Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako um-attend sa yearend party. Una: malayo at kakaiba ang venue (oo, Manila Post Office doon sa Liwasang Bonifacio ... parang rally lang); ikalawa: wala naman sa mga tropa ko sa WFM ang gustong um-attend(ayaw ni Cielo dahil naaalala daw nya ang aktibista days nya ... with the exception of party animal Lovely, of course); ikatlo, kailangang luminous ang outfit. Ano, magbibiyahe ako mula sa amin hanggang Quiapo ng shiny, shimmering splendid??? Eh kung sinabi ba namang aktibista, takatak boy o tindera ng balut o fishball ang outfit baka um-attend pa ako.
Kung may production number siguro ang idols, mapipilitan akong dumalo eh kaso wala. Actually, meron dapat kaso mga 2 days na lang before the party sinabihan ang Idols Circle kaya walang naka-commit. Ano kami, tape recorder na isangpindot lang sa play lang eh tutunog na? Syempre kailangan ng rehearsal. Kami pa na may problema lagi sa lyrics (Wahaha!)
Bandang huli, stay at home na lang ang drama ko na nakabuti rin naman dahil ayon sa ka-idol kong Roel, walang kuwenta ang food pati ang program.
Just the same, sad pa rin ako kse hindi na ako perfect attendance.
Ipinahiya na ako nito noong inimbitahan akong kumanta sa anniversary ng Bistek isang taon ang nakalilipas pero wala akong kadala-dala. Pina-repair at muli ko pang isinuot, heto ang napala ko. Kung bakit k'se mahal na mahal ko ang pahamak na sandals na ito.
Naimbitahan kaming mga past Idols na mag-opening number sa ikalawang elimination night ng AGT, bagong talent search ng kumpanya (APS Idol format din, iniba lang pangalan). Saktong nasa intro part ako ng Time and Tide (yung humming na yeahhh sa simula) at pahakbang pa lang ako paakyat ng stage nang mapigtal ang sandals ko.
Kung anu-ano ang pumasok sa isip ko ng mga sandaling yun. Ipapatigil ko ba ang tugtog, sabihing "time out!" nasira ang sandals ko! Magwo-walkout ba ako sa stage? Tatakas ba ako o pangaraping lumubog na lang sa kinatatayuan? Wala akong ginawa sa kahit isa bagkus iipod-ipod ako naglakad sa gitna ng stage at kumanta na parang wala lang pero meron. Deadma!
Kalagitnaan, Isang manonood ang nagpasyang tapusin ang kalbaryo ko, hindi nakatiis na lumapit at tinanggal ang straps ng sandals ko. Salamat, Madam Sheena, naranasan kong mag-a la Josh Stone. Ganun pala ang pakiramdam ng kumanta ng nakayapak.
Madam Sheena removing the straps habang kumakanta pa rin ako
Sing galore pa rin kahit nakayapak
Mabuti na lang at gamay ko na yung kanta kaya namin kahit nagkapigtal-pigtal na ang sandals ko, hindi naapektuhan ang pagkanta ko at himala nang himala, hindi ko nakalimutan ang lyrics. Sabi ng Dad ko, baka raw sinadya ko para may drama pero sino ba naman ang may gustong magka-wardrobe malfunction?
Barefoot idols, yan ang sabi ng mga emcees matapos kaming kapanayamin ng hiwalay ni Mitch Padilla, APS Idol 2010 at kasama ko sa opening number. Nagyapak na rin k'se si Mitch at talaga namang super na-touch ako sa ginawa n'ya! Marahil dahil sa isa rin siyang performer, alam ni Mitch ang hirap ng pakiramdam at para maibsan ang kahihiyan, dinamayan nya ako. Dalawa na kaming yapak.
Winner ka talaga, Mitch!
With APS Idol 2010 Mitch Padilla
Chilling after the opening with Mitch
Ano ang ginawa ko sa sandals pagkauwi? Oo, paborito ko siya, mahal ko siya, maganda pa, mukhang bago at malaki ang naging bahagi sa buhay ko (suot ko siya nang magwagi ako noong APS Idol 2009) pero hindi ko na siya hahayaang ipahiya ako sa ikatlong beses.
Sinunod ko na dapat ang bulong ng damdamin ko na yung gamay ko na lang ang kantahin sa anniversary ng Bistek dahil unang-una, hindi ko gaanong na-practice ang kanta gawa ng biyahe ko sa China, kulang pa ako sa tulog tapos may sakit pa ako na kalimot ng lyrics kaso, nanaig ang lakas ng loob ko at kumpiyansa na magiging maayos ang lahat gaya ng dati kaya kinanta ko pa rin ang highly-requested na Rolling in the Deep.
Ayun! Nakalimutan ko nga ang lyrics as in total mental block! Unang intro, pinatigil ko dahil nagsasalita pa ako, pinatugtog agad (hindi ko narinig ang 4 counts). Pangalawang intro, dalawang stanza lang yata ang nakanta ko tapos wala na. Nganga! Buti na lang at mga ka-Bistek ang kasama ko, alam na nila ang sakit ko kaya kinanta ko siya ng may hawak na kodigo pero gusto kong lumubog sa kahihiyan ng panahong yun.
Pagkakanta, gusto ko nang umuwi dahil bad trip talaga ako pero sabi ng mga nandun, okay lang daw yun. Maganda naman daw ang pagkakakanta ko pero hindi sapat ang mga reassurances para gumanda ang pakiramdam ko. The truth remains. Palpak ang performance ko. Sabi nga ni Simon Cowell, forget the lyrics and you're dead!
Ganun talaga. Nangyari na, walang magagawa. Salamat na rin sa Bistek sa pag-imbita. Alam ko masarap ang food and drinks, masaya ang program at meron pa nga akong award at napanalunang blender pero hindi na talaga ako nag-enjoy dahil sa nangyari.
Tatlong oras ding mahigit ang biyahe mula Pilipinas hanggang Shanghai. 8:35 PM kami umalis ng Manila, 11:30 PM na kami dumating sa Pudong, international airport ng Shanghai.
Sobrang foggy nang dumating kami sa Shanghai. Nagtaka nga ako, nag-announce na magla-landing na pero puro dilim ang nakikita ko sa bintana. Nagulat na lang ako nang bumulaga ang mga ilaw ng runway at nag-touchdown na.
Nagagandahan na ako dati sa NAIA Terminal 3 pero nagmukhang tae kumpara sa Pudong Airport. Actually, kahit airport ng Bangkok mas maganda pa rin sa airport natin pero mas may malala pa sa atin, alam ko.
Hindi kagandahan ang tinigilan namingPhoenix Hotel pero strategic naman ang location. Ipinagpipilitang may wifi daw, ni hindi naman kami nakakonekta pero okay din naman dahil blocked din ang Facebook, YouTube at kung anu-ano pang sikat na site sa China.
Hirap pa rin sa pag-English ang mga local kaya simpleng bagay, kutaku-takut na paliwanagan, turo sa picture at sign language ang magaganap. Nakakaloka dahil alam naman nilang hindi ka marunong mag-Mandarin pero sige pa rin sila sa pagkausap sa 'yo ng lengguwahe nila.
Mahilig talagang kumain ang mga Intsik. Kahit saan ka tumingin, pagkain; karamihan ng makasalubong mo may bitbit na pagkain, ang mga bisikleta may sadyang lalagyan ng pagkain. May nakita nga akong tumatawid sa main road naka-coat and tie pero may bitbit na maliit na kaldero (kaya nyo yun?)
Bihira ang nagkakape sa China kaya nahirapan kaming maghanap ng Starbucks. Meron malapit sa tinigilan namin sa Shanghai pero wala talaga sa Beijing. Ay meron pala ... sa airport!
Tsaa ang pinakatubig sa China. Yan pala ang lihim ng pagiging balingkinitan nila.
Mahilig ako sa Chinese food pero iba pala ang timpla ng authentic. Pancit, siopao, siomai ... puro hindi masarap. Mas trip ko pa rin ang Chinese food sa Pinas.
Sanrekwa ang bisikleta sa China pero sabi ng guide namin, nabawasan pa raw. Susme!
Kahit senior citizen na, nagtatrabaho pa rin sa China at hindi sila uugod-ugod. Upright pa rin ang lolo't-lola!
Mahilig maglaro ng dama at baraha ang mga Intsik. May nadaanan kami malapit sa hotel, umagang-umaga nagdadama!
Parang harsh ang mga parents sa anak nila. Ilang beses akong nakakita kung pano sigaw-sigawan at kaladkarin ng nanay ang anak habang naglalakad na para bang rag doll lang ang kasama o baka naman ganun talaga sila? Karinyo brutal?
Magaganda ang tulay at kalsada sa China. Kamangha-mangha ang mga buildings sa Pudong Skyline sa Shanghai pati na sa The Bund.
Isang oras din mahigit ang biyahe mula Shanghai papuntang Beijing (takeoff 8:40 PM, arrived Beijing 10:30 PM)
Fashionista ang tour guide naming si Sally pero ayon sa kanya, simple pa raw siya kumpara sa mga naging kaklase nya. Sabagay, japorms nga ang mga Tsino. Sa Shanghai nga yung tindero ng tubo juice (sugar cane) naka-coat pa. Iba na ang nagagawa ng malamig na klima.
Shanghai ang business capital ng China, Beijing naman ang sentro ng kultura.
Mahigpit pa ring ipinapatupad sa China ang One Child Policy. Kapag lumampas sa isang anak, kailangang magbayad otherwise, wala kang libreng pag-aaral sa primary at secondary school.
Naglalaro sa 7-12 degrees ang temperature sa Beijing, 4-10 naman sa Shanghai. Pansin ko early to bed, early to rise ang drama ng mga tao dito. 9 PM pa lang, madalang na ang tao sa kalye.
Tulad ng Phoenix Hotel sa Shanghai, strategic din ang location ng tinigilan naming TianTian Hotel. Nilalakad lang namin papunta sa mall at supermarket. Tuwing gabi, may mga nagtitinda sa bangketa: damit, kumot, fruits ... kahit ano. May nakursunadahan nga akong boots na halagang P250 lang sa atin. Di ko binili dahil sabi ko, hindi appropriate sa klima natin pero sayang din. Ganda!
Nahiya naman ako sa mga local nang pumunta kami sa dining room para mag-breakfast. Nakapantulog pa kami samantalang sila, puro naka-black coat and slacks.
Breakfast pero parang pang-lunch na ang laging handa sa TianTian. Dami pang gulay kaya ang ganda ng dumi namin ... hehehe!!!
Kahit hindi peak season, di mahulugang-karayom ang tao sa tourist spots at take note, karamihan sa kanila, Intsik din! Ganun kalaki ang China!!!
Napakalawak pala ng Tiananmen Square. Naalala ko na dito maraming namatay nang tangkaing gayahin ang People Power natin.
Ekta-ektaryang lupa ang sakop ng Forbidden City at pare-pareho ang pagkakayari ng gate at palasyo. Nakakamangha sa una, nakakaumay sa katagalan.
9 pala ang lucky number ng Emperor kaya lahat ng gate, may 9 x 9 na bilog.
Patitikimin ka ng kung anu-ano'ng klase ng tsaa sa Ancient Tea House sabay sapilitan kang pabibilihin ng produkto nila. Di bale sana kung affordable pero RMB 800 ang isang lata o halos P5,000 sa pera natin! Hindi nila ako napilit kse sabi ko wala akong pera pero ang galante kong kapatid, hindi nakatanggi.
Parang extension ng Forbidden City ang Temple of Heaven. Sandamakmak na palasyo at gate na may 9x9 na bilog.
Bring your own bag ang drama ng mamimili sa China. Bitbitin mo ang pinamili mo o bumili ka ng plastic bag sa halagang RMB2 (mga P12 din yun!)
Nakaka-amuse ang free locker sa supermarket. May pipindutin kang button, tapos may bubukas na locker kasabay ng pagluwa ng thermal paper. Yung thermal paper, may barcode na gagamitin mo pag kukunin mo na yung mga gamit mo. Tapat mo yung barcode sa scanner na nasa bandang taas ng locker mo at voila! Bubukas ang locker mo. May ganyan ba sa atin?
Hindi masarap ang KFC sa Beijing. Iba ang menu, iba rin ang timpla. O di ba may milk tea sa drinks nila. Uminit ang ulo ng kapatid ko dito k'se impleng kanin lang ang gusto nya, inabot sila ng siyam-siyam. Ako nga o-order lang ng Coke, di pa naintindihan. Buti na lang, may picture ng Coke sa counter kaya tinuro ko na lang. Ayun, nagkaintindihan kami ng crew.
Kamangha-mangha ang mga bagay na gawa sa jade sa Jade Museum. Ang bangle pala na nasa kaliwang braso ay nakakatulong sa magandang pag-function ng puso. Nakakasakit nga lang ng puso ang presyo! RMB1200. Kayo na lang mag-compute!
Nakakahingal palang rumampa sa Great Wall. Nakadalawang ascend lang kami k'se yung ikatlong stage, sobrang matarik tapos ang layo ng susunod na pahingahan. Wag na. Nagkokodak na lang kami, jumpshot at planking. Yes, nag-planking kami!
Masarap at enjoyable ang buffet lunch sa Golden Palace. Natuwa kami dahil yung katabing table namin, nagtatagalog. Finally, kabayan after 3 days. Di lang namin na-chika kse mukhang hindi sila friendly saka umalis sila kaagad.
Para sa isang kulasisi ng emperor, bongga ang Summer Palace.
Ganda ng Olympic Nest sa personal. Sayang kulang sa oras at budget kaya hanggang tingin at kodak na lang kami.
Natuwa sa amin ang may-ari ng jewelry shop na si Ms. Lin dahil Pinoy kami. Bihira raw kseng may mamasyal na Pinoy sa China (Weh?!) May shop daw sila sa Ongpin, binigyan kami ng jade pendant.
Sa halagang RMB20 na donasyon, may libreng foot massage na kami at lecture sa herb and acupuncture at palmistry sa huling pinuntahan namin. Yung doctor na nag-discuss about palmistry, nakapunta na raw sila sa Pinas, sa PGH. Makikita raw ang sakit ng tao sa simpleng pagtingin sa palad. Eto'ng isang kasama namin (Francis), nagpauto ... este, nagpatingin pero kami ni Girlie, hindi na. Alam na k'se ang mangyayari, libre sa simula pero may iaalok pagkatapos. Eh di totoo nga. May inalok na mga gamot para sa liver pero hindi na kami nagpabola at talaga namang di na mabobola k'se wala ng anda. Matapos ang tsaa, jade, ruby at sapphire, alam na namin.
Medyo malapit sa orig ang menu sa McDo. Gaya ng KFC, may tsaa din.
Cute yung girl sa check-in counter sa Pudong Airport nung pauwi na kami (CebuPac pero taga-China Eastern ang nag-assist) pero masungit. Kung sa CebuPac okay lang na ikarga nang sabay-sabay ang maleta sa timbangan, sa kanya hindi puwede. One by one, ilang beses nyang sinabi.
October 27. Araw ng release ng visa namin ng kapatid ko'ng si Girlie. Mga 6:30 na ako nakarating sa embahada dahil may dinaanan pa ako sa isa naming departamento. Mabuti na lamang at araw rin ng application ng mag-asawang Irish at Yong Revisa, mga taga-APS din, na mas nauna'ng dumating at pinasama na ako sa pila nila. Pa-China rin ang mag-asawa isang linggo matapos namin.
Iba-iba ang style ng mga pumipila sa embassy. May mga pumipila talaga --yung hindi umaalis sa puwesto, tatayo, uupo o sasalampak lang at muling tatayo kapag nainip; merong nag-iiwan ng bag, plastic o grocery bag, o kahit ano'ng pantanda pero pambihira ang marker na sinundan ng backpack ni Yong. Eto ba naman:
Binder clip?!?
Tawanan kami nang tawanan. Makapila lang, kahit kalawanging binder clip ipipila. May natanawan pa nga akong kapirasong papel na may maliliit na bato sa ibabaw. Malas pa, umulan kaya nagsipulasan kami 'ng mga nakapila at sumilong sa may bubong na bahagi ng The World Center. Naiwan sa ulanan ang mga 'pantanda.' Sa awa ng Diyos, mabilis na sumapit ang 8:00 AM at pinapasok na kami.
Ang kapal ng mukha ko, nauna pa ako sa mag-asawa pero sabi ni Irish, okay lang naman daw dahil releasinglang naman ako pero isang maling akala. Araw pala ng releasing kung kaya karamihan ng nakapila eh for release din. Mantakin 'yong pang-20+ ako!!! Pano kung hindi pa ako pinasingit ng mga Revisa?
Dahil nirekisa naming mabuti ni Manager Irish ang requirements n'ya, katulad ko, wala rin syang dialogue sa immigration officer kundi 'Good Morning' at 'Thank You' pero yung kay Yong at sa kasama nila, may hassle -- wala'ng photocopy ng company ID si Yong, wala namang resibo ng Bank Certificate yung kasama nila. Totoo pala na nagkakaproblema kapag may kulang-kulang.
Naibigay naman agad ng dalawa ang kulang kaya iniwan na nila akong nakapila sa Step 3. (Ang Step 1 ay pagbabayad -- tama! magbabayad lang kapag releasing na, P1,400 ang single entry; Step 2 naman ang pagpila ng ayon sa receipt number, Step 3 ang releasing)
'Pag nga naman sinusuwerte, si Binder Guy pala ang nasa unahan ko. Taga-agency ang mokong kaya 3 applications ang ike-claim nya. Ma-chika ang mokong na Robert pala ang pangalan. (ma-chika nga kaya alam ko agad ang pangalan). Nasabi ko sa kanya na tuwang-tuwa kami sa style nya, yung ipinila nya ang binder. Ganun daw talaga ang ginagawa nya sa tagal ba naman n'yang pabalik-balik sa embassy. Hinanap ko ang binder, nasa bag raw nya for future use.
Talagang taong-agency si Robert dahil maboka at mahawak. Sandaling magkausap kami eh natanong na kung saan ako pupunta, kung sino ang kasama ko, saan ako nagtatrabaho at nahawakan agad ang bracelet ko, ang cute daw. Nakakatuwa siyang kausap noong una pero nakakaasiwa noong nagtagal , bigla akong nainip sa bagal ng pag-usad ng pila. Mabuti na lamang at tinawag siya ng isang kasamahan sa agency, pinalitan siya sa pila at siya ang pinapila sa Visa application. Good riddance! Bago umalis, kinuha ang pangalan ko. Dadalaw daw siya sa APS, pakainin ko raw siya. Sa isip-isip ko, ulol ... ngatngatin mo ang binder mo.
Sa wakas, nakuha ko na ang visa. Parang ganito ang hitsura:
Nangangamoy China na. Next task: winter outfit hunting naman. Malamig daw sa China bandang November, mahirap nang doon pa kami abutin ng hypothermia.
Tama si ka-Idol na Roel. Kailangan 6:00 AM pa lang nasa Chinese Embassy ka na dahil pagdating ko ng 6:15, marami na agad nakapila at sa tantiya ko ay pang-20 ako. Mahigit isang oras at kalahati rin ang paghihintay bago kami pinaakyat (8:00 AM pala talaga nagpapapasok, nasa second floor ang embahada sa The World Center building) pero di naman nakakainip dahil bukod sa friendly si Mang Jorge na nasa harapan ko at perky-perky naman si Sister Gene sa likuran ko, high speed pa ang wifi courtesy of Mapua na nasa tapat lang ng embahada.
May kahigpitan ang seguridad bago ka makapasok. May dadaanan kang sensor na katulad ng nasa airport kapag magtse-check-in, rerekisahin ng guwardiya ang bag mo at saka ka pa bibigyan ng numero ng babae'ng nasa katapat na counter.
Bagama't nakapasok na, isang oras pa rin ang paghihintay dahil 9:00 talaga ang simula ng mga transaksiyon. Okay lang naman dahil at least, nakaupo ka at may oras ka'ng rebisahin ang application form. Saktong 9:00 AM, nabuhay ang ilaw ng counters at nagbukas ang mga bintana. Hindi naman pala ako pang-20 katulad ng inakala ko kundi pang-12. Mga alalay lang pala ng ibang applicants yung nabilang ko. Pampararams. Sa Window 2 ako naka-assign pero yung lalake sa Window 1 ang umasikaso sa akin. Kapag pala lumitaw ang numero mo, kung saan ang bakanteng bintana, doon ka.
Kapag pala kumpleto ang requirements, mabilis lang ang proseso at wala kang gaanong dialogue. Isa-isa lang tiningnan ang mga dokumento namin ni Girlie at ang tanging tanong lang eh kung single entry kami. Sinabi ko na ang tour namin eh Shanghai-Beijing. "Ah, single entry," ang sabi sabay pakahig na sumulat sa maliit na papel na pick-up form pala at iniabot sa akin.
Parang hindi pa ako makapaniwalang tapos na. Tanong ko, "okay na ako?"
"Balik na lang po kayo sa 27," sagot ni Window 1 guy.
Anak ng ... halos tatlong oras akong naghintay tapos wala pang 20 minutos ang transaksiyon? Kaloka!
Anyway, ang mahalaga pasok sa banga ang visa namin. Sure na ang rampa namin sa November 5.
Normal nang personalidad sa isang isang jeepney, bus o tricycle terminal ang isang barker na para sa mga hindi nakakaalam ay siyang taga-tawag ng pasahero, taga-announce kung ano ang ruta at kung ilan pa ang kulang. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang magka-barker sa lugar na sadyang sakayan at ang nakakabuwisit, dumarami pa sila.
Para lang kseng mga tanga na ginagawang tanga ang mga pasahero. Isipin nyo ... Loading/unloading nga ... ibig sabihin sakayan kaya hindi na kailangan pang isigaw kung ano ang ruta dahil marunong naman kaming magbasa ng karatula at huwag na sanang mag-effort pang magpakalagot ng ngala-ngala dahil sasakay naman kami'ng talaga. Hindi na rin kailangang ituro kung saan kami uupo. Alam na namin yun!
Yung ibang barker, ang aangas pa na akala mo pag-aari nila ang sakayan at kung makakatok at makasahod ng kamay sa driver para hingin ang “bayad,” akala mo obligasyon ng driver na bayaran sila sa tuwing may sasakay. Bagama't barya-barya lang yun, sa dinami-dami ng babaan, malaki rin ang nawawala sa driver.
Kahit wala'ng barker, makakasakay pa rin kami.
Hindi ko masikmura ang kakapalan ng mukha ng mga barker d'yan sa Kalayaan lalong-lalo na sa C5 papuntang Buting pero pati ba naman ang dating tahimik na tawiran dyan sa tapat ng PhilPlans (Total) eh may barker na rin?
Utang na loob, lubayan na sana ang mga kaaawa-awa'ng driver dahil nagtatrabaho ng marangal ang mga yan, nagbabanat din ng buto at nagpapatulo ng pawis. Alam n'yo yun?
Lamunin sana ng lupang tinatapakan ang di nakakaintindi.
Salamat sa tulong ng NBI Chief ng Mandaluyong, nakuha ko ang clearance sa loob ng isang linggo imbes na 12 working days.
Maraming salamat, Chief Dominador Catbagan pero pangarap ko pa ring umunlad ang sistema at maiwasan na ang "hit" para naman hindi parusa ang pagkuha ng clearance at maginhawa ang buhay nating lahat.
Hindi nakakatuwa yung nagbayad ka na nga eh pinaparusahan ka pa'ng tila kriminal. Over!!!
Dalawang oras lang ang tulog ko gawa ng nakakatuyo ng dugo'ng NBI. Plano ko sana'ng mag-leave o kahit mag-halfday man lang para makabawi ng lakas pero dahil wala nga akong cover saka kawawa naman ang team mates ko, pumasok pa rin ako.
Tila ako manok na tutuka-tuka sa sasakyan. Talagang pagkasakay ng jeep, tulog. Baba. Tulog ulit sa FX ... este van papuntang Ayala. Sarap ng tulog ko ng maramdaman ko'ng parang nabasa ang bandang dibdib ko.
Anak ng ... tumulo na pala ang laway ko sa sobrang sarap ng tulog!.
Buti na lang, madilim sa van kaya walang nakapansin sa nangyari (wala nga ba?) at pasimple kong napunasan ang mamasa-masa ko'ng bibig pati ang napatakang dibdib.
Pagod, puyat, gutom at sama ng loob. Yan ang naranasan ko sa pagkuha ng clearance sa NBI.
Effort na nga sa paghahanap ng satellite office na pupuntahan, pagod at puyat pa sa paghihintay. Balewala na kung pumila ako mula 7am hanggang 2 PM straight from work pero sana naman, nakuha ko ang clearance pero hindi. For the nth time, may “hit” ako at ang pinakamasaklap, makukuha ko pa siya matapos ang 12 working days.
Oo na, common nga ang pangalang Gina Cruz pero imposibleng Lizertiguez din ang middle name ng hinayupak na kriminal na yan? Ano pa ang silbi ng paglagay ng kumpletong pangalan at apelyido, edad, address pati kulay ng balat, pangalan ng asawa, ama at ina sa application form kung sa simpleng kapangalan eh maghihintay ka pa?
Umalma talaga ako sa mama'ng nakatoka sa biometrics. Sinabi kong hindi kakayanin ang 12 working days dahil mag-a-apply na kami ng visa para sa biyahe namin sa China sa October 20. Makiusap daw ako kay hepe. Hindi ko ugali'ng makiusap pero dahil desperado na ako, hinarap ko ang hepe.
Hepe pala yung lalakeng nakita naming nag-aayos ng pila at nagbibigay ng lecture sa paglalagay ng tamang impormasyon sa application form. Maayos namang kausap si hepe na ayaw sabihin ang pangalan, napahinuhod ko na ma-release ang clearance matapos ang isang linggo kaso medyo mapagbiro dahil pagbalik ko raw pakakasalan ko raw siya.
'To namang si hepe, amoy lupa na nga eh nakuha pang magbiro ng ganun.
Siguro gusto lang akong patawanin ng hepe dahil nakita nya ang tindi ng pangangailangan ko base sa mangiyak-ngiyak kong pananalita pero pangarap ko lang talaga, maging maayos na ang pagkuha ng clearance sa NBI. Ma-upgrade sana ang system para hindi yung may kapangalan ka lang eh maaabala ka na.
Sabi ni hepe ngayong bago na ang sistema nila (take note, hindi ka na sa tinta magpi-piano, electronic na ang pagkuha ng fingerprint) pero sana nga totoo ang sinasabi n'ya dahil sa panahong maunlad na ang teknolohiya, hindi na dapat maging kumplikado ang lahat.
Diyos ko, ano bang klaseng bansa itong kinalalagyan ko!
Ewan ko nga ba kung bakit may kinalaman sa FX at "malusog" ang posts ko lately pero heto may bago na namang naganap kanina lang sa Megamall terminal.
This time, sa gitna ng FX ako nakapuwesto at may isang becky'ng biik na nagpumilit pumang-apat. Oo, biik k'se malusog lang naman. Tawagin na lang natin siyang Beckylet, pinaghalong becky at piglet, para masaya.
"Kuya, pausog," sabi sa katabi ko ni Beckylet dahil ayaw talagang sumara ng pinto dahil nakabalagbag ang kalamnan n'ya eh sumagot ang "kuya" na mas bata pa sa piglet. "Wala na eh, todo na."
So umandar na ang FX na tila sardinas kaming apat sa gitna (medyo malusog rin kse ung nasa kaliwa ko. Oo, sila na ang malusog, slim ako!) pero mabuti na lang at may bumaba sa Pineda, pinalipat ng driver sa harapan si Beckylet.
"Talaga, Kuya?" Okay lang? (pa-cute pa si Beckylet) Lumipat sa harapan ang friendly becks, friendly dahil nakipagchika-chika sa driver, tinanong kung Adventure daw ba yung sasakyan, na sana raw marunong siyang mag-drive ... kung ano'ng oras na.
"Oissssh ..." sitsit ni Beckylet pagdating ng Total sa Bagong Ilog. "Dito na lang po, Manong. Salamat po sa pagpapalipat nyo sa akin dito sa harapan. God Bless!"
Okay na sana, nakakatuwa ang eksena k'se sobra'ng appreciative ang bakla kaso pagbaba ng FX ... este Adventure pala, iniwan ba namang bukas ang pinto!
Nyeeh! Malakas kong nabanggit. Napapailing na sinara ng driver ang pinto.
Nakakaloka!!! Ano kaya ang drama ni Beckylet? Di kaya n'ya alam na kailangang isara ang pinto pag bababa ng sasakyan. Ano'ng akala nya sa sinakyan n'ya karetela???
Mag-isa lang ako sa likuran ng FX kaya kampanteng inilapag ko sa bakanteng espasyo sa tabi ko ang in-order kong butter cookies. Bandang Valero, may lalakeng pumara. Majuba, dambuhala, biggest loser material. Dahil nga mega super duper Triple XXXL, inakala ko'ng sa bakanteng upuan sa tapat ko siya uupo pero hindi.! Pumorma ng upo sa tabi ko.
Whew, muntik nang maupuan ang butter cookies ko ng elepante(excuse the word pero ganun talaga siya kalaki)! Buti na lang, mabilis ang kamay ko kaya agad kong nasikwat ang kahabag-habag na cookie bago pa mag-landing ang wetpu ng dambuhala ... este ng mama at gawing polvoron ang biskuwit.
Whew! That was close!
Dapat kse kapag malaki titingnan muna ang uupuan. Eh kung may pusa pala eh di siopao material ang kalalabasan?
Yabang-yabang ko pa’ng binuksan ang payong paglabas ng opisina. Sabi ko sa sarili ko, heavy duty yata ang payong ko kaya kayang-kaya nito ang malakas na hangin pero nawala ang kumpiyansa ko nang nasa center island na ako ng Ayala. Sobrang lakas pala ng hangin! Yung halos liparin na ako … ‘tong lusog kong to!!! Sapilitan kong sinara ang payong ko pero effort at nang finally eh maisara ko na eh bali-bali na ang tadyang ng pinakamamahal kong payong.
Akala ko hindi na ako makakatawid sa sobrang lakas ng hangin pero naglakas-loob akong tumawid dahil sobrang nabubugbog na ako ng malakas na hangin at katawa-tawa ang hitsura kong tila tuko na nakakapit sa stop light. Mukha akong buruka nang makapasok sa RCBC pero medyo na-relieve na rin dahil nakatakas ako sa malakas na hangin pero saglit lang ang relief ko dahil nakita kong sa HV de la Costa entrance/exit ay may bumubugang kulay-abong usok na sinabayan pa ng tunog ng tila papa-take off na eroplano. Take-off??? Natigilan ako sabay namutla. Oh My God,may magka-crash yatang eroplano! Pero marami kaming nakatayo at tila natutulala sa lakas ng hangin pero di naman nagpa-panic ang iba so inisip ko na lang na baka may ibang pinanggagalingan ang usok.
Ilang beses akong nag-attempt lumabas ng RCBC pero pakiramdam ko liliparin lang ako. Mga 15 minutes pa siguro bago ako nagkalakas ng loob na lumabas dahil tila humina ang hangin. Nagmamadali akong sumakay ng FX paputang Bagong Ilog saka ko napansin na dito lang sa bahagi'ng ito ng Makati malakas ang hangin. Along Buendia eh normal lang.
Walang kaabog-abog, nag-intro ang "Il Signore" kaya biglang upo ang ibang Metz, naiwang nakatayo ang trio.
Kanta siConradng first part habang nagki-keyboard, bongga taga-hawak ng mike siChua Ken Tekaka Jayem; kanta naman ako ng second part, pasok siEmil. Bandang gitna, nawalan ng audio ang keyboard pero kanta pa rin ... sige kanta ... puro boses lang namin ang umalingawngaw sa apat na sulok ng chapel. 3/4 ng kanta, naisaksak na ang nahugot na kable kaya biglang nagka-accompaniment pero parang walang nangyari ... kanta lang ... kanta ... huh? si Jayem ... pinagpatuloy na ang part ni Mr. C ... naglalakad na kumanta pabalik sa puwesto namin ni Emil. "Il Signore" the concert version. 'Yan ang Metanoia Choir, mga trooper talaga. Love it!!!
Para sa hindi nakakaalam, eto yung original ng kantang "pinaglaruan" namin. Sorry po, di namin sinasadya. Kasalanan ng parukyano ... hehehe ...
Nadagdagan man ang edad, bilbil, waistline at karanasan, isa lang ang hindi nabago. Kami pa rin ang makukulit na Journ '88.
L-R: Lea, Verni, Che, Joanne, Me and Riza
Nakakalungkot malaman na nanatili palang in-touch ang lahat ng ka-batch ko (7 lang kami sa klase, honorary Journ si Lea)to the point na inaanak nila ang kanilang mga anak-anak samantalang ako ay tila bulang nawala sa sirkulasyon. Sadya bang naging abala ako sa landas kong tinahak kung kaya't nakalimutan ko na ang nakaraan? Anuman ang dahilan, masaya ako at muli nila akong natagpuan ... salamat sa FB at kay Katarina Sy, ang sex symbol ng grupo.
Sige, Katarina. Kain lang!
Ngayong muli kaming nagkita-kita, sisiguraduhin kong hindi na muling malagot ang lubid ng komunikasyon. Ngayon ko naramdaman na masarap palang makipag-usap sa mga kauri, yung katulad mo ang lengguwahe.
The pozzocola sisters with Inang
Lea, salamat sa iyo pati na rin kay Inang para sa pag-sponsor sa reunion. Dahil matagal akong nawala, ako naman ang susunod na host.
May banta man ng bagyong Mina at muling pagpa-palpitate ng Mommy ko dalawang araw bago bumiyahe, natuloy pa rin kami sa Legazpi. 'Yun nga lang, talaga'ng di na nakasama ang Mommy sa takot na muling sumpungin pero di naman nasayang ang ticket dahil nag-proxy ang kapatid kong si Janet.
Salamat sa Diyos, kahit nakatambay si Mina sa Pinas, naging smooth naman ang flight namin at naging memorable ang birthday celebration ni Girlie bagama't naging maulap at maulan ang ilan naming paglilibot at mailap ang dinalaw naming Bulkang Mayon.
Mga 40 minutes lang ang biyahe mula Manila hanggang Legazpi at vice versa.
Kailangang tumawid ang eroplano sa body of water bago mag-landing sa Legazpi. Natakot ako na baka malaglag kami sa tubig pero hindi naman.
'Pag pala di gumagana ang conveyor, agawan mode ang drama sa pagkuha ng mga bagahe. Brownout daw k'se. Buti walang nawalan despite the chaos.
Ranked #3 daw ang Alicia Hotel na tinigilan namin pero pamatay ang charges. Akala namin provincial rate dito pero saan ka nakakita ng P50 pero scoop ang rice?
Hotel ang tinigilan namin (Room #27) pero mala-Bora ang dating ng bahay ... duplex style so paglabas ng door, lupa at fresh air agad.
Lasang luma ang tocino sa unang almusal namin sa Alicia Hotel pero bumawi naman noong pangalawa dahil masarap ang longsilog, hiniwa pa nila at complete with presentation ang baon naming pinya.
In fairness, masarap matulog sa Alicia Hotel lalo na kung straight from shift ka at wala pang tulog. Deadma sa maiingay mong kasama.
Tagalog din naman ang usapan ng karamihan ng mga native kaya walang language barrier na naganap.
Parang MOA ang Embarcadero de Legazpi kse open air. May zipline pa na na-feature sa Sports Unlimited nila Dyan Castillejo at Marc Nelson.
Tanaw rin daw ang Mayon sa Embarcadero pero dahil maulap, puro ulap ang nakita namin.
Maraming branch ng Biggs sa Legazpi. Dalhin yan dito sa Makati!
Libre ang e-jeep mula Embarcadero hanggang monumento ni Bonifacio. Bongga! Ba't wala nito sa Megamall???
Ang Gaisano at Pacific Mall ay iisa. Naku ha! Mas mura pa ang souvenirs dito kaysa bus terminal o dun sa Cagsawa. Pambihira!
Kung na-disappoint kami sa pagkain sa Alicia Hotel, bongga naman ang Mr. Crab. Dito kami nag-dinner pagkapahinga mula sa pagrampa sa bayan. Maganda ang ambiance, masarap ang food at affordable pa!
Super nakaka-disappoint ang city tour package ng Alicia Hotel. P5,000 na nga ang singil, car rental lang pala ang covered, hindi kasama ang tour guide, walang libreng lunch katulad ng packages namin sa Kota Kinabalu at Palawan, pakain pa yung driver.
Hindi alam ni Manong Driver kung ano ang height ng Mayon above sea level. Di bale, magaling naman siyang mag-drive at mag-take ng pictures.
Walang nakakalusot na sasakyan papuntang Cagsawa dahil nasira ang tulay kaya nilalakad na lang tapos dumadaan sa tulay na kahoy. P10 ang entrance fee sa Cagsawa Ruins.
Una mong mapapansin sa entrance ng Hoyop-hoyopan cave ang simoy ng hangin kung saan nakuha ang pangalan ng kuweba ... hoyop daw ibig sabihin ihip ... ihip ng hangin. Langya, katunog ng hayop.
Mickey Mouse ang tawag ko sa Hoyop-Hoyopan Cave dahil kumpara sa Sumaguing Cave ng Sagada o subterranean cave sa Palawan, napakadali'ng mag-trek dito. Bukod sa may mga ilaw sa loob, may sementadong hagdan, tulay at daanan, may dance floor pa! Hindi ako natuwa dahil pakiramdam ko, na-violate ang kuweba. What the heck! Hindi naman ako ang may-ari pero sayang talaga. Ni walang gaanong amoy ng pupu at wiwi ng bats. Commercialized na ang kuweba. Sad!
Isa sa mga sikat na rock formations sa Hoyop-Hoyopan ang kamay ni Tatang. Milagroso raw ang tubig na pumapatak mula sa tila nagpapamanong kamay. Taon-taon raw, ayon sa guide, maraming pumupuntang deboto tuwing Mahal na Araw at kinokolekta ang tubig mula rito na pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng kung anu-ano'ng karamdaman. Kumuha ng konti si Girlie, pinasalubong sa Mommy panghaplos sa dibdib para di na mag-palpitate.
Everything P50 sa Lets Special Pinangat. Lahat ng order naming ulam na nakalagay lang sa kakapiranggot na platito, P50. Di naman kasarapan! Nag-LBM tuloy ako!!!
Meron palang dinuguang gabi at winner talaga ang laing at Bicol express.
Ang hirap mag-city tour kapag kukulo-kulo ang tiyan mo at gustong-gusto mong magpasabog ng hangin pero hindi mo magawa sa takot na mahilo ang mga kasama mo sa van.
Ang Mayon Skyline na ang next to climbing the volcano herself kaso nga dahil kay Mina, ulan at fog ang sumalubong sa amin. Muntik pa kaming ma-hypothermia sa lamig!
Sa Lignon Hill View tumatambay ang mga turista tuwing nag-aalburoto si Magayon dahil kitang-ita ang kanyang kamahalan. Tanaw rin ang buong siyudad ng Legazpi dito.
Totoo palang may dalaw ka sa Albay na hindi talaga magpapakita ang Mayon. Nangyari sa amin. Mabuti na rin at kahit pala legs ay nakita namin.
Nakaka-LBM pala ang puro gata at sili ang ulam. Saklap, mahapdi sa "lagusan" na tila sinisilihan. Hay!!! Hindi pa tumalab yung Diatabs na binili ko pa sa Gaisano Mall kaya magdamag akong labas-pasok sa CR!
First time kong nakatikim ng tinapa rice sa First Colonial Grill. Masarap pala.
Talagang palang flights are subject to change dahil dinugasan kami ng Air Philippines. 2:25 ang original na alis namin sa Legazpi pero ginawang 10:00 AM. Bitin tuloy ang tulog ko!
Bihira k'se akong sumakay ng bus kaya naman naaliw ako sa ticket na binigay ng kunduktor. Naka-thermal paper! Ibig sabihin ba nito, malapit nang ma-obsolete yung goma sa hinlalaki at hintuturo ng kunduktor para di na maubos ang laway sa pamimigay ng ticket.
Passport application at renewal lang pala ang okay sa bagong DFA pero pagdating sa releasing,same ‘ole government office pa rin.
Gate 3 ang entrance for releasing. Inaasahan kong may kukunin kang number na naka-thermal paper, katulad ng sa Processing pero sinabi ng guard na ilagay na lang sa “box” yung resibo ko. Naghahanap ako ng high tech na box, maliit na kahong kahoy lang pala ang tinutukoy nya. Yung parang lalagyan ng classcards.
So ganun pala. Pagdating mo, ilagay mo ang resibo sa kahon, face down kse kapag kinuha ng magpa-process, yung nasa ilalim ng kahon ang una eh pano kung may mandaya at ilagay sa pinakailalim ang resibo nila? Eh di nauna pa sila?
Hay naku!
Okay, 8:00 AM, nagbukas ang “telon” ng mga bintana. In fairness, sosyal na ang kurtina di tulad sa lumang DFA na karton ng gatas ang pangtabing ng bintana. Ayun, doon nasagot ang tanong ko kung ano ang ginagawa ng karaoke system sa Releasing. Yun pala ang sound system. PA System pala yuuuun!!! Eh di tinawag, by 10’s yata. Nampucha, gaano ba kahirap sabihin ang tamang window number??? Dalawang beses nangyari na yung mga tinawag at pinapapunta sa designated window eh pinapalipat sa ibang window. Mga 30 katao’ng nagpapanabog dahil sa mali’ng pag-anunsiyo ng window number na pupuntahan.
Hay naku!
8:45 ng umaga, nasa kamay ko na ang bago ko’ng passport. Sibat ako agad dahil may pasok pa ako pero ang saklap, dahil malakas ang ulan, walang masakyang taxi kaya nag-bus na lang ako pero madugo! Siksikang parang sardinas at sa pagmamadali kong makasakay, di ko napansin na dadaan pa ng Ayala ang bus. Kalbaryong sobra-sora, nakatayo ako mula Baclaran hanggang Ayala ... traffic pa!!!
Hay naku!
Lesson learned, laging magdala ng ATM para kung maiwan man ang pera, may iba pang mapaghuhugutan. Kung pina-courier ko ang passport ko, hindi ko sana napagdaanan ang kung anu-anong kalbaryo. Sa halagang P120 mahigit, hindi na sana ako nagpalipad ng kutakutakot na PI at hay naku!
Maganda sanang proyekto ng aming barangay na talagang todo ang suporta ko dahil isa ako sa muntik ng maasikdente pero gaya ng mga naunang proyekto, mukhang di siya magiging matagumpay dahil sa mga pasaway.
Nag-init ang ulo ko nang pag-uwi ko ngayong umaga ay may nakasalubong akong naka-motorsiklo sa eskinita at ang hagdan na sadyang ginawa para hindi na sila makadaan, may rampa pa!
Sa inis ko, nag-post ako sa Facebook:
Akalain n'yong sandali ko pa lang naipo-post ay may tawag agad mula sa barangay. Tinag ko k'se yung kapit-bahay naming barangay official. Pinapatanong kung kakilala ko yung naka-motor. Sabi ko hindi dahil nakasalubong ko lang at hindi ko naman nakuha ang plate number dahil galing ako ng palengke, ang dami kong dala-dala.
Bagama't nakakainis ay nakakatuwa na rin dahil nalaman kong hindi natutulog sa pansitan ang barangay namin. Ang laki pala ng takot nila kapag na-post sa FB k'se marami nga naman ang makakabasa at kasiraan nila ang hindi pagpapatupad ng mga ordinansa.
Opening scene ng Harry Potter 7 ... "Ano nga ang tawag sa mga yan," tanong ng ka-KOC kong si Jomarie, tinutukoy yung mga naglisaw na tila itim na basahan sa Hogwarts.
Di ko kaagad naalala kaya ang sabi ko, "Volturi yan." Oo na, Dementors!
Sobrang nag-enjoy ako sa ikalawang bahagi ng Deathly Hallows dahil mas punong-puno ng aksiyon at mas kapana-panabik ang mga eksena (in 3D pa) kaya naman hindi ko tinulugan kahit wala pa akong tulog (nagkaroon ako ng sleeping disorder the night before dahil sa pag-inom ng kape)
Bagama't alam naman ng karamihan kung ano ang magiging ending dahil nabasa na, nakakalungkot pa rin. Nakakalungkot dahil ang kasaysayan na halos pitong taon ding sinubaybayan ay natapos na.
Hindi bale. Kapag na-miss ko si Harry at ang tropang Hogwarts, babalikan ko na lang ang mga libro. Habang may libro, may Harry Potter.
Ugali ko ng mag-nap makapananghalian ng Lunes para may baong “tulog” sa panggabi kong pasok. Ilang sandali pa lang akong nakakahiga nang naramdaman kong biglang pumintig ng mabilis at malakas ang puso ko na sinundan ng pamimigat ng dibdib.
Minsan na akong nakaramdam ng ganito noong nag-palpitate ako matapos kong aksidenteng nakainom ng gamot sa sipon na may sangkap palang ventolin. Pinilit kong mag-relax at balewalain ang kakaibang nararamdaman pero hindi mawala. Bumangon ako at nag-BP sa digitalsphygmomanometer (meron kami nito dahil mino-monitor namin ang BP ng Mommy ko).
130/80.
Kaya pala iba ang pakiramdam ko kse ang usual BP ko ay 110/70. Uminom ako ng tubig at muling bumalik sa kuwarto, pinilit mag-relax pero ayaw talaga. Makalipas ang 15 minuto, muli akong nag-BP.
145/90.
Nyay! Tumataas. Inulit ko … 140/90. Mataas pa rin. Muli akong bumalik sa kuwarto pero di talaga maalis-alis ang nararamdamang discomfort. Makalipas ang 15 minuto, nag-BP na naman ako.
150/100!
Pagkakita sa rehistro, bigla nanlamig at nanginig ang kamay ko. Nagmadali akong nagbihis (nakapantulog ako kapag nagna-nap) at hindi na nag-abala pang maglagay ng contact lens (tanggal din ang contact lens ko pag nagna-nap). Hinanap ko ang “expert” (my Mom) upang sabihin ang nararamdaman. Inabutan kong nagsi-siesta sa terrace. Uminom daw ako ng catapres pero nagkuli. Magpa-check up na lang daw ako sa doctor, malapit lang naman.
Ayun, mukha akong pindangga, suot-suot ang tila-goggles kong salamin, na sumagsag ako kay Dr. Lander na walking distance lang naman ang klinika sa amin. Nakakaloka, 130/90 ang reading ng old school nyang sphygmo (yung de-mercury) at sabi pa ng doctor, malamang kaya lang tumaas ang dugo ko dahil sa kaba. Niresetehan ako ng pampakalma … iterax. Mahina lang daw para makatulog ako dahil hindi nga ako gaanong nakatulog noong weekend. Eh lagi namang 2 hours max ang tulog ko pag weekend!
Anyway, hindi Iterax ang pinalaklak ng Mommy ko sa akin. Valium, isa sa mga “collection” nyang droga. Effective, nakalma nga ako. Sobrang kalma, hindi na ako nakapasok. Don’t get me wrong, wala akong plano'ng um-absent pero may ibang plano ang tranquilizer.