<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, April 30, 2009

And then there were 4

Ngayong tanggal na ang mahihina sa AI, mahirap nang hulaan kung sino ang susunod na makakalos. Kung artistry at abilidad din lang ang pag-uusapan, dapat magtuos sina Adam at Danny sa finals pero hindi pa rin natin alam ang magiging takbo ng pangyayari.

Akala ko pa naman si Anoop ang mananalo.

Binalibag Ni Choleng ng 7:47 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, April 27, 2009

May Asim pa
"Mahilig daw siya sa gurang na tulad mo, " ayon sa horoscope ng Libre:

Pagsakay ko pa lang ng jeep, napansin kong nakatingin na sa akin ang isang kabataang may pagka-buff at may bonggang tattoo sa kanang binti. Bongga dahil hindi siya yung kulay berde na gawang Munti kundi yung artistic na pinagkagastusan pero hindi naman tungkol sa tattoo ang kuwento kundi sa may-ari nito.

Ayun na nga, napansin kong nakatingin sa akin at kaloka, akala ko natiyempuhan ko lang na nakatingin sa akin pero sa tuwing mapapagawi ako ng tingin sa kanya, aba, nakatingin pa rin sa akin at pagbaba ko ng Pateros, sinabihan pa ako:

Ingat ka, ha!

Hmmm ... totoo rin minsan ang horoscope.

Binalibag Ni Choleng ng 8:44 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 25, 2009

Bistekupo of the Week
Habang naka-barge kay Pareng Mon ... (Barge yung nakikinig sa tawag ng may tawag. In other words, eavesdropping ...)

Panay ang "yes, ma’am, yes, ma’am" sa customer habang pina-process ang order. Okay na sana hanggang sabihin ng customer, "… I have to get back to you, I need to talk to my wife."

Wife??? Ngek! Lalake pala! (Promise, boses babae siya!)

*****

Subject ng email ng customer:



Tinawagan ko ang Drama King para i-process ang replacement phone nya. Na-process naman pero hindi dun nagtatapos ang kuwento. Bago kami maghiwalay, sinabi ko:

"... by the way, Sir, I called because I care."

Naaaaks!!!

Tawa ang gago.

Binalibag Ni Choleng ng 8:44 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 19, 2009

Before and After Kitakits

Before our shift, after theirs. Before he leaves, before we work. Hay, hirap ng magkakaiba ang schedule, daming before and after, nabitin tuloy ako sa mga chika at kuwento ng pakikibaka ni Doc sa piling ng mga Arabo.

Kelan mauulit? Sana malapit na.

Binalibag Ni Choleng ng 8:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 18, 2009

Bistekupo of the Week
Ikalawang linggo sa Eyab ...

*****

Cotton buds

Mula sa isang escalation: Send pay for advance form to Ms. Dabiana Rosen.

Dear Ms. Rosennilagay ko sa form. Natanggap naman ni Ms. Rosen, ibinalik ang accomplished form, natawa ako nang mabasa ko ang pangalan:

Dabiana Lawson.

Rosen ... Lawson ... magkatunog!

*****

Ay, mali!

Kapag more than $250 ang order ng customers sa web, tinatawagan para i-verify ang order (hirap na, daming fraudulent). Dalawa ang website, Bistek at 8TT -- bawal magkabaligtad, nakakahiyang magkamali.

"Hi, this is Gina of 8TT," pakilala ko sa isang customer. "Ay, wala kaming 8TT," sabi ng kausap ko, "baka nagkakamali ka." Tiningnan ko ang listahan. Patay, mali nga! Bistek pala siya, hindi 8TT.

Sinegundahan ko na lang ang customer na wrong number nga. Nag-sorry ako sabay baba ng telepono pero makalipas ang 4 na oras, muli ko siyang tinawagan:

"Hi, this is Sheena of Bistek..." (inartehan ko talaga ang pagbigkas ng pangalan, mahirap na baka maalala ang boses ko) "Oh, hi!" sagot ng customer.

Lusot!

Binalibag Ni Choleng ng 7:37 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, April 16, 2009

Ba't ang utang tumutubo kahit 'di diligan?
Imagine, P10,000 lang ang ni-loan ko sa SSS noong 1994 pero dahil sa pambabalasubas ng dati kong employer, tumubo ng mahigit 20 kiyaw ang utang ko. Awa ng Diyos, P9,8213.13 ang binayaran ko sa SSS condonation.

Para akong sira, bayad na binayaran ko pa ulit.

Kuwidaw sa mga employers. Daming nagkalat na balasubas!

Binalibag Ni Choleng ng 10:23 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 15, 2009

Pacman, binigti
Photobucket

Nawawala raw si Pacman, agad na balita ni Mudra pag-uwi ko. Sino naman si Pacman, tanong ko? Ah, siya pala yung kuting na may 'marker,' na ikinuwento ko dalawang linggo pa lang ang nakakaraan. (ayos sa pangalan, ah!)

Pinakain pa raw ni Mudra nung gabi, ngayong umaga hindi na makita. Ngiyaw na nang ngiyaw ang inang FC (feeling close), walang Pacman na lumilitaw. Ano yun, na-kutingnap?

Paggising ko, nakita na raw ang kuting di kalayuan sa bahay namin, kaso patay na ... nakabigti. Sa lagay eh nakalabas at malamang na pinaglaruan ng mga batang kalye.

Tsk, tsk, kamalas na kuting. Pacman pa naman ang pangalan. Nakow, masamang pangitain.


Binalibag Ni Choleng ng 10:24 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 12, 2009

Playground?
Karaniwan nang kaskasero ang mga driver ng Landmark-Pateros pero panalo ang anak ng driver na ito dahil kahit paspas ang sasakyan, palaru-laro, pagulong-gulong, palakad-lakad at pahiga-higa lang sa upuan. Natiyempuhan ko pa minsan nanginginain ng manok.

Photobucket

May lahing gagamba!

Binalibag Ni Choleng ng 10:37 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 11, 2009

Bistekupo of the Week
Unang linggo ko sa Eyab (ito yung bago kong departamento). Konti lang ang tawag kaya inakala kong wala na akong maikukuwento pero merong isang Mr. Goldman na KSP.

*****

Putak nang putak si Si Mr. Goldman (tunay n'yang pangalan) dahil nasira ang 'limang taon' na nyang cordless phone. Hindi raw dapat ganun, dapat daw magtagal ng 20 taon ang telepono.

Ipasok kaya kita sa loob ng telepono?

*****

Si Mr Goldman ulit (Talagang inaaraw-araw nya ang pagtawag para magreklamo at humiling ng kung anu-ano. May call center ba ng mga reklamador?) Um-order naman ng adapter sa isang kasamahan ko. Nagreklamo dahil ipapadala ang part via Hong Kong mail at 7-10 days bago makarating sa kanya. Kailangan na raw n'ya bukas, ipadala raw namin sa Fedex.

Kapal ng mukha, bulok na nga ang phone n'ya pero papadalhan pa rin namin ng libre'ng adapter, gusto pa ipadala sa Fedex.

Eh kung ikaw kaya ang ikahon at ipadala sa Hong Kong?

Binalibag Ni Choleng ng 11:02 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, April 10, 2009

Trapped
Bagama't lagi akong pumapasok ng Biyernes Santo, first time kong papasok ng gabi.

Kasalanan ko, alam ko namang bandang 7 PM ang daan ng prusisyon, di ko inagapan ang kilos. Ayan tuloy, inabutan ako hindi lang prusisyon ng Katoliko, pati Aglipay nasabat ko rin. Dalawang paksiyon, okupado ang lahat ng kalye ng Tipas, saan kaya ako dadaan?

Para kong pusa'ng di malaman kung saan susuling, nilapitan ko ang mga Barangay Tanod na naka-walkie talkie para tanungin kung ano ang ruta ng dalawang prusisyon at ano ang best way para makalabas ako. Akalain n'yong hindi lang nila sinagot ang tanong ko, sinamahan pa ako hanggang sa 'dulo' ng prusisyon at isinakay pa ng tricycle.

Thank you, 'Bro!

Binalibag Ni Choleng ng 11:50 PM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 08, 2009

Think Big


Sa panahong ang salitang recession ay palasak at kaliwa't-kanan ang balitang tanggalan sa trabaho, heto ang Mudra ko at tigas ng kauungot na bumili ng malaking TV na tila ba nagpapabili lang ng lollipop sa tindahan. Hindi lang naman basta malaki ang gusto n'ya kundi 58 inches!

Praktikal akong tao kaya nang malaman ko ang 'maitim na balak,' todo kontra ako. Sabi ko marami pang mas higit na dapat pagkagastusan sa bahay gaya ng gigiray-giray naming dining table, pipilay-pilay na sala set at ang bahay naming tuklap-tuklap ang pintura at pinapapak na ng anay Hindi rin praktikal na bumili pa dahil meron naman kaming napapanoorang TV na maganda rin naman at wala pang 6 na buwang nabibili ng kapatid ko. Sorpresa sana n'ya kay Mudra pero imbes na matuwa ang matanda, lalong nag-igting ang kagustuhang bumili ng malaki dahil "29 inches lang" daw.

Depensa ni Mudra malaking gastos daw ang sinasabi ko at 'buhay pa kaya raw siya' bago mapagawa ang bahay. Mas mabuti'ng mag-enjoy habang buhay pa.

To cut a long story short, natalo ang US sa Iraq, nasunod ang Mommy ko at ako na panay ang kontra, nag-contribute pa sa pambayad. Nag-exceed pa sa expectation ni Mudra dahil imbes na 58 inches, 61 inches ang binili ng kapatid ko.

Nang i-deliver ang TV at nakita ko ang kakaibang sigla at kislap sa mata ng Mom ko, nagbalik sa aking ala-ala ang diskusyon namin ni Girlie. Pagbigyan na raw namin ang matanda dahil malay daw ba namin kung deprived siya sa TV noong bata pa at sumumpa na balang-araw eh magkakaroon ng dambuhang TV. Tama siya, mali ako. Hindi mabibili ng pera ang kaligayahan.

Hmp! Angal pa ako nang angal, 10K lang naman ang chip-in ko!

Binalibag Ni Choleng ng 7:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, April 05, 2009

Domingo de Kulit
Photobucket

Maliligo ang Mama ni Jenny, pinabantayan muna sa akin. Kung anu-ano ang napag-usapan namin ng matabil na bata hanggang nauwi sa namayapa kong Lola. Sino daw si Yayang. Sabi ko, lola ko, di na n'ya naabutan k'se wala pa siya nun.

Jenny: Hindi pa ko ginagawa?

Choleng: Oo (Salamat, pinadali nya ang pagpapaliwanag ko).

Nawindang ako sa follow-up question:

Jenny: Eh paano ako ginawa?

Patay tayo d'yan! Nag-isip akong mabuti, kailangan maayos ang isagot ko at kung sablay, lagot!

Choleng: Galing ka sa egg cell ... (Hanep, mala-In the Womb ng National Geographic!)

Jenny: Weeh ... 'di naman ako penguin eh!

Choleng: Eto na lang (bawi ko), sabihin mo sa mama mo, Si Jenny, nabuo dahil nagsama ang egg at sperm cell.

Jenny: (Nagkamot ng ulo) Eh hindi ko kaya 'yan ... , ikaw na lang ang magsabi sa mama ko!

*****

Di pa rin bumabalik ang Mama ni Jenny, tumambay kami sa terrace. Mga nagdadaang eroplano naman ang napansin. (Daanan ng pa-landing na international flight ang lugar namin)

J: Saan pupunta ang airplane?

C: Sa airport ... yung pinuntahan natin dati, nung hinatid nyo kme ng Tita Girlie?

J: Eh saan kayo sumakay pauwi?

C: Sa taxi.

J: Eh ba't hindi n'yo na lang pinapunta dito yung eroplano ... sana pumara ka na lang ...

Kaloka!

Binalibag Ni Choleng ng 7:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, April 04, 2009

Bistekupo of the Week
Nagkamali ang customer sa pag-order sa website.

"I'm a perfect representation of an idiot," sabi n'ya. Sabi ko naman, "Don't say that, we all make mistakes."

"Yeah, that's what I'm saying ... all of us are idiots!"

Nandamay pa! Ikaw lang, Sir!


*****

Kaloka ang customer. Pinadalhan na nga ng libreng phone kapalit ng sira n'yang puting telepono, nagreklamo pa kse silver daw ang kulay, 'di bagay sa living room nya.

Arte!

*****

Pagkatapos i-process ang order ni Manong, tinanong ko ng walang kamatayang, "Is there anything else I can help you with?"

"Yes," sabi n'ya. "What do you get when you cross an elephant with a rhinoceros?"


Elephant joke?

*****


Patawa rin ang isang lolo. Tinanong ko rin ng pamosong, "Is there anything else I can help you with?"

"Yes, send me a TV ... 4 inches wide and ..."

Ihilamos ko kaya ang TV sa mukha mo???

Binalibag Ni Choleng ng 8:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, April 03, 2009

Mudra strikes again
Nagtaka ako pag-uwi ko. 4 ang kuting na iniluwal ng pusakal na feeling close (pusa siya ng kapit-bahay namin pero pinili n'yang sa amin tumira kahit ilang ulit ko nang hinalibas ng sinelas ko) pero isa lang ang may ribbon.

Photobucket

Tinanong ko si mother kung bakit. Pananda daw n'ya yun. Balak iligaw ang 3, ititira ang isa -- yung may marker.

Photobucket

Suwerteng pusakal.

Binalibag Ni Choleng ng 1:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, April 01, 2009

Violated no more
Matutuloy na rin ang paglipat ko sa departamento'ng naikuwento ko 'nung isang buwan. Walang gaanong tawag pero sana, makakuha ako ng mga kuwentong Bistekupo.

Salamat naman at nanaig ang hustiya at propesyunalismo.

Binalibag Ni Choleng ng 11:13 PM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com