BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Saturday, January 31, 2009
Cruzmaryosep!
Nakita sa Puregold ng kapatid at bayaw ko ang nasira kong asawa kasama ang dalawang anak sa pagkakasala at ang kabit n'ya. Yes, dalawa na ang anak nila. Nagmamadali raw lumayo nang makita sila.
Ang Mommy ko pa ang nagalit nang ikuwento ng dalawa samantalang ako, himalang wala'ng naramdaman kundi ang masidhing kagustuhang maputol na ang ugnayan namin at mabunot na ang Cruz na nakapako sa akin.
Legally, asawa ko pa rin ang kumag at kung hindi ako aaksiyon, baka makinabang pa siya sa mga benefits ko. Oo, siya ang makikinabang and not the other way around dahil wala namang akong mapapala sa kanya. Alam ko dahil wala siyang TIN kundi TAN ('di ko natapos ayusin) at ni hindi siya naka-36 contributions sa SSS bago maging bum.
Kailangang maputol ang koneksiyon.
Maglilimang-taon na mula ng lumayas ako sa Bambang at sa totoo lang, nakalimutan ko na ang lahat ng pasakit at sama ng loob na idinulot nya. Sa tingin ko kaya ko ng harapin emotionally ang lahat pero isa lang ang problema -- hindi ko kaya financially.
Matagal nang iminungkahi ng kaibigan kong lawyer na hindi naman kailangang annulment ang isampa ko kundi pakikiapid. Mas matindi raw yun dahil hindi na ako gaanong gagastos, mapapawalang-bisa ang kasal namin at kalaboso pa ang bagsak ng mga ungas pero ayoko namang mabulabog ang payapa kong daigdig at gawing tambayan ang korte na paniguradong mangyayari kapag naghabla ako.
Dati 'yun. Handa na ako ngayong lumaban, ang bulsa ko lang ang hindi. Patulan kaya ng PAO ang kaso ko?
Pautang naman!
Binalibag Ni Choleng ng 7:10 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, January 25, 2009
Hindi po ito contract signing, graduation o recognition day, 'yan po ang gift ng Kuyog sa dalawa. SM GC.
Epekto ng red wine
Inihaw na bangus 'to ... ex ...
Binalibag Ni Choleng ng 8:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, January 19, 2009
Para kay Obama
Isang revelation. Hindi mahilig sa ribbon si Aretha.
Binalibag Ni Choleng ng 10:15 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, January 18, 2009
Viva Sto. Nino!
'Di man sing-bongga ng Sinulog Festival ang pista ng Sto. Nino sa aming barangay, tingin ko sing-saya naman.
Sto. Nino bearers
Street party!
Daming tao pero walang stampede
Paagaw ng kendi at chichiria
Binalibag Ni Choleng ng 6:31 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, January 16, 2009
Galit kayo? Galit din ako!
Matanda, baldado, retirado o o dili kaya tarantado ... este, autistic at mga walang magawa sa buhay ang karaniwang tumatawag sa Bistek at kung hindi ka matatag-tatag, iiyak ka talaga sa galit na siyang nangyari sa akin noong isang linggo lang.
Sabi ko sa sarili ko, hindi ko kakayanin ang ganitong buhay. Araw-araw na puyat at galit, malamang ospital ang lagpak ko pero nitong mga nakaraang araw, unti-unting nawala ang pagkaasar ko bagkus napalitan ng amusement. Sanayan lang pala at nasa paraan ng pagdadala ang ikabibigat ng lahat.
Ngayong nahimasmasan na ako, share ko lang sa inyo ang ilan sa mga ikinagalit ko (Tingnan natin ang tatag n'yo!) 'Nga pala, English ang usapan dito, tinagalog ko na lang para huwag namang dumugo ang ilong ko sa pagkukuwento.
Si Kups
Basura raw yung nabili nyang phone sa Walmart, humihingi ng refund. Gusto ko'ng tanungin, "Eh di ba ikaw ang bumili?" Lampas na ng 45 days para i-refund, sabi ko eligible na lang siya for replacement, ibalik na lang sa Returns Center, 14 days after matatanggap nila ang kapalit. Pumayag pero ang gustong ipalit, mas mura sa phone nya. Sabi ko ang puwede lang ipalit, yung kapareho ng 'bulok' n'yang phone o kaya comparable model. Hindi, yun daw cheap na phone ang gusto nyang kapalit at kailangan daw ibalik sa kanya ang price difference eh di ba kasasabi ko lang na di na sya puwedeng mag-refund? Ikaw na kaya dito?
Si Nini
14 days after n'yang isoli ang sirang phone, matatanggap n'ya ang kapalit, paliwanag ko kay Nini. Ano raw phone ang gagamitin nya habang naghihintay. Problema ko pa ba yun? Lagyan mo ng pisi ang lata ng gatas, yun puwedeng gamitin 'yun!
Ang Imbalido
Hindi na-process ang order na battery k'se walang walang credit card si customer. Nagalit at kailangang i-process daw ang order nya dahil dalawampung taon na siya sa AT&T, i-charge na lang sa phone bill nya dahil imbalido daw siya. May koneksiyon?
OC ako!
Puti daw ang phone nya, bakit itim ang line cord. Bigyan daw siya ng puti kundi isosoli nya ang telepono. Ah, Ma'am. Itim lang po ang kulay ng line cord namin.
Brat ako!
Out of stock ang wallmount bracket. Eto yung piyesa para maisabit ang phone sa pader. 'Di naman essential ang part dahil gagana naman ang phone kahit di ikabit sa pader ang kaso gusto nyang nakasabit sa pader. Galit na galit! Ma'am, cellphone lace, puwede?
Brat din ako!
Kulang ng AC Adapter ang nabiling telepono ni Brat. Out of stock naman sa amin kaya di ko na-process. Sabi ko, ibalik na lang n'ya dahil kahapon lang naman binili. Ayaw daw nya'ng bumalik dahil malayo. I-process ko raw. Eh di ba sabi ko nga out of stock?
Feeling techy
Di marunong um-order ng phone sa website si lola. Tinanong ko kung may kasama siya sa bahay para dun ko na lang ibigay ang instruction. May apo raw siya pero busy, sa kanya ko na lang daw sabihin, isusulat nya. Matiyaga at dahan-dahan kong itinuro, step by step, page per page ng website. Matapos kong ipaliwanag, sabi ko patulong sa apo nya, sundin lang yung binigay kong instruction. Sabi ni lola, "What instruction?" Sabi ko, "yung sinabi ko ko sa inyo..." "Pakiulit," sabi ni lola. Patay tayo dyan!
More to come. Ikuwento ko, promise!
Binalibag Ni Choleng ng 9:03 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, January 14, 2009
Here we go again
American Idol na naman. Ganun pa rin, may magaling, feeling magaling at akala magaling. 'Yung bagong judge kaya magaling at makayanan n'ya kaya ang arrogance ni Simon?
Aber!
Binalibag Ni Choleng ng 6:31 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, January 12, 2009
Habla Espanol?
Mga Kastilang Hilaw
For a period movie, okay na ang Baler pero sana naman nag-crash Spanish lessons yung mga artistang Espanyol ang ginampanan o dili kaya, Spanish na lang ang pinag-dub.
Aba'y kaabala! Kung hindi Filipino accent, yung isa sobrang bagal namang mag-Spanish. Buti pa si Jericho na askal na Espanyol, mas maige-ige'ng mangastila.
Que horror! Que barbaridad! Que lastima!
Binalibag Ni Choleng ng 6:30 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, January 11, 2009
Idolatry man
Iniba ang ruta ng prusisyon ng
Mahal na Poong Nazareno para iwasan ang pagkakasakitan at kamatayang taon-tao'ng nangyayari gawa ng sobrang kapal ng tao at stampede sa kagustuhang makalapit o kung hindi man, makahawak man lang sa lubid na nakakabit sa karo o makapagbato ng bimpo para ipunas sa milagrosong Senor.
Maganda'ng hangarin subali't lalo'ng napasama dahil lalong nagtagal ang prusisyon at mas lalong maraming nasaktan, salamat sa mga pasaway na iginiya ang prusisyon sa dating ruta.
Sa mata ng mga hindi kapanalig at hindi sarado-kandadong katoliko at maopinyong tao'ng tulad ko, ang tawag sa ikinikilos ng mga deboto ay idolatry, fanaticism o extreme devotion subali't hindi rin maitatanggi na kung wala ang matinding debosyon nila, wala rin tayong tradisyong matatawag.
Samakatuwid, ipagpatuloy lang ang tradisyon at huwag nang subukin pang baguhin o pakialaman ang nakaugalian na. Mahirap banggain ang tradisyon. Kumbaga sa libag, mahirap nang tungkabin.
Binalibag Ni Choleng ng 6:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, January 10, 2009
Totoo na 'to!
Nakakaloka pero totoo. Hanggang katapusan na lang ng Enero ang makasaysayang DR.
Ayoko nang magdrama at gumawa ng isa pang "in memoriam" dahil nagawa ko na. Pangarap ko lang, patikimin naman ng matatag at walang-ubusan-ng-VL na account ang mga natira.
Matapos ng pinagdaanan, they deserve something better. Yes, better! ... yun bang wala ring ganong tawag, puwedeng kumain ng kanin at ulam sa station at wantusawang personal window!
Teka, DR lang yun ah!
Binalibag Ni Choleng ng 7:34 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, January 05, 2009
Paparazzi In Action : Kapit-tuko
'Neng, bitiw. Walang aagaw sa dyowa mo.
Binalibag Ni Choleng ng 11:51 PM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, January 04, 2009
Tagalized reigns
Anak ng ... pati ba naman 'You'll always be my baby' ni David Cook tinagalog na rin???
... at bakit naman pati Dora, the Explorer, Spongebob Square Pants, Wonder Pets at Diego eh tinagalog na rin?
Watda!
Hindi naman sa inaayawan ko ang sarili nating wika pero hindi naman masamang matuto ang mga bata ng wikang banyaga kahit pakonti-konti at paano pa matututo ang mga bata kung ang paligid nya eh Tagalog na nga ang salita tapos pati educational shows sa TV in English eh tinagalog na rin?
Ewan ko sa inyo, singko!
Oooops ...
Merong bago'ng trend ... oo, ramdam ko magiging trend ... Hindi Tagalized pero T-to-T ... Tagalog to Tagalog ... Laklak to the tune of Lumayo Ka Man Sa Akin.
Kaloka!
Binalibag Ni Choleng ng 7:29 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, January 02, 2009
Eto Ang Happy New Year!
Salamat sa pagpaplano ng bunso kong kapatid na si Girlie, naiba ang New Year party namin. Kung dati ay simpleng inuman, kainan at kantahan tapos panay laro lang ng PlayStation ang mga pamangkin ko, ngayon may parlor games na at bingo social pa. Can afford na k'se k'meng magpapremyo ng kapatid ko (lalo na si Girlie na galit sa pera!).
Kami ni Girlie ang emcee (tsura ng mga Smart sa Jollibee children's party), kinarir naman ng Daddy at Mommy ko, mga kapatid, bayaw at mga pamangkin (kahit ang 4 na taon na si Jenny) ang mga games. Siyempre, bongga ang mga premyo.
Unang nilaro ang Bring Me. Kung anu-ano ang hiningi ng sira-ulong mga emcees - may singko, diyes, ATM, puti'ng buhok, sandok, brief, ultimong pubic hair lahat nadala. Toys, candies at chocolates ba naman ang prize.
Isinunod ang pambansang laro'ng Hep hep hooray, P100 ang premyo kada division -- bata saka matanda. Inuna ang mga bata, magkakalaban ang lahat ng pamangkin ko kasama ang mommy ko. Yes, isinama si Mommy sa mga bata dahil mali-mali raw. Kandagulong kme sa katatawa dahil si Jenny, talagang hindi nagpatalo tapos ang Mommy ko, trying hard na 'wag malito pero natalo pa rin siya ni Teejay (eldest na pamangkin). Sa matatanda naman, mahigpit din ang labanan. Talagang nandidilat ang Daddy ko at kanda-bali ang baywang ng bayaw ko sa pag-hooray pero kami ni Ellen (ikatlo kong kapatid) ang natira (yes, sumali ako). Nagpatalo na lang ako k'se sa akin naman galing ang premyo.
Si Ellen ang suwerteng nabunot para maglaro ng Deal or No Deal. Bongga ang makeshift na lalagyan ng numbers na ginawa ni Girlie (isipin nyo na lang yung plastic na lalagyan ng flashcard ng teacher natin nung Grade 1 pa tayo), si Jenny ang pinaka-maleta girl, taga-kuha ng napipiling number mula sa mga slots (Jenny, buksan!), ang elder brother na si Emjhay ang 'board member' (taga-cross out ng nabubuksang number) at ang Daddy ko naman ang banker. Tawanan nang tawanan dahil talagang ginagaya ko ang accent, mannerisms, spiels at kaartehan ni Kris. P500 ang pinaka-1 million pero natakot si banker ... este ang Daddy ko na mag-offer ng P100 dahil baka mag-deal ang kapatid ko (accountant si Ellen at alam naming mautak) kaya nagkuripot. Malas na nabuksan ng asawa n'yang si Hajii ang P500 kaya nag-deal na lang sa P40.
Pera o Bayong ang isinunod na laro. Ikalawang tanong pa lang - kung ano ang lightest element - ubos agad ang contestants. Ang palabasang si Emjhay ang natira at nanalo ng P100 dahil pinili ang pera imbes na laman ng bayong na isang baretang panlaba lang pala.
Nag-break kami pagkatapos ng Pera o Bayong at dahil pagod at nalasing sa itinumbang Chivas Regal at Vodka cruiser, hindi na nakapag-bingo at kinabukasan na lang itinuloy, bago umuwi ang kapatid kong taga-Teresa, Rizal. Candies, toys, chocolates, universal remote control at dalawang P100 ang premyo na napanalunan ng magkabilang pamilya.
Hay, ang saya! Nawa'y muling maging masagana ang 2009 para masagana rin ang mga papremyo namin sa susunod na New Year party.
Some pics:
Hep hep hooray, Kids edition
Family Bingo
Media noche (di ako kasali!)
Kawawang manok
Binalibag Ni Choleng ng 7:26 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Thursday, January 01, 2009
Happy New Year?
Another first -- pumasok ako ng New Year's Eve. Mas mabigat sa dibdib kumpara nung Pasko k'se iniwan ko'ng aligaga ang pamilya sa pagluluto ng food para sa pagsalubong ng bagong taon. Haging na akong mag-call in dahil masakit naman talaga ang ulo ko gawa ng sunod-sunod kong pag-gimmick nitong nakaraang araw pero naalala ko ang pinirmahan naming kasunduan na walang a-absent during the holidays at ayoko namang masira ang maganda kong pangalan kaya pumasok na lang ako.
Kung alam ko lang na walang Ayala bus sa Guadalupe, sana nag-taxi na lang ako mula Taguig. Napagod lang akong naglakad sa maputik na kalye! Anyway, nakarating naman ako ng office on time, salamat sa mamang taxi na suwerteng nagbaba ng pasahero dahil may nagbabatuhan sa eskinita malapit sa Loyola Memorial.
Walang patawad ang mga customers. Tawag pa rin ng tawag, yun at yun din naman ang problema. Hindi ba nila alam na New Year's Eve dito sa Pinas? (nye!) Hay naku, mga paalaga! Ikamamatay yata na i-figure out nila ang problema sa sarili nila. Teka nga, panay ang angal ko eh kung wala'ng tumatawag, wala rin siguro kaming pang-media noche. (honga!)
Saktong 12 MN, nagpuputukan sa buong Pilipinas pero ako pumuputok ang ngala-ngala kangangalngal sa kausap kong matandang bingi. Awa ng Diyos, nang madispatsa ko ang hukluban, hupa na ang putukan at batian ng 'Happy New Year!' at usok na lang ang natanawan ko sa carpark ng Makati Med.
Some New Year.
Binalibag Ni Choleng ng 7:25 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin