<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Thursday, November 26, 2009

Kuwentong Idol: Music Influence
Stress. Pressure. Haggardness.

Miyerkules na pero wala pa rin akong Minus One ng Neither One of Us ni Gladys Knight -- kung kailan pa naman mas maaga ng isang araw ang Idol gawa ng Thanksgiving sa States. Inakala kong madali lang hanapin dahil sikat na karaoke song pero nagkamali ako. Naghanap na kami ng kapatid ko online kagabi pero kahit sa YouTube wala. Last day ko nang pang-umaga, nagpasya akong suyurin ang malls. Sa dinami-dami ba naman ng malls sa Ayala, kapag wala akong nakita, ewan ko na lang.

Nagkamali ako.

Nang wala akong nakita sa tatlong record bars sa SM Makati, nagsimula nang gumuho ang pag-asa ko at lalo pang gumuho nang wala rin akong nakita sa Glorietta at kahit sa Landmark pa. Ang sakit-sakit na ng paa ko (3 inches ang takong ng clogs ko ... waah! ba't ba ito pa ang naisuot ko?) pero no choice, napagpasiyahan kong pumunta sa Megamall dahil natatandaan ko'ng may sinabi ang ka-choir ko na may booth sa basement na pwedeng magpa-record ng hard to find songs.

Sinagasa ko ang init, nakipagsiksikan at nakipagpalitan ng mukha sa MRT makapunta lang sa Megamall. Christmas rush pero iba ang rush ko. Saklap, wala na pala yung store na hinahanap ko. Nag-text ako kay JV, yung idol organizer, kung hanggang ano'ng oras ang deadline kung magpapalit ako ng kanta. Aba, kailangan may alternative just in case wala akong makita. I have until 10 PM daw, yung minus one puwedeng hanggang bukas ng 10 AM. Okay, hanap-hanap. Mangiyak-ngiyak na ako sa pagod at sakit ng paa, nakailang-record bar ako sa Megamall pero wala talaga.

Bandang 8:30, sa sobrang pagod at sama ng loob, sumuko na ako at nagpasya'ng umuwi at Inseparable na lang ni Natalie Cole ang ipalit (may nakita ako'ng minus one). Nasa Building B na ako nang tawagan ni Chummy, 'yung co-RTA ko. Kinumusta kung may nakita na ako. Nang sinabi ko'ng wala, nagtatalak at sinabing hindi puwedeng wala ... too late na para magpalit ng kanta ... imposible'ng wala dahil na-google n'ya. Nasa Pinoy Pop SuperStar Grand Contender's album Volume 2, kulay brown cover. Kahit nanghihina na at feeling ko namamaga na ang paa ko sa sakit, muli akong umakyat at pinasok ang unang record bar na nadaanan (AstroVision) at tama si Chummy. Meron nga! (Chummy, you're my life saver!) To cut ang long story short, napakinggan ko ang minus one at nakapag-text kay JV na hindi na ako magpapalit ng kanta bago mag-10 PM. Photo finish!

Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko! Wala nga'ng problema sa damit at sapatos pero sa hair and make-up naman ako na-stress dahil na-late ng dating si Xiao (inasikaso pa ang anak) kaya 6 PM na, mukha pa akong pindangga. Mabuti na lang at may mga naka-overtime na email team ng Bistek na siyang nagtulong-tulong na masilyahan at ayusin ang pagmumukha ko kaya buhok na lang ang inayos ni Xiao pagdating. Jane, Marcia, Ging at sa lahat ng email team, you saved my ass! (my face dapat, di ba?)

Bagama't under stress at pressure at ilang minuto bago call time ay nagtatakbo ako mula 5/F hanggang Boracay Room in heels, nakakanta naman ako ng maayos at magaganda ang reviews ng judges: I did very well, ayon ay Prof, at natuwa na tuwing elimination ay ipinapakita ko ang iba't-ibang facet ng aking boses. "You will make it to the grand finals," sabi pa nya; parang si Gladys Knight lang daw ang naririnig ni Orly tuwing hini-hit ko ang low notes. Halloween special, biro nya; best singing performance naman, ayon kay Henry.


Hindi nga nagkamali si Prof. Pasok nga ako sa finals kasama sina Anz (yung sobrang dulas at kinis mag-R&B at tinatawag ko'ng 'chicken' dahil siya ang bet kong manalo) at si Chie (yung girl na nabanggit ko sa Meet and Greet na naka-pony tail ang mahaba at kulot na buhok na powerful at mataas ang boses), pero hindi lang basta pasok -- Top 1 pa raw ako sa 4th and final elimination, ayon kay Xiao and Chummy na nasilip yata ang score card (amf!)

Tama ang hinala ko na kami ang magkakaharap-harap sa finals.


Gaya ng nakagawian, meeting pagkatapos ng idol. Muling nagbigay ng additional comments, tips at recommendations ang mga judges. Best vocals daw ayon kay Henry pero tila sobrang nadala ako ng kanta kaya parang kumakanta ako para sa sarili at hindi para sa mga manonood; para naman daw akong si Vice Ganda kung maglakad, sabi ni Orly; payo naman ni Prof, wala na akong kailangang baguhin sa voice ko. Okay na ang quality, I just have to work on my stage presence.

Bago maghiwa-hiwalay, nagpalabunutan para sa Judge's Choice para malaman kung sino'ng judge ang magbibigay ng kanta sa amin. Nabunot ko ang numero uno kong laitera na si Judge Orly, si Prof kay Anz at si Henry naman kay Chie. Binigyan kami ng 5 minutes para makipag-usap sa judge pero kami ni Orly, limang segundo lang yata.

Tanong ni Orly, "Di ko alam kung kaya mo 'to... alam mo ba yung Time and Tide ni Basia?"

Kunwari hindi ko alam at kunwari hindi ko na dati pa itong kinakanta, isang kiming "oo" ang isinagot ko. Yun lang. Pride ang binigay ni Prof kay Anz, original ng U2 pero may cover si John Legend, samantalang walang saradong napagkasunduan sina Henry at Chie. Magte-text-text na lang.

So kaming tatlo sa finals. Sino kaya ang tatanghaling PS Idol sa amin? Hirap hulaan, pare-parehong magagaling!

Pero si Anz pa rin ang chicken ko!

Heto ang ilan sa mga larawan courtesy of Iggy and my sister Girlie:

Photobucket
4th elims teaser

Photobucket

Anxious Top 6

Photobucket

Interview portion

Photobucket

Top 3 revealed

Photobucket

Last in

Photobucket

Top 3 teaser

Binalibag Ni Choleng ng 7:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, November 23, 2009

At 2 and 40
Dalawang taon lagpas ng kuwarenta kaya dalawang araw ang pagdiriwang. Ganun? Eh di sa isang taon tatlong araw?

Bahala na.

Day 1: EK

Photobucket

Daming first-timers kaya atat

Day 2: Haybol

Photobucket

Catered by During's

Photobucket

Cabusora's

Photobucket

Tet w/ Mom, Dad and Jenny (di nakasama sa EK ... waah)

Photobucket

Birthday gifts ... books ... books ... books ...

Birthday wish? Sana makayanan ko ang lahat ng stress na kinakaharap ko ngayon at di ako panawan ng ulirat. Nawa'y mabigyan rin ng hustisya ang 57 kataong biktima ng Ampatuan Massacre.

'Yun lang!

Binalibag Ni Choleng ng 7:31 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 21, 2009

New Moon Gaga
Photobucket
Pila sa G4 takilya

Kahit sobrang ngarag sa Idol, naisingit ko pa rin ang panood ng sine. Parang consolation na rin sa sarili dahil isang elimination na naman ang nalusutan ko and besides, palalampasin ko ba naman ang isang Edward Cullen?

Mabuti na lang at pang-umaga ako kaya nakapag-advance booking sa Glorietta. Akalain n'yong Wednesday pa lang pero nakuha na agad ang best seats para sa 4:30 screening ng Saturday! Good move dahil di mahulugang-karayom ang tao sa G4. Parang may rally! Susme, much-awaited at expected na blockbuster ang New Moon, parang suicide yata yung pipila ka pa ng mahaba bago makapanood. Sa tulad kong hectic ang schedule at sobrang stressed-out, di ko na kakayanin.

Para sa mga hindi tagasubaybay ng Twilight Saga, masasabing napakababaw ng plot, walang kuwenta ang pelikula at maiinis pa kung bakit title pa lang ng movie ang ipinakita sa screen eh sigawan na ang tao o kung bakit may impit na tili (na may kasamang kilig) sa mga eksenang magkasama sina Edward at Bella, malakas na tili tuwing ipapakita si Jacob at mas malakas na tilian nang hawakan ni Bella ang 6-pack ni Jacob pero para sa mga fanatic na katulad ko, normal na reaksiyon lang. (pero di ako sumisigaw kay Jacob ha!)

Tama ang desisyon na dagdagan ang eksena ni Edward. Halos hindi ko naramdaman ang pagkawala n'ya di tulad sa libro na sa sobrang inip, ilang ulit ko'ng pinintahan kung saang chapter siya muling magpapakita.

Natawa ako sa ending ng movie -- actually, sa manonood ako natawa. Sigurado akong alam naman ng karamihan kung ano ang ending sa libro pero sigawan pa rin nang sabihin ni Edward kay Bella na, "Marry me." OA!

Sulit ang bayad (walang kokontra!) Can't wait for Eclipse!

Binalibag Ni Choleng ng 7:30 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, November 20, 2009

Kuwentong Idol: Songs from the year hired in APS
Gandang idea raw ang pagsasanib namin. Imagine, parehong nasa Top 3, magkasangga. Team work at it's finest, wika nga.

Salamat sa pagiging matulungin ni Gab.

Kakahiya nga k'se busy na nga sa school at medyo komplikado ang rendition ni Gab ng Poker Face (maraming gadgets na involved) pero buong-puso pa rin niya akong tinulungan. Bukod tuloy sa gagamitin n'yang electric guitar at megaphone, binitbit pa rin nya ang keyboard. 6 AM ang pasok ko pero 5 AM pa lang, nasa Zoneriv na ako para sa rehearsal. Salamat at pumayag ang iri-relieve ko'ng si Wea na maghintay sakaling mag-overtime ang rehearsal (na siya ngang nangyari!)

Talaga namang bumabaha ng assistance dahil present sa rehearsal si Troy (trainer ng Zoneriv) para magbigay ng pointers. Laking tulong ang iminungkahi n'ya sa akin na medyo ibahin ang atake sa If I Ain't Got You dahil halos magkaboses na raw kami ni Alicia (naaaks!) at baka masabihan ako ng judges na copy cat. Hindi naman maganda ang timpla ng boses ni Gab kaya hirap na abutin ang highest part ng Poker Face (can't read my ... can't read my ...)

Nagbunga naman ang mga pagsunod ko sa mga tips ni Troy. Pasok ako sa Top 6 pero kakaloka ang nangyari kay Gab. Oo, si Gab na dalawang linggong kasama sa Top 3, ligwak!

Kakaiba ang style ng announcement ngayong ikatlong linggo. Lahat ng contestants ay inabutan ng brown envelope. 'Pag may lamang smiley, pasok ka pa; pag big smiley, kasama ka sa Top 3 pero pag walang laman ... out!

Para akong binuhusan ng yelo nang malaman kong walang laman ang envelope ni Gab. Nagkatinginan na nga lang kami ng katabi kong si Anz (siya yung maliit na guy na nabanggit ko dati na sobrang dulas at kinis mag-R&B ) sabay tanong ng bakit??? Nakakagulat dahil bagamat hindi kagandahan ang vocals ni Gab (kasalanan ng mint!), busog naman sa stage presence and besides, hindi pa siya dapat natanggal dahil meron pa'ng mas malala (I won't name names, baka magtampo!). Hindi k'se nagustuhan ng judges (naguluhan yata) ang pag-focus niya sa effects at hindi sa vocals.

Nagtaka rin ako kung bakit maliit na smiley ang nakuha ko, kung kailan pa naman confident ako na makakasama ako sa Top 3! Noong una, hindi ko maintindihan ang mga judges. Sabi ni Prof, among the performances, he liked mine, although awkward ang movement ko sa stage. Exceptional daw ang performance ko, sabi ni Judge Henry, best vocals, dagdag pa n'ya although I need to work on my stage presence.

Gusto pala nila ako, bakit maliit na smiley ang nakuha ko?

Hindi ako makapaniwala na ang di-gaanong kumplikadong Tell me Your Name ay big smiley-material kumpara sa makalaglag-matres na If I Ain't Got You pero nang i-review ko ang performance ko, naunawaan ko ang mga judges. Kulang na kulang nga ako sa stage presence, may isang part na offkey, panay ang lingon ko kay Gab at tama si Judge Orly: mukha akong matanda!

Bagama't disappointed ako, may isang nakaka-touch na pangyayari. Nilapitan ba naman ako ni Kiko (trainer s'ya at isa sa mga committee ng Idol) na mukha ring disappointed katulad ko at binulungan na “for me, you’re #1.” Later on, inabutan n'ya ako ng bond paper na may nakaguhit na malaking smiley. I deserve it daw. Too bad he’s not the judge… hehehe ….

Hay, ngayong pasok ako sa Top 6, hina-harass ako ni Xiao. Kailangang umabot daw ako sa finals dahil malaki na ang hirap n'ya sa Idol ... ano raw ang kakantahin ko sa 4th elimination ... kailangang mag-practice daw ako araw-araw dahil hindi pa s'ya sawang dumalo sa mga Idol meetings. Hay, gagawin ko ang lahat pero ito lang ang masasabi ko: hirap talaga ng competition because you’re at the mercy of the judges.

Bahala na.

Sobrang stress! Ako na lang ang natitirang manok ng Tech and Telco. Plano pa naman namin ni Gab na umabot hanggang finals. Oh, well. Bago kami naghiwalay ni Gab, sinabi n'ya sa akin na kung kailangan ko'ng muli ng tulong n'ya, sabihin ko lang. Hay, talagang he's the brother I wish I have.

May your tribe increase, Gab. Para sa akin, ikaw ang tunay na idol!

Heto ang ilan sa mga larawan, courtesy of Iggy Boy again:

Photobucket

3rd elims teaser

Photobucket

Top 6 with hosts

Photobucket

Dynamic Duo

Photobucket

Small smiley

Photobucket

Anz's big smiley (with Con of Travel)


Photobucket

Gab's "controversial" performance

Photobucket

Idol-material Xiao

Photobucket

Kiko, thanks for believing in me!

Photobucket

Judges with APS Idol brains JV (and Denn)

Photobucket

3rd elims result

Binalibag Ni Choleng ng 7:26 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, November 16, 2009

Building Team Dan
Panibagong pakikisama na naman.

'Yan ang isa sa mga worry ko nang malaman kong lilipat ako sa Command Center. Kung kailan pa naman nagiging malapit na ako sa mga kasama ko sa Eyab, heto at balik na naman ako sa square one sa pakikisama.

Makalipas ang 16 araw, napatunayan kong sayang lang ang pag-aalala ko dahil madali naman naming nakapalagayang-loob na tatlong newbies (ako, Chummy and Cielo) ang mga dinatnang RTA's na sina Wea, Dana, Neth, Rowell, Cebu-counterparts Tonet, Ebro, Jhulz and JV pati na rin ang aming bossing Dan.

Dahil tatlo nga kaming bago at bilang pagdiriwang na rin sa pagiging isang ganap na ama ni Rowell, napagkasunduang mag-team building sa Max's. Sa kasamaang-palad, di nakasama si Rowell dahil nasa hospital pa.

Congrats, anyway, Father Rowell. Salamat sa 'yo, makakatikim ako ng pang-umaga kahit 7 working days lang.

Bottom-picture: Me, Cielo, Wea, Chummy, Dana and Bossing Dan

Binalibag Ni Choleng ng 7:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, November 15, 2009

One Fine Sunday

Panalo ang pagkakakanta ng La Diva ng Lupang Hinirang sa tirisang Pekyew-Cotto. Ang ganda ng arrangement at balanse ang bosesan. Hmp! For sure may masasabi na naman ang National Historical Institute.

Kayo kaya ang kumanta?

*****

Photobucket

Ang bosesang La Diva ay tila pagkakaibigan namin ni Pac. Suwabe, balanse, natural pero di ko papangaraping makipagbosesan dito dahil ayokong mawalan ako ng career! Di ko na matandaan kung ilang taon na kaming mag-pak (pakner in crime) pero ang sigurado, line of 2 pa lang ang waistline namin nun -- ngayon, line of 3 na.

Laglagan!

Binalibag Ni Choleng ng 7:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 14, 2009

BIP ... BIP !!!


Kasabay ng pagkaaligaga ko sa Unity for a Cause ay ang bugbugang pag-aaral ng kanta para sa mala-ASAP '09 opening number namin nina Jai at SheShe sa BIP (Bistek Intense Party) na gaganapin sa Bellevue Hotel Alabang. Yung final rehearsal nga namin ni Gab sa Zoneriv, di ko na nasipot dahil nahila na ako ni Jai sa Bistek Room para makipag-practice sa kanila.

Tagasubaybay din naman ako ng American Idol pero ewan ko ba, hindi ako naging interesado sa mga winning songs nila kaya naman double time ang ginawa kong pag-aaral sa kakantahin kong Inside Your Heaven ni Carrie Underwood pati na rin ang back-up part sa solo numbers nina Jai (Time of My Life) at SheShe (This is My Now). Maganda naman ang kinalabasan bagama't hindi nagawa ang pinag-aralan naming blocking dahil iba ang set-up ng stage at microphones pero pasado na para sa kulang sa practice na tulad namin.

Dahil siguro sa pagod sa mga nakaraang linggo, hindi ako gaanong nag-enjoy sa party dahil said na ang aking enerhiya at pag-uwi ang talagang nasa isip ko. Ganunpaman, nagawa ko pa ring maghe-headbang sa mga awitin ng Bistek Band, magtitili sa special dance number ng Lunch Box boys with the mujeres at magsasayaw sa tugtog ng panauhing bandang Bloomfields. Sus, eh napaka-energetic nila lalong-lalo na ang bahista at sobrang galing pa, sinong di mapapaindak!

Pero promise, pagkatapos na pagkatapos nga ng program ay sibat ako agad at agad naghanap ng taxi -- ni hindi ko na naisip mag-bus dahil sobrang low batt na ako.

Sayang, una't-huling anniversary celebration ko pa naman sa Bistek, di ko pa sinulit. Hindi bale, bawi na lang ako sa Idol competition. Dahil sila pa rin naman ang kinakatawan ko, I'll make them proud.

Heto ang ilan sa mga larawan courtesy of Manager Xiao:

Photobucket

With Bistek Sups and co-Eyab Jec

Photobucket

Lunch Box Boys w/ the mujeres

Photobucket

Photobucket

Photobucket

The Bloomfields

Binalibag Ni Choleng ng 7:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, November 13, 2009

Kuwentong Idol: Unity for a Cause
Photobucket
Denn for a cause

Malaki ang problema ko.

Oo nga't tila plantsado na ang lahat para sa ikalawang elimination round. Linggo pa lang ay meron na akong isusuot na gown at napagdesisyunan ko'ng Somewhere in Barang ang kantahin at madali namang nakakuha ng accompaniment nito pero nanlumo ako ng nang mapakinggan ang karaoke VCD. Bukod sa mataas ang pitch (panay ang palatak ni ina habang nagpa-practice ako ... sabit daw!), sobrang haba pa ng intro ... 1 minute and 20 seconds! Ano ang gagawin ko sa ganoong kahabang gap? Mag-i-interpretative dance, tumula ng Trees ni Joyce Kilmer o magsaboy ng bulaklak mula sa basket a la flower girl?

Isang solusyon ang naisip ko. Acoustic accompaniment mala-Lea Salonga sa Someone to Watch Over Me. Martes, kinausap ko ang ka-Bistek na si Dawnwell na isang mabangis na gitarista kung kaya n'ya akong akompanyahan. Hindi muna nag-commit kundi sinabing pakikinggan muna nya ang kanta na nauunawaan ko naman dahil hindi n'ya ito genre -- isa siyang rakista pero dahil magaling naman, umaasa akong kakayanin. Malalaman ko raw bago mag-Huwebes kung kaya.

Sa kasamaang-palad, hindi kinaya ng powers kaya paggising ko ng Huwebes ng hapon, sinimulan ko ng mag-practice gamit ang VCD. Sinikap kong gawan ng palusot ang matataas na notes gamit ang pandarayang itinuro sa choir at mukhang epektibo naman dahil sabi ng mga miron sa bahay, mas maganda ang pagkakakanta ko rito kumpara sa Help. Bahala na yung mahabang intro.

Hay, naku! Sayang lang pala ang pamomroblema ko dahil nang mag-sound check (oo, may sound check na para makasiguro ang Idol committee na di na maulit yung nangyari last week na may mga nag-take 2), nagawan ng paraan ng technical team na putulin ang intro dahil merong counter yung player. Yun naman pala eh!

Ayos naman ang pagkakakanta ko although alam kong may mga lugar na nabasag ang falsetto ko lalo na sa huling bahagi dahil sa tindi ng kabog ng dibdib ko pero maganda naman ang reviews na nakuha ko. Akala raw ni Judge Henry narinig na n'ya ang pinakamagaling na boses pero nagkamali sya (wow!). Ayon naman kay Prof, alam ko raw ang limitasyon at kakayahan ng boses ko -- tough song ang Somewhere pero nalusutan ko. Mukha naman daw akong principal maglakad, sabi ni Judge Orly at komento naman ng mga katropa, mukha raw akong Imelda Marcos sa gown pero ano'ng magagawa ko? Wala naman akong karapatang magpa-sexy at magpakita ng braso!

Hindi man ako gaanong natuwa sa performance ko dahil sa palagay ko eh "I could have done better," wika ko nga kay Brett (yes, nanood na naman sila ni Ray. Cool talaga ang Bistek clients!) pero sapat na yun para mapasama sa Top 3 along with Chie (na naman!) at Gab (na naman! sobra ka na, ha!) Bagama't ayon sa mga judges ay magagaling ang performance ng 13 kalahok sa gabing ito -- higit na maganda kaysa Classic R&R week, sa kasamaang palad ay apat ang natanggal dahil walang naganap na elimination noong nakaraang linggo -- sina Kim, Bryan, Jomar at Roel. Hay, kakalungkot pero at least, tapos na ang kangaragan nila!

Mga awitin mula sa taong napasok sa PS ang theme next week. Wala ng gaanong problema dahil pumayag na si Gab na tugtugan ako. Schedule na lang ng rehearsal ang kailangang plantsahin.

Sana hindi kami matsugi.

Heto ang ilan sa mga larawan. Karamihan ay mula kay Iggy Boy (thank you!):

Photobucket

Imeldific

Photobucket

Make-over with Xiao

Photobucket

Finished product

Photobucket

Team T&T

Photobucket

Team to beat -- T&T!

Photobucket

Judge Henry

Photobucket

Judge Orly

Photobucket

Prof

Photobucket

Belting it out

Photobucket

Jayeeeem and Love, thanks for the support!

Photobucket

Bistek peeps

Photobucket

Pa-sweet

Photobucket

Top 9

Photobucket

Second Elims result

Binalibag Ni Choleng ng 7:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, November 11, 2009

Akalain nyo yun?
Sa limang taong existence ko sa PS, ngayon lang ako napagawaan ng tarp?


Photobucket

Salamat, Bistek!!!

Binalibag Ni Choleng ng 7:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, November 07, 2009

Kuwentong Idol: Tech & Telco sa Baseco
Photobucket

Nakukulapulan pa ng wax ang buhok, bakas pa ang eyeliner mula sa Idol elimination kagabi at bangenge pa mula sa crash course training ko ng report generation at call monitoring ng Bistek (oo, mabilisan dahil mula Monday, ako na ang RTA nila) pagkatapos ng shift, diretso na ako sa Idol charity activity sa Baseco.

Di na sana ako sasama dahil tila babagsak na ang katawang-lupa ko pero dyahe naman dahil hindi lang mga agents ng Bistek at Zoneriv at co-RTA Chummy ang kasama, andun din ang mga team managers, supervisors pati na ang senior manager! Okay din naman dahil wala kaming gagawin ni Gab kundi magpakita, sina Dennard ng HR, Idol manager Xiao, Tm Jai at Manager Virg na ang bahala sa negosasyon.

Smooth naman ang activity. Mabilis ang biyahe at madali namang nahanap ang venue. Matapos ang mga pagpapakilala, pagpapaliwanag ng adhikain ng World Vision pati na rin ang do's and don'ts, sinimulan na ang "klase."

Kinuwentuhan ni Jai ang mga bata ng tagalized na The Emperor's New Clothes, (take note, on the spot ang translation) pagkatapos ay ipinaguhit ni Xiao sa mga bata kung ano ang gusto nilang "maging" paglaki gamit ang supplies na dala rin ng grupo namin. Matapos piliin ang pinakamaganda, kainan na. Cupcake, gelatin, juice -- samu't-sari, tuwang-tuwa ang mga bata.

Photobucket

Storyteller Jai

Kinantahan din namin ni Gab ang mga bata. Medyo na-tense ako dahil hindi ko alam kung ano ang kakantahin. Hawak-kamay daw, sabi ni Jai pero di ko kabisado so excerpt na lang sabay isinunod ko ang May Bukas Pa. Bingo, kabisado ng mga bata kaya sila na lang pinakanta ko ... hahaha!!! Sinong bata ang di gusto si Santino? Hands to Heaven naman ang kinanta ni Gab na alam din naman ng mga bata.

Bilis ng oras, agad natapos ang nakalaang 3 oras. Paalaman at kodakan muna at matapos ang mabilisang pagsusunog ng baga ng karamihan, bumalik na kme sa PS.

Nag-enjoy ba ako? Di gaano dahil sadyang di ako mahilig sa bata lalo na't hindi ko kadugo pero masaya na rin ako sa isang banda dahil naranasan kong gumawa ng mabuti sa kapwa -- kahit di ko ka-close.

Ang sama ko talaga! (Di naman, nagpapakatotoo lang!)

Binalibag Ni Choleng ng 11:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, November 06, 2009

Kuwentong Idol: Classic Rock and Roll
Photobucket

Sa dinami-dami naman ng numerong mabubunot ni Manager Xiao, bakit number 1 pa? Anak ng ... tindi ng pressure. Unang elimination tapos ako pa ang una'ng sasabak ...

Kumusta naman!

Kaninang umaga, ipinarinig namin ni Gab (yes, from Gabriel yan na ang tawag ko sa kanya ... nagiging close na eh) sa mga Tech and Telco bossings (pati na rin sa bago kong bossing sa Command center) ang kakantahin namin. Nauna akong ngumawa (yes, ngawa talaga dahil 5 AM pa lang, hirap kumanta). Okay naman ang reviews, kailangan daw akong maging maingat sa mga high notes at maging conscious sa pagbigkas ng ilang salita. Ang mokong na Gab na kulang na lang maglupasay dahil naunahan siya sa Come Together ay kahanga-hanga ang rendition ng Heaven sa saliw ng mahiwaga nyang keyboard. Hanggang 6 AM ang reservation namin sa Training Room 1 pero maagang natapos kaya nag-jamming na lang kami. Alam palang tugtugin ni Gab ang If I Ain't Got You, pumayag na tugtugan ako sa 3rd elimination kung suwerteng umabot.

Kahit na gamay ko na ang Help dahil ilang taon ko na rin itong kinakanta, maganda naman ang reviews at narinig ko na rin namang kumanta ang mga kalahok noong meet and greet kaya alam ko na kahit papaano ang estado ko pero todo pa rin ang kaba ko. Kahit na binulungan pa ako ni Xiao na non-elimination round daw ito (nakita n'ya sa kakalat-kalat na script ng mga hosts) di pa rin naalis ang daga sa sistema ko. Ikaw na ang mauna, idagdag pa na muli akong magsusuot ng fishnet sa mataas at nakaka-intimidate na idol stage!

Buti na lang at kahit na kinakabahan ako ay nanaig ang composure ko. Nakuha ko pang mag-stand up comedy nang mabulilyaso ang sound system -- maling cut ang pinatugtog nung una tapos nang makuha ang tamang kanta, ayaw namang humiwalay ang boses sa tugtog! -- isang bagay na ikinapuri ni Judge Henry. Karaoke naman daw ang pagkakakanta ko at hindi gaanong rock ang dating sabi ni Prof samantalang sobrang conscious daw ako sa damit ko pero maagang nag-predict si Judge Orly na magtatagal pa ako sa competition.

Gaya ng inaasahan, wala ngang natanggal. Bukas k'se ang simula ng Baseco Week (isang Idol activity bilang precursor sa Unity for a Cause theme) at awkward nga naman na tanggal ka na pero pupunta ka pa rin para mag-tutor sa mga bata. Sad to say, pang-5 daw ako sa ranking but the good news is, I'm still in! (ay, wala nga palang tanggal!) Kasama sa Top 3 ang ka-tag team kong si Gab (way to go, partner!), si Chie (Come Together) at Anz (Living on a Prayer).

Kapansin-pansing nahirapang lahat sa rock na tema, may ilan pa nga na nag-take 2 (isa na dun si Gab), dahil karamihan ay hindi rocker. Hopefully, wag sanang mangyari sa susunod na linggo -- Unity for a cause ang theme. Hay, hagilapan na naman ng minus one.

Heto ang ilan sa mga larawan:

Photobucket

Idol Stage

Photobucket

Help!

Photobucket

Judges Henry, Orly and Prof

Photobucket

Bistek clients -- Ray & Brett, the best!!!

Photobucket

Q&A

Photobucket

Classic Rock & Roll result
P.S.

Isang malaking pasasalamat sa mga tumulong, nanood at tumili sa akin (alam nyo na kung sino-sino kayo -- ehem ... Anna, Leo ... grabe!) Promise, ito na ang huling beses na magsusuot ako ng fishnet at magpapakita ng pata!

Kaumay!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com