BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Tuesday, December 30, 2008
Mrs. Acupan ... finally!
Di na ako nagmaaga sa kasal ni Haydee dahil hindi naman ako sa simbahan kakanta kundi reception na lang pero pagdating ko sa St Ignatius Cathedral (loob ng Camp Aguinaldo), nadaanan ko pa si Haydee, nagmamaganda at nagmumura ang cleavage sa bridal car. Parang ako lang ang hinihintay. Pagkabeso-beso ko sa mga Lucero (godparents ang mag-asawang Anna at Jolex) nagsimula ang bridal march.
Okay naman ang seremonya. 'Passable' ang pagkakakanta ng choir sa 'The Prayer' although nakulangan ako sa power (yes, nagmaganda!). May magaling sa choir, in fairness, pero merong mga sintunado na sumira sa ilang kanta nila. Sana wala na lang ako'ng tenga para hindi ko narinig ang mga sintunado. Nasira tuloy ang solemnity ng okasyon.
Anyway, tama na ang pagmamaganda, ibaling naman natin sa reception ang usapan. Kamalas-malasang malas, hindi rin ako nakakanta dahil ayaw basahin ng player ang CD ko. Ganun din yung sa isang kakanta sana. Ewan kung ano'ng klaseng player meron dito sa AFP Commissioned Officers Club. Dapat pala nagdala na lang ako ng sarili kong guitarist or pianist. 'Di na rin lang ako makakakanta, inatupag ko na lang ang pagkain (pabor?)
Haydee and Aris, nawa'y ang pagsasama nyo'y maging sing-ganda ng inyong chemistry, sing-sagana ng inyong handa at sing-synchronized ng inyong kuwelang dance number. 'Wag sanang maging sintunado tulad ng choir at sing-palpak tulad ng modista n'yo. Sa halos isang dekada ninyong pagkakakilala, sigurado akong matatag na ang pundasyon ninyo pero kapit pa rin.
Nag-leave ako para makipag-practice sana sa makaka-duet ko sa kasal ni Haydee (former officemate) ang kaso, nag-text ang bride-to-be na choir na lang daw ang kakanta ng request n'yang The Prayer atsa reception na lang daw ako. Ayun, nakasama tuloy ako sa binyag ni Claudia, unica hija nina Chichay at Gordon (mga ka-COF -- Circle of Friends).
East Club House Cainta ang venue, sa Galleria kami nagkita-kita. First batch kme nina Ollie at Bonj (siyempre, kailangang di ma-late ang ninong), second batch sina Mannix, Kulot at Jomarie dahil late ang Supergirl. Walanghiya yung taxi'ng nasakyan namin! Porke mukha kaming mayayaman sukat ba namang tagain k'me! Akalain n'yong hindi pa nag-iinit ang puwitan namin, lampas P100 agad ang metro. 'Di ko pansin nung una dahil katabi ko ang driver pero nang i-text ako ng dalawa, tinutukan ko na ang metro at kataka-taka'ng mula nang titigan ko, biglang bumagal ang patak. P150 ang final na metro. Hmp! Kawatan!
Nakakaasar, nagmadali pa mandin kami yun pala ginoyo lang kme ni Chichay at inagahan ang call time. Tawa tuloy nang tawa ang grupo nina Mannix, especially si Jomarie, dahil sobrang nagmadali kme yun pala kami ang unang-una sa venue. Sina Mannix naman, okay nga yung taxi'ng nasakyan, mabilis at okay ang metro ang kaso nahuli naman. (Wat da!)
Sulit naman ang ordeal dahil bukod sa masarap ang food, kaiga-igaya ang kapaligiran (cute na cute ang clubhouse sa pink and purple na motiff, daming balloons, butterflies at kung anu-ano'ng pa-cute na abubot) rubbing elbows na with the celebrities, may pasalubong pa mula sa mag-asawang Browne mula sa lupain ng bagpipe! (sa'n ka pa!)
COF
Bongga! Tsura ng ABS CBN party ang binyagan dahil andun si Cory Vidanes, isang tanyag na fashion designer na di ko maalala ang pangalan, ilang personalities na hindi ko kakilala pati na ang buong Pratts family dahil ninong si John. Bakit kamo star-studded? Eh kapatid lang naman kse ni Chichay ang namayapang magaling na director na si Manong Gilbert Perez.
Asar-talo si Bonj. Naluto sa kakakantiyaw namin dahil bigatin na nga naman. Imagine, Cory Vidanes as kumare tapos kumpare si John Pratts. Astig! Sabi nga ni Mannix hingan ng ticket ng 'Ang Tanging Ina N'yong Lahat.' Kapal!
Mula sa clubhouse, lumipat kme sa tinitigilan ng mag-asawang Browne na di naman kalayuan. Haybol pala ito ni Manong Gilbert na naging permanent residence na ng mga Perez mula sa dating bahay nila sa Novaliches. Mula sa labas, naalala ko ang bahay ng mga Cullens sa 'Twilight.' Impressive ang disenyo ng bahay, salamat sa Rain-look alike na binata ni Chichay (pinakaguwapong inaanak ni Ollie ... malas na Benjo), nalibot namin ang buong kabahayan. Impressed ako sa disenyo. Maganda at very minimal, black, white, silver and black ang dominant color ... tsura ng mga bahay sa Beverly Hills.
Chichay, Gordon, Claudia, Rain ... este Benjo and the rest of the Perez family, maraming salamat sa lahat. Hanggang sa susunod na binyagan! Ngek!
Madaling-araw na ako nakauwi mula sa KOC party pero gumising pa rin ako ng maaga para magluto. No choice, ako ang nakatoka sa kusina kapag Sunday. Makakain, nagkukumahog akong umalis para tumingin ng outfit para sa kakantahan kong kasal sa Tuesday tapos diretso na sa mass ng Metanoia at 6:30.
Pagkatapos ng mass, bumiyahe na ang choir para sa Christmas party sa haybol nina Pao and Richard sa Angono. Naunang umalis sina Emil para kunin ang pagkain; kay Lani sumakay sina Pao and Conrad, samantalang sa rumaragasang FX ni Richard kami sumabay ni Joy.
Naunang dumating sa venue ang tropa nina Lani, sumunod kami at huli ang pangkat nina Emil, dala ang life of the party .... fooood!!! Hindi naman masyadong halata'ng gutom na kami dahil pagkalapag ng bilao ng pancit, tinapay at barbeque, attack agad ang tropa. Wala nang patumpik-tumpik pa! Besides, may work pa ang host (si Pao) kaya dapat rush ang party.
Hindi pa nakakababa ang kinain namin, sinimulan na ang Kepkep Pudey -- para ring Hep hep Hooray, ang kaibahan nga lang ang Hep-hep ay sa baba(as in down there) at ang Pudey ay sa dyoga ... este, dibdib pala. 2 divisions, si Lea ang nanalo sa girls, si Philip naman sa boys. (puro Lim ah?)
After the game, ang walang-kamatayang gift grabbing naman. Dating gawi, para makapagbukas ng gift, kailangang uminom ng mapait na alak at pag naagawan, may option na mang-grab ng ibang gift o magbukas uli pero kailangang uminom, dalawang beses lang puwedeng ma-grab ang gift. Kung last year si Che ang napuruhan, this year ako ang balagoong. As in limang beses akong naagawan ng gift nakalimutan ko na kung ilang beses akong uminom!
By 12 midnight pack-up na. Kawawang Lani, mag-isa'ng umuwi, sa van nina Emil sumakay ang lahat dahil out of the way kay Lani. Grabe, tinamaan ako sa 5 shots ng ewan ko kung ano yun. Di bale, worth it naman dahil ang final kong gift, isang sowsyal na lalagyan ng oil and vinegar.
Puyat at bitin pa sa tulog dahil galing ako ng shift pero pinilit kong gumising ng 3 PM para makipagkita kay Jomarie sa Shangri-la. 7 PM ang Christmas Party ng KOC (Key of C, dating company choir ng Pocketbell) pero mga ga'nung oras kami nakaalis ng Shang dahil dumaan muna kami sa National Bookstore para bumili ng pang-exchange gift. May gift na ako pero tinext ako ni Emil (choirmaster ng Metanoia) na tuloy ang party bukas at P200 din ang exchange gift kaya kung ano yung gift ni Joms, yun na rin ang binili ko para sa choir -- isang nakakakalog ng tutuli'ng alarm clock.
Bagama't pauwi pa lang ang mga Guerreros mula sa mountain province, party mode at naka-set up na ang videoke-han pagdating namin sa mansion, salamat sa utol ni Maru. Medyo late nang nagsimula ang party (what's new?) pero bawi naman dahil hitik na hitik sa tawanan, kainan at siyempre, kantahan. As in muntik nang sumabog ang Karavision sa dami ng kantang ipinasok ni Mannix. Highlight of the party ang exchange gift a la Epi at ang song number ni Bonj (yes, awa ng Diyos bakasyon siya at nakasama sa amin!)
Eto yung kakarampot na video courtesy of paparazzi SG:
Mas masaya kung nakasama ang mga ka-KOC sa ibayong-dagat but rest assured kasama kayo sa bawat ngawa, ngasab at hagalpak namin.
Ako lang naman ang mawawala kaya sabi ko sa kapatid ko, ituloy na rin ang nakaugaliang gift-giving after Noche Buena kaya laking gulat ko nang pag-uwi ko kanina eh sinabi sa akin ni ina na after lunch na lang daw ang bukasan ng regalo.
Ayos ah, Noche Buena pero CST. Pati ba naman dito American time!
May katwiran din naman si Mother. Talagang masaya kapag kumpleto at sabay-sabay na nagbukas ng gift. Aantok-antok pa ako pero sulit ang paggising ng maaga.
Better late than never, it's the spirit that counts.
Sa tinagal-tagal ko sa PS, ngayon lang ako nakaranas pumasok ng bisperas ng Pasko. Magulo pala, matao at kamalas-malasan, walang FX pa-Ayala. Napilitan tuloy akong bumaba sa Guadalupe, makiraan sa Sogo Hotel at makipagpalitan ng mukha paakyat sa overpass. 'To namang si Bayani, ba't kse pinatibag pa yung kabilang side ng overpass, siksikan tuloy. Tila naman nakikiramay ang panahon, umulan pa. Mas lalong naging mahirap mag-commute pero awa ng Diyos, may bus pa naman at nakarating ako sa office on time.
Ganito pala ang pumasok ng eve. Festive ang mood, ang daming pagkain tapos konti pa tawag. Okay na sana kaso kung kailan naman pasko saka nakakataas ng presyon ang mga kausap. Mga adik! Sa sobrang simple ng concern na sa tingin ko kayang i-solve ng apat na taong bata, iisipin mo kung bakit sila tumawag.
Heto ang sample scenario ng mga kumag na customers:
Meron daw siyang 2 set ng telepono, yung isa 4 na taon na; yung isa 6 na taon. Parehong sira. Ano raw ang gagawin nya sa telepono? (Itapon, di ba?)
Sira ang telepono ng customer at dahil in warranty, puwede nyang ibalik sa Returns Center para mapalitan. Ano raw ang gagamitin nya habang naghihintay ng kapalit? Wala siyang telepono. (Problema ko pa yun?)
Nasanay na ako sa ganung tanong kaya sabi ko, "We're headquartered in Beaverton, Oregon..." tapos inihabol ko thinking na nabuko nya na Pinoy ako, "but I'm from the Philippines."
"Well, I thought you're from the South," sabi nya, like North Carolina or something with the way you speak... your choice of words ... You are so respectful."
May diskriminasyon din 'tong mga namimigay ng flyer ng bahay at lupa dito sa Megamall.
Kapag maayos ang damit ko, as in naka-office attire -- blouse, slacks at sapatos na de-takong --, nanghahabol o nanghaharang pa para abutan lang ako ng flyer nila pero kapag naka-t-shirt at maong pants lang ako, deadma.
Bonggang-bongga ang Kuyog Christmas Party ngayong taon dahil bukod sa nakaugaliang pot luck, exchange gift, parlor games at walang-kamatayang laitan ng giveaways, nagrenta pa ng videoke si Kiko.
Maayos din ang parlor games dahil pinag-isipan at pinaghandaan, dami pang prizes. Everybody's favorite hep-hep-hooray ang unang game at 3 divisions pa --- kids, girls and boys. Landslide victory ang girls sa Charade pero super kandaihi kami sa katatawa sa Longest Game. Tama ba namang ilinya ni Kiko ang headset at kurdon ng rice cooker at ang team naman nina Imee, isama ba ang sinelas ng pamilya Cumpa? Maaayos daw at walang banned na giveaway ngayong taon ayon sa mga komite, ni-lift na rin ang ban sa mug at coin purse dahil nagkasira at nagkabasag na ang stock.
Naku, nakikinikinita ko na uulan ng mug at coin purse next year. Ballpen, puwede?
Hectic ang Sundays ko pero mas hectic today dahil dalawa ang okasyong kailangang daluhan.
Sacred Heart Kamuning.
Binyag ang okasyon pero feeling ko, nasa isang classroom kami na sinesermunan ng istriktang guro sa estilo ng pagpapaliwanag ng assistant ng priest sa kung ano ang gagawin sa bawa't bahagi ng seremonya.
Informative sana pero sarcastic ang tono ng bruha na tila ba sawang-sawa na sa ginagawa nya kaya naantipatikahan kami. Baptism proper na nga, hindi pa rin kami tinantanan at 'di iilang beses na nag-comment na: "Hindi kse nakikinig, eh." Mabuti na lang at mabait ang officiating priest at isang oras lang ang seremonya kaya di ko na siya muling makikita.
Boris Maximus, nawa'y wag kang magmana kay Manang. Welcome to the Christian World!
The Fort.
So-so Party ang tawag ko sa company Christmas Party namin which they ironically dubbed as Intensity. Sa lahat ng 'intensity,' ito ang walang kadating-dating.
'Di kagandahan ang venue, di kakinisan ang sahig, di kasarapan ang food, di kabonggahan ang raffle, di kagandahan ang program at bagama't di kabonggahan ang mga banda, panalo naman sa talent especially ang The Dawn.
Kung natuloy siguro ang mga games tulad ng habulan ng sawa, belly dancing contest at patagalang humiga sa bed of nails baka mas naging exciting pa ang party pero salamat sa The Dawn with Buddy Zabala on bass, nagkaroon ng buhay ang So-so party.
Huling epal:
Para raw sa matatagal na sa kumpanya ang pina-raffle na Chery pero bakit kaya per digit ng winning number ang ni-raffle? Luck lang pala ang labanan, 'di agad sinabi. Nabalewala lang yung 4 tickets namin ni Tata, 5 tickets ni Love at 8 tickets nung isang QA namin.
Ewan ko sa inyo. Basta kami, nagkape na lang sa Bonifacio High pagkakanta ng The Dawn.
Medyo apektado ako sa balitang patay na ang dating sikat na sexy singer na si Didith Reyes. Hindi ko naman siya kamag-anak pero kahit papaano, naging bahagi na rin siya ng buhay ko dahil mga kanta nya ang binibira ko nung panahong kinakaladkad ako ng lola ko sa mga amateur singing contests.
Eh kse naman, di kataasan ang boses ko kaya di ko makanta ang mga hits ni Imelda Papin. "Bakit Ako Mahihiya" at "Damong Ligaw" ang mga naging contest piece ko.
Hay tama na nga yan at nabubuko lang ang edad ko. Heto lang ang message ko kay Didith ...
1. Pagalingang magpatugtog ng flute 2. Habulan ng cobra 3. Belly dancing 4. Onion-eating contest 5. Patagalang humiga sa bed of nails Handa na ba kayo???
Hindi ako makapaniwala sa kinalabasan ng laban nina Pacquiao at de la Hoya. Imagine, liyamadong-liyamado na nga si Oca sa lahat ng bagay -- height, reach, "length" (nakita nyo ba ang "flag ceremony" bago sya timbangin ... ahahayyyy) pati na rin kaguwapuhan pero nabalewala lahat yun nang gawin siyang punching bag ni Manny.
Ano nga bang nangyari? Nasaan na ang pangako nyang ipaghihiganti ang mga Mehikanong napatumba ni Manny? Kung hindi lang masamang mag-isip ng masama, iisipin kong inilaglag ni Oca ang laban. Imagine, yung laki nyang yun nirapido na ng suntok, ni hindi man lang nakaganti at kung nakasuntok man eh tila tiyopeng manok?
Sa isang banda, mukhang hindi rin naman nilaglag dahil may pangalan (at mukha) siyang pinangangalagaan. Humina lang siguro si Oca dahil sa ginawang pagpapapayat (at pag-acupuncture, sabi ni Manny). May isang round nga na niratrat ni Oca ng suntok si Manny habang ang isang kamay nya eh nakasapo sa ulo ng pambansang kamao. Ayos ah! Parang rambulan lang sa kanto.
Ito namang si Karylle, dumayo pa ng Las Vegas para mamutla at lumunok ng laway pero at least, di siya nagkamali like Christian Bautista. Ang nakakairita eh ang tila nakainom na kumanta ng Star Spangled Banner na feeling magaling. Nakapamaywang pa, di man lang nahiya kay Mariah at Beyonce na tila ginagaya ng hitad.
Hay! Anuman ang mga nangyari at naging eksena -- may anomalya, kapalpakan at katatawanan man, ang importante nanalo si Manny, bida na naman ang Pinas at nanalo ako sa pakikipagpustahan sa kapatid ko.
Matapos ng kutakutakot na drama, samut-saring emosyon at iba-ibang kaganapan gawa ng pagkatsugi ng DR effective October 6 --- ATP, Floating, End-Shift-Release-Party at may memoriam pa akong nalalaman, heto at balik ang DR sa Maynila simula ngayon.
Ayus ah, parang desisyon lang ng isang fickle-minded na teenager!