BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO
Thursday, December 31, 2009
Hectic?
Isang araw na lang at matatapos na ang taon pero hindi pa rin matapos-tapos ang appointments ko. Not that I'm complaining. Masaya naman lalo na't ang kasama ay ang KOC at mga Idols.
5:30 P.M. - Dinner with KOC at Max's Galleria Pagkakataon ng makasama si Ed dahil bakasyon nila ni Bonj, malas namang nagkasakit. Hindi ko alam kung may balat si Ed o ano pero nung huling umuwi siya, kinailangan n'yang matulog sa airport dahil kay Ondoy, ngayon naman naratay. Hay talaga pero hindi bale. Hindi man kumpleto ang tropa sa Max's, nagkita-kita naman sa Coffee Bean. Bitin nga lang at kinailangan kong umalis ng 8:00 P.M. dahil may pasok pa ako. Sad!
Max's Galle
Coffee Bean after dinner
9:00 P.M. - Coffee with Chie and Roel at Starbucks
Salamat sa kaskaserong taxi driver, nakarating ako sa APS bago mag-alas nuwebe. Tigas ng mukha ko, nag-in at madaliang set up lang, nakipagkita na ako kay Chie and Roel. Mabuti na lang at 10:00 pa ang simula ng Bistek kaya maluwag pa ang oras. Chika-chika, reminisce k'me. Hindi maubos-ubos ang kuwento tungkol sa katatapos na Idol season.
Salamat, Roel, sa pag-grant mo sa hiling namin ni Chie. Napakalaking bagay nito sa pagkatao namin.
1:00 A.M. - Meeting with Jayvee, Anz and Gab at Zoneriv
May kakantahan daw kami sa Shangri-La on January 1, birthday ng asawa ng isa sa may-ari ng Essar. Bawal ang minus one, piano lang. Si Gab na 'yun!
Nakupo! Sakit sa ulo sa pag-iisip ng kanta na alam pareho ng tutugtog at kakanta. Napagkasunduang mag-meet ng 4:00 A.M. para i-finalize ang repertoire.
4:00 A.M. - Practice with Gab and Anz
Ipinagpatuloy namin ang pag-iisip ng kakantahin. Jamming-jamming. Kulitan. Awa ng Diyos, nagkaayos kami ni Gab sa Inseparable (although di gaanong alam ang intro) at Fallin (pa-tweetums). The Way You Look Tonight naman kay Anz saka isang R&B na nakalimutan ko ang title. Kasama rin sa line-up ang duet namin ng If I Ain't Got You (naisakatuparan din!)
Napagkasunduang magkita kinabukasan ng 12:00 NN para mag-practice. Hala, New Year wala ako sa bahay. Sayang ang leave ko, pina-cancel dahil OB ang affair bukas.
Hay!
Binalibag Ni Choleng ng 8:56 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, December 29, 2009
Aw ... exchange gift!
Kaka-touch na kahit wala na ako sa Eyab, kasali pa rin ako. Aw! Miss you, guys! Oo, pati yung mga hindi kasali sa picture.
Clockwise: Prince, Mariel, Anjo, Jec and me. Missing: Mhon (umuwi k'se ng maaga) and Raphson (nasa province)
Binalibag Ni Choleng ng 11:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Monday, December 28, 2009
Caught in the Act
Marami na akong oras sa kalokohan kaya naman nahuli ko sa akto ang mga animal. Hindi na nahiya, talagang ginawa hindi lang sa harap namin ng pamangkin kong si Jenny kundi sa harap pa ng anak nila. Mga imoral! Makakati! Walang kahihiyan! Dapat ipadampot sa barangay!
Baka naman sabihin ninyong walang basehan ang pagpupuyos ng damdamin ko, HOY! May pruweba ako ng kabulastugan nila. Heto ang mga nakuha kong larawan:
Suyuan sa Bubungan
OMG!
Sa harap pa ng anak nila ... sige, kuting. Tingin sa camera! Ano, naniwala na kayo? Que horror! Que barbaridad! Que Lastima!!!
Get a room, hoy!!!
Binalibag Ni Choleng ng 9:50 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, December 27, 2009
Let's Partee
Metz Christmas Party at Richard and Pao's pad, Angono Rizal Kepkep-Puday, Pinoy Henyo ala Metz, walang humpay na kainan at kantahan. 'Yan ang highlights ng simple naming Christmas Party. Siyempre, hindi pa rin nawala ang dreaded Gift Grabbing (kailangang tumoma para makabukas ng gift) pero taliwas sa mga nakaraang taon, tila nag-enjoy pa sa pag-inom ang mga magbubukas ng regalo. Hindi k'se mapait na lambanog ang ginamit.
Dyahe, sa sobrang pagkaaligaga ko sa Idol, ni hindi ako nakabili ng regalo para sa gift grabbing. Ayan tuloy, para hindi naman ako maetsapuwera, nanghiram na lang ako ng kahon ng sapatos kay Pao at doon ko isinalaksak ang P300 na siyang napagkasunduang halaga. Ayos!
Hay, sarap mag-enjoy ng walang alalahanin.
Pao and Chad, salamat muli sa accommodation. 'Wag sanang magsawa. Conrad, nice questions sa games. Effort ang ngawaan, mahamog k'se.
Metz, pang-ilang Pasko ko na pero maligaya pa rin! More Christmases to come!
Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, December 26, 2009
MMFF choice for 2009
No choice. Sige, Jenny. Pose sa poster. Gawin mo yan habang bata ka pa. Paglaki mo, ikahihiya mo na yan.
Binalibag Ni Choleng ng 11:03 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Sunday, December 20, 2009
Kuwentong Idol: D-Day!
This is it!
Dumating na ang pinakahihintay (at kinakatakutan) na sandali -- ang araw ng katotohanan ... ang araw ng paghuhukom (parang nakakatakot naman ang description ko!).
Finals na!!!
Kahit sa pakiramdam namin nina Chie at Anz ay parang wala ng kompetisyon, na panalo na kaming tatlo kahit ano pa ang mangyari, hindi pa rin maiwasang hindi kami kabahan dahil kahit anong sabihin, isa pa rin itong kompetisyon. Sabong ito ng mga verticals at kailangang may magwagi.
Crash Rehearsal
Ang boses ko yung tipo'ng tila makina ng kotse na kailangang mag-init muna bago umarangkada kaya naman kahit puyat, bumangon ako ng 9 AM para magpaluwag ng boses at para na rin 'padulasin' ang Time for Miracles at 'pakinisin' ang Time and Tide. Teka, puro time ang kanta pero yun ang kulang sa akin. Time.
Time and Tide rehearsal
Technical Rehearsal
12 noon ang call time pero dahil Christmas rush tapos weekend pa, hirap humanap ng taxi. Tagaktak na nga ang pawis ko sa paghabol sa mga taxi, akalain n'yong umulan pa? Ulan sa Disyembre? Kung good or bad sign, walang kaso sa akin. Ang alam ko hassle dahil wala akong dalang payong at male-late na ako. Isang FX na biyaheng Landmark ang pinagtiyagaan ko sa bandang huli. Umabot naman ako sa APS van na maghahatid sa Idols at APS Chorale sa SMX (naiwan si Gab, late k'se!) Namangha ako at na-activate ang daga sa dibdib pagdating sa venue. Ang laki! Sa loob-loob ko, pa'no malulukuban ng boses ko ang ganitong kalaking venue? Ay, naimbento na nga pala ang microphone!
Nung nire-rehearse pa lang ang blocking at choreo para sa idols production number at Judge's choice pati na rin collaboration song naming tatlo, alam na naming may malaking stage sa gitna tapos 3 satellite stages para sa Top 3 kaya naman yung last 2 days ng rehearsals, may imaginary main at satellite stages. Ang plano sa I've Got A Feeling, ipu-fully utilized ang main at satellite stages pero dahil sa sobrang laki pala ng venue, nagkaroon ng last minute revisions sa blocking. Bale stay-put na lang ang 5 idols sa main stages tapos kaming 3 nina Chie and Anz ang nasa satellite stage at bababa na lang para samahan sila pagdating ng "here we come, here we go." Sa main stage na kakantahin ang Don't Stop Believin.' Pagkakanta ng production number, balik kaming 3 sa satellite stage para kantahin ang Judge's choice tapos muling babalik sa main stage para sa Grown Up Christmas List. Parang ang dali ikuwento pero mahirap at nakakapagod. Sa lawak ng venue, tsura namin ng nag-basketbal sa full court. Ang luwag pa naman ng suot kong shorts kaya mahubo-hubo sa paulit-ulit naming pagtakbo mula sa satellite papunta sa main. (Ang layo huh! p7.50 ang pamasahe!!!)
Main stage
Satellite stage Lahat ng table, may ganito. Para Monte Carlo! Huli naming ni-rehearse ang Judge's Choice. Excerpt lang para malaman kung magkakarinigan kami ng banda (sa main stage ang banda, satellite kami). Problema, sa sobrang laki, medyo delayed ang bato ng tugtog sa pati na rin yung hagis ng boses sa audience. Possible source ng problema pero kaya naman.
Preparation 6:00 ang simula ng programa kaya 5:00 pa lang, kumahog na kami sa pag-aayos. Kaawa-awa kaming mga Idols. Akalain n'yong kanya-kanyang paraan para sa hair and make-up dahil wala'ng available na make-up artist. Opo, wala dahil busy sa gaganaping fashion show pagkatapos ng Idol segment. Kakasama ng loob, sila pa ang inuna samantalang yung segment namin ang opening number. Saklap, sobrang laki ng vertical na nire-represent ko pero kung kailan finals, wala akong kasama sa preparation. Hay!
Well, di naman totally walang available na make-up artist dahil 'yung gumawa ng mga damit ni Chie ang nagmake-up sa kanya at ako? Walang iba kundi si Jas Calpito. Yes, ang PS Idol 2008 mismo (Thanks, Jas!) Sa totoo lang, kung hindi ako tinutulungan nina Chie, Jas at ng mga taga-Travel vertical, baka naiyak na ako ng gabing iyon dahil pakiramdam ko, inabandona ako. Hay, tama na nga ang drama. Tuloy ang kuwento.
Idol shirt daw ang isusuot sa opening number kaya ang ginawa ko, sinulot ko na yung undies para sa purple overall na gagamitin ko sa Judge's choice (courtesy of the posh Irish) kaso, wala na raw time para sa costume change ayon sa program coordinator kaya hayun, hubad ang Idol shirt at suot ng pang-Round 1. Nasira tuloy yung plano namin na pare-parehong naka-shirt.
APS Idol Shirt The Program
Gaano man karami ang pagod, hirap, sama ng loob, aberya, kalituhan at kutakutakot na pabago-bago, nairaos ding lahat. Hindi man perpekto ang performance, masasabi ko na ring maganda ang kinalabasan considering na hindi naman kami mga propesyonal. Panoorin at kung may komento kayo, eh di magkomento. Libre naman. Enjoy! Idols Production Number
I've got a feeling (Part1)
I've got a feeling (Part 2)
Nakakagulat ang response ng mga tao sa numbers lalo na ng umakyat kaming Top 3 sa satellite stage. Sigawan talaga. Parang di nila kami nakikitang kakalat-kalat sa PS araw-araw. Iba na talaga ang nagagawa ng bonggang set at kakaiba naming pananamit. Aba, mga mukhang ibang tao yata kami. Huh!
Don't Stop believin
Grown Up Christmas List Performance
Round 1: Judge's Choice
Gawa marahil ng magkahalong kaba at excitement, yung lakad ko mula sa main stage papunta sa satellite para sa Judge's choice, nakaramdam ako ng matinding pagkatuyo ng lalamunan kaya naman pagdating ko sa Bistek table na malapit lang sa stage na naka-assign sa akin, talagang tinungga ko ang unang baso kong nakita. Di ko na natanong kung kanino. Naawa si John (better half ni Manager Xiao) sa akin, ini-order ako sa waiter ng tubig na muli kong tinungga bago sumalang. Ayos, nasobrahan naman ako ng inom kaya parang na-heart burn naman ako. Buti na lang bago ako sumalang, nai-burp ko na yung na-trap na air sa katawan ko.
Heto yung excerpt ng performance ko courtesy of my ever loyal videographer Jeckyness:
Time and Tide (excerpt) Sa mga hindi gaanong pamilyar sa kanta, hindi mapapansin na hindi ako pumasok sa dapat pasukan. Nasobrahan k'se akong sayaw. Hehehe. Asan? Time stamp 00:50.
Top 3, Round 1 (excerpts) Round 2: Collaboration Song
Matapos ang solo-solong performance, collaboration naman. Medyo mahirap kumanta dahil layo-layo pero ayos na rin. Version 1 (courtesy of my sister Girlie)
Version 2 (courtesy of Jec Reyes) Round 3: Common Song
Kakaloka, nagpapalit pa lang kami ng damit ni Chie para sa Round 3, heto na ang coordinator at kinakatok na kami. Kailangan daw sumalang na at dahil ako naman ang una at tapos na rin akong magbihis, sumama na ako sa kanya. Grabe naman talaga, pagka-introduce sa akin, pinatugtog agad ang accompaniment kaya naglalakad pa lang ako papunta sa gitna ng stage, kumakanta na ako. Nawalan ng drama, nawalan rin ako ng momentum. Hindi ko na tuloy alam kung pano ko kinanta ang Time for Miracles. Sa puntong ito, manhid na ang utak ko at yung enerhiya ko mula simula, bumaba na. Basta kumanta ako at nag-imagine na nasa living room lang ako at nagpa-practice.
Sumunod sa akin Chie at humanga ako sa arrangement ng kanta nya. Suwabe at madamdamin ... Mala-Regine Velasquez. Acoustic naman ang kay Anz at talagang mala-Adam Lambert ang porma pero aaminin ko, hindi ako na-impress dahil hindi lumitaw ang puwersa ng boses n'ya dahil nga puro falsetto. Habang pinapanood ko ang dalawa, nanlumo ako dahil alam kong hindi maganda ang performance ko and I could have done better. Lalo pang bumaba ang enerhiya ko sa lukewarm response ng mga judges. Parang walang gana'ng mag-comment sa performance ko. Panay tuloy ng paghingi ko ng sorry ko kay Gab. Sabi ko, hindi ko nabigyan ng hustisya ang arrangement nya. I did well naman daw ... I just felt bad dahil hindi gaanong flattering ang comment ng judges.
Judges sans Henry Allen Sa kabuuan, halatang nahirapan kaming tatlo sa Common Song dahil mahirap talagang bigyan ng hustisya ang kantang alanganing pambababae o panlalake ... becky k'se ang kumanta! Matapos ang ikatlong round, sabi ko it's either Chie or Anz. Crowd favorite si Chie at highly-favored na manalo dahil sa loob ng 5 taon, hawak ng Travel ang korona ng Idol. Sa isang banda naman, malakas din ang hatak ni Anz sa tao dahil may dating, kumbaga ay may Idol factor (kinikilig nga si Judge Orly), astig kumanta at napipisil kong manalo (chicken nga) And the winner is ...
The moment of truth. Ang tensiyon naming tatlo ay ramdam sa higpit ng aming pagkakahawak-hawak. Mabuti na lang at may guwantes si Anz at kung hindi, basang-basa na siguro ang mga kamay namin. Nagkatinginan kami ni Anz nang i-announce na 3rd si Chie at lalo naman akong naloka ng isigaw ng mga hosts ang pangalan ko bilang APS Idol.
Hayan ang mukha ko. Parang tanga lang, di po ba? "Ano'ng nangyari?" 'yan ang una kong nasabi nang lapitan kaming tatlo ng judges para i-congratulate. Ha ha ha. Parang kinukuwestiyon ko pa sila. Oh, well. Ako raw ang panalo eh di ako. 'Wag nang umangal, baka bawiin pa! Sa wakas, matapos ang mahigit dalawang buwang pagkabulabog ng buhay ko ... natapos na rin ang lahat. Makakatulog na ng mahimbing ang katawang-lupa ko pero bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa sumusunod:
... Manager Xiao for being there always kahit hectic din ang schedule mo. Ang daming tao ng T&T na puwedeng tumulong pero ikaw lang ang super tiyaga ... ... Irish for the gorgeous purple backless (lucky color!)
Anna Lucero for the sassy, red backless ...
Jec Reyes for the videos and for being there since Elims 1 ...
Gab Bilon for being my pianist, arranger ... converter ... aw! too many to count ...
Jas Calpito (PS Idol 2008) for my hair and make-up (thanks talaga!!!) ...
Alenea Lovelyn Espino Garcia Nadal for supporting me kahit taga-ibang vertical ka (taksil!) ...
Park for being there ... kahit di ka na taga-PS ... ... former DR Peeps especially JM Panganiban, Ivy Trias and Leonel Valle na first time um-attend ng Christmas Party just to watch Idol ...
My WFM Family especially Wea Veronica Acoba para sa pag-cover sa akin during rehearsals, Chummy for helping me find minus one's ... ... Bistek Family especially Jai, Eyab's Mariel, Jec and Mhon, Email team BJ Barow, Ding, Marcia, Sup Kea pati na rin ang mga kaluluwa mula sa ibang verticals, guards, manong sa pantry at kung sino-sino pa na walang sawang sumubaybay (at nagtitili) sa mga APS Idol Elims ...
Idols 2009 for the moral support ... Roel, thanks for fixing my iPod ... Chie and Anz, salamat sa tulong at sa motivation 'pag panic mode na ako ...
Girlie, my sister who's always there despite her hectic schedule ... My family for the encouragement and moral support ... Sa mga ninenokan ko ng picture sa FB (Iggy, Heath saka yung taga-Ditech ... Anz, di ko alam name n'ya) SM Megamall Record bars KOC, COF and Intimates for always believing in me even if I have doubts ... Don Nepomuceno for letting my sister to come in ... JV Ibesate, Iggy Ignacio and Dennis Balla for all the assistance, patience and all the anxieties (whooh) ...
Waf Zamora for bringing me into this mess ... it started with a signature campaign, ayan ang ending ... happy ending! It's a hell of a ride. Parang buhay ... masarap na mahirap pala, bakit ba hindi pa ako noon sumali??? Pictures:
Binalibag Ni Choleng ng 8:12 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Saturday, December 19, 2009
Kuwentong Idol: Miracle for Miracles
Nabanggit ko na sasama sana si Gab sa band rehearsal pero hindi natuloy dahil sa maling akala.
Ganito k'se yun. Nang banggitin sa Top 3 Meeting na live band ang tutugtog, ang pagkakaintindi ko eh aakumpanyahan nila lahat ang kakantahin mula sa Judge's Choice, collaboration song (Taking Chances) hanggang sa common song (Time for Miracles). Kailangan lang mag-submit ng study tape para sa unang dalawang kanta at kanya-kanya naman ng arrangement para sa common song na ipapaliwanag na lang namin sa banda sa araw ng rehearsal.
Done. December 8 bago mag-Mafia photoshoot, iniwan ko sa front desk ang study tape ng Time and Tide tapos unang linggo pa lang ng December, nagawan na ng arrangement ni Gab ang Time for Miracles na siya mismo ang papalo ng drums. Okay lang naman daw yun ayon kay JV basta same Idol rule applies for live accompaniment -- limited to 2 instrumentalists. 'Di ko binigyang-pansin ang sinabi ni JV dahil sobra akong na-focus sa drama ng idea na si Gab ang nag-arrange at siya ring papalo ng drums kasama ng banda. Tech and Telco at its finest baga. Astig!
Dang! Maling akala. Hindi ko alam kung naka-drugs ako during the meeting, tuliro o not paying attention, nagkamali pala ako ng intindi. Judge's Choice at Taking Chances lang pala ang tutugtugan ng banda. Yung Time for Miracles, kanya-kanyang arrangement at accompaniment! Saklap, ilang araw na lang bago mag-finals ko nalaman (during the photoshoot yata) -- kung kailan busy na kami sa Idol rehearsals pati na rin sa Idols production number.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano na? Ano na ngayon ang gagawin ko? Inalok ni Anz na gamitin ko ang Minus One n'ya pero gusto kong ma-execute ang arrangement ni Gab pero sa tulong din n'ya.
Nakakahiya man, inamin ko kay Gab ang pagkakamali ko (sige na nga, katangahan!) sabay harass na kailangan n'ya akong tulungang gumawa ng Minus One dahil hindi bagay na gamitin ko ang mismong Minus One dahil hindi naman ako isang Adam Lambert. Nakita ko ang hesitation sa mukha n'ya, yung gustong tumanggi pero hindi makatanggi at ipinaliwanag naman n'ya kung bakit -- ayaw n'yang mag-commit sa isang bagay na hindi niya kakayanin pero tinanong nya ako kung kaya ko na ma-practice ang kanta kahit Monday o Tuesday na n'ya maibigay ang finished product (mga 3 days before D-Day). Oo, oo, oo, sagot ko. Kaya ko kahit a day before the performance basta sure lang na may gagamitin ako. Sige raw, gagawin n'ya pero yung sige na galing sa ilong. :-)
Contingency measure. Muli kong nilapitan si Dawnwell ng Apathy, dati kong ka-Bistek at minsan ko nang pinakiusapang tugtugan ako during Unity for a Cause night. 'Di nag-materialize the last time, next time na lang daw. Baka-sakaling ito yung 'next time.' Ipinaliwanag ko na kausap ko na si Gab pero just in case hindi makayanan ng isa (busy rin k'se sa school), aralin na n'ya ang kanta para sa isang Acoustic version ng Time for Miracles.
Linggo, December 13. May practice ang idols pero di naka-attend si Gab. Tinext ko, tinawagan ko, para tanungin ang progress ng minus one pero di ko ma-contact. Tinambangan ko ang ungas sa Facebook, ayun nasakote ko. Lowbatt daw ang cellphone kaya walang na-receive na text. (Weh!) From Facebook, lipat kami sa YM para mahabang chikahan. Nasira daw ang software na gagamitin sa paglikha ng minus one pero that same night, suwerteng gumana kaya Tuesday, naibigay na niya sa akin ang 'kontrabando.' Sinabihan ko si Dawnwell na okay na. Ayos na. Hindi pa rin ito yung 'next time' na hinihintay namin. Maganda. Malungkot at misteryoso ang piano part sa simula sabay singit ng chorus part mula sa original minus one tapos balik sa malungkot at misteryoso'ng piano and strings sa bandang dulo. Well done, Gab. Akala nyo tapos na? Hindi pa. Nung isa-submit ko na kay JV ang minus one, napansin kong WAV file pala. Ilang software na ang ginamit namin para ma-convert sa MP3 pero ayaw talaga. Sino'ng tumulong mag-convert? Tama, si Gab pa rin! Sus, dami ko ng abala talaga. Nakakatuwang Miyerkules pa lang ay hawak ko na ang minus one pero hindi ko pa rin gaanong na-practice. Sabagay, pare-pareho kami nina Chie at Anz gawa ng araw-araw na rehearsal ng Idols production number pati na rin band rehearsal with Silk. Hala, mas napa-practice pa namin ang ang Judge's Choice, Taking Chances pati na rin ang Don't Stop Believin', I've Got A Feelin' at Grown Up Christmas List. Hay, we need Miracle for Miracles!
Linggo ng umaga, kahit pagod mula sa Christmas Party ng Command Center, bumangon ako para mag-practice.
Time for Miracles rehearsal Ito ang tinatawag na cramming pero walang magagawa. Hectic talaga. Nawa'y mabigyan ko ng hustisya ang arrangement ni Gab. Kailangan dahil pinagpaguran n'ya ito.
Binalibag Ni Choleng ng 11:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Kuwentong Idol: Band Rehearsal
Huwebes, 10:00 AM hanggang 2:00 PM ang unang rehearsal with Silk. Buti na lang pinayagan akong mag-leave dahil hindi ko kakayaning pumasok pa mula sa practice. Umuwi muna si Chie mula duty samantalang sleep room naman kami ni Anz para mag-recharge at nagkita na lang sa lobby limang minuto bago ang call time. Saglit lang dumating na sina JV at Iggy at dahil sa Bagtican lang naman ang studio, nilakad na lang namin (may halong chikahan). Doon na sumunod si Chie.
Maling akala. Akala ko puro babae ang tutugtog sa amin dahil ani organizers eh all-female band daw ang Silk (kaya nga niyaya ko'ng sumama si Gab). 'Yun pala, sila yung frontliners pero yung back-up band, mga lalake rin. (buti na lang di sumama si Gab! ... ng dahil rin sa maling akala)
Bago simulan ang practice, pinagpalabunutan na kaming tatlo ni JV para malaman kung sino ang unang kakanta sa SMX at siya na ring magiging order ng rehearsal. Kamalas-malasang malas, ako na nga ang huling bumunot, ako pa ang Number 1. Drat!
Nauna nga akong sumalang. Hirap kumanta dahil bagong gising at overwhelmed pa ako sa galing ng banda pero go lang. Nasipra naman nila yung accompaniment ng Time and Tide kaso medyo nagtagal at nagpaulit-ulit sa lugar na nilagyan ko ng revision:
Hihinto ng pagtugtog sa X part para boses ko lang ang litaw sa "Time" tapos bagsakan sila sa "... and tide" -- 'yan ang request ko sa kanila na nakuha naman dahil matitinik ngang musikero. Whew!
Sumunod si Chie sa makabagbag-damdaming My Love Will Show You Everything ni Jennifer Love Hewitt (kapalit ng Healing, umangal ang Chie kay Henry). Walang gaanong naging problema sa back-up, nagkainisan lang sila ng konti ni Jas (APS Idol 2008, beb ni Chie) dahil sa melisma part pero naayos din. Medyo nagtagal sa Pride ni Anz dahil U2 ang sinipra ng banda eh John Legend naman ang version nya. Dahil batikang musikero, ilang pakinig lang sa kanila ni Anz ng original version, nakuha rin. Huling inensayo ang Taking Chances, yung trio namin. Halatang kulang sa practice. Hindi pa kami kamado, nakalilingaw ang tugtog, medyo magulo. Linisin na lang sa susunod na rehearsal.
Sabado, December 19, mula 1:00 PM hanggang 5:00 PM ang second and final practice pero dahil pamilyar na ang lahat sa mga piyesa, bandang 4:00 PM pa lang tapos na. Pabor dahil maaga akong nakabalik sa PS para mag-shower at magpalit ng damit para naman sa Christmas Party ng Command Center sa condo ni AVP Maan sa Sycamoure Skyrise sa Mandaluyong. Lagare, ano po? (Christmas Party rin ng Kuyog, di ako naka-attend ... hu hu hu) Hay naku, kung hindi lang talaga kasama ako sa program, umuwi na lang ako pagkatapos ng rehearsal para makapagpahinga pero kakahiya namang mawala ako sa unang Christmas Party ko sa bago kong pamilya. Pinilit ko na lang magsaya at magpakasigla pero lowbatt na talaga ako kaya naman pagkakanta, umuwi na ako agad para sa big event bukas (syempre, nakakain pa rin ako at naka-shot ng 4 na cocktails ... sarap!)
WFM Family OMG, bukas na pala yun. 'di ko pa napa-practice ang common song. Nangkupo!
Binalibag Ni Choleng ng 8:09 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, December 18, 2009
Kuwentong Idol: Production Number
Naalala ko pa ang sinabi ni JV nung huling elimination night. Kahit anong mangyari, may production number kami sa finals. Top 6 lang ang balak pero nang malamang maraming interesadong sumali nabago ang plano. Sumali ang gustong sumali.
Salamat sa pagiging nagger ni Chie at kakulitan ni Anz, na-establish na 'di makakasama si Fae dahil no show sa party at pa-resign na rin (how sad!); di puwede si Gao dahil may training at di naman mahagilap si Kim. Nagpakita ng interes sina Larry at Bryan pero di naman nag-confirm. Sa madaling-salita, walo lang kaming sigurado.
Clockwise: Gab, Chie, Anz, Gina, Roel, Con, Jomar and Nona I've Got A Feeling ng Black Eyed Peas at Don't Stop Believin' a la Glee ang halos araw-araw naming inaral hanggang nadagdag ang Grown Up Christmas List (si Concepcion ayaw paawat!)
Si Chie ang nagsilbing musical director, si Anz ang choreographer. Ako? Di ako gaanong makapapel dahil busy ako sa Command Center saka ano namang malay ko sa choreography o pagtuturo ng bosesan? Nakatulong din na kasama namin si Roel dahil sagot n'ya ang IT needs gaya ng sound system, tompyuter at kung anu-ano pa. Mula sa 8 AM, ginawang 6 PM to 10 PM ang rehearsal para mas maraming maka-attend subali't dahil iba-iba ang schedule naming walo, problema ang hindi namin pagpapang-abot. Merong darating ng maaga k'se kailangang umalis ng 9 PM tapos merong darating ng isang oras na lang ang natitira sa rehearsal (guilty yata ako dun ... Gab, lalo ka na!). Awa ng Diyos, matapos ang ilang araw ding pambubulabog ng aming mga tinig sa mga natutulog na kaluluwa ng MD Room, Makati Room (official Idol rehearsal room), test at training rooms, unti-unti nagka"porma" ang kanta.
Hinati-hati ang kanta para mabilis ang pagkabisa. Minimal lang ang part namin nina Chie at Anz dahil tatlo na ang aaralin naming kanta at kalabisang magkabisa pa ng tatlo!
First time sa history ng APS Idol na magkaroon ng production number ang finalists. Hopefully, maging maganda ang presentation namin para naman may K kaming sabihing "Idols '09 rule!"
Sana!
Binalibag Ni Choleng ng 7:54 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Tuesday, December 15, 2009
Ano, 10 days na lang???
Kung hindi pa ako inabutan ni Madam Virg ng Christmas gift, di ko pa malalamang sampung araw na lang pala at Pasko na.
Looks good, tastes good! Hay. Time flies talaga when you are ngarag. OMG, di pa ako nakakapag-Christmas shopping!
Binalibag Ni Choleng ng 11:48 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Friday, December 11, 2009
Mastery
Di lang sa artichoke, grapes at broccoli may mastery ng kapatid ko, sa Business Admin din.
Congrats, Ghelay!!! Kahit papaano, naranasan mong maging working student. Sobrang proud ako sa yo!
Go, Gibo!
Proud mudra
Lunch at Tongyang Sayang, na-miss ko ang lunch. Plano ko sanang humabol pero hindi na kinaya ng aking katawang-lupa. Lahat ng sakripisyo gawa ng Idol!
Hay!
Binalibag Ni Choleng ng 8:05 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
Wednesday, December 09, 2009
Kuwentong Idol: Mafia Photoshoot
10 AM ang photoshoot at dahil galing pa ako ng shift, pinayuhan ako ng mga beauty experts na dampian ng yelo ang mukha para bumuka ng pores (di ko alam yun, ah!). Wala akong nahagilap na yelo kaya malamig na tubig na lang ang ipinalit ko. Halos isang batalyon naman ang nag-make up sa akin (hirap talaga ng di-kagandahan!) Imagine, may Xiao na, Berniejane and Momsy (yes, sangkot na naman ang email team ng Bistek) may manager Irish pa plus Kea.
Saktong 10 AM, nasa MD conference room na kami. Mafia outfit daw with touch of red. Lipstick dapat ang plano kong touch of red pero wala raw dating kaya naging fedora na nabili ko sa kapapabalik-balik sa Landmark at SM Makati kahapon. Umani naman ng papuri ang tila black jumper ko na sa totoong-buhay ay pinagkaliitang bestida ng kapatid ko na ni-repair lang ng mudra ko (Thanks, Mom. Pati ikaw damay na rin). Yung long-sleeves polo, ginamit ko na sa choir. Awa ng Diyos medyo namayat ako kaya nagkasya!
Masaya at magulo ang photoshoot. Hindi na nagkakahiyaan dahil meron nang bonding ang lahat mula kay JV hanggang kay Iggy na nagsilbing photographer-director hanggang sa aming tatlo, lalo na kami ni chicken ... este ... Anz dahil madalas kaming nagkukulitan sa email.
Ipinagbawal tumawa dahil kailangan sinister ang dating dahil Mafia nga pero wala kaming ginawa kundi magtawanan.
Bandang tanghali, natapos ang photoshoot at dahil magkakasama na rin lang, napagkasunduang pag-aralan na ang collaboration song namin na Taking Chances. Oo, nanalo siya over World's Greatest. Sorry, outnumbered si Anz.
Awa ng Diyos, 3 PM na ako nakauwi. Halos idinikit ko lang ang likod ko sa kama, bangon ulit ng 5 PM dahil may pasok ng ng 9 PM.
Hay, simula pa lang ng kangaragan. Bukas daw, simula na rin ng rehearsals ng Idols '09 Production number, ayon kay Chie. Araw-araw mula 8 AM hanggang 12 NN.
Kaya pa? Bahala na!
Hinga muna tayo ng malalim at masdan ang ilan sa larawan ng mga feeling Mafia:
Heto naman ang final teaser:
The best ka, Iggy Boy! Salamat sa lahat ng mga tumulong. Jobee, salamat sa retouch!
Binalibag Ni Choleng ng 7:46 AM
at 0 Nagdilim ang Paningin
|
|