<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Saturday, October 31, 2009

Bagyo!
Photobucket
Jomarie Jackson

Salamat sa di gaanong pananalasa ng bagyong Santi na umabot pa sa Signal#3 sa Metro Manila, natuloy ang panonood namin ni Jomarie ng This Is It at nakahabol pa sa despedida dinner ni Bonj sa SeaFoods Cubao.

Muntik ko ng di samahan si Jomarie dahil inakala kong conflict sa pa-dinner ni Bonj pero hapon naman si Jacko, gabi naman yung dinner kaya tumuloy na rin ako sa Shang. Laking pagsisisi ko siguro kung hinayaang kong ibenta sa iba ang pinareserbang ticket dahil ang ganda ng movie!

Inakala kong boring dahil isang documentary, mga footages ng rehearsals ng farewell concert sana ng King of Pop, pero hindi! Ipinakita ng pelikula kung gaanong ka-talentado at kabusisi si Michael in terms of choreography, musical arrangement et al, na perfectionist man siya ipinakita rin ang kanyang human side -- na hindi rin naman siya perfect, nagpa-flat at kinakapos din. That's why we have rehearsal, bukambibig nya.

Bahagyang naluha ako nang matapos ang pelikula dahil nasayangan ako sa ilang buwang rehearsal, sa madugong collaboration, sa kakaiba at kahanga-hangang musical arrangement, sa magagaling na dancers na nanggaling pa sa apat na sulok ng mundo, sa bonggang-bonggang stage at costume design at ang kakaibang concept ... hay ... sayang si Jacko.

Gone too soon.

P.S.

Sobrang panghihinayang, dami kong natibag sa dinner ni Bonj. Si Michael k'se eh!

Binalibag Ni Choleng ng 10:57 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, October 30, 2009

My Love is Here
May bagong kakosa na sina Dao Ming Se, Goo Jun Pyo at Edward Cullen ... wala’ng iba kundi si John Joseph Wenceslao aka Jojo.

Sino siya?

Photobucket

Nene and Jojo

Mayaman na umibig sa mahirap. Binata na umibig sa disgrasyada. 'Yan si Jojo. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang pag-ibig na makapangyarihan.

Bleeh!!!


Binalibag Ni Choleng ng 10:43 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, October 29, 2009

Last Day
Parang kailan lang ang makontrobersiya kong paglipat sa Eyab, heto at last day ko na dahil simula ng November 1, sa Command Center na ako.

Mixed emotions. Masaya dahil promoted at makakamit na ang pinakamimithing black lace pero malungkot sa isang banda dahil may maiiwang mga kaibigan, dagdag pa na panibagong pakikisama, pakikisalamuha at pakikibagay na naman ang aking gagawin sa lilipatang departamento.

Hindi ko binalak magpaalam dahil abot-tanaw lang naman ako at araw-araw ding magkikita ... saka isang paraan din yun para hindi manlibre pero ano't nagpadala ang Jec ng isang makabagbag-damdaming kalatas:

Photobucket

... at dahil dyan, dito kami humantong ...

Photobucket

Photobucket

Katulad ng nabanggit ko kanina, di naman kailangang magpaalam dahil magkikita-kita pa rin pero nakakalungkot isiping di mo na direktang makakasama ang mga kaagaw mo sa escalations!

Hanggang tinginan na lang tayo kung ganun!

Salamat sa lahat! Support 16 signing off!

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, October 27, 2009

Kuwentong Idol: Meet and Greet


Saktong 12 MN, nasa Manila Room na ako kasama sina Xiao (POC for Bistek), JP (POC naman ng Zoneriv) at si Piano Man na Gabriel pala ang pangalan. 'Wag raw kaming maghihiwalay dahil kami ang pambato ng Tech and Telco, dapat close. (Fine!)

13 pala ang contestants mula sa iba't-ibang vertical (parang Last Supper lang) at para "mawasak ang yelo," minungkahi ni JV, ang punong abala ng Idol '09, na isa-isa kmeng magpakilala at sabihin kung ano ang "title" namin pero bandang huli, pinakanta na lang isa-isa.

Finding Out the Hard Way ang tinira ko, ang unang kantang pumasok sa utak ko. In fairness, magagaling magsikanta ang mga contestants (siyempre naman, dumaan na sa elimination eh!) pero 3 sa kanila ang nakakuha ng attention ko -- isang babae sa bandang kanan ko na hindi ko gaano nakita ang hitsura pero katimbre ni Zsa Zsa Padilla, isang maliit na guy na sobrang dulas at kinis mag-R&B at isang may kalusugang babae na naka-pony tail ang mahaba at kulot na buhok na powerful at mataas ang boses. Sa isip ko, sila ang magiging mahigpit naming katunggali (o mahigpit kong katunggali?)

Hindi gumana ang InFocus sa Manila room kaya lumipat kme sa MD. Doon tinalakay ni JV ang mechanics at guidelines para sa Idol 2009:

Elimination rounds:

Round 1, November 6 - Classic Rock and Roll, 2 eliminated
Round 2, November 13 - Unity for a Cause, 2 eliminated
Round 3, November 20 - Songs from the year hired in APS, 3 eliminated
Round 4, November 27 - Music Influence, 3 eliminated
Finals, Year-end Party - Judge's Choice/Common Song, Winner and Runner-ups

Criteria for Judging:

40% - APS Idol Factor (personality, style and uniqueness)
40% - Musicality (musical sensitivity and dynamics)
10% - Stage Presence
10% - Audience Impact

Isang tingin pa lang sa schedule, alam ko na susuka ako ng dugo dagdag pa na sa ikalawang linggo ng patimpalak, may charity activity pa raw sa Baseco.

Ano pa ang matitira sa utak ko para sa training ko sa Command Center?

Nangkupo, ano ba itong napasukan ko???

Binalibag Ni Choleng ng 6:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 24, 2009

Nagliliyab na Eyab
1 basag na baso, 2 basag na bote ng SanMig, ngawaang walang humpay at manaka-nakang pambubulahaw ng binalibag na stainless na pinggan.

Relax, walang trouble. First team building (malamang last na rin) namin yan sa Providence . Tagal bago natuloy, hayan masigabo tuloy. Eto yun eh ...

Bago ko tapusin ito, gusto ko lang isiwalat na sa 14 na SanMig na nilaklak, tig-isa lang sina Jec and Mariel, 2 kay Mon at 9 kay Pwins. Ako? Nalasing sa mango juice.

Binalibag Ni Choleng ng 10:53 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, October 21, 2009

Heto na ... heto na ... heto naaaaaa ... Waaaaahhhh !!!

Teaser

Wala ng atrasan. Talagang lubog na lubog na ang mga paa ko sa bakbakan. Inabutan na ako ng mala-application form at pag-fill out pa lang ng Idol Profile at Celebrity Slumbook, nakakaloka na.

Heto ang mga tanong:

Profile:

How did you start in APS?

I was referred by a good friend from Oiklink way back 2004 and was eventually deployed to DR, Batch 1. After 4 blissful years of being an eRep, I was transferred to Bistek, shortly after the account was terminated, where I was initially part of the OPT then transferred to Eyab where I am currently one of the case managers.

What is an APS Idol?

Somebody who not only possess a golden voice but a golden personality -- should be dedicated, dependable, trustworthy, resilient and hardworking – qualities that an A****ian should have. (bolera!)

What is your most memorable experience?

Having met different personalities (charing na lang. Walang maisip)

Celebrity Slumbook

When did you start singing?

Practically when I was still a fetus. (may bibig na ba ang fetus?)

What is the usual message of your song?

Nothing in particular. As long as I like the melody, I sing it. (Pati Seiko wallet jingle, pinatos ko)

Who are your music influences?

Growing up in a ‘musical’ family and being exposed to a wide music genre left me no chance to be influenced by a particular artist. (dami talaga eh!)

What is your dream gig?

Singing my grandma’s favorite kundiman ‘Pakiusap’ with the Manila Philharmonic Orchestra. (parang Lea Salonga lang)

Music icon you would want to trade places with?

Alicia Keys – beauty, brains and musical bravado

Which song would you like to revive?

Rock with you in Bossa Nova

What will be the title of your first album?

Ginres (Will contain songs that will showcase my versatility ranging from pop, rock, jazz, classical and R&B)

-- Timeless dapat o kaya Life Begins pero yan na lang para medyo may lalim

What is your singing style?

I may love singing different genres but I’m more comfortable with Jazz.

What song will you dedicate to a loved one?

Wind Beneath My Wings (syempre, para sa parents ko. Sinong iniisip n'yo???)

Create a title for yourself

The Jaynamite (Amplifier sana ang ilalagay ko kaso parang tunog player ng UFC o wrestler kaya yan na lang.)

O, di ba? Mismong-mismo!!! Ah-um!!! Ramdam ko na rin ang mga naramdaman ng mga lumahok sa American Idol, Philippine Idol at kung anu-ano pang Idol.

Nakakataba ng puso na todo ang suporta ng Bistek (kahit na iiwan ko sila), as in nakaka-touch kaya naman kahit labag sa loob ko (noong una), pinaghahandaan ko na ngayon ang sabong. Fast songs ang Waterloo ko kaya binubugbog ko ang tenga ko ngayon ng mga kantang pang-yugyog.

Sa November 6 daw ang semis, di pa alam hanggang ngayon kung ano'ng genre ang paglalabanan. Bahala na. Basta promise, lagi ko kayong babalitaan ng mga pasabog!

Official logo? (Thanks, Ross)

Binalibag Ni Choleng ng 9:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 19, 2009

Ang bagong gamot sa LBM
Pasintabi lang po sa mga kumakain. Hindi ko lang matiis na hindi maibida.

Sa dining table ako kadalasang lumilikha ng blog kada Linggo ng gabi kaya nakita ko ang paghagibis ng Daddy ko sa 'comfort room.' (Sanay na kami sa ganitong eksena dahil sirain talaga ang tiyan ni ama). Paglabas, dumaing na masama ang t'yan, napasama ng kain, may LBM daw pero nakainom na ng gamot. What's new?

Laking gulat ko ng wala pang isang oras ay heto na naman siya at muling humahangos sa 'palikuran.' Nag-aalala kong hinabol ng tingin nang mapansin ko ang Solmux sa mesa. Tumayo ako at itinabi. Hay, ang uhugin kong kapatid, nakaiwan na naman ng gamit sa mesa, isip-isip ko.

Maya-maya pa'y lumabas na si ama, lumapit sa mesa at tila may hinahanap.

"Ang gamot ko?" tanong.

"Ano hong gamot?" balik kong tanong.

"'Yung nandito sa mesa."

"Ito ho bang Solmux?" Kinuha ko sa pinagtaguan. "Ito 'yung nakita ko sa mesa..."

Natigilan si ama. "Solmux?"

"Oho, Solmux yan."

"Kaya pala hindi tumalab!"

Ewan ko sa inyo. Ang layo naman ng hitsura ng Solmux sa Diatabs noh!

Binalibag Ni Choleng ng 9:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 17, 2009

Sabado Kabado


Dami namang araw pero bakit ipinagsiksikan sa Sabado?

Dapat ay relax na relax na ako dahil huling araw na ng pasok pero tama ba namang sa isang araw maganap ang lahat?

Una, ipinatawag ako sa 'command center' para sa job offer (angal pa ko?). This is it! Totoong-totoo na, may kasulatan at pinapirma na ako ng kontrata. Talagang simula November 1, paalam Bistek na ako. Masaya dahil finally nakuha ko na ang gusto ko pero malungkot din dahil sa mga maiiwan tapos may posibilidad pa na hindi Sabado't Linggo ang rest day. Masasagasaan ang misa ko sa Megamall kapag nagkataon. Hay, bahala na si Santa Cecilia.

Saglit pa lang akong nakakabalik sa station ko, ipinatawag naman kaming mga taga-Eyab ng SVP para sa isang FGD (Focus Group Discussion) kasama ang mga taga-research department. Umaatikabong balitaktakan hinggil sa ikauunlad ng Bistek na hindi ko gaanong nanamnam dahil ipinatawag na ako ng organizers ng PS Idol Vertical Elimination.

Photobucket

Vertical elims teaser

Hindi pa naman actual na contest kundi pipiliin pa lang kung sino ang 'isasabong' sa iba pang mga tropa pero todo ang nerbiyos ko dahil wala sa kondisyon ang boses ko. Ni walang vocalization. Paano kung tumilaok ako? Nakakahiya naman sa mga umaasang ako ang mapili. Ilan nga ba yung pumirma sa signature campaign?

Awa ng Diyos, nakaraos naman ang inginawa ko'ng Piano in the Dark (walang biro, ngawa ang ginawa ko dahil hirap na hirap kong abutin ang high notes), nagustuhan ng 6 na judges kahit nakalimutan ko ang lyrics. Opo, nakakahiyang aminin pero nakalimutan ko ang lyrics! Sa sobrang takot na baka sumablay dahil wala ngang practice at vocalization man lang, idagdag pa na kagagaling ko lang sa dalawang meeting, ang kantang makakanta ko kahit tulog, tila na-liquid paper sa utak ko. Buti na lang may nagbato ng lyrics kaya nakakanta ako.

Akala ko tapos na ang kalbaryo pero Round 1 lang pala yung dinatnan ko. Mula sa 12, pumili ng Top 6 tapos kanta ulit, ibang naman. Patay tayo d'yan, lyrics na naman!

Binigyan kami ng 15 minutes para mag-isip ng kanta. Dami-dami pinagpilian, kagulo ang mga Bisteks, kanya-kanya'ng suggestions hanggang nauwi sa I'll Never Love This Way Again. Di naman nalapastangan ang kanta dahil may kodigo.

Mula sa anim, dalawa lang ang pipiliin para i-represent ang T&T. Sa tulong ni Lord, tilian ng mga taga-Bistek at ng mahiwagang kodigo, pasok ako sa banga kasama si Piano Man ng Zoneriv.

Hay, 'yan ang hirap ng alipin ng videoke, dependent sa kodigo ... nangkupo, sana sa actual na competition videoke style ...

Simulan ko na raw uminom ng memory enhancement drink ... Enervon prime?

Mga ulangya kayo!

P.S.

Mapag-aralan na nga ang Jai Ho.

Binalibag Ni Choleng ng 9:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, October 16, 2009

Bistekupo of the Week
Out of warranty na yung telepono ng customer, gusto ng libreng kapalit. Nang pinadalhan ko ng makabagbag-damdaming email na hindi puwede, heto ang isinagot:

Tampo?

Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, October 13, 2009

Signature Campaign
Sabi nga nila, if you have it, flaunt it pero sa larangan ng taunang PS Idol (American Idol inspired contest sa aming kumpanya), napagdesisyunan ko'ng huwag nang sumali dahil sa tingin ko, dapat bigyan ng pagkakataon ang mga mas 'sariwang' talent pero may magagawa ba ako dito?



Photobucket Photobucket

Signature campaign (sa pamumuno ni Nicole, Ms. Earth ng Bistek) para lang sumali ako, pano pa ako makakahindi?

Nicole, Ms. Earth - Bistek Chapter

Good luck sa akin. St. Cecilia, ikaw na lang po ang bahala sa akin. Huwag ko sanang biguin ang mga lumagda sa campaign. (Hanep, parang pulitiko!)

Binalibag Ni Choleng ng 7:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 10, 2009

Up Parma Down

Nakapanlulumo ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa. Hindi pa man nakababangon ang Kalakhang-Maynila sa hagupit ni Ondoy, heto at Norte naman ang isang linggo nang binabayo ni Pepeng. Sa pagkakatanda ko, ngayon pa lang may bagyong nag-overstay sa Pinas.

Hindi ko mapigilang malungkot at panghinaan ng loob.

Noong isang buwan lang, plano naming bumili ng dining at living room set bago magpasko pero pagkatapos ng nangyaring pagbaha sa amin, bigla akong nag-isip. What's the point? Ano ang silbi ng magandang muwebles kung ang bahay mo'y babad at puro ka alipunga?

Naiba na tuloy ang goal ko. Isantabi muna ang muwebles, gadget at kung anu-ano pang luho, pagpapataas ng bahay at pagpapagawa ng rooftop ang pangarap ko o dili kaya, bumili ng isang bahay sa mataas na lugar pero para matupad, kakailanganin ng mga isang milyon. Saang palad ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga? Simulan ko ng tumaya sa lotto o maglaro sa Singing Bee?

Hay, hirap nang mabuhay sa mundo. Kunsabagay, ang mga nangyayari ay ganti lamang ng Inang Kalikasan sa mga salaulang tao'ng walang habas siyang niyurakan at kasalukuyang niyuyurakan. Basurang tinapon, ibinabalik lang. Napakasakit dahil hindi naman ako nagkakalat pero damay pa rin.

Binalibag Ni Choleng ng 8:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, October 08, 2009

Sa Ikatlong pagkakataon
Nawalan na ako ng pag-asa at isinumpa ko sa sarili ko'ng hindi ko na aaplayan ang lekat na 'command center' ng PS dahil lagi akong ligwak.

Ewan ko nga ba, dami namang ibang posisyon pero dito talaga ako gigil na gigil. Hilig ko k'se ang mag-isip, mamula at lumuwa ang mata at maging puro numero ang mga mata at reports ang dighay ko.

Kung kelan naman nagbakasakali lang ako dahil masaya naman ako sa Eyab at sa tingin ko eh wala akong kapag-a-pag-asa na makalusot dahil ni isa sa dalawampung excel questions ay hindi ako pamilyar at saka naiba ang hihip ng hangin. Akalain n'yong pasado ako at ang nakakapagpabagabag at nakakapagpanginig ng bilbil eh ang feedback na "I did good in the exam."

Huwat? Promise, Russian ang mga tanong pero iba talaga kapag kasama si Bro. Iginiya nya ang ballpen ko sa pag-choose the best answer.

Abot-kamay na subali't, datapwa't, sapagka't, alalaong-baga'y hindi pa rin lubusang abot. Hinarangan ng mala-Akon na client ang training ko sana at hindi ako pinayagang umalis hangga't wala'ng kapalit kaya hayun, sa November 1 na raw ang lipat ko sa command center.

Sagwa, November 1, Araw ng mga Patay ... hindi kaya nakakamatay sa ATO?

Magkakaalaman!

Hmp, kung black lace* lang talaga sa Eyab, hindi na ako aalis!

*black lace - ito ang pinaka-passport ng isang empleyado ng PS para makapagpasok ng bag at cellphone. ID lace baga. Kapag pula ang lace mo, dun ang gamit mo sa locker, deposit naman sa guard ang cellphone. Hassle!

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 05, 2009

Laaaaand!!!
Himala ng mga himala!

Dalawang linggo lang, wala ng baha sa amin at ang isa pang himala, lubog pa rin sa kasalukuyan ang Pasig.

Hindi naman sa nang-aasar ako sa mga taga-Pasig (pero parang ganun na nga). Noon k’seng mga nakaraang taon, pag binaha na sa amin, inaabot ng buwan bago humupa at talaga namang amoy imburnal na bago kami tantanan ng baha pero ngayon, napakabilis humupa samantalang nakapabagal naman ng sa Pasig.

Ayon sa mga narinig ko, may kinalaman ang C6 sa mabilisang ginhawang tinatamasa namin. Di ko lang sigurado kung tama ang dinig ko pero may ‘panghigop’ yata ng tubig na may kinalaman sa construction nito. Kung anuman yun, salamat kay Mayor Tinga. Pabor sa Taguig, pasakit sa Pasig .

Sa isang banda, patas lang naman. Ilang taon din naman kaming nagdusa, kayo naman!

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 04, 2009

Cheers!
Ngataan imbes na ngawaan ang muling pagkikita ng KOC (Key of C) kanina sa Rob Ortigas. Muntik nang di natuloy, salamat at nakisama si Pepeng Malaki:

Festive mood, daming dahilan para magdiwang. Eto yun:
  1. Nakaligtas ang lahat sa galit ni Ondoy (well, ako di pa yata ligtas ... sa alipunga!)

  2. Daming food (sa panahong maraming umaasa sa relief goods, nakakakonsensiya ang bawa't subo.)

  3. Birthday nina Paeng, Papa Boyet and Mannix.

  4. Despedida ni Ed (umuwi lang mula SG para matulog sa NAIA, maglusong sa baha at maglimas ng binahang bahay at ipagawa ang lumubog na mga sasakyan)

  5. Blackbelter na si Micah sa taekwondo gayong Grade 2 pa lang ang inaanak namin ni Jomarie.

  6. May take out para sa mga nasalanta ng bagyo (salamat naman, purga na kami sa noodles at sardinas! Makakatikim rin ng pasta ang mga sikmura namin!)

Tama na ngang kalokohan, heto na ang ilan sa mga larawan:

Photobucket

Cheers!

Photobucket

Sandamakmak na pagkain ...

Photobucket

... at ang main course ...

Photobucket

Chikahan

Photobucket

Sige na, Ligaya, kaya nating ubusin 'yan ...

Photobucket

Alam ko stolen shot ito. Hindi halata.

Photobucket

Pa'no kaya namin 'to uubusin?

Photobucket

Relief goods ...

Photobucket

.... at ang mga nasalanta ...

Salamat sa lahat ng sponsors. Bonj, hihintayin namin ang pasabog mo pati na rin ng mga may kaarawan ng November ... oops, isa pala ako dun!

Binalibag Ni Choleng ng 10:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Lusong, Taguig, Lusoooong!!!
Hindi na bago sa amin ang 'baha' dahil gaya nga ng nabanggit ko, may panahong halos taon-taon ay nalulublob kme pero salamat sa siyensiya, mga sampung taon din kaming di inaalipunga kaya naman nang tumaas ang tubig noong Sabado, labag man sa loob ay alam na namin ang dapat gawin. Isalba ang dapat isalba at pagtiisan ang kalagayan.

Salamat din sa siyensiya, nahuli ng pipitsugin kong camera phone ang ilan sa mga eksena sa aming nayon. Masdan at nang may matutunan:

Photobucket

Isang linggo matapos dumalaw si Ondoy, maitim na ang tubig.

Photobucket

Terrace namin yan dati, naging tindahan due to public clamor.

Photobucket

Business as usual, nagpagawa ng hagdan.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Living room dati, naging bodega na ngayon.

Photobucket

Hagdan papuntang tindahan, nagmukhang batalan.

Photobucket

Di ito kuha sa estero, ground floor namin yan.

Photobucket

Kuha mula sa tricycle

Photobucket

... saka sa jeep ...

Photobucket

Photobucket

Salamat at di tayo sinalasa ni Pepeng. Kung nagkataon, pa'no na kme? OMG!

Binalibag Ni Choleng ng 8:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com