<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d10718926\x26blogName\x3dThe+JAYNA+Monologues\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thejaynamonologues.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com/\x26vt\x3d-5928529255510825873', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, September 28, 2007

Stolen Shots Part III
Talagang hindi maubos-ubos ang kakaibang eksena ...

Virgin Mary and Mary Palmer

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

May Palmer? Hindi kaya ET o si Kokey???

Boy Borlog at his finest ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Guard, pakidampot. Ay! siya pala ang guard!

Binalibag Ni Choleng ng 10:10 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 23, 2007

Na-Chuva si Mama
Ilang Kuyog event na rin ang hindi ko nadaluhan kaya naman ngayong birthday ni Mama Luz, ang dakilang ina ng Kuyog, talagang pinilit kong makarating.

12 NN pa lang umalis na ako ng bahay para makaabot sa salo-salo sa Burgos, Montalban. Ilang beses na rin akong nakapunta sa kanila kaya tantiya ko mga 2 PM ako makakarating pero anak ng tinapa, sa tindi ng traffic sa Ampid, 4 PM na ako nag-touchdown sa Felicidad.

Pambihira, bihira na nga lang akong magawi pero lagi na lang bumper-to-bumper pagdating ng Ampid.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketKumusta ka naman?

Hindi pa ako nakakapag-lunch kaya pagkarating, konting chika-chika lang at nanginginig-nginig at nanlalamig pa ang kamay akong humakot ng pagkain. Sulit naman ang pagod. Muli ko nakita ang mga old friends (literally getting old pero may mga asim pa rin), nakasagap ng maiinit at malalaswang chikahan, bumaha ng pagkain at san ka pa, may libreng dog show mula sa makulit nilang alagang si Chuva. (Children's party?)

Pakipot pa si Chuva (isang Beagle, hindi mudblood ha!) nung una pero bandang huli, game na game na.

10 stars sa obedience!

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket">

Mama, salamat sa masaganang handaan at sa dog show.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kami naman ni Toyang ang susunod na magbe-birthday. Ano kayang magandang gimmick? Abangan sa muling pagkikita ng Kuyog.

Binalibag Ni Choleng ng 9:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Quip for the day
"I'm glad you know what you are doing 'coz I don't ..."

- Customer Grounded

Binalibag Ni Choleng ng 6:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 21, 2007

Happy birthday, Doc!
To the founder and CEO of Dexter Bergante Foundation (and stockholder of Bergante Collections)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hot Dad Look
Happy, happy birthday!

Nawa'y mas marami pang sikmura ang malamnan mo.

Feed the World.

Binalibag Ni Choleng ng 10:21 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, September 19, 2007

Stolen shots Part II
Relationship selling ala Nicole

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Powder na pampatulog

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Kanina lang malakas pa siya ...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 10:13 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 18, 2007

Malaysia, Truly Asia
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 10:20 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, September 17, 2007

Salamat Kabayan
Naligaw lang, nagpa-pizza na.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Manligaw ... este, maligaw ka sana ulit, Ginoong Malapitan.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Plus pogi points ka kay Clio!

Hanep, parang mug shot lang ng PS!

Binalibag Ni Choleng ng 4:38 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 16, 2007

Munting Burak-cay
5:30 ang alis sa Manila ayon sa time table ni TM Uly pero umiral na naman ang Filipino time, mga 6:00 AM na kami nakaalis.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mga walang kahilig-hilig sa camera

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mga Alipin pero hindi batid

Ayaw ko sanang sumama dahil masisira ang Likas Papaya skin ko pero sa laki ng takot ko kay Anna, gora ako. Sulit naman ang pagsama ko. Bukod sa nakatakas ako sa kuko ni Markk, sobrang enjoy pa! Komportable ang sasakyan, masarap ang food, never-a-dull-moment ang mga kasama at higit sa lahat, dininig ni Allah ang panalangin kong magdilim sana kaso nasobrahan. Hindi lang nagdilim. Umulan pa!

First time ng lahat sa Munting Buhangin. Maganda sana ang resort pero dahil umulan nga the night before at umuulan pa rin nang dumating kami, ang buhangin, tila naging burak.

Munting Burak-cay!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Oo, buhangin yan, oo!

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket


The beauty of Munting Buhangin

Ganunpaman, masaya pa rin kaming nagtampisaw. What the heck? Beach is beach. Dapat mag-enjoy.

Medyo malalakas ang alon dahil masama nga ang panahon pero ito ang naging source ng kasiyahan namin. Bawa't malalaking alon, sinalubong namin, nagpahampas kami. Yun nga lang, kasama ng alon ang sea weeds, plastic, mga pakete ng chips, Lucky Me, cornik, Max, may nadampot pa akong tube ng Beam!

Ad Congress???

Inalipusta man namin ang beach, hindi ang pagkain. Grilled pork and squid, ginataang chicken (oo, Anna, ginataan ang tawag ko!), chicken salad at ang humba na natumba. Panalo!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Magsiksikan tayo, shall we?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Tequila, coke, salad, pork bbq and cake. Bagay!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Boy meets Grill

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket
Can you spot the not?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Temptation girls

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Teka lang kami rin!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Calling the attention of Elwood Perez

5:30 ng hapon, handa na ang lahat pauwi. Plano pa sanang dumaan ng Tagaytay para mag-bulalo pero dahil sa pagod (langyang hagdan ng Munting Buhangin yan!), nakatulog. South Expressway na nagkagising. Walang bulalo, wala ring pasalubong.

Pagod man at nangolekta ng basura sa beach, masaya sa kabuuan.

Atty. and Mrs. Lucero, Uly and June, maraming-maraming salamat sa inyong walang pagod na pagpaplano at paghahanda. Kung wala kayo, wala ang monumental outing na ito.

Nath, salamat sa cake na effort mo pang binitbit mula Baguio. It's worth the trip. Sobrang sarap, karapat-dapat na dakmain.

Dulva, ipinaglihi ka ba sa janitor fish?

Macky, walang sinabi si Bobby Flay sa 'yo.

Sa lahat ng dumalo, salamat sa kaligayahan at hanggang sa muli.

Dyan na lang sa breakwater, malapit-lapit.

Binalibag Ni Choleng ng 4:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 14, 2007

Isang tanghali sa Pao Tsin
Lagi lang akong nakikipabili, hindi ko alam kung paano bumili sa Pao Tsin. Ngayong wala akong mapakibilhan, no choice kundi ako mismo ang bumili at dahil tatanga-tanga nga akong bumili, nagpaturo pa ako kung paano. Salamat sa Pao Tsin 101, Toots.

Akala ko ako lang ang tatanga-tanga, may kaklase pala ako.

Paalis na ako sa Pao Tsin nang may lumapit na isang mama. Nag-eavesdrop muna si Choleng.

Mama: Miss, shark's fin, please. (Inglesero pa huh)

Miss: Steamed or fried?

Mama: Yes, fried rice.

Miss: Fried po yung shark's fin?

Mama: Oo.

Miss: Ano po yung rice, haianese o seafood?

Mama: Napakakumpikado naman pala. Ano ba yung masarap?

Mama, ganyan talaga. Pag masarap pinaghihirapan!

Binalibag Ni Choleng ng 9:45 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 13, 2007

PS Ayyy-dol
Ilang taon kong iniwasan pero this year, hindi ako nakakawala dahil isa si Lovester sa organizers.

PS Idol po ang tinutukoy ko.

Eliminations. Panay ang reminders sa akin ni talent manager Anna papuntang Chaka Building. "Relax, Gina ... may tendency kang ma-tense ... take a deep breath ... good job!"

Piano in the Dark at binarubal na Last Dance ang tinira ko. Binarubal dahil kung anu-ano'ng lyrics ang lumabas sa bibig ko. Ang hirap kumanta dahil 6:00 AM pa lang, puyat at walang vocalization pero okay pa rin. Nakalusot sa Face-off na naganap two days after.

Face-off.

Mag-isa lang ako dahil na-vertigo ang manager ko. 4 na categories ang ibinigay, choose two -- Songs about unity, Songs from the 80's, Broadway Songs at Music Icon kung saan pipili ka ng kanta ng astig na artist tapos gagawan ng sarili'ng rendition.

Cabaret ang tinira ko para sa Broadway na hindi ko na maalala kung kailan ko huling kinanta tapos Something ng Beatles para sa Music Icon na ginawa kong bossa nova.

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketGaya nung eliminations, hirap kumanta dahil mga 6:00 AM ulit, puyat at walang vocalization. Nangyari ang kinakatakutan ko na mabuti't hindi nasaksihan ng talent manager. After so many years, pumiyok ako habang pilit na iaabot ang mataas na nota ng Cabaret. Recorded pa naman (wag naman sanang i-post sa You Tube at masisira ang reputasyon ko!)

Siyempre pumiyok ako eh di hindi ako napili. Although natural sa isang singer ang pumiyok, it's a big no-no pagdating sa singing contests. Kahit ano'ng galing mo at pumiyok ka, Luz Valdez ka na. Sobra rin daw powerful ang voice ko. Hindi trip ng mga judges. Ganunpaman, gagawin daw akong voice coach ng representative.

Huwaat? Ano'ng ituturo ko sa kanya? Ang pumiyok?

P.S.

Talent manager Anna, sorry naudlot ang budding career mo as a manager. Ituloy mo na lang kay Macky.

Binalibag Ni Choleng ng 8:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 09, 2007

Suwerte, suwerte lang
May common denominator ang mga contestants sa Wowowee.

Lima hanggang walo'ng magkakapatid. Walang trabaho o pa-extra-extra lang si tatay o dili kaya'y nagtitinda, labandera o nasa bahay lang si Nanay. Lahat gustong manalo para kahi't papaano'y maibsan ang paghihirap.

Karamihan nadadala sa kuwento ng mga kalahok. Naaaawa. Nahahabag. Naiiyak. Ako? Natatawa ako ... (hi ... hi... hi... hi ...)

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketNasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Yan ang hindi ko maintindihan. Hindi naman sa nangmamaliit, nagmamarunong o nanghuhusga ako pero bakit alam nang gipit at walang stable na trabaho eh ariba pa rin sa pagpapalaki ng pamilya? Hindi bale sana kung stuffed toy ang mga anak na iluwal lang tapos na pero hindi. Sino ang nagdurusa? Eh di ang kaawa-awa ring mga anak na dahil kapos eh napipilitang magtrabaho sa murang edad at kadalasa'y nahihinto o hindi na nakapag-aaral?

Kung puwede lang magpapalit ng magulang!

Laking pasasalamat ko at hindi sila katulad ang mga magulang ko. Hikahos din namang masasabi pero ang ipinagkaiba, naging responsable ang parents ko. Maayos at marangal kaming napalaki at iginapang na maibigay sa aming magkakapatid ang edukasyong hindi nila nakamtan.

Programang pang-masa ang Wowowee pero isa itong malaking silid-aralan.

Binalibag Ni Choleng ng 7:14 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


kaSUTILan

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Sutil.

Malalim na tagalog. Ibig sabihin matigas ang ulo. Pilyo. Pasaway.

Gawa ng pangalan, inakala kong ganun ang tipo ng musika ng banda ni RJ Chaves. Matinding rakrakan. Maingay. Masakit sa tenga.

Teka nga, sino naman si RJ Chaves? Pinoy pop superstar. Taga-LG na sya pero tubong-DR. Makulit. Balahura. Balatuba. Tipikal na taga-DR.

Bumili ako ng CD ng Sutil out of pakikisama kay RJ. Siyempre, tsokaran, kailangan suportahan. Hindi ko inakalang magugustuhan ko.

Magaganda ang kanta. Sampu lang pero iba-iba ang tema, iba-iba ang bagsak. Sulit.

Simple, suwabe orihinal at natural. Walang itulak-kabigin. (RJ, I'm so proud of you. Parang hindi ikaw!)

I especially liked Paradise, Salot at siyempre, Kol Center na pinatutugtog na ngayon sa Jam 88.3.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Para sa interesadong magkakopya, Text Sutil, 0926-7393550.

O, ano pang tinatanga-tanga n'yo dyan. Kilos na at magpaka-Sutil.

Binalibag Ni Choleng ng 6:25 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 07, 2007

Nano ... nano ...Na naman???
Una, 7260 cellphone.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ikalawa, Dowell Blender.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ngayon naman, iPOD nano. 4 gig ito!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Malas ako dati sa raffle, ewan ko ba. Biglang nagbago ang takbo ng tadhana.

I would like to thank PS for my gadget!

Nakup! 'Wag naman sanang "boylet" ang ipa-raffle the next time ...

Susmaryosep!!!

Binalibag Ni Choleng ng 10:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 04, 2007

Screenshot
3:07 AM CST

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 10:02 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com