Is Sinking. Tatak Henyo naman for this year.
Mas masaya sana kung lahat nag-participate kaya lang, ang mga "barako" kung bakit sa dinami-dami nang araw, ngayon nila naisipang panoorin ang mga laro ni Pacquiao. Ipinagpalit kami sa boxing! Di bale, sumali naman ang mudra ni Myra pati na rin ang mga bata.
Mama and Gab - namimili ng mahirap na category!
Lani and Tek -- first to win. Mga henyo!
Pinoy Henyo -- Bata Batuta & Senior Citizen Edition
Gift-giving
Kailangan may tigi-tigisang gift ang Kuyog kids otherwise magrereklamo si Lance. Bilang nya yan! Wish ni Mariella dalawa ang gift nya taon-taon k'se di lang naman Pasko, birthday din nya.
Paramihan ng regalo!
Exchange gift
Old school na exchange gift pero exciting pa rin. Medyo well-off na ang Kuyog ngayon kaya bihira na ang maglaitan sa regalo.
Bunutan ng number mula sa mahiwagang palanggana!
Tek, salamat sa bimpo. Bibili pa dapat ako, buti na lang yun ang nakuha ko.
Take Home
Kahit ano'ng okasyon, hindi mawawala ito. Talagang sinosobrahan ang handa may maiuwi lang kami. Panalo!
Muli, salamat sa Bahay ni Kuya at kay Big Brother para sa paulit-ulit na accommodation. Next year ulit. Reminder lang, banned na ang coin purse, ha!
Binalibag Ni Choleng ng 5:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|