<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Sunday, November 30, 2008

Holidays are coming ...
PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket


Binalibag Ni Choleng ng 9:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, November 27, 2008

Takip-silim
Photobucket
Bella Swan, ikaw ba yan?

Wala rin lang pasok dahil Thanksgiving sa US, instant movie watching kami ni SG sa Galle.

P151 sa sine, almost P120 naman sa KFC, tingin ko hindi sulit ang ginastos namin sa Twilight. Napakasimple ng plot at kayang ikuwento ng 5 minuto, ni walang gaanong special effect at napaka-gloomy ng setting at kung hindi lang sa kaguwapuhan ni Edward Cullen aka Cedric Diggory of Harry Potter, tuluyan nang walang dating sa akin ang pelikula.

Aaminin kong kinilig ako sa mga eksena nina Edward at Bella although sana, mas maganda ang kinuha nilang gumanap na Bella, yung bang ang ganda eh ethereal at hindi yung mukhang kutuhin at di naliligo para naman bigay na bigay ang kilig. In fairness, magaganda ang view at shots at napakagandang idea na mag-date ang magsing-irog sa tuktok ng napakataas na puno. How romantic!

Kahanga-hanga at na-move ako sa intensity ng pagmamahalan ng mga bida pati na rin ang closeness at todo-suporta ng "vegetarian" nyang pamilya sa relasyon nila. Kung lahat ng vampire ganyan eh di hindi nakakatakot!

Oo nga at simple ang plot pero ang iba't-ibang emosyong pinukaw ng pelikula idagdag pa ang kaguwapuhan ng bida ang mga dahilan marahil kung bakit tinangkilik ang pelikula.

Teka, di ba sabi ko hindi ako nagandahan? Eh ba't ang dami kong nasabi?

Binalibag Ni Choleng ng 8:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, November 24, 2008

Happy birthday to me!

Photobucket

House, Megamall, SM Bowling Center, Greenhills Shopping Center

Binalibag Ni Choleng ng 7:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, November 19, 2008

Sales a la Bistek
Walk in the park.

'Yan ang tingin ko sa bago kong account, ang Bistek.

Mahirap dahil GY for life pero di gaanong iindahin dahil iba ang mentalidad ng mga kliyente dito. Kung sa DR, laglag na ang matres mo sa kapapaliwanag at pambobola sa halagang $19.95 tapos sasabihan ka lang na wala silang credit card, dito naman i-describe mo lang ang itsura, features at presyo ng telepono, order sila agad at walang kaabog-abog na nagbibigay ng credit card kahit daan-daan pa ang halaga!

Siyempre, wala naman talagang trabahong madali. Marami ring mga pasaway, aanga-anga at nakakapagpataas ng BP na customers. Merong isang nigga, nag-order sa web. Siya na nga ang nagkamali, siya pa ang nagalit dahil na-overdraft daw sya. Yung daliri nya dapat ang awayin nya dahil trigger happy siya! Meron namang isa, nagtanong kung pa'no makakabili ng bagong phone. Sabi ko, puwede sa website, may 15% discount na, free shipping pa. Wala raw siyang internet. Hirit ko ulit, puwede kong i-process ang order para sa kanya kaso may shipping charge, ayaw daw nyang magbayad ng shipping. Huling hirit, sinabi kong pumunta na lang sa retailers. Ayaw daw nyang magpunta sa Walmart or Costco. Lahat ayaw, eh ba't kaya siya tumawag?

Ewan ko sa inyo!

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, November 17, 2008

Ang Pinoy nga naman ...
Taba

Ang Pinoy kung minsan nakakasakit na arya pa rin.

Eto k'se 'yung pinagpuputok ng butse ko ... kayo nga tanungin ko: Ano ang una'ng lumalabas sa bibig nyo kapag first time nyong nakita ang isang taong matagal nang di nakita tapos napansing n'yong "lumusog" siya? Di ba sinasabi 'nyo: "Ang taba mo!"

Madalas akong victim ng ganyang comment (kelan kaya ako sasabihan ng "ang payat mo!"). Nakaka-offend na pero tila napaka-insensitive ng karamihan ng Pinoy sa ganitong topic. May nakasakay nga ako sa jeep, sabi ng matanda sa batang kasama ng kaibigang nakasakay, "Magpapayat ka na, para ka nang si Dabiana." Mas malala ang mga tirada sa kapatid ko. Naglalakad siya sa kalye, sinigawan sya ng kapit-bahay namin, "Girlie, ang taba mo na. Wala ka ng pag-asa!!!

Ouch!

'Tong mga taong 'to, kung wala rin lang magandang sasabihin sana 'wag na lang mamansin.

The truth hurts!

Thank you

Ilang beses nang nangyayari sa akin. Tatanungin ako kung ano'ng oras na tapos ako namang gaga, kahit preoccupied, sasagot. Ang magaling na nagtanong, pagkasabi ko ng oras, tatalikod nalang at sukat. Minsan sa inis ko, sinabihan ko yung nangtanong ng "thank you" sa pasarkastikong tono. Nagtawanan yung mga nakarinig. (Loko!)

Hoy, mga ungas! Hindi ko obligasyon na magbigay ng oras dahil hindi ako relo ng Manila City Hall!!!

Hay, noypi!

Binalibag Ni Choleng ng 7:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 16, 2008

Mike 'ko 'to!!!
Photobucket

Muli naming ipinagdiwang ni Toyang ang 2-in-1 birthday bash namin sa haybol nila sa Montalban.

For the first time in years, hindi natupad ang "wish gift" ko kse walang available na Harry Potter Book 7 in paper back (alangan namang hard bound ang iregalo sa akin eh di nagsiduguan ang ilong ng mga papatak?). Cash na lang dapat ang ibibigay sa akin ni master shopper Pac kundi ako umangal. Corny kaya na yung mismong pinagpatakan nila ang ibibigay sa akin! Napabili tuloy ng microphone si Ella ng di oras samantalang si Toyang, no choice kundi talagang pera ang ibigay dahil mahirap nga namang bilhin ang request nyang salawal.

Maganda naman yung microphone kaso sabi nila, kapag ginamit ko raw, magiging kaboses ko si Pac. Uuuutang na loob, megaphone na lang ang gagamitin ko!

Thanks for the gift, Kuyog. Sa isang taon kailangan HP7 na!

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 11:10 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, November 12, 2008

GY
Ang saklap!

Ginawa na ngang panggabi ang huling linggo ng client specific training (CST) bilang paghahanda sa pagla-live namin na awa naman ng Diyos ay nakayanan ko, heto at 12 midnight hanggang 9 AM ang binigay na schedule sa akin simula bukas. Ang maganda lang, hindi ako inilagay sa tech support kundi sa order processing pero isipin ko lang na ito na ang magiging schedule ko habang nasa Bistek ako, parang gusto nang mabahag ng buntot ko.

Makaya ko kaya? Tsk! Nagkamali yata ako ng nilipatang bahay. Hay, bahala na. Wala pa akong pinasukang hindi nalabasan.

Binalibag Ni Choleng ng 8:26 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, November 11, 2008

Graffiti
Pati ang paborito kong purple bus, di pinatawad (nilinawan ko lang para mabasa) ...

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 11:08 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, November 05, 2008

It's Barack!
Photobucket

Inangkupo, nanalo si Mang Barack!
Call centers sa Pinas, 'wag naman sanang mawakwak
Maghunos-dili ka, Mang Barack.
Hirap mawalan ng pangkain at panglaklak.

Binalibag Ni Choleng ng 8:27 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 02, 2008

HSM3
PhotobucketBangenge pa mula sa paglamyerda sa EK, laman naman ako ng sinehan ng Galleria para manood ng House School Musical 3. Iyon eh matapos pa ng 3 PM mass ng Metanoia sa Edsa Shrine (hindi naman masyadong hectic ang schedule ko) Wala eh, can't say no to my movie buddy Jomarie aka SG (Supergirl) saka gusto ko rin namang panoorin ang HSM3.

PhotobucketIbang klase ang High School Musical. Ito lang yata yung bukod-tanging movie, sa palagay ko, na wala kang itulak-kabigin sa Part 1 at mga sequels. Lahat nagustuhan ko. Ewan ko ba, pare-pareho din naman ang mga tauhan, puro East High School din naman ang setting at konti lang naman ang diperensiya ng plot pero iisa ang effect sa manonood ... feel good, feel light at very entertaining bukod pa sa hindi mapuknat-puknat na kilig factor na hatid ng pa-cute na tambalang Troy-Gabriella.

Isa lang ang mapipintas ko sa High School Musical movies kung pintas ngang matatawag: Bakit laging unang kita pa lang nila sa piyesa, alam na agad nila ang kanta? Galing naman nila!

Gigi-era!

Thanks for the company, SG.

Photobucket

SG, laging walang ganang magpa-picture

Binalibag Ni Choleng ng 8:24 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 01, 2008

Enchanted Undas
Photobucket Umuulan at antok na antok pa pero pinilit kong pumunta ng maaga sa sementeryo. Hindi naman dahil atat akong mangolekta ng tunaw na kandila. May lakad kse ako makapananghalian at ayoko'ng mamarkahan ng "absent" nina "Yayang" at Amang Iloy (lola at lolo ko).

Oo na, undas na undas eh rarampa pero no choice. Yun lang ang araw na swak ang schedule ng Metanoia (choir ko) at sayang naman kung ma-forfeit yung libreng ticket sa Enchanted Kingdom (EK) courtesy of choirmate Lea.

EK never fails to enchant me kahit ilang beses ko nang narating. Maraming nagsasabi di na raw maganda ang Enchanted, kesyo luma na raw, mas maganda ang Star City, mas mura at mas sulit ang bayad pero hindi naman ako partikular sa dami ng rides kundi yung feeling na nararamdaman upon entry.

Presko sa EK, may hatid na kilig ang malamig na ihip ng hangin samantalang sa Star City, hindi ako makahinga kse enclosed tapos amoy sunog na goma pa na humalo sa samyo ng pritong hotdog. Siguro claustrophobic ako pero mas gusto ko talaga ang EK.

Hodge-podge ang entourage. May kasama kaming buntis, bata at meron pang may scolio na hindi gaanong nakapag-rides pero karamihan sa amin, sulit ang bisita. Halos lahat ng rides nasakyan ko puwera Space Shuttle at Jungle Log Jam dahil dinaga ako. Ewan ko ba, mahina ang loob ko dahil siguro sa puyat. Imagine, 5 AM pa lang gising na ako para nga maagang makapunta sa sementeryo.

Enjoy lahat ng rides puwera Rialto. Napakapangit ng featured Lego Racers, The Ride at wish ko lang, i-pullout nila ... now na ... dahil walang kakuwenta-kuwenta! Tama ba namang ang point of view eh nasa movie at hindi sa watchers. Gumagalaw nga ang upuan mo, kaso hindi ka naman kasali sa eksena ... bad trip! Useless ang baon kong jacket sa Rio Grande dahil nabasa pa rin ako. Dapat talaga, kapote na! Okay din ang 4D Theatre although hindi singganda ng Disneyland siguro dahil gasgas na ang mga 4D glasses pero puwede na rin sa halagang P40.

Definitely, babalik ako sa EK. Kailangang i-redeem ko ang sarili ko. Hindi ako duwag, dinaga lang.

Picture! Picture!

Photobucket

EK Entrance

Photobucket

Registration (tagaaaal)

Photobucket

Ang walang kakuwenta-kuwentang Rialto

Photobucket

Anchors Awaaaaay

Photobucket

Basang-basa!

Photobucket

Inside 4D Theatre


Photobucket

Mga isip-bata

Binalibag Ni Choleng ng 8:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com