<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/10718926?origin\x3dhttp://thejaynamonologues.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN .. SAMU'T-SARING OPINYON ... NAGSASALIMBAYANG KURO-KURO



Friday, October 31, 2008

Happy Halloween!!!
PhotobucketPhotobucketPhotobucket

Binalibag Ni Choleng ng 7:18 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 26, 2008

Mad Hat '08
Salamat sa malikhaing imahinasyon (at kamay) ng piyanista cum tenor ng Metanoia, muling naganap ang Mad Hat Party pagkatapos ng 6:30 mass sa Megamall.

Si Conrad, ang utak

Photobucket

Reyna o Darna?

Photobucket

Nag-dalawa pa?!?

Photobucket

Matahari, is that you?

Photobucket

Si Rudolph at ang Haring Mago

Photobucket

"Kuruna" gang

Photobucket

Angels and demons

Photobucket
Photobucket

Take note, katatapos pa lang kumanta sa misa nyan ha. Sa susunod na Halloween ule.

Binalibag Ni Choleng ng 7:28 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 25, 2008

Huling Biyahe
Laking tuwa ko na ginawang hanggang 11 PM ang training imbes na panggabi pero parusa kapag uwian na. Kung hindi rin lang Mannrose Bus ang masasakyan mo, asahan na aabutin ng kalahating oras bago makalabas ng Ayala. Akala kse ng ibang liner, terminal ang tapat ng Stock Exchange (wala bang pang-GY na MAPSA?)


Photobucket
Paborito kong bus


Walang problema ang biyahe mula Crossing hanggang Pasig pero yung huling sakay pauwi (jeep Tipas) ang malaking problema sa akin. Hindi kse 24 hours ang byahe kaya kailangan bago mag-alas dose, nasa Pasig ka na (tsura ni Cinderella) at kung hindi, tricyle ang bagsak mo. Tindi ng pamasahe -- para ka na ring nag-taxi. Singkuwenta pesos! Makahabol ka naman ng jeep, matinding kalbaryo rin dahil bago mapuno, 20 minutes. Makakailang panaginip ka talaga pero tiis lang. Ano'ng gusto ko, P50 o P8.50?


Photobucket
Byaheng Tipas, last trip


Hay, hirap maging anak-pawis!

Binalibag Ni Choleng ng 10:12 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, October 24, 2008

CST
Nambabato ng M&M's at nambabalibag ng P50 ... yan ang kliyente.

Binalibag Ni Choleng ng 8:49 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 20, 2008

Amazing!
Photobucket

Mali-maling Detour, nawawala at nagkakaasaran palagi ... akalain nyong nasa Amazing Race Asia pa rin ang magdyowang Geoff at Tisha?

Unang kita ko, sabi ko hindi sila magtatagal dahil mainitin ang ulo ni boylet at madali namang maapektuhan ang girlalu at hindi sila kasing-cool at galing sa directions nina Mark at Rovilson pero mukhang na-underestimate ko ang dalawa.

Masuwerte lang ba o gumagaling na talaga?

Abangan!

Binalibag Ni Choleng ng 8:17 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 18, 2008

Booooo-bal Phenomenon
October 17 ng umaga, nakatanggap ako ng text:

WATCH A NEW AND UNIQUE GLOBAL PHENOMENON! Coming October 17, 2008, the sun will rise continuously for 36 hours (1 day & a half). During this time, the US and other countries will be dark for 1 day and a half. It will convert 3 days into 2 big days. It will happen once in 2,400 years. We're very lucky to see this. This is a global phenomenon. Courtesy of CNN/BBC NEWS. Mark your calendar now and pass to relative and friends.

Heto na naman po sila.

Sorry pero galit talaga ako sa taong nag-aaksaya ng load at kuryente sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang motibo ng mga gumagawa ng ganitong klaseng kuwento at hindi ko rin alam kung bakit may mga iresponsable at sira-ulong mapaniwalain na nagkakalat. Alam kaya ng gumawa ng istorya na kaya nagkakaroon ng gabi at araw ay dahil umiinog ang mundo sa kanyang axis (elementary pa lang alam na natin yan) at ang tuloy-tuloy na pagsikat ng araw ay hindi maituturing na phenomenon kundi isang catastrophe?

Gabi na. Dakdakan ko lang sa text ang ang nag-forward sa akin.

Apektado?!?

Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Wednesday, October 15, 2008

Balik Eskuwela
Photobucket

Newbie.

'Yan ang pakiramdam ko pagyapak sa training room kahit maglilimang-taon na ako sa kumpanya. Pa'no ba naman, ni hindi ko alam kung nasaan ang training room, first time kong mag-training after so many years at ang masaklap, 89% ng klase ay magkakakilala na (gaya namin, galing sila sa isa ring natigok na account) so dalawa lang kami'ng bagong-salta. In fairness, madali naman silang makagaanan ng loob dahil makukulit din pero hinahanap-hanap ko rin ang dati kong pamilya. (Choleng, let go)

Ang hirap magsimulang muli.

Di pa naman gaanong seryoso ang training at mas lamang ang "getting to know you" activities pero base sa dami ng modelo ng telepono sa website ng Bistek, madugo ang client specific training sa isang linggo. 'Yun ang talagang nose bleed dahil client mismo ang magte-train at literal na dudugo ang ilong namin panigurado dahil EOP all the way!

From sales to tech support, kaya ba?

Hay, enjoy-in ko muna 'tong charade namin. (Movies ... english ... tagalog ... first word, three syllables)

Binalibag Ni Choleng ng 9:29 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 12, 2008

Floating and enjoying it
Photobucket
My trusted friend

Negatibo ang dating kapag floating. Ibig sabihin, wala kang account, walang trabaho, tengga.

Nakaka-depress noong una at nakakatakot kse oo nga’t with pay ka sa unang 15 araw eh papaano kung maubos ang 15 glory days na hindi ka mahanapan ng bagong haybol? Eh di lalamunin ang VL’s mo? At paano kung umabot ng isa hanggang dalawang buwan?

Tigok!

Anim na araw na floating, I kind of enjoy it dahil ang dami kong time sa sarili ko, sa family at gawaing-bahay. Ang pangarap kong makahilata at makapanood ng TV ng matagal-tagal, maipasyal sa Jollibee si Jenny, bulabugin ang bahay ng daga at ipis at linisin ang pito’ng electric fan eh natupad din. Naipagawa ko rin ang PC, nasamahan si Mudra sa bangko, palengke at grocery at nakagawa din ako ng madamdaming mga blog. Babalikan ko sana ang di matapos-tapos kong cross stitch na sinimulan ko noong virgin pa ako nang makatanggap ako ng tawag na Monday na ang training ko sa bagong account.

Bad trip! Bitin!!

Oh, well. Some good things really don’t last. Back to reality. Kailangang magtrabaho para wag magmukhang gago.

Bistek, here I come!

Binalibag Ni Choleng ng 7:40 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 11, 2008

Tatay ko po!
Photobucket

Sabado makapananghalian. Binabantayan ko si Jenny dahil nagpa-check up daw ng keps ang Mama nya. Ewan kung ano ang naisip ng bata, biglang humirit:

Jenny: Tita, dapat may baby ka na para may napapaliguan ka.

Choleng: Di ako puwedeng magka-baby eh.

Jenny: Eh bakit?

Choleng: Eh kse wala akong asawa.

Jenny: Eh ang Daddy? (Daddy ang tawag nya sa ama ko)

Abot hanggang barangay hall ang hagalpakan namin ng tawa ng kapatid ko.

Binalibag Ni Choleng ng 7:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 05, 2008

Heto ako, basang-basa sa ulan ...
Karaniwang nagagantimpalaan at nabibigyan ng pabuya ang empleyadong maganda ang performance sa trabaho pero taliwas ang nangyari sa akin. Matapos ang isang taon at anim na buwang todo-todong paninilbihan, balik ako kung saan nagsimula.

Kasalanan ko rin. Hinayaan kong lumawig ang paninilbihan, inakalang meron pang maaasahan at lalo pang pinag-ibayo ang pagkamasigasig. Kung sinunod ko lang ang tunay kong nararamdaman na bumitiw na habang maaga pa at hindi nagpadala sa sulsol ng mga kaibigan, disinsana'y wala akong nararamdamang ganito.

Basang-basa sa ulan ... walang masisilungan ... basahan ...

Hindi naman sa tinatalikuran ko ang katotohanan. Mulat ako sa tunay na nangyayari at alam ko ang aking katayuan at antas. Ang tanging hinahanap ko lang ay ang makaramdam ng malasakit mula sa mga nasa itaas, na meron silang pagtatangka at ginawa para kahit sinipa man eh carry over pa rin ang function ko sa lilipatan ko. Buti pa yung hindi ko ka-tribu, may pagtatangka pero walang nga lang nangyari dahil pakiramdam ko, tinanggihan rin ng mga nasa taas.

Hindi birong adjustment at pagbabago ang susuungin ko. Maraming magtatanong at magtataka, mahirap at mabigat sa dibdib pero kasalanan ko. I didn't play my cards well. Heto ako ngayon, basang-basa sa ulan.

Ayos, Aegis ah.

Hindi bale, bukas luluhod ang mga tala.

Binalibag Ni Choleng ng 8:42 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 04, 2008

Photobucket

Binalibag Ni Choleng ng 7:51 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, October 03, 2008

Mga Adik
Akalain nyo'ng ang dami ko rin palang nabiktima???


Photobucket

But wait ... there's more!!!

Snapshots from DR Manila's End-Shift-Release Party. Congratulations to Kagawad for bagging the grand prize! Hanep, may bago nang baby, may bago pang TV!

Photobucket

They wore red and they're fed!

Photobucket

Wagi!!!

Photobucket

Walang gana

Photobucket

Isa pang walang gana

Binalibag Ni Choleng ng 1:23 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, October 02, 2008

In Memoriam

gerrysPDG
Batch 2

Mga bagay na hindi ko makakalimutan sa DR:

1. Ang kulitan ng Batch 107 via send-to-all mails na tadtad ng smiley. Kaya nga tinanggal ang smileys sa outlook gawa namin.

2. Ang pagngiti ng nguso ng shoes ko during NHO. Walang nahagilap na pandikit kaya rubber band mula sa training kit ni Allyn ang pinangtali sa sapatos ko.

3. Ang panindang kawali, kaldero, kaserola, ovulation tester, DVD ni Sly, sunglasses, Cortislim at kung anu-ano pa.

4. Ang pagrepeke ng kalembang sa tuwing may benta, ang pagbaha ng Sodexho GC's, bunutan at "pat on the back." Highest paid bum, yun ang tawag sa amin.

5. Ang unang DTV call ko na muntik nang napaanak si Shey sa sobrang tension at ang unang benta ko ng Permint sa tulong ni Bagets aka Francis.

6. Ang screenshot ni Jollibee humping Hetty sa QA evaluation ko, ang mga illegal breaks namin ni Park at ang Friendster account ko na sa training room ko pa nilikha (sorry, Eric, I wasn't paying attention)

7. Sina Bob Green, Todd, Dave, Markk, Ronnie and Marisela, si Dorothy, ang negrang boses negro at ang bantog na obscene caller na si Bob BJ.

8. Ang tampuhan nina Fidel at Pampig, ang mga makalaglag-pangang kuwento ni T'yang Mario at ang mga pakikibaka ninaTita Mikey at Mandy.

9. Ang pagpapalipat-lipat mula JG Summit, Philam, Export Bank, PSC at Jaka.

10. Ang hindi mamatay-matay na tsismis na madi-dissolve ang DR (hayan, nagkatotoo na!)

11. Ang walang humpay na kuwentuhan tungkol sa personal na buhay. Buhay mo, alam ng lahat.

12. DR Get-together parties, pig-out sa Dampa, bowling sa Puyat at karaoke sessions ng Lovesters.

13. Chikahan sa Bo's coffee with Alma and JM.

14. Rampa sa Tagaytay at Puerto Galera ng Friday Club.

15. Ang east-of-the-web tournaments after lunch at ang walang kamatayang Text Twist.

16. Ang pagiging Supervisor OIC ko na tumagal ng isang taon at anim na buwan

17. Ang kontrobersiyal na wrap code fiasco, pitik at ACW, PIP, TeamStep at PMP.

18. Ang anonymous letters na magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa alam kung kani-kanino nanggaling.

19. Ang pag-awit namin nina Tata at Mia ng Lupang Hinirang (in 3 voices) habang ibinababa o itinataas ang blinds.

20. Ang mga dramatic monologue at dance number ni Leo bago umuwi; ang mga creations nya -- summer burloloys, balls at ang ABS-CBN circles

21. Ang weekly team meetings, theme day, potchi at color coding ng VivaJaynas.

22. Ang basura at crumbs sa mga stations, ang magugulong upuan na parang may party lagi.

23. Ang binagoongan ni Doc at ang Mother Teresa Foundation nya (feed the world)

24. Ang malaking bag ni Drake na puro Ridges ang laman.

25. Ang entz at ang catsup foundation ni Raffy.

26. Ang happy phone at dance sessions habang naka-avail

27. Ang mga headbangers o yung umiinom ng sleeping pills bago pumasok, wika nga ni TH, at ang 'nap time' ni Clio

28. Ang patak-patak sa pagbili ng gift (bente lang namamahalan pa)

29. Ang blog na ito na nalikha gawa ng kawalan ng magagawa. Salamat sa crash html courses nina Kenny Manotoc (my blog designer) Drake and Love.

30. Ang phone call ng TM na nagbabalitang wala na ang DR Manila effective October 6, 2008.

Hay! Isang masaya, masalimuot at mahabang paglalakbay na kailangang magtapos gaya ng lahat ng bagay.

Para sa mga nakiramay sa panahon ng pagkalito at kalungkutan, nakinig sa mga kuwento'ng walang kuwenta, bumili sa mga patawa at nakisama sa mga pakulo at kalokohan, nagpakain at nanglibre, maraming-maraming salamat.

DR Manila, end-shift-release.

Related entry:

http://thejaynamonologues.blogspot.com/2007_07_01_archive.html

Binalibag Ni Choleng ng 7:34 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

 

Web Counter
Na ang Napautot and Still Counting

www.thejaynamonologues.blogspot.com